Chapter 9: Rumor
Mag-isang pumasok si Sin ng Canteen at dumeretso sa counter para umorder. Dala-dala ang isang tray ng pagkain, mag-isa niyang tinungo ang table nila. Pagkalapag ng pagkain niya sa table nagulat nalang siya nang may biglang humablot nito tsaka hinampas sa mukha niya kasunod ang tawanan ng lahat, napapikit nalang siya nang unti-onting nahulog galing sa ulo at mukha niya ang noodles ng Spaghetti, nagkalat din sa mukha at damit niya ang sauce nito. Walang imik na inabot ni Sin ang tissue sa table at dahan-dahang pinunasan ang mata niya na natabunan ng sauce kasunod ang buong mukha niya. Hinde pa man nag-aangat ng paningin sa may gawa ay kilalang-kilala niya na ang mga ito dahil sa nakakarindi nitong tawa na ilang beses niya ng narinig.
"Bakit mo ginawa yun?" Malamig na tanong ni Sin bago nag-angat ng tingin kila Athena.
"Dahil malandi ka!" Nakangisi ngunit may halong poot na singhal ni Athena sa kaniya.
"Kung hinde ka natulog sana hinde mag-aaway sila Hash at Sir. Kung hinde ka naglandi kagabi wala sanang gulo" nagsimulang mag-ingay ang mga tao dahil sa bulong-bulongan na tungkol kay Sin at lahat ng ito ay puro negatibo.
"Alam mo? buti pa umalis ka nalang dito, you don't belong here"
"Attention seeker ka! Pati attention ni Hash inagaw mo"
"Kaya Panay dikit mo kila Kenia at Hash para makapag-aral ka ng libre dito. Aminin mo na manang na kaya ka nakapag-aral dito dahil nilandi mo si Hash" natawa naman ng pagak si Sin sa mga sinabi ng tatlo tungkol sa kaniya.
"Punta ka Registration Office kunin mo Scholarship Form ko isama mo narin yung exam paper ko nang malaman mo" deretsong sagot ni Sin bago isinukbit ang bag tsaka nilayasan sila Athena ngunit nakakailang hakbang palang siya nang mapahinto ulit dahil sa sinigaw ni Athena na nagparamdam sa kaniya na parang dinamba ang dib-dib niya sa kaba.
"Talaga lang huh?! Kaya pala magdamag na nagstay si Hash sa dorm mo. Oh yes! I know" mas lalong tumindi ang bulong-bulongan sa Canteen at lahat ng atensiyon ay nasa kanila na. Dahan-dahang hinarap ulit ni Sin si Athena na ngising-ngisi, ngisi na nagsasabing 'I won'.
"Ano hinde ka makapagsalita?" Palihim na napangiwi si Sin.
"Alam mo kung bakit nandoon siya?" Naghahamon ang tono ni Sin.
"Ano?"
"Sekretong malupit yun" nang-aasar na ngisi ang iginawad niya kay Athena bago tuluyang umalis sa Canteen. Narinig pa niyang minura siya nito at kung anu-ano pa pero hinde nalang niya pinansin. Agad na tinungo ni Sin ang dorm at mabilisang naglinis ng katawan, doon niya na rin naisipang magtanghalian, masiyado ng makapal ang mukha niya kung babalik pa siya ng Canteen.
Naglalakad si Sin patungong Classroom hawak-hawak ang ilong na napuruhan dahil sa malakas na pagkakahampas nung tray sa kaniya.
"Pinaghirapan ng mga magulang ko 'tong ilong ko na 'to haissst!" Inis na bulong niya habang hinahaplos-haplos ang ilong.
"Siya yung malandi, girl"
"Yung nakipagone night stand kay Hash para makapag-aral ng libre?"
"Oo, girl. Kadiri siya diba?!" Inis na nilingon ni Sin ang mga babaeng ang lakas ng bulungan nung dumaan siya, kumaripas naman ang mga ito sa pag-alis nang mamataan nila ang malamig na titig ni Sin. Lahat ng estudyante na nakakasalubong ni Sin ay ramdam niya ang masamang titig ng mga ito, ngunit umakto lang siya na walang pake, walang lingon-lingon.
Pagpasok niya palang sa classroom ay nasa kaniya agad ang atensiyon ng lahat, pawang masasamang titig ang ipinukol sa kaniya. Walang paki nalang siyang dumeretso sa upuan. Inilabas niya ang cellphone at earphone tsaka isinalampak sa tenga niya, isinubsob niya ang mukha sa armchair habang nakikinig ng kanta dahil hinde na niya matagalan ang mga masasamang titig kung hinde niya itatago ang mukha.
***
Pagkalabas nila Hash at Kenia sa opisina ng ama nagulat agad sila nang sumalubong sa kanila sila Shawn at Rick na hangos na hangos.
"Ano nangyari sa inyo?" Takang tanong ni Hash sa kanila.
"Brad, Totoo ba?!" Singhal ni Shawn na hingal na hingal habang nakahawak sa balikat ni Hash para pang suporta.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Brad! Totoo ba?!"
"Ano nga pinagsasabi mo?"
"Na nakipagone night stand ka kay Sin para makapag-aral siya ng libre dito"
"What?!" Sabay na singhal nila Hash at Kenia. Si Kenia na hinde makapaniwala habang si Hash na napakunot-noo at bakas na bakas sa mukha ang galit.
"Where did you knew that?" Tanong ni Hash.
"Kalat sa buong Campus, dude"
"Who spread that issue?"
"Ang sabi nagkagulo daw kanina sa Canteen sila Sin at Athena, isinigaw daw yun ni Athena sa Canteen para hiyain si Sin" paliwanag ni Rick.
"Hinampas pa daw ni Athena si Sin ng tray na inorder niya sa mismong mukha ni Sin" dagdag ni Shawn. Agad na kumulo ang dugo si Hash. Agad siyang tumakbo patungong classroom nila, napasunod naman ang tatlo sa kaniya.
"Kuya, calm down!" Rinig niyang habol na sigaw ni Kenia pero hinde niya pinakinggan lalo na't tanaw niya na ang classroom. Pagkapasok malakas na sinipa ni Hash ang upuan dahilan para maagaw niya ang atensiyon ng lahat. Gulat naman na napatayo sila Athena na nasa unahan, buti nalang at hinde sa kanila tumalsik ang upuan na sinipa ni Hash.
"You!" Malakas na sigaw ni Hash at galit na galit na tinuro si Athena.
"Anong karapatan mong gawan kami ng mahalay na issue na wala kang kasiguraduhan" hinde nakasagot si Athena at parang napako sa kinatatayuan niya dahil sa pinaghalong gulat at takot, hinde niya magawang kalabanin ang galit ni Hash.
"Sagot!!!"
"I don't know what you're talking about Hash"
"Don't fool me! Kalat sa buong Campus"
"Hinde ko naman sinasadiya na..."
"I said don't fool me! Sinadiya mo dahil sa insecurities mo! Alam mo ba kung gaano kabastos at kahiya-hiya ang pinagkalat mo?! Alam mo ba na nakakasira ka ng buhay!"
"Hinde ko naman alam eh!" Doon na hinde napigilan ni Hash ang poot at nilapitan si Athena para saktan, napapikit nalang ito nang kwelyuhan siya ni Hash.
"Let her go" gulat na napadilat si Athena at sabay silang napalingon sa malamig na boses na yun.
"S-sin.." Nanghihina ang tuhod na sambit ni Athena. Mas lalong nainis si Hash nang marinig ang sinabi ni Athena na parang humihingi pa siya tulong dito pagkatapos niya yurakan ang pagkatao nito. Mas hinigpitan ni Hash ang pagkakakwelyo kay Athena at mas inilapit ang mukha nito sa kaniya.
"I said let her go" mas malakas na sambit ni Sin ngunit wala parin emosiyon, naramdaman ni Hash ang sobrang pagkaseryoso ni Sin kaya wala magawang binitiwan niya ito.
"Do you know what she did?!" Inis na tanong ni Hash kay Sin habang nakaturo kay Athena.
"I know"
"Yun naman pala eh, ipagtatanggol mo pa! Pinagmukhang ka niyang marumi, she made you feel like you're a filthy woman!"
"Hinde naman totoo eh"
"Kahit na! Sinira niya ang pagkatao mo"
"Bakit ba nagagalit ka samantalang ako hinde?" Hinde naman nakasagot si Hash.
"Kapag sinabi ko bang 'baliw ka' magagalit ka kahit totoo naman?" Naghahamon ang tono ni Sin nung itanong niya yun kay Hash.
"Kapag sinabi ko bang 'baliw ka' magagalit ka ba kahit hinde naman totoo?" Hinde nakasagot si Hash at hinintay na linawagin ni Sin ang ibig sabihin nito.
"Kapag sinabihan ka ng 'baliw ka' huwag kang magalit dahil alam mo naman sa sarili mo na hinde ka baliw. Kapag sinabihan ka ng 'baliw ka' huwag kang magalit kung totoo dahil yun naman talaga ang totoo. Mahiya ka kung totoong may nangyari satin pero kung wala rin naman bakit ka magagalit kung alam mo sa sarili mong wala kang ginawang masama" natahimik ang lahat sa pagkakasabi nun ni Sin na kalmado lang, walang mababakas na emosiyon ngunit maiintindihan mo ang pinupunto. Agad nawala ang galit na naramdaman ni Hash at napapahiyang napapabuntong-hininga ng malakas. Alam niya sa sarili niyang tama ito.
"Let's talk" wala sa sariling yaya ni Hash kay Sin.
"May klase pa tayo"
"Wala na" maawtoridad na sambit ni Hash sabay baling sa guro nilang natigilan sa pinto. Binigyan niya ito ng makahulugang tingin kaya wala sa sariling tumango ang guro at umalis.
"Now, let's talk" baling niya kay Sin.
"We're talking"
"Haissst! Not here"
"Where?"
"Follow me"
"Pag-iisipan na naman nila tayo ng masama kung tayong dalawa lang, isama mo si Kenia" inis naman na napasabunot si Hash sa buhok bago tumango. Una siyang lumabas ng pinto sumunod naman ang dalawa leaving the people in the room dumbfounded.
***
"Bakit ba ganyan ka?!" Inis na singhal niya pagkarating ng rooftop, sa malayo siya nakatingin at alam niyang nasa likod niya ang dalawa.
Inis na nilingon niya ang mga ito nang wala siyang nakuha na sagot. Nagkibit balikat lang si Sin sa kaniya bilang sagot pagkaharap ni Hash sa kanila, walang emosiyon si Sin habang si Kenia ay nanatiling walang imik dahil ramdam niya ang galit ng kapatid. Pagod naman na naupo si Sin sa sahig tsaka sumandal sa pader at pumikit, tumabi naman si Kenia, kaharap nila pareho si Hash na nakatayo at nakapamewang.
"Hoy!" Bulong ni Kenia sa kaniya sabay sundot, nagdilat naman ito ng mata at nilingon ang katabi.
"Kausapin mo nga yan" nguso ni Kenia sa kapatid na panay ang bulong at pagdadabog sa harapan nila, agad naman na napalingon si Sin kay Hash. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sin bago magsalita.
"Huwag ka ng magalit" gulat naman na napalingon si Hash kay Sin, walang mababakas na emosiyon sa kaniya pero ramdam mo yung lambing ng pagkakasabi niya.
"Who would not be mad, the issue they spread can lessen our humanity, tinapakan nila pagkatao natin lalo na sayo" inis parin na wika ni Hash at tinuro niya pa si Sin sa huli.
"Bakit naman?"
"Anong bakit naman?! Nakakabastos yung issue nila satin"
"Hinde naman totoo eh"
"Kahit na! Saan ba nagsimula yan?! Nakakainis!"
"May nakita na nagstay ka sa dorm ko ng magdamag"
"What?!" Gulat na sigaw ni Kenia, nagulat naman silang dalawa at sabay napatingin kay dito.
"Bakit naman siya nagstay sa dorm mo?" Galit na tanong ni Kenia. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sin bago sumagot.
"May sakit ako kahapon diba? Tumindi yun nung gabi patungong kombulsiyon na nga yun. Biglang dumating si Hash hinde ko namalayan sa sobrang hina na naiwan ko palang bukas ang pinto kaya siya nakapasok. Gusto niyang dalhin niya ako sa hospital pero hinde ako pumayag kasi wala naman akong pera ipambabayad noh! Kaya napilitan siyang magstay sa dorm ko ng magdamag para bantayan ako" paliwanag ni Sin, kumalma naman si Kenia na parang nakahinga ng maluwag matapos malaman ang totoo.
"Kanina sa Canteen, pinagbintangan ako nila Athena na kaya daw ako nakapag-aral dito dahil nilandi ko si Hash psssh! Eh hinde ko nga kilala yan bago ako magtake ng exam para sa scholarship, mga hinde nag-iisip" patuloy ni Sin.
"Hinde ko rin gugustuhin yan noh!" Turo ni Sin kay Hash na nanlaki ang mata.
"H-hoy! A-ang yabang mo!"
"Bakit nauutal ka ahahaha?"
"Anong...hoy! Para sabihin ko sayo maraming naghahabol sakin!"
"Anong pakialam ko"
"Eh bakit diring-diri ka pa na...na linked ka sakin?!"
"Ang OA ahmmp"
"Hoy! Hinde ako OA!"
"Kailangan naka sigaw?"
"Hinde ako sumisigaw!"
"Eh ano birit na birit lang?"
"Anong..."
"Pffft ahahahahaha" nahinto sila sa pagtatalo ni Hash nang biglang tumawa ng malakas si Kenia.
"Ahahaha ang cute niyo" parehong napaiwas ng tingin ang dalawa sa isa't isa nang banggitin iyon ni Kenia.
"Nakakatawa lang kasi na ikaw lang nakakabara ng ganyan kay Kuya, Sin" natatawa parin na usal ni Kenia. Hinde naman sumagot ito at napatitig nalang kay Hash.
"Pero seryoso ano na gagawin niyo niyan?" Bumalik sa pagiging galit ang aura ni Hash, habang si Sin ay nanatiling kalmado.
"Gagantihan ko sila, lalo na si Athena" nanggagalaiting usal ni Hash.
"Kuya, we both knew na hinde mo kayang basta nalang galawin si Athena isa sila sa mga Stockholder ng school, magagalit si Lola niyan"
"I don't care" walang pakialam na sagot ni Hash sa kapatid.
"Huwag mong gagawin yan" natigilan silang dalawa nang sabihin iyon ni Sin sa malamig na tono. Nawala ang mapang-asar ngunit kalmado nitong aura at napalitan ng pagkaseryoso.
"Huwag mo silang gagantihan" pag-uulit ni Sin.
"Eh hinde mo naman ako katulad na laging tahimik at kalmado" inis na singhal ni Hash sa kaniya.
"Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Dahil ang pananahimik ko ang paraan ko para kalmahin ang sarili ko" hindi nakasagot si Hash.
"Kung magpapadala ka sa galit mo sasabog ka lang, kung mananahimik ka makakapag-isip ka. Hinde naman porket ginawan ka ng masama automatic mong gagantihan, mas lala lang ang gulo. Imbes na mag-amok ka diyan humanap ka ng paraan para linisin pangalan mo" seryosong sabi ni Sin.
"Bakit pangalan ko lang lilinisin ko?"
"Diba yun naman gusto mo? Kaya ka nga galit dahil nadumihan tsk!"
"Oo! Pero paano ikaw?"
"Wala naman akong problema dun, ikaw lang"
"Pero paano yun Sin? Hinde ka ba nababahala sa image mo?" Nabaling naman kay Kenia ang paningin niya nang itanong ito.
"Nag-aalala ako syempre kasi pwede yun makaapekto sa scholarship ko pero imbes na magalit mas mabuti pang mag-isip ako ng paraan kung paano ko lulusotan" nakangiting tumango nalang si Kenia at tinignan siya na parang naiintindihan niya siya.
"Wala ka ba talagang pakialam sa sasabihin ng ibang tao?" Tanong ni Hash sa kaniya ngunit mediyo kalmado na ito, hinde nakabusangot at nakasigaw, tumabi pa nga siya kay Sin sa pagkakaupo.
"Wala naman akong pakialam kung ano ang tingin nila sakin mas may pakialam ako kung ano ang tingin ko sa sarili ko at sa mga taong mahal ko" wala namang sumagot sa kaniya nang sabihin iyon nang seryoso. Malakas na buntong hininga lang ang pinakawalan ng magkapatid.
"You're really weird but cool, Sin" namamangha na usal ni Kenia.
"Nah! I'm just different" natatawang sagot ni Sin.
"Alam mo? When I saw you at the Canteen being calm despite of the situation, I really admire you and I see something different in you, same with kuya Hash ahahaha" sabay nalang din na natawa si Sin kay Kenia sabay tingin kay Hash. Nag-iwas naman ito ng tingin.
"Kaya niyo ba ako tinulungan?" Nakangiting tanong ni Sin.
"Yeah! Ang cool kasi ng dating mo sakin, gusto kong makilala ka pa" nginitian lang ni Sin si Kenia ng matamis.
"Tara na" sabay naman napatingin sila Kenia kay Hash.
"May P.E pa tayo"
"Ay! Oo nga pala" gulat na turan ni Kenia sa sinabi ng kapatid, agad naman silang napatayo lahat at bumaba na. Dumaan muna sila sa kaniya-kaniyang locker para kunin ang P.E uniform nila at magpalit bago pumunta ng Field.
Pagdating nila sa Field ay andoon na lahat ng mga kaklase nila pati guro at lahat ng atensiyon ng mga ito ay nasa kanila.
"Andito na ba lahat?" Sigaw ng guro nila.
"Yes sir!" Sagot ng lahat.
"Good! Now, form a line. Faster!" Agad naman na nagform sila ng line separated sa boys ang girls.
"Mag stretching muna tayo, just follow my actions" tumuntong naman ang guro sa bench na kaharap nila para kitang-kita siya, nagsimula nga itong e demo ang basic stretches na ginagaya nila. Tumagal ng 15 minutes ang ginawa nila at ramdam na nila ang init sa katawan at karamihan ay pawisan na agad.
"We all know na every Friday is our meeting up, tuwing Friday lang may P.E and today we'll gonna do Volleyball" nakaramdam naman ng pagkabahala si Sin sa narinig, hinde siya mahilig sa sports pero gusto niya din naman ginagawa dahil nakakaramdam siya ng adrenaline rush, pero ang Volleyball ang hinde niya pinakagusto dahil hinde siya natututo kahit anong pilit, masiyadong masakit sa wrist kaya wala siyang gana na matutunan ito.
"Anyway, hinde pa pala ako nagpapakilala sa inyo I'm your teacher in P.E till next year. My name is Romy Noguerra but you can call me sir Romy. Huwag kayong matakot kasi hinde naman ako kasing strict ng inaakala niyo kahit nakasigaw ako" natatawang pahayag ng guro nila dahilan para matawa din sila.
"I want you all to count from 1 to 2. You'll be divided into two groups and your members will be randomly selected. The two groups will have a game. Start!" Nagsimula agad silang mag-count ng pasigaw para marinig ng lahat.
"Okay! Find your group. 1 is left and 2 is right, now!" Nagkagulo naman ang line nila at kaniya-kaniyang punta sa grupo nila, pumunta si Sin sa left dahil 1 siya, nakaramdam naman siya ng tuwa na kagrupo niya sila Hash at Kenia. Nagsiapir sila sa isa't isa dahil sa tuwa pagkalapit niya, pero hinde na sila nagsalita dahil nakasigaw na ang guro nila telling them to settle. Nagulat naman siya ng bahagya nang mamataan sila Athena na kaharap niya lang pala at panay ang irap sa kaniya, magkakalaban sila dahil nasa kanan ito. Pinagsabihan sila ng guro na e-divide ulit ang bawat grupo kung sino ang mauuna maglaro since, one na naman siya kasama siya sa unang maglalaro. Marami din kasi sila kaya kailangan hatiin ulit. Pumwesto na sila sa Net kasama ang iba, nagulat naman siya ulit nang magkatapat sila Athena. Bago magsimula ang game tinuruan muna sila ng guro kung ano ang dapat gawin. From right serving hanggang sa right position ng kamay, at marami pang iba. Nang pumito ang guro nila nagsimula na ang game, sa kabila ang nagserve na sinalo agad ng mga kasamahan niya, nagpatuloy ang laro na lamang ang kalaban nila kaya panay ang pag-irap sa kaniya ni Athena sa tuwing makakascore sila idadag pa ang ngisi nitong nang-aasar pag ito ang nakapuntos.
Sinalo ng kasamahan niya ang bola at hinde inaasahan ni Sin na sa kaniya ito ipapasa, agad siyang napatalon ng wala sa sarili at malakas na ibinagsak ang bola sa kalaban, napanga-nga ang lahat sa perpekto na pagkakapalo ni Sin sa bola pero ang hinde inaasahan nila ay ang malakas na pagdaing ni Athena dahil sa sakit. Gulat na napasinghap ang lahat nang tamaan si Athena ng bola, natumba ito dahil sa lakas ng pwersa at mukhang sa mukha pa siya tinamaan dahil nakatakip ang dalawang kamay nito sa mukha.
"Arrayyyy!!!!" Malakas na palahaw ni Athena na punong puno ng sakit, galit na tumayo ito na pulang-pula ang mukha. Mabilis na inilibot niya ang paningin para hanapin ang bola, nang makita ay marahas niya itong dinampot at buong pwersa na binato kay Sin, alam niyang ito ang tumira at dahil sa bilis ng pangyayari hinde siya agad na kakilos dahil aaminin niyang naestatwa siya sa ganda ng postura nito nung tirahin ang bola. Tinamaan niya sa balikat si Sin ngunit mas lalo siyang nainis na hinde man lang ito natinag sa kinatatayuan, mabibigat na hakbang ang ginawa ni Athena papalapit kay Sin, parang nag-aapoy siya sa galit makita lamang ang walang reaksiyon nitong mukha at parang hinihintay pa ang paglapit niya.
"Awww" walang emosiyon na usal ni Sin pagkalapit ni Athena. Pinalibutan naman sila ng mga kaklase nang maramdamang gulo na naman ito.
"Walang hiya ka! Alam mo ba kung gaano kasakit?!" Galit na sigaw ni Athena kay Sin at dinuro pa siya.
"Girls! Girls! Calm down, okay lang ba kayo?" Rinig nilang nagaalalang tanong ng guro ngunit hinde iyon pinansin ni Athena.
"Sumagot ka!" Galit talagang singhal ni Athena.
"Athena, calm..."
"Shut up, sir! I'm not talking to you!"
"Sumagot ka sabi! Alam mo ba kung gaano kasakit?!"
"Yes" walang emosiyon na sagot ni Sin habang nakatitig sa mga mata ni Athena.
"How?!"
"Tumumba ka eh"
"Gusto mo iparamdam ko sayo? Ha?!" Galit na singhal ni Athena at tinulak pa ang balikat ni Sin na natamaan, ramdam ni Sin ang sakit ngunit hinde niya pinahalata.
"Nagawa mo na" sagot ni Sin sabay sulyap sa balikat niya.
"Pwes! Hinde pa sapat yun!" Sigaw ni Athena sa mismong mukha ni Sin at marahas na hinila ang kwelyo niya, mas nadagdagan lang ang galit ni Athena na hinde man lang ito pumalag at nanatiling titig na titig sa mga mata niya.
"Bitiwan mo siya, Athena" sabay na napalingon silang dalawa nang isigaw yun ni Hash katabi si Kenia na ngayon lang nakalapit sa kanila dahil sa mga taong nakapalibot sa kanila, hinde siya pinakinggan ni Athena sa oras na ito ay wala siyang naramdaman na takot kay Hash dahil natatakpan ng galit niya kay Sin.
"Let me go, Athena" inis na naibalik ni Athena ang paningin kay Sin ng sabihin iyon.
"I'll kill you first before I do that"
"Look, Athena. I'm sorry pero hinde ko naman sinasadiya yun, it was an accident"
"Accident?! Ang sabihin mo you did it on purpose para gantihan ako"
"Why would I do that?"
"Ano?!"
"Bakit ko naman gagawin yun?"
"Naiintindihan ko! You don't need to translate" malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Sin nang maramdamang nawawalan na siya ng pasensiya.
"I'm sorry, okay? Kung talagang masakit dapat pumunta ka na muna sa Clinic bago ako sugurin dahil nagaalala rin ako sayo" sinserong usal ni Sin.
"Now, you're acting concern as if you care for me"
"I'm not acting because I really care" hinde agad nakasagot si Athena.
"Bakit dahil nakokonsensiya ka?!"
"Hinde! Awtomatik kang gumanti eh pero nag-aalala ako sa mukha mong sobrang pula kaya pumunta ka na sa Clinic"
"Sino ka para utusan ako?!"
"Concern lang ako" hinde nakasagot si Athena dahil sa pagiging seryoso ni Sin. Marahas na binitwan niya si Sin at naiinis na napasinghal, naiinis siya sa sarili nang maramdaman na parang hinaplos ang puso niya nang sabihin iyon ni Sin.
"Girl, halika ka na" yaya sa kaniya ni Yuri, isa sa mga kaibigan ni Athena, inis naman na tinalikuran niya ang lahat para pumunta sa Clinic. Agad naman na nagsialisan na ang mga kaklase nang pauwiin na sila ng guro, sinabing hinde na daw nila itutuloy ang laro. Nilapitan naman siya nila Hash at Kenia na kinumusta ang pakiramdam niya na tinanguan lang ni Sin bago talikuran para kuhanin na ang bag sa bench, ramdam naman niyang sumunod ang dalawa at kinuha narin ang bag ng mga ito.
"Ahhh!" Daing ni Sin nang sinubukang iangat ang kanang braso niya para isukbit ang bag ngunit napabitaw siya sa bag nang makaramdam ng sakit sa kanang balikat kung saan siya tinamaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top