Chapter 1: School


Hawak-hawak ang papel kung saan nakasulat ang schedule niya at section, nagpalinga-linga siya sa paligid ng buong skwelahan, kunot na kunot ang noo ni Jansin na napatingin sa papel. Kanina pa siya palakad-lakad sa building na ito, ang sabi dito lang daw sa ground floor ang senior high school pero nalibot niya na ang buong building bakit hindi niya makita ang section niya?

Gulat siyang napaupo sa sahig nang banggain siya ng kung sino, sobrang lakas nun kaya nasaktan siya, pinigilan niya mainis at kinalma nalang ang sarili, hinde siya pweding magalit siya lang ang masasaktan sa huli. Tumayo siya at pinagpagan ang damit. Inangat niya ang tingin para makilala kung sino ang bumangga sa kaniya. Lalaki na parang lumaklak ng Gluta sa sobrang puti, may hitsura ito, matatawag na heart trob sa Campus.

"Hinde ka kasi nakatingin, Miss" sabi nito sa kaniya. Napangiwi siya, siya 'tong nakatingin bakit 'di siya ang umiwas?! Sarkastikong sagot ni Jansin sa kaniyang isip.

"Sorry" walang emosiyon niyang sabi bago ito lagpasan, ilang lakad palang ang nagawa niya nang mapatigil dahil sa naisip.

"Wait!" Pigil niya sa lalaking nakabangga niya na maglalakad na din sana. Napaharap ito sa kaniya.

"What?" Maarti nitong tanong.

"Alam mo kung saan yung CSS class?" Tanong niya dito. Napataas naman ng kilay ang lalaki.

"Transferee ka?" Tanong nito kaya napatango siya.

"New enrolled" sagot niya. First day of school ngayon kaya nahihirapan siyang hanapin ang classroom niya wala pa naman siyang kilala dito.

"CSS ka?" Paulit-ulit nalang ito nagsisimula ng mainis si Jansin pero pinipigalan niya.

"Yes" walang kabuhay-buhay niyang sagot.

"Sabay ka sakin" utos nito sa kaniya, wala naman siyang nagawa kundi sumabay nalang. Habang naglalakad hinde mapakali ang lalaki at panay sulyap kay Jansin, nawe-werduhan siya sa dalaga wala man lang itong emosiyon na ipinapakita lalo na nung banggain niya ito ng kusa, balak niya itong e-bully pero sobrang walang emosiyon ito kaya nagdalawang-isip siya.

Tahimik lang silang naglalakad patungong classroom, napahinto sila sa isang room na walang pangalan. Nagtaka naman ang dalaga.

"May, nagtanggal ng pangalan ng section?" Kunot-noong tanong ng binata sa sarili. Agad na binuksan ng binata ang pinto at tumambad sa kanila ang mga studyanteng may kanya-kanyang sariling mundo.

"Sino nagtanggal ng pangalan ng section?!" Gulat na nilingon ni Jansin ang katabing binata nang sumigaw ito bigla para tawagin ang atensiyon ng lahat. Lumapit ang isang babaeng luluwa na ang dib-dib sa suot niya at putok ang mukha sa kolorete kasama sa likuran niya ang mga alipores.

"Oh?! Hashton Morris, What are you shouting 'bout ba?" Malandi nitong tanong sa binata, napansin naman nito si Jansin sa gilid dahilan ng pagtaas nito ng kilay at tinignan siya from head to foot.

"Whose this manang beside you?" Maarti nitong tanong sabay tingin kay Jansin na may pangdidiri, napansin iyon ni Jansin pero tinitigan lang ito ng dalaga na walang emosiyon.

"She's none of your business, Athena. Now, tell me. Ikaw ba nagtanggal ng pangalan ng section natin?" Seryosong tanong ng binata sa kaharap.

"What if I say 'Yes', what is it to you anyway?" Taas noong sagot nito na parang naghahamon.

"Ibalik mo" maawtoridad na sabi ng binata sabay cross arms.

"Bakit ba?! Dati pa namin ginagawa yan, ngayon ka pa lang nagreact, Hash" pagmamatigas nito kaya napataas ng kilay ang binata. Tinamad naman si Jansin na pagmasdan sila sa pagtatalo kaya umalis siya nang hinde nila napapansin. Lumapit siya sa pinakalikod na upuan malapit sa bintana.

"May nakaupo ba dito?" Tanong niya sa babaeng katabi ng bet niyang upuan, nag-angat ito ng tingin sa kaniya at binitawan ang binabasang libro, may suot itong malaking eye glass na kulay black pero imbes na magmukhang nerd o baduy nagmukha itong sopistikado, at sumisigaw ang katalinuhan. Nakaramdam ng kaonting hiya si Jansin nang masilayan ang kabuuhan nito kahit may salamin litaw na litaw ang ganda.

"None" sagot nito bago ibinalik ang atensiyon sa binabasa. Dumeretso naman siya sa upuan at naupo.

"Ayaw ko ng may naliligaw pa, ibalik mo na!" napatingin naman siya sa unahan na hanggang ngayon nagbabangayan parin ang dalawa.

"Bakit ba kasi?!"

"Ibalik mo nalang kasi!"

"Urghh! You're annoying, Hash. Is it because of that manang?!" Nagsilingon ang karamihan kay Jansin nang ituro siya ni Athena, nagulat naman si Jansin at nakaramdam ng kaonting hiya pero hinde nito pinahalata, bored niya lang na tinignan si Athena.

"Look! Kahit mukha niya walang kwenta"

"Athena!" Nagbabanta ang tono ni Hash habang masamang nakatingin sa kaharap.

"Fine! Morris. Girls, ibalik niyo na" pagsuko ni Athena, nagsikilos naman ang mga alipores niya at ibinalik ang pangalan ng section. Tinalikuran naman nito si Hash sabay flipped ng hair. Naparoll eyes naman si Jansin sa inakto ng dalawa, mga isip-bata, sinong matino ang itatago ang pangalan ng section para lang iligaw ang mga baguhan sa paaralan na 'to? At kailangan pa talagang mapansin siya? Ipagdiinan ba naman sa first day of school ang pagiging manang kuno niya.

Ilang minuto lang pagkatapos ng bangayan ng dalawa dumating na din ang kanilang first subject kaya nagmadali ang karamihan sa buong silid na ayusin ang mga sarili.

"Good morning, class" bati ng guro pagkapasok nito na tinugunan nilang lahat bilang respeto.

"I am your new subject teacher in grade 11 English. My name is Ms. Debbie Carriaga, you can call me ma'am Deb. I know some of you already knew each other since you were classmates before in junior high school but  I want you all to introduce yourself so, I can get to know you and to those newbies like, me" nakangiting pahayag ng guro sa kanila. Unang tumayo si Athena dahil ito ang nauuna.

"Good morning, ma'am. I'm Athena Angel D. Rable, I'm 17 years old, I love to sing, to dance, and to read. I hope we can all be friends, Thank you" taas noong pagpapakilala nito.
"Really?! You love to read?"

"Yes, ma'am"

"Whose your favorite author then"

"Huh?!"
Di nakasagot si Athena sa naging tanong ng guro nila. Echos-echos lang naman kasi niya ang reading may masabi lang.

"Ah...eh...ahahaha" nababalisang turan ni Athena na parang nangangapa ng isasagot.

"Mao mana diha!" Bulong ng isa sa mga alipores ni Athena sa salitang bisaya, napatingin ng masama si Athena dito at binigyan ng 'shut up and help me' look.

"Sabihin mo si E. L James" pabulong nitong sabi kay Athena. Confident naman na humarap pabalik si Athena sa guro.

"Si E.L James ma'am. She's my favorite author"

"Pffft ahahaha"

"Ahahaha E.L James talaga?!"

"Ahahahaha"

"Fifty Shades yun diba?! Bwahahaha"

Iilan lamang iyan sa mga naging reaksiyon ng buong klase dahil sa naging sagot ni Athena. Naguguluhan si Athena kung bakit nagsitawanan ang mga kaklase nila? mas lalo pa siyang nainis nang makita si Jansin na palihim natawa sa kaniya.

"Didn't know you're into sadist romance, Athena" panunukso ng kanilang guro sa kaniya. Binigyan naman niya ang kaibigan na nagsuggest nun ng masamang tingin pero nagkibit-balikat lang ito. Napapahiyang umupo nalang pabalik si Athena. Itinuloy naman ng buong klase ang pagpapakilala sa isa't-isa.

Tumayo na ang katabi niya para magpakilala kaya napabuntong hininga si Jansin, ito ang pinakaayaw niya sa lahat.

"I'm Kenia Si, 17 years old, I'm into books, obviously. I hope you teach me well" simpleng sagot ng katabi tsaka naupo. Hinde agad tumayo si Jansin kaya tinawag na siya ng guro.

"It's your turn, hija" Napabuntong-hininga na lamang siya bago tumayo ng pilit, siya na ang huling magpapakilala.

"Jansin Ylla Asuncion Dimasalang"
"That's it?" Tanong ng guro sa kaniya pero hinde siya sumagot.

"How old are you?"

"I'm 19 ma'am" nahihiyang sagot niya.

"You're 19? Why?" Napabuntong hininga si Jansin bago sumagot.

"I'm a repeater, I'd took hiatus for two years" napatango naman ang guro.

"Why?"

"I can't answer that, it's already a personal issue and I believe it is not part of introducing myself, ma'am" napapahiyang tumango naman ang guro kay Jansin.

"I understand, I'm sorry ms. Dimasalang" naupo na ulit si Jansin pagkatapos itong humingi ng paumanhin sa kaniya. Naging sobrang tahimik ng lahat pagkatapos kaya agad itong binasag ng guro nila, nagbilin lang ito ng mga aaralin nila bukas pagtapos ay nagpaalam na agad ito sa klase kahit hinde pa nagring ang bell, katulad ng ibang subject ay ganoon din ang nangyari walang naganap na klase puro pagpapakilala lang, ganoon naman talaga pag unang araw ng klase.

Lunch break na kaya karamihan sa mga studyante ay naglalakad patungong canteen. Pagkapasok niya agad siyang dumeretso sa counter pa umorder ng pagkain. Kukunin niya na sana ang tray ng pagkaing inorder nang biglang may humampas nun dahilan ng pagkatapon nito sa sahig nanlulumo niyang tinitigan ang Spaghetti, Burger, at Ice tea ito pa naman ang mga paborito niya. Nilingon niya ng walang emosiyon ang may-ari ng kamay na humampas. Ramdam naman niya ang mga matang nasa kanila dahil sa ginawa nito nakaagaw sila ng atensiyon ng mga tao.

"Ba't mo ginawa yun?" Malamig na tanong niya kay Athena na tuwang-tuwa pa sa ginawa, sa likod nito ang dalawa niyang alipores, as usual.

"Trip ko" pinigilan ni Jansin ang mainis o magalit para dito, napabuntong hininga na lamang siya at nanlulumong tinitigan ang pagkain na natapon.

"Ahhh! Look at her gurl kawawa naman" wika ng isa sa mga alipores ni Athena sa nang-aasar na tono kasunod ng tawanan nila tatlo.

"Linisin niyo" natigil naman silang tatlo sa pagtatawanan dahil sa sinabi ni Jansin.

"Excuse me?" Taas kilay na sagot ni Athena pero tinitigan lang siya ni Jansin na parang wala siyang kwenta na bagay.

"Clean your own mess" sagot ni Jansin sabay turo sa nakapaskil sa ding-ding nitong canteen.

"Pffft Ahahaha"

"She's cool, I like her"
Tawanan at bulong-bulungan ng iba malapit sa kanila. Nakaramdam naman ng inis at insulto si Athena dahil pakiramdam niya ay napahiya siya.  Humakbang siya palapit Kay Jansin para ambahan ng sampal.

"How dare you fight..." Hinde natapos ni Athena ang sasabihin nang isang likod ang humarang kaya naibaba niya ang kamay na sana ipangsasampal niya.

"Here" Abot nito ng isang tray ng pagkain katulad ng kay Jansin na natapon, taka namang tinitigan ni Jansin ito, at si Kenia na nag-abot.

"H-hey..." Hind ulit natapos ni Athena ang sasabihin nang tuluyang hilahin ni Kenia si Jansin sa braso para makalayo sa kanila at makapunta sa table niya. Inis naman na napapadyak si Athena bago rin nagtungo sa table nila, anong laban ni Athena sa anak ng may-ari ng paaralan nila?

***

"Bakit di ka man lang lumaban?" Dabog agad ni Kenia pagkaupo pa lang nila sa table nito. Naiinis siya kay Jansin kung bakit di man lang ito umangal sa ginawa ni Athena, naiinis siya rito dahil wala lang sa kaniya ang nangyari pero imbes na sagutin siya ni Jansin ay nagkibit-balikat lang ito.

"Bakit di ka man lang umiwas nang sasampalin ka niya?!" 

"Sayang effort niya kung iiwas ako" sagot ni Jansin tsaka sumubo ng Spaghetti na bigay nito.

"W-what?!" 'Di makapaniwalang sambit ni Kenia bago tumawa ng malakas, napapatingin na nga sa kanila ang iba na malapit sa table nila.

"You're impossible" sambit ni Kenia sa gitna ng tawa sabay turo kay Jansin.Kinuha naman ni Kenia ang bottled water pagkatapos mahimasmasan kakatawa.

"Bakit mo ginawa yun?" naibaba ni Kenia ang bottled water na hawak at napakunot-noo.

"Ang alin?"

"For saving me" sagot ni Jansin habang ngumunguya. Wala namang mahanap na isagot si Kenia, bakit nga ba ginawa niya iyon? Usually hinde naman siya nangingilam pag may binubully sila Athena pero ito niligtas niya.

"Ewan ko?" Walang sigurado na sagot nito sabay subo din ng pagkain, si Jansin naman hinde sumagot at tinuloy lang ang pagkain.

"Thanks" sinserong pahayag ni Jansin, napangiti naman si Kenia.

"Maybe because I pity you and I see something in you that is why I helped you" napatigil si Jansin sa pagsubo at nag-angat ng tingin kay Kenia.

"Hinde ka naman tomboy diba?" Napatawa naman ito sa tanong ni Jansin.

"Asa!" Singhal ni Kenia na natatawa.

"It's just you're different from others, that's why" napatango nalang si Jansin. Walang nang nagsalita sa kanilang dalawa pagkatapos kaya nakaramdam si Jansin ng pagkailang.

"Kanino pala 'tong pagkain dapat?" Basag niya sa katahimikan.

"Kay kuya dapat pero nagtext siya sakin na hinde siya makakasabay sakin dahil niyaya siya ng mga kabanda niya sa labas na mag lunch" napatango-tango naman si Jansin at hinde na uli nagsalita. Ang weird lang kasi na parehong sakto sila ng pagkain.

Pagkatapos kumain agad silang bumalik sa classroom ng magkasama, nag-uusap sila minsan pero hinde ganoon karami ang napag-uusapan nila, napansin ni Jansin na pareho silang tahimik lang ni Kenia. Katulad ng mga naunang klase ganoon parin ang nangyari.

"Sabay kana sakin pauwi" napailing si Jansin sa alok ni Kenia nang matapos ang klase, naglalakad na sila ngayon patungong locker.

"Dadaan pa ako sa principal's office" sagot ni Jansin.

"Hintayin nalang kita" pag-iinsist nito, napatigil naman sila nang makarating na sila sa tapat ng kanya-kanyang locker na magkatapat lang.

"Huwag na, matatagalan ako dun" sagot ni Jansin sabay bukas ng locker niya.

"Sure ka?" Napatango naman si Jansin kaya walang magawa si Kenia kundi ang sumang-ayon. Napansin ni Jansin ang pagkadismaya nito kaya nginitian niya ito napangiti nalang din si Kenia bago nagpaalam na uuna nalang siya umuwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top