Chapter 8
AN: ANG DAMING NAG COMMENT LAST CHAPTER! NAKAKALOKA. Anyways salamat po sa inyo. Na-touch po ako. NEXT CHAPTER KO SISIMULAN ANG DEDICATION PROMISE. Hindi ko pa po kasi nababasa lahat ng comments. Pero promise, next chapter.
Sa ngayon... enjoy :)
-- Ate Aly.
****
Chapter 8
[Timi’s POV]
“Rika! Rika!!” hinabol ko si Rika then I grabbed her arm. “I know it’s not you! Ba’t mo inaako?! Sino ang pinagtatakpan mo ha?!”
Hindi pinansin ni Rika ang tanong ko, instead, she just looked away.
“Rika ano ba! Talk to me! Natatakot ka ba sa kanila ha? Ano ba! Palagi ka na lang bang ganyan? Palagi ka na lang ba mag papaka-duwag?”
Kinalag niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.
“Just let me go, please,” she told me, almost whisper.
Napahinga ako ng malalim.
“You’re hopeless, really. Akala mo tinutulungan mo ako sa lagay na ‘to? Akala mo magugustuhan kita dahil pinagtakpan mo ang kasalanang hindi naman natin parehong ginawa? You’re wrong! This only proves how weak you are! Duwag ka, Rika!”
Napaangat ang tingin ni Rika sa akin and I saw her eyes full of tears.
“Wala kang alam Timi.”
Hindi ko alam kung bakit, pero naka-ramdam ako ng guilt nang makita kong umiiyak si Rika.
Nakakabadtrip naman yung babaeng yun! Bat ako ma-gu-guilty?! Sinabi ko lang naman ang totoo eh. She’s weak. She’s a coward.
But what the hell am I feeling guilty for?!
Dahil walang wala ako sa mood, naisipan ko na lang mag cut ng class at dumiretso sa music room. Buti na lang at walang tao, makakapag-labas ako ng badtrip.
Kinuha ko ‘yung drum sticks ni Jasper at naupo ako sa likod ng drumset niya at pinag-tatatambol ko ito. I played a random Paramore song. Yung sobrang loud. Yung may mabilis na beat ng drum. Gusto ko kasi ito, nakaka-bingi. Tipong nabibingi rin lahat ng nararamdaman ko. Kahit papaano, natatabunan ng malakas na tugtog ng drum ang badtrip na nararamdaman ko.
Hindi ko na-realize na kanina pa pala ako tumutugtog kung hindi pa may lumapit sa akin at inagaw ang drum stick sa kamay ko.
“Hey! May plano ka bang sirain ang drums ko? My god Timi! Mahal ‘yan!” sabi ni Jasper habang naka-tingin sa akin at naka-taas ang kilay. “What’s with that face? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa!”
“Gago ka ah!” tumayo ako at hinarap ko si Jasper. “Tinatawag mo ba akong panget?!”
“Oo—este—I mean, mukha kang problemado. ‘Di ba naayos na yung issue na ninakaw mo ang answer key?” lumayo siya sa akin at naupo sa tapat ng drum set niya, doon sa kaninang pwesto ko. “Grabe si Rika pala ang nag nakaw nun? Ang hirap paniwaalan. Knowing she’s smart and all.”
“She did not do it.”
“Weh? Eh inamin niya na eh.”
“Basta hindi siya yun! At kung sino man ang gumawa nun, I swear hahanapin ko siya and I’ll make his or her life a living hell!”
“Wow! So BFF mo na ngayon si Rika?”
Tinignan ko si Jasper ng masama, “the hell?! BFF your face! I hate her to the core at never akong magkaka-bff ng babaeng weak.”
“At bakit? Dahil galit ka sa mahina? Or maybe because---”
“Shut up!” pag putol ko sa sasabihin ni Jasper dahil alam ko naman kung saan patungo ang pag uusap namin.
“Okay, shut up na!” sabi niya sa akin. “Pero pre!” lumapit bigla si Jasper at hinawakan ang braso ko, “grabe I think I’m in love!”
“Huh?”
“Si Aiscelle kanina, nag tagpo na naman ang landas namin. Grabe sinigaw-sigawan na naman niya ko. She told me how much she loathed me. Sabi pa niya, pag naka-hanap siya ng chance, ipapakulam talaga niya ako para pumanget ako. Grabe talaga! Kanina habang sinisigawan niya ako, habang tinitignan ko ang mukha niyang namumula dahil sa sobrang galit dahil sa akin, I found her really dazzling and hot and sexy. And while she’s cursing at me, I realized that she’s the one for me.”
Tinaasan ko ng kilay si Jasper at tinignan siya na para bang may kung ano’ng tumubo sa mukha niya.
“Seriously?” tanong ko sa kanya. “Hindi ka naman naka-drugs no? O hindi ka naman nag aadik? Tell me, naka-inom ka ba ng love potion? O nabagok ba ang ulo mo?”
“Tse! Tumigil ka! Matino pa ako no! Eh basta, uy pre,” luampit sa akin si Jasper at inakbayan ako. “Tulungan mo ko kay Aiscelle ah? Tulungan mo ako gumawa ng da moves doon.”
“Bat ako?”
“Syempre babae ka eh. Alam mo ang ikinakakilig ng mga girls. Basta ha?”
I rolled my eyes on him. In love na nga si mokong. Sa tagal kong kilala itong si Jasper, ngayon ko lang siya nakitang magka-ganyan sa isang babae. Ito yung first time na gusto niyang mag effort sa pag gawa ng moves.
Mukhang tinamaan nga talaga ito sa kakambal ni Ice.
Hay pag-ibig.
Sana wag masaktan ang kaibigan ko katulad ng sakit na naramdaman ko noon.
[Rika’s POV]
“I’m letting this go Rika. I know you’re a smart kid and alam kong nape-pressure ka ngayon kaya mo ‘to nagawa. Pero ayoko ng mauulit ‘to ha? And just so you know, I’ll make sure na makakarating itong ginawa mo sa parents mo,” Ms. Jennica, our principal, told me.
“Yes ma’am. Thank you po talaga.”
“Okay you may leave.”
Tumayo na ako and I was about to open the door nang tawagin niya ulit ako.
“Ah Rika…”
“Yes po?”
“Ikaw ba talaga ang nag nakaw ng answer key?”
Iniwas ko ang tingin ko kay Ms. Jennica.
“O-opo. Ako po.”
“Okay. You may leave.”
Agad kong binuksan ang pintuan at dali-dali akong lumabas sa principal’s office.
She know I was lying! Alam ko na may alam siya. Pero pag nalaman nila ang totoo, Timi will---umiling ako and trying to shake off the thought that entered my mind.
No. Everything will be alright. Tumupad ako sa deal. She will leave her alone. Hindi niya gagawin yun.
Hindi ko na pinasukan ang mga susunod na subjects ko. Umuwi ako agad sa bahay namin. Gusto ko muna mapag-isa at mag kulong sa kwarto.
Pero maling move pala ang pag uwi ko.
Sinalubong ako ng malakas na sigaw ng girlfriend ni daddy.
“Ano yung nalaman kong nag nakaw ka ng answer key ha Rika?!”
Hindi ko siya sinagot.
“Ganyan ba kita pinalaki ha?! Kelan ka pa natutong mag nakaw ha?!” lumapit siya sa akin at hinila niya ang buhok ko.
“M-ma! Masakit!!”
Hindi niya binitiwan ang pagkakahawak sa buhok ko, instead kinaladkad niya ako papasok sa kwarto ko. “Hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto mo! Diyan ka lang! Mag aral ka diyan. Hindi ka kakain ng dinner! And no, wala kang allowance sa loob ng isang buwan.”
Pilit ko siyang itinulak. “You don’t have a right. Hindi ikaw ang nagpapa-baon sa akin. Lahat ng pera rito sa bahay, kay daddy nanggagaling.”
“I am your mom!”
“No. You’re not my real mom.”
Bigla siyang natigilan at tinignan niya ako ng masama. “Oh eh ano ngayon kung hindi ako ang tunay mong nanay? Ako na ngayon ang asawa ng daddy mo kaya wala kang magagawa.”
Hindi pa kayo kasal. Gustong-gusto kong sabihin sa babae na yan pero mas pinili ko na lang manahimik. Mamaya mag sisisgaw pa siya sa kwarto ko eh. I just want her to leave me alone.
Lumabas na rin ang madrasta ko sa kwarto at agad kong ini-lock ang pintuan ko. As if I want to eat dinner with them. Mas gugustuhin ko nang magutom ngayong gabi kesa sumabay sa kanila.
I hate my dad for choosing that girl over my mom. And I hate him more for not protecting me.
Ang saya ng pamilya namin dati pero sinira niya.
My life in school sucks. But my life here in our home is hell.
Kaya pagkagaling sa school dumidiretso ako sa coffee shop hanggang sa mag sarado to. Ayoko kasing umuwi. Ayokong sabayan sila sa pagkain. Ayokong makita sila.
Hindi ako nag aral. Wala naman na akong pag aaralan kasi alam ko na lahat ng yan. Oo hindi ko kailangan mangodigo para pumasa. My stepmom knows that pero pinagalitan niya pa rin ako sa kadahilanang hindi niya kasi ako gusto.
That night, umiyak lang ako ng umiyak. I want to be with my mom kaso hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. For sure pag pasok ko, mabubully na naman ako kasi kakalat yung balita sa ginawa ko.
Great just great. I am protecting someone who doesn’t even want to be my friend. And I don’t even know why I am doing this.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Ni hindi ko na napansin ang oras. Nakarinig na lang ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko.
“Rika, open the door.”
It’s my dad. My spineless dad.
“No. Go away!”
“Rika! Please. I want to talk to you.”
“I said go away!!”
“Naku Riko hayaan mo na nga ang batang yan! Masaydong suwail! Manang-mana sa nanay niya eh. Buti na lang talaga iniwan mo yung babaeng yun. Naku susunod niyan dalhin mo na rin yang batang yan doon sa nanay niya. Walang utang na loob ang batang yan!”
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko. Ayoko ng makarinig pa ng kahit anong sasabihin niya. At mas lalong ayoko ng marinig na pag salitaan niya ng masama si mommy at tatahimik lang si daddy at hindi kami ipinagtatanggol.
He’s the worst.
The next morning, magang-maga ang mata ko kakaiyak. Pero kahit ganito ang itsura ko, bumangon pa rin ako at nag ayos ng sarili para pumasok. Mas gugustuhin ko ng kaharapin ang mga kaklase ko kesa naman ang maiwan sa bahay kasama ng madrasta ko.
Halos pasimula na ang klase nang dumating ako kaya naman halos walang nakapansin sa akin nang pumasok ako sa classroom at naupo sa pinaka dulong row sa gilid.
My first three subject went well. Walang kumakausap sa akin. Balik sa pagiging invisible na ako. Medyo naka-hinga na ako ng malalim kasi mukhang hindi pa kumakalat ang mga nangyari kahapon.
But I’m wrong.
Nung lunch time, pag tapak ko sa cafeteria, pinaligiran agad ako ng isang grupo ng mga babae at lalaki.
“So, ang top notcher pala natin ay isang cheater,” sabi nung isang babae and immediately recognized her.
She’s the one who stole the answer key. Siya rin ang nag set up kay Timi.
“Tell me, may answer key ka rin ba sa exam natin mamaya sa History? Eh sa Literature? Kelan mo pa ginagawa yun ha?”
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na lang ako nag lakad paalis. Pero bago pa ako maka-tatlong hakbang, bigla niya ako hinatak at itinulak ng malakas kaya naman na out of balance ako at napaupo sa sahig.
“Cheater! Diyan ka bagay!”
Huminga ako ng malalim at tinignan ko lang siya. Nakakaawa siya. Yung mga bagay na ibinabato niya sa akin ay ang repleksyon sa sarili niya. Hindi ba niya alam na sarili niya ang pinatatamaan niya? O hindi niya matanggap na sa pagitan naming dalawa, siya ang totoong cheater.
“Hey babe, don’t be so harsh,” sabi nung isang lalaki na kasama nila at tinulungan akong makatayo. “So Rika, do you want to go out with me?”
“H-ha?”
“Pwede mo akong maging boyfriend, though I always cheat kasi. Di bale, cheater ka rin naman kaya bagay tayo.”
Nag-tawanan yung mga taong naka-paligid sa akin kasama na yung lalaking naka-akbay sa akin.
“So ano na Ms. Cheater? Tara mag date!”
Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa braso ko and for the second time, sinubukan kong mag walk out. Pero for the second time rin, may nanghatak na naman sa akin.
“Oh come one. Don’t be so hard to get, hindi ka naman maganda eh. Pasalamat ka gwapo pa ang nag aalok sa ‘yo.”
Tinignan ko ang mukha niya at muntikan na akong masuka. Hindi siya gwapo. Kung gwapo rin lang, si Kite ang pinaka-magandang description ng gwapo.
“S-sorry, I need to go.”
“Ano ba! Ang arte mo ha! Para namang may ibang papatol sayo! Bakit may iba bang gustong magyaya sayo? Wala di ba?”
“Actually meron.”
Napalingon ako bigla nang marinig ko ang boses na yun.
“Rika, tara, kain tayo ng lunch?” sabi niya sa akin habang nakangiti siya at naka-lahad ang kamay niya.
Walang nag sasalita. Lahat sila tulala sa nangyayari. Alam kong takot sila kay Kite. Alam kong kahit bagong salta palang siya sa paaralan na ‘to, meron na agad siyang pangalan. Sila ng pinsan niyang si Ice.
Hindi na hinintay ni Kite na kunin ko ang kamay niya instead he grabs mine at hinila niya ako palabas ng cafeteria, palayo sa lahat ng kahihiyang nangyayari sa akin.
“You know what, I know a place na sobrang sarap ng pagkain doon. As in, grabe! At dahil sasamahan mo ako, it’s my treat,” sabi niya habang nag lalakad kami papunta sa kotse niya.
Nang makarating kami, pinagbuksan niya ako ng pintuan.
“Hop-in!” nakangiti niyang sabi.
I hesitated.
“Oh what’s the matter? Don’t worry sabi ko nga it’s my treat. Relax.”
“Uhmm, Kite…”
“Hmm?”
“T-thank you.”
“For what?”
“B-basta, salamat kasi---“ bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, pinangunahan na naman ako ng luha ko.
“Hey, Rika,” lumapit sa akin si Kite and he wiped my tears. “Kung kakain ka ng lunch pwede mo akong sabayan. Kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin okay? You don’t have to keep on ignoring me sa classroom o kada pupunta ka sa coffee shop. Pwede mo akong kausapin. Pwede mo akong maging kaibigan. I am willing to be your friend.”
Tinignan ko si Kite. Palagi kong iniiwas ang sarili ko sa kanya. Siguro sa takot na ma-bully ulit ko pag nakitang kasama ko siya. O baka dahil nakaka-intimidate siya. He's so cool. Napaka positive ng aurang inilalabas niya. Lagi siyang naka-ngiti. Ang fresh niya.
Nakaka-inlove...
“K-kahit na cheater ako?” tanong ko sa kanya.
“You’re not a cheater, stupid! Tama na nga yan. Gutom na ako. So, mahilig ka ba sa tapsilog?”
Natawa ako bigla sa sinabi niya. At parang for the first time simula ng magkahiwalay ang mommy at daddy ko, for the first time sa mahabang panahon, I laughed genuinely.
“Sobra,” sagot ko sa kanya.
“What are you waiting for? Hop in!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top