TFE 14: Dark Waters

2 years ago...

"Juvy, gusto mo bang sumabay nalang muna sa'min ni Theresa pauwi?" Tanong ng dalagang si Sheena sa kaklase nitong si Juvy Ann, habang sila'y kasalukuyang nasa may bandang waiting area ng campus.

The rain was pouring hard.
Mag-aalas otso na, at sa puntong iyon ay pauwi na'rin sina Theresa at Sheena nang makita nila si Juvy na nag-hihintay pa sa kanyang sundo.

Although Juvy wanted to go with them, umiling nalang ang dalaga bilang sagot.
"Sige ma-una nalang kayo guys. Hintayin ko pa si kuya," aniya sa mga kaibigan, na siya namang ikina-tango nalamang no'ng dalawa.

"Sige. Ingat ka pauwi ah?" Naka-ngiting sabi ni Theresa sa kaklase, na binigyan naman ni Juvy ng isa 'ring ganting pag-ngiti, and then the two other girls left.

Juvy then waited for a few more minutes.
And the rain kept on pouring down.

At makalipas lamang ang ilang minuto ay automatikong napa-ngiti nalamang ang dalaga nang makita niyang dumating na rin ang kanyang sundo.

It was her older brother Jackson.

"Grabe kuya ah? Napaka-tagal mo!" Napapa-irap na wika nalamang ni Juvy kay Jackson, na halatang kanina pa nababagot sa kahihintay sa kanya.

"Pasensya ka na bunsoy! Namili pa kasi ako ng mga pang-surprise bukas kay Melissa eh! Ikaw naman kasi! Parati mo nalang kinakalimutang mag-dala ng payong!" Sagot ni Jackson dito.

Juvy then gasped nang bigla itong may mapag-tanto sa sarili.
"Ay hala! Birthday nga pala ni ate Melissa bukas noh?"

Melissa LeRouy, Jackson's girlfriend, and soon to be fiancee.
"Yep!" Ani Jackson, "Teka... Wag mong sabihing hindi ka naka-bili ng ireregalo mo para sa kanya? Mag-tatampo yo'n!"

Napa-ngiti naman si Juvy dahil sa sinabi ng kanyang kuya.
"Duh! Ako pa ba? Last month ko pa inihanda yo'n noh!" Aniya. "A--Although... I think naiwan ko yata doon sa locker ko. It's inside of a small box. A perfect gift for our ate Melissa!"

Bahagyang napa-kunot noo naman si Jackson dahil dito.
"Nasa loob ng isang small box? What do you mean?" He asked.

Juvy giggles.
"It's a surprise!" She says. "But if gusto mo na talagang makita, I'll go get it! Hintayin mo na muna ako dito kuya ah?" Ani Juvy Ann, but her kuya insisted.

"Wag na little sis! Baka matagalan ka pa. Kung gusto mo ako nalang. Just give me your locker keys," says Jackson.

Napa-taas-baba nalamang naman si Juvy dito.
"Okay! Halata namang hindi ka excited na makita kung ano ang ibinili kong pang-regalo para kay ate Melissa noh?" She says, smiling. At pagkatapos ay ibinigay na kay Jackson ang kanyang locker keys.

"Sa tingin ko, may ideya na ako kung anong klaseng gift yang binili mo. But just to make sure, I'll thank you later," huling iniwika ni Jackson sa kapatid at nag-tungo na papasok sa loob ng campus nina Juvy Ann.

The other teachers, staffs and students would probably won't mind, since sa paaralang ito rin naman nag-aral ang binata.

He was an honor student, and was as popular as every jock and geniuses in the campus during the days.

A thing that Juvy herself envy too much.

Their parents even often compares the both of them with each other.

Pakiramdam pa ni Juvy, mas mahal ng mga ito ang kanyang kuya kaysa sa kanya.

Ngunit para sa kanya, ayos lang iyon.
She understands that she's not like her brother. And that she's never gonna be like her brother.

But atleast they both love each other.

Para sa kanya, okay lang kahit mas priority ng kanilang mga magulang ang kanyang kuya, at kung mas marami itong mga kaibigan kaysa sa kanya.

Basta ang importante, nandyan lamang ang kanyang kuya para sa kanya.

+++

Five minutes later, a huge explosion was heard in the whole building...

Sa sobrang lakas nito ay bigla nalamang tumilapon si Juvy Ann, knocking her out.

After that incident, she was taken to the hospital. And was in a coma for almost three weeks.

When she woke up, doon niya nalamang nabalitaang wala na pala ang kanyang kuya.

Jackson Davis Raagas was killed during the explosion.

+++

Present Day... (At Fatima's Mansion)

"Juvy? Uy Juvy!"
Isang pamilyar na boses ang bumugaw sa tahimik na pag-titig ni Juvy sa kalangitan.

"Oh, bakit?" Tanong niya sa kaklaseng si Daniel, na kanina pa kaway nang kaway sa harapan ng kanyang mukha.

"Kanina ka pa naka-tulala diyan. Ano nanaman bang bumabagabag sa isip mo?" He asked.

Umiling-iling lang naman ang dalaga bilang sagot.
"W--Wala," tanging iniwika nito.

Kasalukuyang nasa may beach side ang mga ito.
Kasama ng dalaga ang mga kaibigang sina Daniel, Reymart, Mell, Zyhra, Theresa at Florelyn.

Busy ang iba sa pag-gawa ng sand castle, habang siya nama'y naka-higa lang sa may buhangin.

Juvy then decided to stood up.

"Oh, sa'n ka naman pupunta?" Tanong sa kanya ni Daniel.

"Mag-swi-swimming lang," sagot nito sa kaibigan, at pagkatapos ay nag-lakad na papalapit sa may dagat.

Napa-hinga nalamang naman ng malalim dito si Daniel.
Ramdam ng binata ang kakaibang ikinikilos ng kaibigan. And he's worried about something he can't describe.

+++

"Sana ikaw nalang!! Sana ikaw nalang ang nawala!!"

Those words never stopped on hurting her. Like it was some kind of a painful and poisonous venom, peircing her through the heart.

Matapos kasi ang nangyaring inisente ay halos itakwil na'rin siya ng kanyang mga magulang dahil sa nangyari sa kanyang nakakatandang kapatid.

Hindi alam ng dalaga kung bakit, pero siya ang sinisisi ng mga ito kung bakit nangyari iyon kay Jackson.

They even wished it was her instead of him.

Kagaya nila, nasasatan din si Juvy Ann. Pero halos hindi makapaniwala ang dalaga na mga masasabi iyon sa kanya ng kanyang sariling mga magulang.

She was never good enough.

At minsan, iniisip niya... na sana hindi nalamang siya nagising mula sa kanyang pagkaka-comatose. O di kaya nama'y siya nalang ang namatay, instead na ang kanyang kuya.

Because everyday, she always receive the same treatment.

She's afraid of death.

But she's also already tired of living.

If Bladespawn ever tries to kill her, she thought of embracing it.

She thought of embracing death...

+++

Para mabawasan ang kanyang pagka-stress, napag-desisyunan nalamang ng dalagang mag-swimming sa may beach.

She's a great swimmer anyway, kaya wala lang sa kanya kahit na mapalayo pa man siya sa kinaroroonan ng kanyang mga kaklase.

She swam and dives, hanggang sa mapag-tanto ng dalagang masyado na nga yata siyang napapa-layo sa iba.

After a few more minutes of trying to waste her time swimming around, ay napag-pasyahan ng dalagang bunalik na sa may shore side.

Ngunit bago tuluyang bumalik ay chineck niya muna ang kanyang necklace...

She was worried na baka wala na iyon mula sa kanyang leeg at nalaglag sa pinaka-ilalim na bahagi ng dagat.

It was the last thing her brother gave to her, before the incident. At ipinangako niyang iingatan niya na iyon habang buhay.

But thank goodness it was still there.

"Ang ganda naman! Original?"
Wika ng isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran.

Juvy smiled.
"Oo naman noh!" Sagot ni Juvy dito. "Ibinigay ito ng kuya ko no'ng---"

Juvy Ann paused...

Bahagyang naka-ramdam ng kilabot ang dalaga nang mapag-tanto niyang siya lang ang taong naroroon ng mga oras na iyon. Ngunit papaanong may bigla nalamang nag-salita mula sa kanyang likuran?

Dahil dito'y kaagad naman siyang napa-lingon mula roon.

But saw no one...

Ngunit nang mga oras na iyo'y hindi pa'rin nakampante ang dalaga.

She swore to herself that there was someone out there beside her!

The voice was familiar! But it doesn't belong to any of her classmates.

"B--Bladespawn?" She whispered to herself habang palinga-linga pa'rin sa buong sulok.

She then decided to swim back to the others, ngunit hindi pa man nakaka-layo mula roon ang dalaga ay bigla nalamang siyang naka-ramdam ng hapdi mula sa kanyang kaliwang paa, and then she felt that blood were coming out of her.

Napa-sigaw siya ng sobrang lakas dahil sa sakit, and she tried to call for help.

Ngunit matapos iyon ay bigla nalamang siyang hinugot no'ng kung sino man pa-ilalim.

The person was holding her from her foot. At mula roon nakaramdam nanamang muli ng hapdi ang dalaga mula naman sa kanyang hita...

She screamed underwater, which she regretted afterwards, dahil unti-unti na siyang nauubusan ng hininga.

Hindi siya pinapakawalan no'ng taong humugot sa kanya pailalim.

The water was clear, kaya agad na nakita ni Juvy Ann kung sino iyon, at hindi nga siya nagkakamali.

It was the masked man.
This time, it was wearing a diving suit while holding a knife.

Nag-badya itong sasaksakin nanaman siya, ngunit sa puntong iyon ay nagawang makapan-laban nh dalaga...

She kicked the person on the stomach, kaya nama'y nagawa nitong makawala at maka-ahon.

But the killer was fast...

Naabutan niya itong muli, at sa pangatlong pagkakataon ay nagawa niya nanaman itong ma-saksak sa may singit.

Juvy screamed in pain, and gave all of her best to shout once again;
"TULONG!"

Matapos iyo'y nagawa nanaman siyang hugutin ng killer pailalim, this time, it was trying to drown her to death.

++++

"Hahaha! Oo! At pagkatapos---"

"SHHH! Teka, guys? Narinig niyo ba yo'n?" Ani Joyce, habang pinapatahimik ang ilan sa kanyang mga kaklase, dahilan upang sa kanya mabaling ang atensyon ng iba.

Naka-kunot noo namang napa-tingin sa kanya si Mark habang naka-taas pa ang isang kilay...

"Ang alin?" He asked...

"M--May humihingi ng tulong," muling wika ni Joyce.

"Ano?" Hindi makapaniwalang ani Mark.

Joyce roamed her gazes around the whole beach, trying to listen about what she just heard earlier...

At sa isang iglap lamang ay bigla nalamang siyang may nakitang kamay mula sa may malayong bahagi lang din mismo ng beachside. It was just a glimpse, na wari bang may isang taong nalulunod mula roon.

"D--Do'n!" Joyce yelled, and pointed at the far side of the beach. "May nalulunod do'n!" Aniyang muli.

"A--Ano!? Sigurado ka ba!?" Hindi pa'rin naniniwalang tanong ni Mark.

"S--Si Juvy Ann!" Ani naman ni Daniel. "Siya lang sa ating mga kaklase ang nag-tungo do'n!"

"Pe--Pero diba isang magaling na swimmer si Juvy?" Sabi naman ni Florelyn.

"It doesn't fucking matter!" Muling sigaw ni Joyce sa mga kaklase. "She's drowning and we have to fucking do something!!"

Matapos iyon ay kaagad namang nagsi-takbuhan ilan sa kanila sa may dagat at hindi na nag-alangan pang lumusong dito.
Most of them were boys.

Mula roo'y may napansin namang kakaiba ang ilan sa kanilang nagpa-iwan sa may beach shore habang nakatitig sa may tubig.

Heide, na siyang unang nakapansin dito'y bigla nalamang kinabahan.
"H--Hindi siya nag-iisa.." aniya. "Guys bilisan niyo! Someone's trying to kill her!!" Sigaw ni Heide sa mga kaklase

Reymund, Justin and Joseph were the first ones to dive into the water, trying to save their friend.

Meanwhile, humingi naman ng tulong iyong ibang mga estudyante doon sa mga tao nina Fatima.
But at that moment, Fatima herself could not make any reaction.

Hindi niya pa'rin mai-process mula sa kanyang isipan ang kamakailan lamang ay kanyang narinig na balita, mula sa kabilang linya ng teleponong tumawag sa kanya.

+++

"Juvy!!" Sigaw ni Reymund habang patuloy na hinahanap ang kaklase, ngunit hindi niya na ito makita pa.

The killer on the other hand wasn't stopping...

Hanggang sa mapansin nitong unti-unti nang nanghihina at hindi na'rin nan-lalaban ang dalaga.
Kaya nama'y matapos iyon ay iniwan niya na ito roon habang unti-unting lumulubog.

The killer thought that it was time to get out of there. Or else, he's doomed.

--

After a few minutes of searching underwater, Reymund and Justin finally decided to take a breath ashore, still with no sign of Juvy.
"Wala pa'rin ba?" Reymund asked the obvious, na ikina-iling lamang ni Justin.

Ngunit agad namang naagaw ang kanilang pansin nang tawagin sila ni Joseph.

"Guys! Nandito siya!" He yelled, kaya nama'y agad na nag-tungo roon ang dalawa.

+++

"Guys! Ayon sila!" Agarang sigaw ni Sheena matapos niyang makita sina Reymund, Justin at Joseph na kasama na ang walang malay na si Juvy, habang naka-angkas ito sa likuran ni Reymund.

All of the others were grateful nang makita nila ang kaklase, but they're still worried about the girl's life.

Paahon na sana sila nang bigla nalamang umubo nang sunod-sunod si Juvy at kaagad na nagkaroon ng malay.

Kinapa ng dalaga ang kwintas mula sa kanyang leeg, making sure it was still there. Ngunit laking gulat ng dalaga nang hindi niya ito makapa mula roon.

"Y--Yung bracelet ko!" Aniya.

"Ju--Juvy kalma. Ligtas ka na," sabi sa kanya ni Joseph.

"Pe--Pero yung kwintas ko! H--Hindi pwedeng mawala yo'n!"
Juvy started to panic...

"Kwintas? Anong kwintas?" Justin ask.

"Pakiusap! Kailangan ko yo'ng mahanap! Yo'n nalang ang natitirang alaala ko kay kuya bago siya... bago siya---"

"Teka Juvy--"
Justin tried to calm him down.
"Kumalma ka na muna! Sa ngayon, kailangan na muna na'ting maka-ahon! Napaka-rami ng natamo mong sugat!" Aniya.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo doon?"

Napa-hawak naman mula sa kanyang sumasakit na ulo si Juvy. Sinusubukan niyang i-inda ang sakit, ngunit talagang hindi niya pa'rin iyon mapigilan.
And she was trying to remember something, but felt like she couldn't.
"Hi--Hindi ko maalala," aniya.

Reymund sighs.
"Ganito nalang... Tin, Seph, alalayan niyo na muna si Juvy sa may dalampasigan. Ako nalang ang mag-hahanap sa nawawala niyang kwintas," says Reymund.

"Teka... Dudes, sigurado ka?" Nag-aalalang tanong ni Justin.

Reymund smiled.
"I'm a great diver."

Matapos iyon ay kaagad nang muling lumusong mula sa ilalim ng dagat si Reymund upang subukang mahanap muli iyong nawawalang kwintas ng kanyang kaibigan.

But just as he was already below the sinking waters, Juvy suddenly remembers something...

"H--Hindi ako nag-iisa," aniya, dahilan upang parehong mapatingin mula sa kanya sina Justin at Joseph.

"Huh?" Joseph asked.

"N--Naaalala ko na... Kanina... May taong gusto akong lunurin!" She said. Dahilan upang parehong makaramdam ng bahagyang pangingilabot sina Joseph at Justin at pareho silang mapatingin sa isa't-isa.

"K--Kailangan na'ting pabalikin si Reymund!" Ani Justin, at nag-badyang sisisid na sanang muli upang bigyan ng babala ang kaibigan, ngunit hindi pa man nakaka-sisid ang binata, nagulantang ang lahat ng bigla nalang may sumabog mula mismo sa may ilalim ng dagat, dahilan upang makagawa ito ng isang napaka-laking alon.

The three of them were still further away from the shore, kaya nama'y gayo'n nalamang ang agad nilang pag-langoy, trying to get away from there, but it was already too late.

Dahil tuluyan nang naabutan ng malaking alon sina Juvy, Joseph at Justin...

Sa sobrang lakas ng alon.. ay umabot ito doon sa may beach side kung saan ay nagkukumpol-kumpolan ang ibang mga estudyante, kaya nama'y sabay-sabay na napa-takbo ang mga ito papasok sa mansion, kung saan hindi na unabot pa ang tubig.

+++

"S--Sina Juvy, Justin, Joseph at Reymund?" May halong pag-aalalang tanong ni Rejielyn, trying to find the others.

"Nandoon pa sila," nanghihinang wika ni Fatima.

"H--Huh?"

"H--Hindi pa sila... nakaka... nakakaahon..." wikang muli ng dalaga.

"Fuck!!" Biglang bulyaw ni Dwayne.
"W--Wag mong sabihing wala na'rin sila!?"

"Sa lakas at density ng alon... I--I don't think may makaka-ligtas pa no'n," aning muli ni Fatima, na halos ay parang naka-tulala nalamang.

"And it's all your fault!!" Muling bulyaw ni Dwayne kay Fatima.
"Ang sabi mo walang may mangyayaring masama! Na we're all safe! Pero ano itong nangyari? Four of our friends are now---"

"Still alive!!"
Sheena yelled habang may itinuturo pa mula sa labas.
At doon ay nakita niya ang apat nilang mga kaibigang pare-parehong naanod sa may beach side na walang malay.
"They're still alive!!" Aniyang muli, at pagkatapos ay kaagad na napatakbo palabas upang puntahan iyong apat, na siya namang ginawa 'rin noong iba.

Matapos iyon nama'y isang matalim na titig nalamang ang ibinato ni Dwayne kay Fatima.
"Hindi pa tayo tapos. You're still at fault here," says the young boy, at pagkatapos ay agad na 'ring sinundan iyong mga kaklase.

Leaving Fatima alone, still standing still and feeling weak.

Dahil dito'y napa-yuko nalamang ang dalaga, at napa-luha...

Her parents just died, four of her friends are in critical condition, and she thinks that everyone is blaming her for what just happened.

She's in pain, and nobody knows it...

+++

"B--Buhay pa ba sila!?" Nag-aalalang tanong ni Angelou.

"Check their pulses!" Ani naman ni Heide, na siyang kaagad na ginawa no'ng iba.

"B--Buhay pa sila! Pero kinakailangan nilang madala sa hospital! ASAP!" Sabi naman ni Alexandra.

Makalipas ang ilang minuto ay kaagad na'ring nagsi-datingan iyong mga taong tinawagan ni Fatima, upang kaagad na dalhin sa klinika sina Juvy, Joseph, Justin at Reymund.

And it was just on the other side of their building.

"Where the heck were these people when you needed the most..."
Bulong ni Dwayne mula sa kanyang sarili na napapa-iling pa.

+++

[ 7:30 pm, at the Pagado Memorial Hopital ]

After the incident, all four were taken to the hospital, habang iyong iba naman ay sumama na'rin upang mag-silbing taga-bantay sa kanilang mga kaibigan.

Wala pa'ring balita kung ano na ang lagay no'ng apat ngayon, but the others were all just patiently waiting.

Meanwhile...
Lalaine, Osep, Erron and Joyce were all sitting on the same bench, not trying to make any sound.

And Lalaine, being the youngest among them, couldn't help herself but to overthink about everything.

"Uh... Guys?" Aniya, sinusubukang mag-bukas ng topic.
"A--Aksidente lang ba talaga ang nangyari?" She asked.

But it took six seconds before the others could ever answer.

Erron sighs...
"May mga nakitang stab wounds sa katawan ni Juvy. I don't think it was just an accident," sagot nito.

"Pero... Posible rin namang... Shark attack?" Ani naman ni Osep.

"We were on a beach resort, Sep," ani naman ni Joyce.
"And Fatima already said na there are no sharks sa beach nila. Wala ring kahit na anong aquatic animals na pwedeng umatake at gumawa no'n kay Juvy."

"S--So... May nag-tangka nanaman bang pumatay sa isa sa mga kaklase na'tin?" Tanong muli ni Lalaine.

"There's no other more possible reasons, Laine," says Joyce, even though she hates to admit it, but what Lalaine said was right.

Dahil dito'y napa-yuko nalamang si Lalaine, habang hinihimas-himas ang kanyang alagang sisiw na si Red.
And it was clinging on her, na para bang, siya na ang itinuring nitong ina.

But deep down, Lalaine felt the pain, sadness and fear all over her body, thinking about the incident.

"Pati ba naman dito?" Mahinang wika ni Lalaine sa sarili, na halatado pang pinipigilan lamang ang pag-iyak.
"Mahigpit ang bantay sa buong mansion nina Fatima, pero nagawa niya pa'rin tayong masaktan," she says again.

Osep sighs...
"It's because, whoever did it, they were already inside. Hindi lang na'tin alam kung sino."

"Yeah," Joyce agrees.
"You know what guys? I don't want to point fingers here, pero simula no'ng mga nangyari during these past few weeks, hindi na ako nag-titiwala sa kahit na sino sa mga kaklase na'tin," aniya.

"Sa tingin ko lahat naman tayo," sabi naman ni Erron.

"Yeah. Pero may isa lang talaga akong pinaka-inaayawan," muling wika ni Joyce.

"Sino?" Tanong naman ni Lalaine.

"Si--"

Kaagad lamang na naputol ang mga sinasabi ni Joyce nang bigla nalamang mag-bukas ang pintuan ng kung saan ay naroroon si Reymund. At mula roon ay lumabas ang dalagang si Rosario, still wearing that blank expression on her face, at kaagad na napa-tingin sa kinaroroonan nina Erron.

"Speak of the devil..."
Pabulong na wika ni Joyce, na siya namang agad na nakuha no'ng iba niyang mga kasama.

The person Joyce wanted to tell them was non-other than, Rosario.

"Guys? Labas na muna ako ah?" Sabi ni Joyce sa mga kaibigan.
"Parang bigla nalang kasi akong naka-langhap ng masamang hangin eh. Osep, Lalaine, sama kayo?" Aniya doon sa dalawa niyang mga katabi, dahilan upang kaagad namang mapa-tayo si Osep.

"Sige! Medyo na-uuhaw na'rin kasi ako eh. Bili nalang muna ako ng ice-water sa labas. Laine tara!"

Although, Lalaine never really wanted to leave, wala na siyang ibang nagawa pa dahil bigla-bigla nalang siyang hinugot ni Osep paalis mula roon.

"Oh, Ron ikaw? Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Joyce kay Erron, but the young boy just passed.

"I'm staying," tanging iniwika lamang ni Erron.

Napa-taas-baba nalamang naman si Joyce dahil sa isinagot sa kanya ng binata.
"Sige bahala ka, the weirdo's coming," huling iniwika pa ni Joyce at pagkatapos ay umalis na'rin.

Naiwan naman si Erron na kasama si Rosario.
She was sitting on the other side of the bench, not looking at him.
Abala lamang ang dalaga sa pag-kulikot mula sa kanyang cellphone.

She was playing Candy Crush.

It took seven minutes, and the whole atmosphere between the two were just silent treatment.
Wala sa kanila ang may gustong mag-salita.

Ngunit dahil sa sobrang pagka-awkward, ay napag-pasyahan ni Erron na mag-salita na.

He started by clearing his throat first.

"Are you... Feeling okay?" He asked.

And the girl just took a glimpse on him for about 2 seconds, and then back to her phone.
"Ayos lang ako," aniya.

Napa-ngiti naman dito si Erron.
"Pasensya na nga pala do'n sa iba na'ting mga kaklase ah? Hindi nila mapigilang ibaling ang mga inis nila sa'yo. Pero... Alam ko namang hindi ikaw ang sinisisi nila sa mga nangyayari eh. Nadadala lang talaga sila sa kanilang mga emosyon."

"Yeah," says Rosario.

Erron sighs...
"I know you're not a bad person Rosario. You're not a weirdo like what everybody is telling you. You're just... different. Pero alam kong isa kang mabuting tao," muling sabi ni Erron.

Sa puntong iyon naman ay napa-tingin na mula sa kanya si Rosario.
"You know, kung hindi ko lang talaga alam na gay ka, iisipin kong may crush ka sa'kin dahil sa mga pinag-sasasabi mo," aniya, halatang nag-pipigil sa tawa.

Dahil dito'y napa-tawa naman si Erron, dahilan upang tuluyan nalamang ring mapa-hagalpak si Rosario.

"Yeah right," ani Erron.

"But thanks," muling wika ni Rosario. "Ang corny ng sinabi mo, pero... thanks pa'rin. Pero kung ano man ang mga nasabi ko sa nakaraan para tratuhin ako ng ganito ng iba na'ting mga kaklase, I said it cause I mean it. Not because I was being playful for them to call me a weirdo."

"I know," Erron smiled
"I know."

+++

1 hour later...

All of the others were already back at the mansion.
Maliban kina Mark, Alexandra, Heide, Erron, Johnrey, Reden, Rogelio at Ian na nagpa-iwan na muna sa hospital upang bantayan ang apat na mga kaklase. Doon ay kasama 'rin nila ang ipinadalang limang mga butler ni Fatima.

Meanwhile, the others who were already at the mansion were all just waiting for the news.

"Ano daw ang sabi ng doktor?" Nag-aalalang tanong ni Theresa kay Heide, na siyang kausap niya sa kabilang linya ng cellphone.

Heide took a deep breath before answering.
"Gising na sina Justin at Joseph. And thank God hindi malaki ang naging pinsala nila sa katawan. Ayos na 'rin si Juvy, pero dahil sa mga galos na kanyang natamo, she's currently still in a coma. But they say, she might recover for a couple of days or two. Si Reymund naman... Siya ang pinaka-naka-tamo ng malalang damage sa kanilang apat eh. Na-untog ang kanyang ulo sa isang bato which causes some fractures and brain damage. So in other words, siya ang pinaka-kritikal pa ang lagay sa kanilang lahat. And the doctors even said na, if maka-recover pa raw si Reymund, baka hindi na daw mag-function pa ang kanyang buong katawan dahil sa natamo niyang injuries mula sa kanyang skull at brain," monologong pag-babalita ni Heide sa mga kaklase.

Dahil sa naka-loud speakers ang phone ni Rejielyn ay kaagad iyong narinig no'ng iba. They were happy na ayos na sina Joseph at Justin, at unti-unti nang nakaka-recover si Juvy. But they're all still worried about Reymund.

"Y--Yo'ng nangyari pala kay Juvy? Totoo bang may sumaksak talaga sa kanya?" Muling tanong ni Theresa. Halatang gustong ikompirma ang detalyeng kanyang narinig kanina.

A slight pause occurred on the other side of the line.
At napa-tingin muna si Heide sa kanyang mga kasama, and all of them have the exact same look.
Worries and confusion.
"Yan ang ikinapag-tataka na'min ngayon," ani Heide.

"Huh? Bakit?" Tanong naman ni Theresa.

"Kani-kanina lang, ang sabi nila, mga saksak daw ng kutsilyo ang natamo ni Juvy. Maswerte siya dahil hindi daw nito natamaan ang mga internal organs niya at tanging balat lang. Pero a few minutes ago, kinompirma ulit ng mga nurses at no'ng doktor na hindi daw pala yo'n mga stab wounds gawa ng kung anong kutsilyo.
But rather..."

"Rather?"

"Rather... Mga ngipin daw na gawa ng isang wild marine animal," says Heide again.

"Ano?" Halatang hindi makapaniwala si Theresa, maging iyong iba niyang mga kaklaseng nakikinig rin sa kanilang usapan.

"Impossible!" Ani Joyce.
"Nakita na'ting lahat ang mga sugat na natamo ni Juvy Ann bago na'tin siya dalhil sa hospity! There's no way those were teeth marks!"

"I know," sagot ni Heide.
"Somehow, someone altered it. Malalaman nalang na'tin ang katotohanan kung magising na si Juvy. Doon, pwede na na'ting makompirma kung--"

"There's no need for any more confirmations Heide. We all know na, someone was trying to kill her. Kill all of us,"

"Then, anong mga possible reasons kung bakit sinusubukang baliktarin ng nga doktor ang results?" Tanong ni Ian.

"It's because the adults knows something," sabat ni Rosario.
"At hindi nila gustong ipaalam sa'tin."

Kaagad namang napa-isip ng dahil dito si Mell.
"Teka... I--Ibig mo bang sabihin, posibleng kasabwat ang mga adult sa mga nangyayari?"

"Woah! Guys, teka... Nag-o'over think nanaman kayo!" Agad na wika ni Zyhra.
"Papaano kung totoo naman talagang pating ang may gawa no'n?"

"Shark or no shark, may mga muntikan pa'ring mamatay sa'tin," seryosong wika namam ng kanina pang tahimik na si Fatima, dahilan upang pare-parehong mapa-tingin mula sa kanya ang iba niyang mga kaklase.

Dwayne rolled his eyes.
"Look who's talking! Matapos mo kaming dalhin dito, at pangakuan ng kaligtasan?"

Sa puntong iyon naman ay bland na napa-tingin nalamang si Fatima sa kaklase.
"Kung ayaw mo akong makasama sa mansion na toh, bukas ang pinto. You're free to get out of her. Pero wag na wag mo akong sisisihin kung ikaw na ang sumunod sa mga kaklase na'tin," aniya. Halatang punong-puno na sa binata.

Matapos iyon ay hindi naman naka-imik pang muli si Dwayne.

"Fatims? O--Okay ka lang ba?" May halong pag-aalalang tanong naman sa kanya ni Rejielyn.
"Pansin ko lang kasi... kanina ka pa parang wala sa sarili mo. Is it because of what happened to Justin and the others or---"

"Namatay sa isang aksidente sina mama at papa kaninang umaga," sabat ni Fatima kay Rejielyn, na siya namang kaagad na ikinagulat ng iba.

"A--Ano!? Pero... P--Papaano?" Florelyn asked.

"Plane crash," says Fatima.
"But I don't want to believe it," aniyang muli.
"My parents didn't die in an accident. They were killed. At kung sino man ang pumatay sa kanila, sigurado akong hindi pa siya titigil. Hangga't hindi pa natatapos ang gabing ito."

"Fatima, anong ibig mong--"

"Hindi ko kayo hahayaan..."
Fatima was already starting to loose it, but she still remained calm, kahit na sa kaloob-looban niya ay gusto niya nang mag-wala.
"Isa sa inyo ang pumatay sa mga magulang ko. At sinisigurado kong walang makakaalis sa inyo sa mansion na ito hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang taong iyon sa inyo.

No'ng mga oras na iyon ay mahahalatang pare-pareho nang nakaka-ramdam ng kaba ang lahat ng mga kaklase ni Fatima, lalo na no'ng nagsimula na silang palibutan no'ng mga maids at butlers na naroroon.

The sudden changed of attitude gave them fear.

A familiar feeling that they've always been storing through their veins...

But what happened next was even more gruesome than anyone could ever imagine...

T o B e C o n t i n u e d . . . .



PLAYERS LIST:

-- s t u d e n t s --

1. Alexandra Sabusap

2. Angel Corritana

3. Angelou Postrero

4. [ D E C E A S E D ]

5. Daniel Daa

6. [ D E C E A S E D ]

7. Erron Mejico

8. Fatima Pagado

9. Florelyn Manadong

10. Heide Morillo

11. Ian Keech Fabi

12. [ D E C E A S E D ]

13. Janmil Daga

14. Jejelyn Basas

15. Johnrey Daga

16. [ D E C E A S E D ]

17. Joseph Araña

18. Joseph Dacatimbang

19. Joyce Anne Montaño

20. Justin Hijada

21. [ D E C E A S E D ]

22. Kristine Delfin

23. Lalaine Navarrosa

24. Mark Noya

25. Mj Rabandaban

26. Mell Labita

27. [ D E C E A S E D ]

28. Nelmark Pulga

29. Nicole Lepasana

30. Raynold Corritana

31. Reden Monton

32. Rejielyn Villablanca

33. [ D E C E A S E D ]

34. Rezzie Reandino

35. Reymart Barca

36. Richard Piñeda

37. Rosario Fusio

38. Rosemarie Norriga

39. Sheena Morano

40. Theresa Maula

41. [ D E C E A S E D ]

42. Zyhra Badion

-- t e a c h e r s --

43. Zaira Escobedo

Alive: 35

Deceased: 08

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top