Chapter 2: Position


Sumilip muna si Jansin sa pinto na gawa sa salamin para malaman kung andito ba ang principal. Isang babaeng nasa mga mid 50's ang nakaupo sa table na natitiyak niya na ito ang principal, kumatok siya sa pinto para maagaw ang atensiyon nito na busy sa pagpipirma ng mga papel. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at sinenyasan siyang pumasok at maupo na agad niyang sinunod.

"Good afternoon po" bati ni Jansin dito bilang respeto, napangiti naman ito.

"Good afternoon too, hija. You must be the new scholar student"

"Yes, ma'am" sagot ni Jansin sa magalang na tono.

"What is your name?"

"Jansin Ylla Dimasalang, ma'am"

"Well, ms. Dimasalang as a scholar student there are task will be given to you. Are you willing to do it?" Napatango naman si Jansin na walang alinlangan.

"Good then, I am assigning you to be the SSC president"

"P-po?!" Di makapaniwalang sambit ni Jansin, hinde niya ito inaasahan ang akala niya ay maglilinis lamang siya ng library o magiging assistant pero ang maging SCC president? Nakakabigla.

"Is there a problem, ms. Dimasalang?" Napailing naman siya.

"Kasi po imposible naman po yang sinasabi niyo, ako po SCC president? Agad-agad?! Hinde ba kailangang  pagbotohan pa yun ng buong campus bago ako maging elected?" Napangiti naman ang principal sa ka niya.

"There no election that happens in this school for officers, Hija. If election happens students will only look physically of ones representative and not the capability. It is the reason why scholar students are directly going to be officers because we've seen that they have the minds and they're more responsible, as also a payback for their scholarship" paliwanag nito sa kaniya.

"But why me? Why president?" Hinde maiwasan ni Jansin ang pait sa tono, being a school officer is a tough reponsibility that is the reason why she don't want it.

"We have basis, hija. You were the one who got the highest mark on the Entrance Exam and to your NCAE result you have a high average in humanities and arts, those are our basis for the president position and it is you" sagot nito sabay turo sa kaniya.

"Ms. Dimasalang if you will not accept this position then, we have no choice but to cut your scholarship" kinabahan si Jansin sa sinabi nito kaya napabuntong hininga na lamang siya bago tumango.

"I'll take the position, ma'am" pagsuko ni Jansin, she's left with no choice. Napangiti naman ang principal sa kaniya.

"Very well, then. Here" inilapag naman nito sa table ang susi, at paper bag. Taka itong inabot ni Jansin, isang black Hooded Jacket na may pirmang SSC sa likod, at manipis na libro.

"Yang susi ay duplicate key sa office niyo, then the jacket is your uniform compulsory lang magsuot kayo niyan tuwing may events, at iyang libro ay ang rules and regulation ng buong school, basahin mo diyan ang tungkol sa officers" napatango nalang si Jansin bago nagpaalam sa principal.

Nag-aagaw ang liwanag at dilim nang makalabas si Jansin sa opisina. Naglalakad siya sa hallway papauwi nang harangin siya nila Athena kasama ang mga alipores walang nagawa si Jansin kundi ang huminto.

"Ano kailangan mo?" Bored na tanong ni Jansin kay Athena.

"Wala ba talagang kwenta facial expression mo palagi?" Napahagikhik ang mga kasama nito sa likod dahil sa pang-aasar ni Athena.

"Talent eh" kinilabutan silang tatlo nang sabihin iyon ni Jansin na may ngisi. Nakakatakot ito para sa kanila dahil ngayon lamang nilang nakitang ngumisi ito sa buong araw.

"I-ikaw! Akala mo ba hinde ko nakita na pinagtawanan mo ako kanina?" Pilit itinatago ni Athena ang kilabot na nararamdaman sa pamamagitan ng pagtataray. Napaisip naman si Jansin sa sinabi nito.

"Yung favorite author mo si E.L James?" Tanong ni Jansin na walang emosiyon ulit.

"Bakit mo ako tinawanan ha?!" Galit na singhal nito. Tumabingi lang ang nguso ni Jansin, sa lahat ng tumawa kanina siya lang ang napansin nito? Eh sa nakakatawa naman talaga iyon.

"Nakakatawa naman talaga. E.L James is the author of Fifty Shade of Grey, it is a romance novel...really romance" napapatangong sabi ni Jansin at 'di maiwasang mapangiti dahil sa pagpipigil ng tawa at para narin inisin ito.

"Ang pangit mo ngumisi manang" napatigil nga si Jansin sa pag-ngisi at bumalik sa parang yelo na aura.

"Look at her outfit so cheap"

"I agree, Liana" sila naman ang ngumisi dahil sa mga panlalait nila habang si Jansin ay nanatiling sa walang emosiyon. Totoo naman talaga kung dati sobrang sassy niya manamit ngayon ay plain black T-shirt, black Jeans, at rubber shoes ang suot sobrang simple lamang. Pero imbes na patulan tignan lang ni Jansin si Athena mula ulo hanggang paa, nakaramdam si Athena ng pagkainsulto sa paraan ng pagtingin nito dahilan ng pagkagalit niya, kanina napahiya siya ng dalawang bases dahil dito parang naipon lahat ng galit niya sa dib-dib patungong ulo. Agad na hinablot ni Athena ang makapal na libro na hawak ni Liana at agad itong itinaas sa ere para isampal ito kay Jansin pero biglang sumulpot si Hash sa harapan niya at huli na para pigilan ang kamay, isang malutok na 'pakk' ang namayani sa buong paligid tumabingi pa ang mukha ni Hash na namumula dahil sa lakas ng sampal. Agad na nabitawan ni Athena ang libro at napatakip ang kamay sa bibig na parang gulat na gulat sa nangyari. Hinde niya ito inaasahan, kung bakit ba kasi laging may sumulpot bigla pagsasaktan na niya ang babaeng ito. Kinabahan sila lalong-lalo na si Athena nang dahan-dahan itong lumingon na may nagbabagang tingin. Kitang-kitang sa mukha ni Hash ang galit.

"I-I'm s-sorry, Hash" 'di maiwasang mautal ni Athena dahil sa kaba. Si Hash ay kilala hinde lamang sa pagiging sobrang gwapo kundi sa pagiging destructive nito lalong-lalo na pag galit.

"H-hash, it's that manang fault siya dapat ang tatamaan. Why did you appeared ba out of nowhere in front of me?" Rason ni Athena pero imbes na sagutin tinignan lang siya ni Hash bago pinulot ang libro na isinampal sa kaniya.

"It's my turn" binalot ng matinding takot si Athena nang sabihin yun ni Hash na may diin at punong-puno ng galit ang mga mata, napapikit nalang si Athena nang dahan-dahan iangat nito ang kamay. Hinintay ni Athena ang pagtama ng libro sa mukha niya pero ilang segundo na ang lumipas pero wala siyang naramdaman na sakit sa mukha, dahan-dahan niyang binuksan ang isang mata at nagulat na lamang siya nang makitang hawak ni Jansin ang kamay ni Hash na hanggang ngayon ay nakataas parin na parang pinipigalan ito sa gagawin.

"Don't" puno ng awtoridad na sambit ni Jansin sa malamig na tono. Naestatwa naman si Hash sa ginawa nito lalo na nang maramdaman niya ang isang kilong boltahe na dumaloy sa mga kalamnan niya nang dumikit ang mga palad ni Jansin sa braso niya. Hinde makapaniwalang napatitig siya dito at wala sa sariling naibaba ang kamay. Agad niyang ibinalik kay Athena ang paningin dahil hinde niya kayang makipagtitigan kay Jansin lalong-lalo sa mga mata nito na parang hinihigop ang buong pagkatao mo sa paraan nito tumitig sa tao. Naging kalmado na ang aura ni Hash dahil sa ginawa ni Jansin kaya nakahinga ng maluwag si Athena.

"Leave my sight" walang salita ang tatlo na nagmadaling umalis nang sambitin iyon ni Hash na may diin at walang emosiyon. Hinde makapaniwalang napatingin si Hash kay Jansin nang pulutin nito ang libro sa sahig na nabitawan pala niya, nagsimula na itong maglakad at iwan siya, inis niya na lang itong hinabol habang napapakamot sa ulo.

"H-hey!" Tawag nito kay Jansin pero hinde ito huminto at nagtuloy lang sa paglalakad na parang hinde narinig si Hash.

"Ang sarap mo naman magpasalamat" hinde maiwasang maging sarkastiko ni Hash nang mahabol niya ito at sabayan sa paglalakad, tinignan lang siya ni Jansin na walang emosiyon bago binalik ang tingin sa daan.

"I didn't asked you to faced the book" napanga-nga si Hash sa sinabi nito at walang mahanap na salita. Ito na nga niligtas, kasalanan niya pa pala?!

"Thank you ha!" Sarkastikong singhal ni Hash. Naiinis siya dito dahil parang wala lang ito kay Jansin ang ginawa niya. Wala man lang appreciation. Ngunit ang hinde niya maintindihan ay kahit inis siya para rito ay kalmado parin siya.

"Sa'n ka pala uuwi? Hatid na kita?" Cool na tanong ni Hash pero sa loob-loob niya ay kinakabahan siya sa pakikipag-usap dito.

"Sa dorm" sagot ni Jansin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hinde na siya sumabay kay Kenia pauwi dahil dito lang din naman sa school ang uwi niya. Nasa pinakalikod ng paaralan ang building ng dormitory, karamihan sa nag-ookupa dito ay mga scholar students lamang dahil parte ito sa scholarship na nakuha nila.
"Ganun ba? Nasa likod ng school yun diba? It's quite creepy ang daan papunta dun pag gabi baka may multo. Hatid na kita" napatawa naman ng bahagya si Jansin sa pananakot nito. Multo? Kung alam niya lang, there's more terrifying than a ghost. Hinde naman maiwasan mapatitig ng binata dito nung tumawa ito ng 1 second lang, it's like a precious thing that he rarely see.

"What?" Napabalik sa wisyo si Hash nang isanghal iyon ni Jansin sa mukha niya.

"Hmm...wala. I insist ihahatid na kita" nakangiting pagpupumilit nito, Jansin just shrugged her shoulder indicating na siya ang bahala. Napangiti nalang si Hash habang sinasabayan si Jansin sa paglalakad, tahimik lang nila binabaybay ang daan patungong dormitory pero hinde ito katahimikan na makakaramdam ka ng awkwardness, ito ang katahimikan na magaan lang sa pakiramdam.

"Dito na. Thank you nalang" sambit ni Jansin nang huminto siya sa pinto ng isang silid.

"Can I get inside?"
"Hinde. Umalis ka na" pagtataboy ni Jansin dito kaya napasimangot nalang ang binata.

"You're rude you know! Sige alis na ko...paalisin kita diyan eh, building ko yan" Hinde niya narinig ang huling sinabi nito bago umalis kaya pinagsawalang-bahala niya nalang ito. Kinuha niya ang susi sa bulsa tsaka binuksan ang pinto nilingon niya muna si Hash na nakatalikod na sa kaniya na naglalakad, napangiti nalang siya bago tuluyang pumasok sa loob.

Agad niyang ibinaba ang mga dala sa center table bago isinalampak ang sarili sa sofa, napapikit nalang siya sa sobrang pagod, first day pa lang hinde na maganda simula niya paano pa kaya sa susunod na mga araw? 

"Kumusta?" Napapitlag si Jansin sa sobrang gulat nang biglang lumitaw sa tabi niya ang isang lalaking nakasuot ng puro puti at ang maamo nitong mukha.

"Bakit ba nanggugulat ka?" Kalmadong sabi niya dito. Ganun naman talaga ito biglang nalang lilitaw sa harapan niya, hinde pa siya nasanay. Napaayos nalang si Jansin ng upo.

"Kumusta araw ng klase?" Tanong ulit nito sa malambing na tono, ganyan talaga ito magsalita laging kalmado at malambing kaya nasanay na siya.

"Ayos naman" nakangiwing sagot niya.

"Naramdaman ko ang pagpipigil mo ng inis, Sin. Huwag mo itong hayaan na madala ka" napabuntong hininga nalang si Jansin.

"Sinusubukan ko naman eh"

"May isang taon ka nalang, alam mo kung ano ang mangyayari pag nabigo ka" bakas sa tono nito ang pag-aalala para sa kaniya. Alam iyon ni Jansin sa apat na taon na lumipas parang nawawalan na siya ng pakialam, kung dati ay nag-aalala siya pero ngayon parang wala na talaga siyang maramdaman.

"Doon din naman ako papunta" mapait na wika ni Jansin.

"Sin, may pag-asa ka pa" pagpapagaan ng loob nito kay Jansin pero wala itong epekto sa kaniya.

"Meron nga ba?" Hinde naman ito nakasagot sa tanong niya.

"Kahit naman magtagumpay ako wala ng kwenta buhay ko. I'm all messed up" mapait na sagot ni Jansin bago tumayo at pinulot ang mga dala para ayusin ito. Hinde naman ito sumagot at bigla nalang nawala na parang bola kaya napabuntong hininga nalang si Jansin bago inilibot ang paningin sa buong silid, isang normal sized na kama sa gilid, mini sala, CR, veranda at kitchen. Maswerte parin pala siya kahit papaano, mas mabuti itong dorm, komportable siya dito kaysa sa apartment niya dati na magulo at masikip, na miss niya rin ang ganito. Mabuti nalang pala naisipan niyang magexam para sa scholarship at salamat sa diyos ay naipasa niya. Guess, she's not that a bad luck.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top