Second Day's Anger


Noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, inisip ko kung saan ako nagkamali para maisip mo 'yon.

Para sa taong ginagawa naman ang lahat para lang sa taong mahal niya, normal lang naman sigurong magtanong kung bakit o paanong umabot kayo sa ganoong punto?

"Gusto kong tumira sa Canada."

Noong sinabi mo 'yon, napaisip pa ako kung seryoso ka.

"Canada? Ang layo naman."

"Let's be real, Gene. Walang buhay rito sa Pilipinas. Ni wala ngang matinong healthcare system dito."

"Pero dito nakatira ang family ko."

"Dito rin naman nakatira ang family ko, pero okay lang sa kanilang tumira ako sa ibang bansa."

"Hindi ako okay sa desisyon mo."

Dahil doon ba? Nagalit ka ba dahil ayokong umalis dahil sa pamilya ko?

Carmiline, alam mong nandito ang business namin. Ayaw umalis ng daddy ko. Nandito ang buhay ko, tapos hindi mo man lang inisip 'yon?

"Kumuha ka ng Visa, and you didn't tell me?"

"Dapat bang sabihin ko sa 'yo?"

"Carmiline, boyfriend mo 'ko! I should know!"

"You knew about that, Eugene! But you declined!"

"I declined dahil hindi mo man lang cinonsider ang side ko!"

"I did, Eugene! I did! Ikaw ang hindi kino-consider ang side ko! Wala rito ang gusto kong mangyari! Pero ang gusto mo, 'yong gusto mo lang! So, eto tayo ngayon! Ang gusto ko, 'yon lang din ang gusto ko! Deal with that!"

Gusto mong mag-risk doon sa lugar na malayo sa comfort zone mo. I understood that. I considered that. Tingin mo ba, hindi? Ever since high school pa lang tayo, alam kong gusto mong pumunta sa Hollywood para sa pangarap mo. Siguro, hindi natuloy ang unang plano, pero bata pa naman tayo. We're just 25. Ang dami pang puwedeng mangyari.

"Iiwan mo 'ko? Gano'n na lang 'yon?"

Tinatanong kita pero hindi ka makatingin sa akin nang deretso. Nagpatuloy ka lang sa pag-empake ng ibang damit mo mula sa closet na pinaghahatian nating dalawa.

"Growth, Eugene. Please lang, mag-isip ka. Hindi tayo maggo-grow sa puro ganito lang."

"We're working on it!"

"We're not!" Huminto ka sa pagligpit at hinarap ako. Galit ka pa, na parang kasalanan ko pa. "Nine hours a day na work! Five hours na nakakapagod na biyahe! Every day! Office, bahay, office, bahay! Hindi ako robot! Hindi ko kayang mabuhay nang puro lang office-bahay na hindi ko man lang nararamdamang nabubuhay ako!"

"Marami namang paraan, bakit ito? Bakit ganito? Ito lang ba? Kapag umalis ka, sigurado ka bang magiging okay na ang buhay mo?"

"Yung family ng mommy ko sa Canada, okay naman sila! Kung okay sila, magiging okay rin ako! Ang hirap kasi sa 'yo, kontento ka na sa ito lang."

"May pera naman tayong dalawa, di ba?"

"Hindi na 'to tungkol sa pera, Eugene. Maraming pera ang pamilya ko, pero hindi ako mabubuhay nang wala man lang akong makitang purpose sa buhay ko. Wala rito ang purpose ko. Intindihin mo naman!"

"Importante pa ba 'yang purpose na 'yan kaysa sa 'ting dalawa?!"

"Oo! At hindi ko malaman sa 'yo kung bakit hindi mo 'yan maramdaman!"

Noong sinabi ng mama ko na dapat maging strong ako. Kasi may mga oras na hindi mo ako mahal, may mga oras na hindi kita mahal, may mga oras na magiging selfish tayong dalawa, may mga oras na magagalit ako, na magagalit ka . . . hindi ko 'yon naintindihan.

Kasi lagi naman kitang mahal. Mas inuuna kita kaysa sarili ko. Na kahit dapat nagagalit ako, inuunawa pa rin kita.

Pero iba kasi ngayon.

Nagagalit ako . . .

Nagagalit ako kasi pakiramdam ko, hindi mo na ako mahal, na selfish ka, na galit ka rin at seryoso ka.

Gusto kong manumbat.

Kulang pa ba?

Nakukulangan ka pa?

Sa dami ng ginawa, ibinigay, at isinakripisyo ko, kulang pa pala?

"Tita, may plano pala si Carmiline na pumunta ng Canada," sabi ko pa sa mama mo.

"Ah, yes. Inaya kasi siya ng manager niya roon. Magma-migrate na rin kasi. Hahanapan daw siya ng work kung sasama siya."

"Yung manager . . . si Sir Pete po?"

"Yes. Kilala mo?"

Bakit?

Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong malaman na hindi mo sinasabi.

Paano?

Ganoon ba ka-boring ang buhay ko? From office at bahay, bahay at trabaho, ayos na ako?

For growth ba talaga? O may iba na?

"Mahal mo pa ba 'ko?" Tinitigan kita sa mga mata. Simpleng dinner lang iyon na lagi naman nating ginagawa.

Pero alam mo, sa mga sandaling 'yon, naintindihan ko kahit paano kung paanong parang ibang tao na ang nasa harapan mo at hindi na ang dati mong kilala.

Nakatingin ako sa mga mata mo, pero para lang akong nakatingin sa isang normal na tao—yung hindi ko kilala, yung biglaan ko lang nakasabay sa upuan.

Wala na ang babaeng kapag kausap ko, napapasabi akong "Ito na ang babaeng makakasama ko habambuhay."

Noong tinanong kita kung mahal mo pa ba ako, natawa ka lang pero ako, hindi.

Alam kong hindi ka nagising isang araw na hindi mo na ako mahal.

Dahil ramdam ko . . . marami ang mga araw na nagigising kang wala na ang pagmamahal na 'yon. Hindi mo lang sinasabi.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top