First Day's Denial
Possible ba na magising ka na lang isang araw na hindi mo na mahal ang isang tao?
Kasi ako, hindi ako naniniwala na posible 'yon. Na isang araw, nagising ka na lang na hindi mo na ako mahal kahit mahal pa kita.
Iniisip ko . . . ano ba ang possible reason para magising ka na lang isang araw na pagod ka na? Na mahal mo pa rin ako pero pagod ka nang mahalin ako. Na mahal mo pa rin ako pero hindi na gaya ng pagmamahal mo noon.
Kasi hindi ko tatanggapin na nagising ka na lang na hindi mo na ako mahal . . . kasi imposible 'yon. Na nagising ka na lang isang araw, na hindi ibang tao na ang nakikita mo . . . na hindi mo na ako kilala.
O baka iba na kasi talaga ang nakikita mo . . . hindi na ako.
Naaalala ko pa noon, dream ko talagang maging pre-school teacher. Gusto kong magturo ng mga bata. Magtuturo ako kung paano sila magbabasa saka magsusulat. Tuturuan ko sila kung paano mag-toothbrush. Tuturuan ko sila kung paano mag-good morning at bumati nang sobrang polite. Tapos kakanta kami ng children's song. Tapos tatawagin nila akong Teacher Eugene.
Alam mo 'yon. Ikinuwento ko 'yon sa 'yo hanggang Grade 8 tayo.
Tapos ikaw, dream mong maging animator. Gusto mong mag-drawing gaya ng Babi mo. Gusto mong gumawa ng cartoon at pumasok sa Universal Studios. May isang punong notebook ka pa nga ng tatlong storyline na may script na rin at character designs. Papasok ka sa Hollywood, madi-discover ka ng big time producers, mapapanood worldwide ang gawa mo.
Sabay pa tayong nangarap noon. Ang saya pa nating maglista ng gagawin natin sa future. Nakikita pa nating magkasama ang isa't isa.
Tapos pinagawa tayo sa art class. Mas mataas ang score ko kasi mas nagustuhan ni Ma'am Ginny ang gawa ko. Naramdaman ko namang nagtampo ka roon. Ang sabi ko na lang, mana lang siguro ako sa daddy ko kasi artist siya dati pa. And just to compensate your feelings, sinabi ko na lang na talent 'yon ng daddy ko at hindi sa 'kin.
Pero nagalit ka pa rin. Tapos sabi mo pa, "Sorry, ha? Hindi kasi ako mana sa Babi ko kasi ampon lang ako."
Kahit sobrang tagal na, natatandaan ko pa ang tampo mo na 'yon.
Doon ba nagsimula?
Alam kong na-discourage ka sa score na 'yon. Valedictorian ka kasi at salutatorian lang ako. I know, ibinalik mo sa normal ang lahat pero hindi na normal ang lahat pagkatapos n'on. Hindi ko na rin inayos ang ibang art projects natin para lang sabihin ni Ma'am Ginny na nakatsamba lang ako at hindi talaga ako magaling. Para lang din umangat ka sa buong class.
Pero hindi ako nagtatampo, kasi alam kong doon ka magiging masaya. Hindi ko rin naman gustong maging top sa art class. Ano lang ba 'yong grade na 90. Hindi naman ako pagagalitan nina Daddy kahit pa maka-75 ako.
Kahit pa lagi ka nang top sa art class, hindi mo pa rin pinursue ang animation pagka-graduate natin ng junior high. Nag-take ka ng ABM kaya kahit gusto kong mag-HUMSS, nag-ABM na rin ako. Siyempre, ayokong magkalayo tayo ng classroom, kahit nga upuan man lang.
Hindi ko favorite subject ang math, pero madali lang din namang pag-aralan. Hindi ko rin alam kung bakit ka na-take ng ABM kahit na maganda sanang mag-HUMSS, pero naka-enroll na tayo. Sayang din ang paglipat.
Doon pa lang sa pagpili natin ng mga hindi natin gustong strand, hindi ko na nakita ang future nating dalawa gaya ng nakita natin noon nang magkasama.
Doon ba nagsimula?
Pagka-graduate natin ng senior high, akala ko, puwede na tayong bumalik sa gusto nating path. Magte-take ako ng education course, magte-take ka ng animation course . . . ang kaso, hindi.
Nasa pila na kami ng mommy ko para sa enrollment nang mag-chat ka. Enrolled ka na pala sa business course na may financial management major. Malayong-malayo sa arts, higit lalo sa animation.
Sabi ko tuloy sa mommy ko, nagbago na ang isip ko. Kinuha ko ang schedule at section mo at doon ako nag-enroll para magkasama pa rin tayo.
Gusto ko talagang buuin ang future ko kasama ka . . . pero bakit habang naglalakad tayo papunta nang magkasama, lalo tayong naghihiwalay?
Hindi ko gusto ang course na kinuha mo, pero gusto kita. Kaya kahit hindi ko gusto, ginusto ko para lagi kitang makasama.
Akala ko, magagalit ang parents ko dahil lumipat ako. Mas natuwa pa nga sila. Alam mo naman ang negosyo ng pamilya ko. Nagpi-finance din kami ng negosyo ng iba. Akala pa nila, para sa kanila ang ginawa ko. Ayoko lang sabihin na para talaga 'yon sa 'yo.
Alam mo namang mahal na mahal kita. Hindi ko na alam kung kulang pa ba ang mga ginawa ko para lang maramdaman mong mahal talaga kita. Kaya nga hindi ako naniniwala na isang araw, magigising ka na lang na hindi mo na ako mahal . . . kasi hindi 'yon kahit kailan maiintindihan.
Pagka-graduate natin, akala ko, okay na. Gusto kong kahit sa work, magkasama pa rin tayo, pero nag-apply ka sa iba. At ang masakit . . . hindi mo 'yon sinabi sa 'kin.
"Kasi nga, magagalit ka."
Ang kaso, hindi ako nagalit dahil lang nag-apply ka sa iba. Kahit gusto kong magalit na pinaglihiman mo 'ko, inisip ko na lang na baka gusto mo lang talagang mag-apply nang mag-isa. Maging independent ba, ganyan. Sabi ko, okay lang. For growth mo, so okay lang.
Nag-work ako sa company ni Dada. Siyempre, daddy ko 'yon kaya may advantage ako. Puwede akong tumakas sa work para lang makipagkita sa 'yo.
Ang saya mo nga kahit three months probi ka pa lang.
"Sobrang bait ng manager namin. Si Sir Pete, lagi niya 'kong inaayang mag-lunch."
Ang saya mo . . . tapos ikinukuwento mo na may kasama kang mag-lunch habang wala ako.
Ayokong magselos. Hindi naman kasi ako seloso. Saka ano lang ba ang three months, e di ba, mag-iisang dekada na tayo. Ngayon pa ba ako magseselos sa ibang tao?
Tapos naging busy ka na.
Sobrang busy.
Doon ba?
Doon ba nagsimula?
Sa sampung good morning ko, isa lang ang reply.
Sa sampung good night ko, umaga na ang apologize.
Sa sampung hi ko, ni wala man lang hello.
Napatanong na tuloy ako: Boyfriend mo pa ba ako?
Tapos may mga araw na wala ka nang message. Tatanungin kita, hindi ka sasagot. Tatawagan kita, busy ang line. Dadalawin kita, wala ka sa inyo.
Tapos ngayon . . . tinatapos mo na 'yong tayo.
Ayokong tanggapin na isang araw, nagising ka na lang na hindi mo na ako mahal . . .
. . . kasi sa totoo lang, parang hindi lang isang araw 'yon nagtagal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top