TFE 18: "It Wasn't Me!"
"Lola, alis na ho muna ako. Pupunta lang ako sa tindahan."
"Sige apo. Wag mong kakalimutang bilhan ako ng maiinom ha?"
Richard took a deep breath and shooks his head.
"Sige po, la. Basta kahit ano wag lang po softdrinks ah?"
The young boy said before finally leaving the house.
Nag-suot ito ng isang itim na hood, at nag-dala na'rin ng payong, just in case. Baka kasi umulan ulit.
Sumakay ito sa kanyang lumang besekleta at tahimik na tinahak ang madilim na kalsada ng kanilang kalye.
It's already been 3 days, matapos na mag-tungo sa bahay nina Fatima ang lahat ng kanyang mga kaklase.
He was offered to come along, but he declined.
Siya nalamang din kasi ang tanging nag-aalaga sa kanyang lola. Plus, she's blind. Talagang siya nalang ang inaasahan nito. If he leaves her alone, sino ang mag-aalaga sa kanya.
At bukod pa 'rito'y, hindi na'rin siya nagtitiwala pa sa lahat ng kanyang mga kaklase.
Matapos ang nangyaring mga patayan, nawalan na siya ng ganang maki-halubilo pa sa kanila.
At hindi siya nagkamaling hindi sumama sa mga kaklase papuntang bahay nina Fatima, dahil kamakailan lamang din ay napag-alaman ng binatang may nangyari nanamang hindi maganda mula roon.
And seven of his friends died during that night in the process. Plus fifteen other random people.
At sa ngayon, nasa proteksyon na 'raw ng mga ka-pulisan ang lahat ng kanyang mga kaklase.
And because if this, he knows that it's only a matter of time bago siya naman ang sunduin ng mga pulis. Lalo na't since kasapi pa'rin siya sa mga estudyante ng section Gold...
He knows that he might become a suspect, since hindi siya sumama sa bahay nina Fatima.
But he has tons of alibis naman.
What could possibly go wrong?
+++
"May DVD copy na ba kayo no'ng mga bagong palabas ngayon? Kagaya no'ng 'Justice League vs. The Avengers' at 'Titanic 3?" Tanong ni Richard doon sa lalakeng nasa may cashier.
Kakatapos niya palang mamili ng mga kung ano-ano sa isang grocery store.
Ngunit bago tuluyang umuwi ay dumaan muna siya sa isang VHS store.
"Meron pa kami no'ng Titanic 2 at 3. Pero wala nang Justice League vs. The Avengers. Nag-sold out eh. Andami agad no'ng mga bumuli. Iyong iba, dumayo pa talaga maka-grab lang ng copies," wika no'ng lalake.
"Ah sige dude ayos lang. Titanic 3 nalang ang kunin ko," ani Richard.
"Di mo kukunin yo'ng part two?" The guy asks.
Richard shook his head in response.
"Tapos na 'kong manood no'n," aniya.
"Ahh okay," says the guy.
"Kristine! Pa-assist nga ako dito!" Aniya pa, at may tinawag na isang babaeng doon din nag-tatrabaho.
Dahil dito'y agad namang lumapit sa kanila iyong tinawag noong lalake.
And with Richard's surprise... It was one of his classmates. Kristine Delfin.
Hindi niya inaakalang dito 'rin pala nag-tatrabaho iyong dalaga.
Plus, he thought she was with the others.
The guy then left them, dahil may gagawin pa daw ito...
"Chard? A--Anong... Ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Kristine sa binata.
"Bumibili ng mga VHS copies, ano pa nga ba?" Seryosong sagot nito.
"No, I mean... ang akala ko, nasa under protection ka'rin kagaya no'ng iba," aniyang muli.
"Hindi ako sumama sa pag-punta sa bahay nina Fatima. At siguro yan din ang rason kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon," seryosong wika muli ni Richard.
"Anyway, pwede ko na bang makuha yo'ng binibili kong VHS? Nabayaran ko na 'rin pala siya."
"Ah! S--Sige, heto pala," agad na may ibinigay na maliit na box ang dalaga sa kanyang kaklase.
May sasabihin pa sana si Kristine, ngunit hindi niya na iyon naituloy dahil matapos iyo'y kaagad na'ring naglakad palabas si Richard.
Dahil dito'y napa-buntong hininga nalamang ang dalaga, sabay na umiling-iling.
Babalik na sana si Kristine sa kanyang trabaho, ngunit bahagya siyang napa-hinto nang may mapansing isang dvd copy mula sa kanyang may paanan.
Nag-tataka niya iyong pinulot at tiningnan ang cover nito.
It was Titanic 3.
At doon lamang napag-tanto ng dalagang ibang dvd copy pala ang nai-bigay niya kay Richard.
Dahil dito'y agad na nag-tungo palabas ng DVD store si Kristine upang sana'y tawagin ang kaklase, but he was already nowhere to be found.
Nakaalis na ito...
+++
Mahahalata naman sa binata na wala siyang panahon upang makipag-kwentuhan sa kaklase.
And they're not even close, so for him, it doesn't really matter...
Talagang ikina-taka lamang ng binata nang malaman niyang dalawa pala sila ni Kristine na kasalukuyang hindi pa sinusundo ng mga pulis.
And surprisingly, pareho 'rin silang hindi pa pinupuntirya noong killer.
If that ever happens tho, he's ready to fight. Ewan niya lang talaga kay Kristine...
And it has been a week.
Pero naisip niya nalamang na marahil ay abala pa ang mga pulis sa iba pa nilang mga kaklase.
But still...
He can feel that something's kinda off...
Like, they're waiting for something to happen again...
"Tsk. Tangina," tanging nai-sambit nalamang ng binata, habang tahimik na dinaraanan ng kanyang bike ang madilim na bahagi ng kanilang kalsada.
It was dark and quiet.
And it wasn't always like that...
No'ng hindi pa nangyayari ang mga kamalasan sa kanilang paaralan, marami pa siyang nakikitang mga tao mula dito sa lugar nila.
Mga taong napupuno ng mga kasiyahan.
But that suddenly changed when things in their lives became very bumpy.
Ngayon, nag-mimistula na itong ghost town...
Na wari bang, naapektuhan din ang bawat lugar na kumukunekta sa lahat ng mga estudyante, sa kung ano mang nangyayari sa kani-kanilang mga buhay.
Itong bagay na ito ang matagal nang napapansin ni Richard.
Ngunit isinasawalang bahala niya nalamang ito, dahil ano pa nga ba ang magagawa ng isang hamak na siga lamang naman na katulad niya?
+
Mabagal at bahagyang matamlay lamang ang pag-pedal niya sa kanyang bisikleta.
All he could ever think of right now was home.
At medyo malapit-lapit na'rin siya sa kanyang sariling bahay.
Isang liko nalamang at sa wakas ay makaka-uwi na'rin siya.
Ngunit nang sana'y liliko na papuntang kabilang kalye ang binata, nagulantang siya nang unang sumalubong sa kanya ay isang taong naka-suot ng maskara.
May hawak-hawak pa itong baseball bat...
Iiwasan niya sana ito, ngunit bago pa man maka-liko ang binata'y walang ano-anong bigla nalamang siyang hinampas nito mula sa mukha, dahilan upang mahulog siya mula sa kanyang sinasakyang bisikleta at agad na mawalan ng malay...
+++
Twenty minutes later
Richard felt that his head was like, both spinning and hurting at the same time...
Unti-unti na'rin siyang nagkaka-malay dahil dito.
He first tried to open his eyes, and fixed his gaze, but all he could see were blurry images.
And his nose was bleeding.
Ngunit gayo'n pa ma'y doon niya lamang napansin na madilim na pala.
At nasa parehong lugar pa'rin siya kung saan siya nawalan ng malay.
"A--Anong... nangyari...?" Mahinang tanong ng binata sa sarili, at pagkatapos ay sinubukang ilibot ang kanyang mga paningin sa buong sulok.
His sight were still blurry, siguro'y dahilan sa biglaang pagkaka-palo sa kanyang ulo.
Naalala niya ang biglaang nangyari kanina...
Someone had hit him on the face with a baseball bat...
"F--Fuck~" mahinang nai-bulalas ng binata sa kanyang sarili, nang muling maalala iyong killer na isa-isang pumapatay sa kanya.
He thought that maybe, he's the next target.
Kaya nama'y dahil dito ay dahan-dahang napa-tayo ang binata, even though hanggang ngayo'y nakakaramdam pa'rin siya ng sakit mula sa kanyang ulo.
"Tangina ka! Lumabas ka!" Sigaw ni Richard habang inililibot muli ang kanyang malabong paningin.
"Wag kang duwag! Subukan mo 'kong patayin kung kaya mo!" Muling bulyaw ng binata.
Mayamaya'y may narinig siyang biglang nabasag mula sa kanyang likuran.
Kaya nama'y dahil dito'y kaagad siyang napalingon mula 'roon, sabay na itinutok dito ang kanyang hawak-hawak na kutsilyo.
Even though his sight were still blurry, kahit papaano'y nakaka-kita pa'rin naman ang kanyang mga mata.
At mula sa kanyang harapan ay may naaaninag siyang tatlong taong nakatayo.
"Subukan niyong lumapit! Papatayin ko kayong mga potangina kayo!" Bulyaw muli ni Richard.
But what happened next surprised him...
Isang babae ang bigla nalamang sumigaw at pagkatapos ay napatakbo nang dahil sa takot
And that girl was one of the three people in front of him.
Matapos iyo'y unti-unti nang lumilinaw ang mga paningin ng binata.
After that, he saw the other two people's faces...
Agad niyang nakilala kung sino-sino ang mga ito.
And those were his brothers.
Muling naalala ng binata na uuwi nga pala galing sa ibang bansa ang dalawa niyang mga kapatid, kasama ang girlfriend ng isa sa mga ito...
Ngunit hindi inaasahan no'ng dalawa ang unang bubungad sa kanila...
"Ri--Richard? W--What have you done?" May halo pa'ring gulat at takot na tanong no'ng isang binata sa kanyang kapatid.
A few seconds later, Richard felt something was off...
What's happening?
Why is he covered in blood?
And why is he holding a knife?
Iyan ang mga katanungang unang lumutang sa isipan ng binata.
The blood were clearly not his.
Dahil dito'y dahan-dahang niyang sinusubukan ang muling lumingon mula sa kanyang likuran, kung saan gimbal na nakatingin din ang kanyang mga kapatid.
At matapos iyo'y gayo'n nalamang ang kanyang biglaang pagka-gulat nang may makita siyang isang patay na katawan ng isang taong naka-handusay mula 'roon.
Halos naliligo na ito mula sa sariling dugo dahil sa halos napakaraming saksak na natamo nito.
And it wasn't just some random person.
It was Kristine...
One of his classmates.
Dead.
"Ch--Chard... Ikaw ba ang may gawa nito?" Muling tanong sa kanya ng isa sa mga kapatid.
Ngunit dahil sa kanyang nakita'y, bigla nalamang napa-luhod ang binata...
"I--It wasn't me..."
+++
"It's been almost a week na. Hanggang kailan pa ba nila tayo ikukulong dito?" Bahagyang pag-rereklamo ng dalagang si Nicole.
Kasalukuyan sila ngayong nasa isang kwarto, at nagpaka-witness protection program.
Kasama ng dalaga ang tatlo niya pang mga kaklaseng sina Theresa, Sheena at Rejielyn.
They were all assigned to be grouped together in each rooms, at kada kwarto'y tig-apat ang umu-ukopa.
At gayo'n ngang mag-iisang week na simula no'ng mangyari ang insidente sa bahay nina Fatima'y, hanggang ngayon ay nandito pa'rin sila.
Still no further news about the murders...
"Chillax lang Nics," wika ni Sheena.
"So far, mas okay pa nga ang kalagayan na'tin dito eh. We've never been safe before kahit sa'n man tayo mag-punta dati. Ngayon lang toh nangyari sa'tin for a very long time," aniya pa.
"I know," sagot ni Nicole.
"Pero, nagtataka lang talaga ako na, hanggang ngayon wala pa'ring lead ang mga kapulisan. Mag-dadalawang buwan na simula no'ng mangyari itong mga patayan na toh. We've lost tons of our precious friends, at hanggang ngayon waley pa ba?"
"May alam ka na ba kung sino ang gumagawa nito, Nicole?" Seryosong tanong sa kanya ni Theresa, dahilan upang takang mapa-kunot noo naman sa kanya si Nicole.
"What do you mean? Of course not," sagot nito.
"Gano'n naman pala eh. If wala kang alam, then gano'n din ang mga pulis. Atleast they're still trying their best. Kaya kung ako sa'yo, Nics. Wag ka nalang mag-reklamo," wika nito.
"Tesay, hindi naman sa nag-rereklamo ako," aniya. "I--I mean... Slight lang naman. Pe--Pero, all I'm pointing out here are mere-facts!"
"Believe me Nics, even us... we've tried. Talagang kung sino man yang Bladespawn na yan, isa siyang napakagaling na hinayupak kaya hanggang ngayon ay wala pa'ring lead ang mga kapulisan patungkol sa kanya. Ni mga suspects wala pa'rin eh," muling wika ni Theresa.
Nicole rolled her eyes in annoyance.
"Tss! Whatever! I still think those police aren't doing their very best to catch this demon. Na para bang... Sinasadya pa nilang patagalin itong kaso na'tin"
Sa puntong iyon ay hindi nalamang pinansin ni Theresa si Nicole at umiling-iling nalamang.
Napalingon siya sa hanggang ngayo'y hindi pa'rin umiimik na si Rejielyn.
Naka-higa lamang ito sa kanyang sariling kama at naka-talikod mula sa kanila.
She was awake, but she doesn't want to speak with the others.
Hanggang ngayon din kasi ay sinisisi pa'rin nito ang kanyang sarili sa nangyari sa iba nilang mga kaklase.
Lalong-lalo na kay Fatima.
Sinisisi niya ang sariling siya raw ang pumatay dito.
Sa puntong iyon ay lalapit na sana si Theresa sa kaibigan upang sana'y kausapin ito, at pagsabihang magiging ayos lang ang lahat at wala siyang kasalanan sa mga nangyari.
Ngunit hindi pa man nakakalapit kay Rejielyn ang dalaga'y, pare-pareho silang napa-tingin sa bigla nalamang nag-bukas na pintuan ng kanilang kwarto nang may pumasok mula rito.
It was Heide, at mahahalata sa mukha nito ang isang nakaka-gulat na balitang kanyang dala-dala.
"Oh, ate Heids anong--"
"They've found him!"
Agad na pagpuputol ni Heide kay Sheena.
Dahil dito'y may halong pag-tatakang nagka-tinginan nalamang sa isa't-isa sina Nicole, Sheena at Theresa.
"Uh... They've found... Who, exactly?" Takang tanong ni Sheena.
"Bladespawn," agarang sagot nu Heide.
"At hindi kayo maniniwala kung sino ito..."
T o B e C o n t i n u e d . . . . . .
PLAYERS LIST:
-- s t u d e n t s --
1. Alexandra Sabusap
2. Angel Corritana
3. Angelou Postrero
4.
5. Daniel Daa
6.
7. Erron Mejico
8.
9. Florelyn Manadong
10. Heide Morillo
11. Ian Keech Fabi
12.
13. Janmil Daga
14.
15. Johnrey Daga
16.
17.
18. Joseph Dacatimbang
19. Joyce Anne Montaño
20. Justin Hijada
21.
22. Kristine Delfin [newly DECEASED]
23. Lalaine Navarrosa
24. Mark Noya
25. Mj Rabandaban
26. Mell Labita
27.
28.
29. Nicole Lepasana
30. Raynold Corritana
31.
32. Rejielyn Villablanca
33.
34.
35. Reymart Barca
36. Richard Piñeda
37. Rosario Fusio
38. Rosemarie Norriga
39. Sheena Morano
40. Theresa Maula
41.
42. Zyhra Badion
-- t e a c h e r s --
43. Zaira Escobedo
• Alive: 28
• Deceased: 15
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top