The Fifth Day's Pain


"Nang sabihin mo sa akin na nagising ka na hindi mo na ako mahal, hindi ko 'yon naintindihan . . ."

Gusto kong tanungin ang universe . . . nananadya ka ba?

I mean, ibang movie ang gusto kong panoorin. 'Yong action about Martial Law. Pero tapos na raw ang screening. Sa Thursday pa raw ang next, e Tuesday pa lang ngayon. Walang ibang magandang option ngayong alas-dos kundi ito lang: Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon.

Ayoko ng drama. Alam ko kasi kung ano ang meron ngayong araw.

Ayoko ng drama.

"Well, we have no choice. Eto na lang!" sabi niya.

We have no choice . . .

Parang lagi naman.

Ang sakit talagang basahin ng last chat natin bago natin tapusin ang convo noong nakaraang linggo lang.


Wala na ba talaga?

Sorry
Ayokong sabihin
Magagalit ka

No
Huwag na
Alam ko na
Mas mahal mo siya


Birthday ko, Carmiline. Sana pumili ka ng ibang araw.

"Meant to be talaga," natatawang sabi mo nang biglang lumabas ang eksena.

Bakit mo kailangang sabihing meant to be talaga . . . na ang eksena ay tungkol pa sa pag-accept nina Tere at Bene na wala na talaga silang pag-asa?

"Nagising din naman ako . . . na hindi na kita mahal. Kaya lang ang masakit, hindi lang tayo nagkasabay."

I shouldn't have waited for the sunset with you that day.

Nagising din kasi ako isang araw na hindi na kita mahal . . . pero sana sinabi mo na lang din ang totoo para hindi na ako naghintay.


♥♥♥


The Fifth Day's Pain © 2023 by Elena Buncaras
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines used in some description, written specifically for inclusion in this book.
This book is a work of fiction.
Names, characters, places, and incidents are used fictitiously.
Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.


07/08/2023

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top