Chapter 4: Council and Clubs
"What happened to you?!" Salubong agad ni Kenia nang makabalik siya sa table, napatayo pa ito tsaka tinuro ang uniform niya na may mantsa. Inaasahan na niya ito kaya napabuntong hininga na lamang siya.
"Natapunan eh"
"Sino naman gumawa niyan?"
"Hinde ko kilala eh, aksidente yung nangyari" sagot niya nalang kay Kenia para 'wag na itong mag-alala tsaka ayaw niyang lumala pa ang gulo pag nalaman nilang si Athena lalo pa kanina kung gaano gusto saktan ni Hash si Athena sa paraan palang ng pagtitig nito. Agad naman siyang nagyaya na aalis nang mapatingin sa suot na wrist watch, ala una na kaya kailangan niya ng pumunta sa council.
Pagkalabas ng canteen agad na silang naghiwalay, siya papuntang SCC office habang yung apat ay papuntang auditorium para sa registration ng mga clubs.
Tanaw na ni Jansin ang council office dahil narin sa pangalan nito sa ibabaw ng pinto kaya hinde siya gaanong nahirapan na matunton ito. Pagkabukas palang niya ng pinto ay mga nagkakagulong mga kasama ang nabungaran, nahinto naman ito sa pagkukulitan nang mamataan ng mga ito ang presensiya niya.
"H-hi" ilang na bati niya sa mga ito habang nakataas ang isang kamay tanda ng pagbati. Nagsisugod naman ito sa kaniya na parang mga excited, mediyo napaatras siya ng kaonti dahil sa dami nila.
"Hi, I'm Sophie. I'm the Secretary" pakilala nung isang babaeng labis ang ngiti at bakas sa boses nito ang pagkamahinhin.
"I'm Reign, I'm the Auditor" pakilala naman ng isa pang babaeng nakasalamin.
"I'm Josh, I'm the P.I.O grabe ang ganda mo" kinikilig nitong turan kaya napatawa siya ng bahagya.
"I'm Chris, Vice President" napangiti naman si Sin bilang tugon, gwapo ito na parang maginoo kung titignan.
"I'm Roberto, ako yung Sergeant At Arms" pakilala naman nung isa na malaki ang katawan, hinde na siya magtataka.
"Ranna, Treasurer" nakangiting pakilala nito tulad nung isa ay nakasalamin din ito. Napangiti nalang siya sa kanilang lahat habang kinamayan sila isa-isa.
"Jansin, I'm the President" pakilala niya, nagsitilian yung ibang babae na parang 'di makapaniwala, yung ibang lalaki kinamayan siya ulit, habang yung si Robert ay sumaludo sa kaniya dahilan ng pagtawa niya. Napaisip naman siya, hinde naman pala masama na napabilang siya sa mga ito, sobrang makukulit at mga nakakatuwa sila.
Pagkatapos ng pagpapakilala inilibot ni Jansin ang paningin sa buong silid, isang mahabang mesa at mga upuan ang nasa gitna, sa harapan naman ay isang white board, isang cabinet sa gilid na may mga papeles, at supplies tulad ng bond paper, isang printer at computer, at mga locker sa gilid. Saktong-sakto lang ito para sa kanila. Inilabas naman ni Sin ang susi sa locker na bigay sa kaniya ng principal, para ilagay doon ang binigay na gamit tulad nung jacket at libro.
Agad naman silang pinatipon ni Chris kaya nagsiupo silang lahat sa mahabang mesa, habang siya ay naupo sa dulo ng mesa kung saan ang gitna habang si Chris sa kabilang dulo, dahil narin sa mga posisyon nila.
"Nagkausap kami ni Ma'am Pareño kanina yung principal natin. Sabi niya isa sa mga compulsory nating mga scholar ang pagiging parte ng mga clubs bukod sa pagiging parte ng council. As we all know, today is the registration kaya kailangan natin sumali doon" palihim naman na napakamot si Sin sa kaniyang ulo, kakasabi niya lang na ayaw niya ng dadag responsibilad at ito na naman.
"And one more thing kailangan na din natin pagplanuhan ang mangyayaring Acquaintance Party, dapat this month lang yun" dagdag pa ni Chris, nagsitanguan naman yung iba.
"Bukas nalang natin pag-usapan kailangan natin magparegister pa diba? May schedule naman tayo dito everyday ng ala singko" nagsiagree naman yung iba, every 5 pm talaga ang schedule nila ngayon lang nagkaroon ng schedule sa ala una dahil sa biglang pagpapatawag sa kanila ng principal, nagtext nalang ito kay Jansin na magkakaroon sila ng meeting ngayon. Nagtaka pa nga siya kung paano nito nakuha ang number niya, naisip naman niyang baka sa Student profile form nito nakuha.
Nagtaka naman si Sin nang biglang mapatingin ang lahat sa kaniya na parang naghihintay ng sasabihin niya. Napatikhim naman siya at napaayos ng upo bago magsalita.
"B-Bakit?" Nauutal na tanong niya sa mga ito.
"Wala ka bang sasabihin? Ikaw yung President, kailangan namin ng approval mo o opinion galing sayo" nahihiyang napatango naman si Sin, nahihiya siya sa kaniyang sarili dahil naturingan na president pero wala siyang gawa.
"Ahhh okay na yun, bukas nalang hehehe" aligaga niyang sagot sa mga ito habang may ilang na ngiti. Agad naman na tinapos nila ang meeting para makahabol sa registration, sabay silang lahat na nagtungo sa Auditorium.
"Ano nga pala sasalihan niyo?" Tanong ni Josh nang malapit na sila sa Auditorium, pansin ni Sin na sa kanilang lahat ito ang pinakamadaldal at Makulit tinalo pa ang mga babae.
"Sa Mathematics Club kami ni Ranna" sagot ni Reign, halata naman na strength ng dalawa ang numbers sa mga salamin palang nito litaw na ang katalinuhan kaya siguro ang mga ito ang naging Treasurer at Auditor.
"Sa Sports club nalang ako" sagot ni Roberto.
"Sa Music Club siguro ako marunong naman akong sumayaw" sagot ni Josh.
"Sa Theater Club nalang ako, marunong naman ako umarte eh" sagot ni Sophie.
"Sabagay maganda ka naman, pasok ka dun" pagsang-ayon ni Ranna.
"Sa Glee Club nalang siguro ako" sagot ni Chris.
"Eh ikaw, Sin?" Napalingon naman ito sa kanila nang tanungin siya, sa kanilang lahat siya lang ata ang hinde palasalita magmula pa kanina.
"Sa Journalism Club nalang siguro" balewalang sagot niya basta lang may maisagot, kanina niya parin ito pinag-iisipan kaya siya tahimik.
"Talaga? Ano pwesto gusto mo?" Nakangiting tanong ni Sophie.
"Editorial Cartooning"
"Magaling ka mag drawing?" Mangha na tanong ni Josh, tumango lang si Sin bilang tugon at 'di na nagsalita pa nang marating ang Auditorium, nagkalat ang mga studyante at napapaligiran ng mga stand sa ibabaw nito ang pangalan ng mga clubs, sobra hahaba naman ang pila sa Music club, Glee Club, Theatre Club, at Sports Club buti nalang hinde niya naisipan sumali sa mga ito. Naghiwahiwalay naman silang magkakasama para magtungo na sa mga club na gusto nilang salihan, habang siya ay naiwan. Inilibot nalang niya ang paningin para hanapin ang Club na plano niyang salihan. Napangiti naman siya nang mamataan na wala masiyadong nakapila dito. Nagulat pa siya nang mamataan si Kenia na nakaupo sa stand nito habang nagsusulat. Agad naman siyang lumapit dito. Hinde agad napansin ni Kenia ang presensiya niya dahil sa ginagawa nito kaya tumikhim siya para maagaw niya ang atensiyon nito. Nag-angat ito ng tingin at nanlaki pa ang mga mata nang makita siya.
"Kyahh! Sin, what are you doing here?" Tili nito habang ngiting-ngiti bago tumakbo sa kaniya para yakapin siya, muntik pa siyang matumba kaya palihim na napangiwi si Jansin at tinanggap nalang ang yakap nito.
"Sasali ako sa club niyo, ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ni Jansin nang bumitaw na si Kenia sa kaniya.
"I'm the President in this club, akala ko ba hinde ka sasali?" Napatango naman si Sin.
"Compulsory eh" nakangiwing sagot niya.
"Buti naman dito mo naisipan sumali yahh! Magkakasama tayo nila kuya" excited na pahayag ni Kenia, napakunot-noo naman si Jansin.
"Kasali kuya mo? Akala ko ba Glee Club siya?" Nagtatakang tanong niya.
"Yeah, pwede naman kasi hanggang apat na club pwede mo salihan. Si kuya yung sa Editorial Writing habang ako ay sa News Writing" napatango-tango naman si Sin sa paliwanag nito.
"Ano pala pwesto gusto mo?" Tanong ni Kenia bago bumalik sa upuan.
"Sa Editorial Cartooning"
"Kyahh!! Talaga?! You're an artist? Oh my G! Sa English Category nalang kita ilalagay para magkakasama tayo nila kuya Hash" hyper na sabi nito.
"Ikaw bahala"
"Magpasa ka nalang ng ouput mo bilang sample para tuluyan kang maging member. It's one of the requirements eh"
"Okay"
"Sige" Kenia giggled bago sinulat ang pangalan niya at saka siya nito pinapirma.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top