Chapter 6: Affection


Napabitaw sila sa pagkakahawak sa isa't isa nang biglang tumunog ang cellphone ni Hash. Dahil sa pagkailang napaiwas ng tingin si Sin, habang si Hash ay dinukot ang phone sa bulsa tsaka binasa ang message.

"Hanap na tayo ni Kenia, nasa Com. Lab na daw sila" pahayag ni Hash sa tinext ni Kenia sa kaniya. Tumango nalang si Sin bilang sagot bago tumayo sabay sukbit ng bag, tumayo na din si Hash at sabay silang lumabas ng canteen na walang kibuan. Ramdam nila ang awkwardness sa isa't isa dahil sa kaninang mabigat nila na napagusapan. Napapakamot na nga lang si Hash sa batok dahil walang maisip na topic para mabasag ang nakakailang nila na katahimikan idagdag pa ang walang emosiyon na si Sin.

Hanggang nakarating ang dalawa sa Com. Lab wala parin imikan, dumeretso si Hash sa upuan habang si Sin ay dumeretso kay Kenia na kumakaway sa kaniya.

"Magkasama kayo ni Kuya?" Pagkaupo palang ni Sin nakakalokong ngisi at tingin na agad ang ipinukol ni Kenia.

"Yeah" bored na sagot ni Sin.

"Sa'n kayo galing?"

"Canteen"

"Ano ginawa niyo sa canteen?"

"Kumain"

"Kumain lang kayo?"

"Nag-usap din"

"Nang ano?"

"Ba't ang dami mong tanong?" Sabay lingon ni Sin kay Kenia na nagpout pa ngunit bumalik din agad ang nanunuksong ngisi nito habang titig na titig sa kaniya.

"Ehhh! Dali na kasi! Close na kayo ano pinag-usapan niyo?" Nanggigil na parang kinikilig na ewan na tanong ni Kenia.

"Napag-usapan namin kung bakit hirap ang mga estudyante sa papel, paano ito masusulusiyonan ng gobyerno? Nagpag-usapan din namin kung sino ang mas malakas si Hulk The Incridible o Breeze na may lakas ng sampung kamay? And more...You know, a simple friendly talk" napanganga nalang si Kenia sa sagot ni Sin habang 'di makapaniwalang nakatitig sa kaniya.

"Y-you're crazy!" Bulaslas ni Kenia bago humagalpak sa kakatawa. Napapatingin na nga iba sa kanila sa lakas nito kung makatawa.

"Seriously?! Sin? Hulk? Breeze? Pffft ahahahahahaha" tanong nito habang hawak-hawak ang tiyan.

"Alam mo first time kong marinig na mahaba sinabi mo pero I didn't know you wound talk such hilarious things like that" wika ni Kenia nang mahimasmasan sa kakatawa, napapapunas pa nga ito ng luha, habang si Sin ay napangiwi nalang. Nasapo naman niya ang noo nang biglang makaramdam ng kirot at pagkahilo. Napansin iyon ni Kenia kaya binalingan niya ng nag-aalala tingin ang kaibigan.

"Sin, are you okay?"

"Ahh... Oo nahilo lang ako" pinilit ni Sin na ngumiti kay Kenia para 'wag na itong mag-alala. Dumating na din ang guro nila kaya hinde na nangulit pa si Kenia kahit nag-aalala siya para dito. Habang si Sin ay pinilit magfocus sa discussion pero hinde niya magawa dahil sa bigat na nararamdaman, parang siyang lalagnatin, ramdam na din niya ang init ng kaniyang hininga at katawan idagdag pa ang sakit sa ulo.

Hanggang matapos ang lahat ng klase nila patinde ng patinde ang nararamdaman ni Sin pero pinili nalang niya manahimik at umakto ng normal. Gusto na niyang umuwi kaya nagmadaling iniligpit niya ang mga gamit at basta nalang pinasok sa bag niya. Bigla naman sumagi sa isip niya ang meeting nila sa SSC, kapag hinde siya nakaduty dun pwede itong makaapekto sa scholarship niya. Napabuntong hininga nalang si Sin at napatingin sa suot na wristwatch, alas singko na kaya dali-dali niyang isinukbit ang bag.

"Sin, sabay na tayo" napaatras si Sin nang hawakan siya ni Kenia pero huli na ang lahat dahil nagawa na nito.

"Oh my god! You're burning, Sin" nag-aalalang bulaslas nito sabay idinampi ang likod ng palad niya sa leeg ni Sin. Marahan naman itong tinanggal ni Sin at nginitian nalang ng matamis ang kaibigan.

"I'm okay"

"But..."

"Ken, okay lang ako. Hinde na ako makakasabay sayo may duty pa ako ngayon sa SCC tsaka may importante kaming pag-uusapan" putol ni Sin kay Kenia. Pilit na tumango nalang ito bilang pagsuko.

"Basta uminom ka ng gamot...una na ako" huling sabi nito kay Sin bago umalis ng classroom, napabuntong hininga naman siya bago maisipang lumabas na din. Nagkasabay pa sila ni Hash pagkalabas ng pinto, nginitian siya nito ng matamis na pilit tinugunan niya ng ngiti. Siya na ang nagbigay daan kay Hash para ito ang maunang lumabas.

"Ikaw nalang" pagbibigay daan din ni Hash para siya na ang maunang lumabas, naisip ni Hash na napakaungentleman tignan para sa kaniya kung ito pa ang magaadjust. Para wala ng pilitan na mangyari lumabas nalang si Sin na walang sabi, hinde naman siya tulad ng iba na nagpapabebe pa.

"Deretso ka na ba sa dorm mo?" Tanong ni Hash nang pareho silang nasa labas na ng pinto, umiling naman si Sin bago nagsimula ng maglakad, agad naman na sumabay si Hash sa kaniya.

"Eh sa'n punta mo?"

"Sa SCC Office"

"Ahhh" napapatangong tugon ni Hash.

"Eh ikaw?" Walang emosiyon at sa daan lang nakatingin na tanong ni Sin.

"Ahhh Huh?"

"Saan ka ko pupunta?"

"Ahhh may practice kami ng banda" napapakamot sa batok na sagot ni Hash.

"Are you intimidated of me?" Gulat na napalingon si Hash sa kaniya at pilit na natawa sa sinabi nito.

"Ahh hinde ah! hahaha"

"Tanggi mo lang" natutop ni Hash ang sariling bibig dahil totoo naman talaga ang sinabi nito idagdag pa ang blanko nitong itsura.

"Kasi ang blanko kasi ng itsura mo tsaka ang cold ng aura mo, kanina nga nung magkasama tayo nilulunok ko lahat ng kaba ko, sinusubukan kong patawanin ka pero ako lang nagmukhang tangang tumatawa mag-isa...tapos nakokonsensiya pa ako dahil sa napag-usapan natin kanina para kasing may naalala ka na mapait na pangyayari sayo kaya..."

"Kalimutan mo na yun" putol sa kaniya ni Sin sabay ngiti sa kaniya ng matamis, parang naestatwa si Hash sa tamis ng ngiti nito na ngayon lang niya nakita. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at parang tumigil ang mundo para sa kaniya tanging ang ngiti lang nito ang nakikita. Ilang beses na napalunok siya bago iniwas ang tingin kay Sin.

"S-sige" nauutal na sagot ni Hash at hinde maintindihan ang sarili kung bakit siya kinakabahan sa tuwing kasama niya ito.

"Dito nalang ako" agad na napabalik ng tingin si Hash kay Sin nang sabihin iyon. Nakita niyang nasa tapat na pala sila ng SCC office. Napipi naman si Hash at 'di alam kung ano ang sasabihin, kumaway si Sin sa kaniya bago pumasok sa pinto. Inis nalang siyang napakamot sa ulo, pinapagalitan ang sarili kung bakit hinde man lang niya ito makausap ng matino dahil sa nararamdaman niyang kaba, litong-lito na siya sa sarili kung bakit siya nagkakaganito. Gusto niya sana itong makasama ngunit hinde niya maintindihan ang sarili.

Walang magawa siyang nagtuloy sa paglalakad patungong Music room kung saan sila nagpapractice at nagrerecording. May sarili silang room ng mga kabanda niya at exclusive lang ito sa kanila since sila naman ang may-ari ng paaralan na ito. 'Victoria's International University' o kilala bilang VIU, inihango ang pangalan ng eskwelahan sa great-grandmother ni Hash na siyang nagpatayo nito, isang dekada na din nakatayo at maayos ang pagpapatakbo sa paaralan nila, isa lang naman ito sa pinakamahal na paaralan sa buong syudad ng Quezon.
Natigil nalang siya sa pagmumumuni nang marating na ang Music room, tumambad sa kaniya ang iba't ibang mga instrumento. Natigil naman sa pagtutuno ng mga instrumento na gagamitin ang mga kabanda niya nang mamataan ang presensiya niya, agad itong nagsibaba sa maliit na stage at sumugod sa kaniya.

"Hey! Morris, late ka ata" salubong sa kaniya ni Shawn sabay apir sa kaniya.

"Bakit ka nga ba late?" Tanong ni Rick.

"May kinausap lang"

"Sino?"

"Si Sin"

"Uyy!!!" Kantiyaw ng dalawa sa kaniya isa-isa niya itong inambahan ng suntok ngunit tinawanan lang siya ng dalawa at kunyari ay umiwas.

"Ouch! Ikaw ha may gusto ka dun dude? Crush ko pa naman yun kahit blank space ang aura" himas-himas ang dib-dib na turan ni Shawn habang umarte na parang nasaktan, binatukan naman siya ni Rick na natatawa. Natigil naman si Shawn sa pagtawa dahil sa talim ng tingin na ipinukol ni Hash sa kaniya.

"Dude, syempre dahil type mo siya magpaparaya ako hehehe" napabuntong hininga nalang si Hash sabay napaupo sa hagdan ng stage at hinde na lamang pinansin ang sinabi ni Shawn.

"Matanong ka nga namin gusto mo ba yun?" Seryosong tanong ni Rick habang nakacross arms.

"H-hinde ko alam"

"Ano ba nararamdaman mo kapag nandiyan siya?"

"Kinakabahan ako ng sobra"

"Ano pa?"

"Hinihigop ako ng mga mata niya pagtumitig ako"

"Tapos?"

"Nung nginitian niya ako ng matamis parang nagslow motion ang paligid"

"And then?"

"Ewan ko! Gusto ko siyang makasama pero inuunahan ako ng kaba" tumango-tango naman ang dalawa habang may mga nakakalokong ngisi.

"Bakit?" Inosenteng tanong ni Hash.

"Hinde mo siya gusto" napapailing na turan ni Rick.

"Because you're IN LOVE WITH HER!!" Sigaw nung dalawa sa kaniya sabay na natawa habang si Hash ay parang binambo ang dib-dib sa tuwa at kaba dahil sa narinig. Napahawak pa nga ito sa dib-dib niya.

"That's absurd!" Nauutal na singhal niya sa dalawa ngunit mas lumakas lang ang tawanan ng dalawa. Iniisip niyang love na ba agad iyon? Eh ilang araw palang sila nagkakilala.

"Then find it out by yourself" ani ni Rick nang mahimasmasan sila sa kakatawa.

"Practice na nga lang tayo" inis na singhal niya sa dalawa bago tumayo.

Habang si Sin ay pilit na ipinukol ang atensiyon sa napag-uusapan nila.

"Sa mga foods okay na ba iyon?" Tanong ni Chris.

"Ahh Oo, kami na ni Reign bahala dun since kami naman ang may hawak ng budget" sagot ni Ranna.

"What about sa theme?"

"May theme ba dapat?"

"Oo, para maiba naman"

"Avengers nalang" binatukan naman ng mga kasama si Roberto.

"Dapat yung magical" ani ni Reign.

"Harry Potter"

"Pokemon"

"Mobile Legend"

"Engkatandiya" natawa nalang ang lahat sa mga Walang kwentang suggestion nila maliban kay Sin na sapu-sapo ang ulo.

"What about you, Sin?" Nag-angat ng tingin si Sin sa tanong ni Chris.

"Disney Fairytales" tumango ang lahat sa sinabi niya.

"Maganda yun...okay Disney fairytale it is, e lista mo nalang, Sophie" utos ni Chris.

"Paano sa decoration?"

"Tayong lahat syempre gagawa nun"

"Magkano budget?"

"Ten thousands"

"Five thousands lang"

"Hinde dapat fifteen thousands"
napabuntong hininga nalang si Sin, nahihiya siya sa kasama dahil wala man lang siyang naitulong na idea maliban sa isa dahil sa bigat na nararamdaman niya, mas lalo lang sumasakit ang ulo niya sa tuwing may napagtatalunan ang mga ito. Ayaw naman niyang may masabi ang mga ito kaya umayos siya ng upo bago tumikhim, nagtagumapay naman siyang maagaw ang atensiyon nila nang magsitigil ito sa pagtatalo at sabay-sabay na humarap sa kaniya.

"Make it twenty" maawtoridad na sambit niya sabay sandal sa swivel chair niya at nagcross arms.

"Malaki magagastos natin sa decoration kung gagawin natin siyang magical. I was thinking to make the Auditorium like a palace since, it is a formal party" tahimik na napatango bilang pagsang-ayon ang lahat sa kaniya.

"From the stage to the ceiling let's make it gold" patuloy ni Sin.

"Ang tanong eh okay ba sa kanila ang budget na yun?" Tanong ni Chris.

"Magkano ba budget para sa party?"

"One hundred thousand" sagot ni Ranna, ang treasurer.

"Half of it, is inilaan namin sa food dahil sa dami ng studyante na papakainin. Bale fifty thousand nalang ang natira" tumango lang si Sin.

"Yung twenty ilaan mo sa decoration. Yung Ten, ilaan mo sa awards. Five thousand for our snacks and posible expenses syempre tayo gagawa lahat eh mahirap na mamatay sa gutom" nasihiyawan naman ang mga kasamahan niya nang sabihin niya ang snack.

"Ilaan mo yung natirang fifteen thousand baka sakaling kulangin tayo para walang problema" sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya.

"What about our costumes, Sin?" Nagkunot-noo naman siya sa tanong ni Reign.

"Personal needs natin yun, wala tayong kukunin na budget para sa mga sarili natin costumes" nagsitango nalang ang lahat.

"Mediyo may kamahalan din kasi mga costumes na gagamitin natin. Alam naman nating lahat na scholar lang tayo dito" napabuntong hininga naman si Sin, naisip niyang Reign has a point, they don't have budget for the dress.

"May kasamang monthly allowance scholarship natin diba? Gamitin nalang muna natin yun" suggestion ni Josh.

"Pero kasiya na ba yung two thousand?"

"Mag renta nalang tayo, mura lang iyon may kilala ako na shop" napangiti nalang ang lahat sa sinabi ni Sophie, solved na ang problema nila.

Napag-usapan na din nila ang schedule at naisipan nga nilang sa susunod na sabado gaganapin ang party, pati schedule sa preparation.
Matapos ang meeting nila ipapasa nalang nila ang nagawang plano sa Principal at tanging pagsang-ayon ng President nitong school nalang ang kailangan.

Pagkatapos ay agad na dumeretso sila sa mga dorm nila. Napag-alaman niyang magkakatabi-tabi lang pala silang mga babae ng dormitory. May tatlong palapag ang building ng dormitory nila, ang mga lalaki ay nasa first floor kung nasaan sila Chris, Josh, at Roberto. Habang silang mga girls naman sa second floor. Ang Third floor naman ay exclusive sa mga teachers. Maraming bakanteng room sa building nila pero iilan lang silang nagookupa, tanging mga scholar students lang at mga teachers na nasa probinsiya nakatira. Karamihan kasi sa mga studyante ay takot manatili sa paaralan, at tsaka anak mayayaman ang mga ito mas pipiliin nilang mag stay sa mga mansion nila o condo kaysa sa dormitory.

Agad na dumetso si Sin sa kama at pabagsak na inihiga ang sarili sobrang bigat ng nararamdaman at hinde man lang ito nabawasan, palala pa ng palala.

"Kumusta pakiramdam mo?" gulat na napadilat ng mata si Sin nang biglang may magsalita sa gilid niya. Agad niyang ibinaling sa kabilang direksiyon ang ulo at bumungad sa kaniya ang prenteng nakasandal sa likod ng sofa na si King. Sa likod kasi ng mini sala niya dito sa dorm ay kama niya.

"Ano ginagawa mo dito?" Sapu-sapo ang ulo na bumangon si Sin sa pagkakahiga tsaka umupo sa kama.

"Sana sinagot mo ng maayos ang babae kanina" napakunot-noo si Sin kung ano ang ibig sabihin nito at pilit inalala kung anong nangyari kanina at yung babae na tinutukoy nito. Inis na napasampal nalang si Sin sa noo nang maalala kung ano ang isinagot niya sa tanong ni Kenia at kung bakit bigla nalang siya nakaramdam ng pagkahilo at ang pagtuloy-tuloy ng sakit niya.

"Naalala mo na?"

"Joke lang naman yun eh" nakangusong sagot ni Sin dito.

"Kahit na, nagsinungaling ka. Pamimilosopo pa ang ginawa mo" nag-angat nalang si Sin ng ulo at blankong napatitig sa kisame sabay malakas na napabuntong hininga.

"Ayoko lang malaman niya na napag-usapan namin kung paano sinubukan na ungkatin ni Hash ang nakaraan ko"

"Bakit hinde mo buksan ang sarili mo para sa iba" agad na nabaling dito ang atensiyon niya sa sinabi.

"Hinde ko pa kaya" nauutal na sagot ni Sin dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top