Third Day's Bargaining


Iniisip ko nang mga oras na 'yon kung paanong hindi mo na ako mahal. Kung paanong hindi mo na mahal ang taong wala namang ibang ginawa kundi unawain at sundin ka.

Pero sinabi mo na . . . hindi ko ginagawa ang lahat.

Tinatanong ko kung paanong hindi ko ginagawa ang lahat?

Saan ba ako nagkulang para sabihin mong hindi ko ginawa ang lahat?

"Babe, nagluto ako ng dinner for us. What time ka uuwi?" naalala kong tanong mo noon.

"Sorry, babe, may overtime kasi kami ngayon. Tomorrow, promise."

Noong pumasok ka sa ibang company, wala akong choice kundi piliin ang company ng daddy ko. Growing ang business namin, siguro naman, alam mong busy talaga ako.

"Babe, sabay tayong mag-lunch. Nag-early out ako ngayon."

"Babe, nasa site kasi kami. Wala ako sa office, sorry. Next time, promise. Sabay tayo."

Inisip kong maiintindihan mo ako dahil parehong daan ang tinahak nating dalawa. Sabay tayong tumapak doon sa daang 'yon kaya alam kong pareho lang tayong dalawa ng nakikita.

"Nagluto ako ng breakfast, hindi mo kinain."

"Male-late na kasi ako, sorry, babe. Bukas, promise."

Siguro nga, may mga dinner na napapalampas ko. May mga lunch na hindi ko napupuntahan. May mga breakfast na hindi ko na naaabutan . . . kasi mahirap maghabol ng oras.

Tumatanda na tayo. May priority na tayong iniisip. May responsibilities na tayong dapat panindigan. Hindi sa lahat ng oras, puwede tayong magsabay.

Okay pa tayo sa school kasi may support pa tayo noon, pero iba na kasi ngayon. Inisip kong okay lang palampasin kasi . . . inisip ko ring hindi ka naman mawawala . . . kasi mahal mo naman ako . . .

. . . noon.

Pero kung 'yon pala ang dahilan kaya nagising ka na lang isang araw, wala na ang dating pagmamahal mo para sa 'kin . . .

Sana sinabi mo agad.

Kasi kung alam ko lang, sana unang beses pa lang, hindi na ako nag-overtime.

Kung sinabi mo agad, sana hindi ko inuna ang work.

Kung nalaman ko agad, hindi sana tayo aabot sa ganito.

Gagawin ko naman lahat kung talagang kulang.

Hindi ko kasi alam.

Hindi ko agad naramdaman.

At kung puwede lang bumalik . . .

Noong sinabi mong ready na ang dinner natin, uuwi ako agad. Sasabihin ko sa mga ka-work ko na may emergency ako kahit wala naman.

Kung puwede lang umulit . . .

Bibiyahe ako kahit sobrang layo, masabayan ka lang sa lunch.

Kung hindi pa huli ang lahat . . .

Uubusin ko na ang gawa mong breakfast kahit pa ma-late ako.

"Carmiline, busy ka ba? Dinner tayo."

"Sorry. Nasa dinner na 'ko."

Siguro nga, tama ka na hindi ko ginawa ang lahat.

Kasi kahit sabay nating tinahak ang parehong daan, ang dami nang pagkakataong hindi na tayo nagkakasabay.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top