Chapter 4 *voice *
Chapter 4
*voice *
[Timi's POV]
"nakita mo si Erin at Ice na magkasama?" tanong saakin ni Jasper "hmm naku baka nga may namumuo ng relasyon sa dalawang yan" sabi niya habang naglalakad kami papunta sa classroom
Hinampas ko si Jasper sa braso "hindi! Baka mamaya kamag-anak lang nila si Erin?"
"mukha ba silang magkamag-anak?"
Napa pout ako. Hindi naman sila mukhang magkamag-anak. Si Ice at Kite halata mong mag pinsan dahil pareho silang ubod ng gwapo. Eh si Erin? Sus! wala pa sa kalingkingan ng ganda ko yang babaeng yan.
"uy alam ko ang iniisip mo" bulong ni Jasper saakin "masama yan. Tandaan mo mahal ni Wil si Erin..."
Hinampas ko ulit siya "pisti ka! Wala akong pinaplanong masama kay Erin no!" =___=
"asus!" bigla naman napatigil si Jasper sa paglalakad "uy! Narinig mo ba yun?"
Napatigil din ako "narinig ang ano?"
"may kumakanta!"
Pinakinggan ko maigi yung paligid at nakarinig ako ng boses ng babae na kumakanta
"I get so weak in the knees
I can't hardly speak
I lose all control
Then something takes over me.."
"Ang ganda ng boses niya" sabi ni Jasper.
Napatingin kami doon sa may bench malapit sa puno at may nakita kaming babaeng nag gigitara habang kumakanta pero hindi namin makita ang mukha dahil nakatalikod siya.
"In a daze, your love's so amazing
It's not phase
I want you to stay with me.."
"teka lalapitan ko siya! Makikipagkilala ako!" sabi ni Jasper
Binatukan ko siya
"Aruy naman! Bakit na naman?!"
"mamaya ka na mambabae okay? Male-late na tayo!"
Nag pout naman si Jasper "okay payn!" at dumiretso na kami sa loob ng classroom.
As usual, ang boring na naman ng klase. Lumilipad ang isip ko at may mga times na halos bumagsak na ang mata ko sa sobrang antok. Bakit ba may mga teachers na nag eexist na para bang ninakaw nila ang boses ng Ibong Adarna?
After ilang oras na madugong pag upo sa classroom, at last uwian narin!!!
"uy Jasper may practice kayo ngayon?" tanong ko kay Jasper nung umalis na yung teacher naming
"yap! Punta kang music room?"
"naman! Ako pa ba?! May gwapo doon eh"
Bigla naman napaisip si Jasper "gwapo?" tapos ngumiti siya "grabe ka Timi ah! may pag nanasa ka pala saakin! Sorry pero wala akong balak gawing girlfriend ang kaibigan ko. Ayokong masaktan ka ng dahil sakin!"
Binatukan ko si Jasper "baliw! Hindi ikaw tinutukoy ko! Si Ice!" =__=
"grabe na yang ginagawa mong pananakit saakin! child abuse!!" T___T
"heh! Tumigil ka!" hinatak ko ang braso niya "tara na sa music room!"
"eh una ka na. Bibili lang ako ng pagkain"
I shrug my shoulders "okay"
Lumabas na si Jasper ng room at ako naman inayos ko na yung mga gamit sa bag ko.
"Timi"
Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Kite na nakasandal sa desk ko at nakangiti.
Tofu. Ang gwapong nilalang naman ng lalaking to! O__O
Pero syempre magpapatalo ba ko? Nginitian ko rin siya.
"bakit?"
Nagulat ako ng biglang kunin ni Kite yung kamay ko at may inilagay siya sa mga palad ko.
Isang sulat.
He leaned on me at binulungan ako sa tenga
"read it later pag nakauwi ka na.." after that, he winked at me at lumabas narin siya ng classroom.
Ano naman kaya laman nito?
Inilagay ko yung letter sa bag ko at umalis narin ako. Dumiretso na agad ako sa music room at hindi ko narin naisipan pang bumili ng pang meryenda dahil sabi ni Jasper bibili daw siya ng pagkain. Sana nga lang idamay niya ako doon sa bibilin niya.
Pagkapasok ko sa loob ng music room, wala pa yung mga members. Hay for sure kung hindi mga nag si bilihan ng mga pagkain yang mga yan, yung iba sa kanila na extend na naman ang klase.
Pero sana mauna dumating si Ice para naman masolo ko siya! Mwahahahaha. Walang masungit-sungit saakin! Aware naman ako na malabo ang mata ng lalaking yun kaya hindi niya napapansin ang ganda ko! Pero for sure pagka nakausap niya ko ng mas matagal-tagal, mare-realize niya kung gaano ako ka dyosa! Bongga! Wahahahaha
Kinuha ko yung isang gitara doon sa music room and I play a random song para magpalipas ng oras habang inaantay ko ang EndMira.
I strum the guitar and started to sing
"All I knew this morning when I woke
Is I know something now, know something now I didn't before
And all I've seen since 18 hours ago is green eyes and freckles and your smile in the back of my mind making me feel like"
Medyo lumingon ako sa may pintuan ng music room to check kung may parating na pero wala paring ni-isang member na dumarating
"I just want to know you better know you better know you better now
I just want to know you better know you better know you better now
I just want to know you better know you better know you better now
I just want to know you know you know you"
Pumikit naman ako at feel na feel ko ang pagkanta ng isa sa favorite song ko ni Taylor Swift. Syempre iniimagine ko na ako siya at nag co-concert ako ngayon. Sa harap ko ay ang mga fans kong tili ng tili habang ako naman bigay todo sa pag kanta
"Cause all I know is we said hello
And your eyes look like coming home
All I know is a simple name, everything has changed
All I know is you held the door
You'll be mine and i'll be yours
All I know since yesterday is everything has changed"
Tuloy tuloy parin ako sa pagtugtog at kakantahin ko na sana yung next stanza ng mapahinto ako bigla kasi may biglang sumingit na boses sa pagkanta ko
"And all my walls stood tall painted blue"
Napatigil ako sa pagtugtog at napalingon ako sa likod ko para tignan kung sino yung kumakanta.
It's Ice.
Nakatingin siya saakin ng seryoso habang naglalakad papalapit. Nang makalapit na siya, inurong niya yung isang upuan palapit saakin at tinabihan niya ako.
"why did you stop? Just continue playing"
"a-alright"
Nag strum ulit ako ng gitara at kinanta niya yung part ni Ed Sheeran doon sa kanta
"And all my walls stood tall painted blue
But i'll take them down, take them down and open up the door for you"
This time, it's my turn para kumanta
"And all I feel in my stomach is butterflies the beautiful kind
Making up for lost time, taking flight, making me feel like"
Sinabayan niya ako sa pagkanta habang ako naman parang nawawala sa sarili.
"I just want to know you better know you better know you better now
I just want to know you better know you better know you better now
I just want to know you better know you better know you better now
I just want to know you know you know you"
Tofu, totoo ba tong nangyayari saakin? Sinasabayan niya ako ng pagkanta?! At shaks! Ang gwapo din ng boses niya! Bakit ba lahat na lang sa nilalang na ito ay gwapo?!
"Cause all I know is we said hello
And your eyes look like coming home
All I know is a simple name, everything has changed"
Hindi nakatingin saakin si Ice habang kumakanta ako instead pinapanuod niya ang pag strum ko sa guitar. Pisti, mas maganda ba ang gitarang to kesa sa mukha ko?! Eh kung tumingala kaya siya at tignan ako sa mata ng matunaw ng nagaapoy kong kagandahan ang mala-yelo niyang puso. =__=
"All I know is you held the door
You'll be mine and i'll be yours
All I know since yesterday is everything has changed"
Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko kaya napahinto ako sa pag tugtog ng gitara.
"bakit?" tanong ko sa kanya habang nakangiti
"mali yung position ng fingers mo when you are doing that chord. It should be here" inayos niya yung mga daliri ko "now try strumming the guitar"
Ginawa ko naman yung sinabi niya "wow oo nga no! mas okay yung sound na lumabas.. uhmm paano nga ulit yung chord?" nagkunyari akong hindi ko matandaan yung ayos ng mga daliri ko kaya naman inayos niya ulit to.
Mwahahaha kileeeggg. Hinahawakan niya ang kamay ko! Shaks! Baka naman everything has changed between the two of us na! May namumuo ng spark!
"thank you ah! ngayon matutugtog ko na to ng mas maayos!" sabi ko sa kanya habang ngiting ngiti
He just shrug his shoulder at ni-hindi man lang ngumiti pabalik pero aware ako na nahihiya lang yan. Baka nato-torpe sa sobrang kagandahan ko. Mwahahahahaha
Hay natupad ang wish ko na masolo ko ang Yelo na to! Sana mamaya pa dumating sila Geo. Sana wag muna silang pumasok sa music room! Or better yet, sana wag na sila dumating...
"WE'RE HEEEREEEEE!!" sigaw ni Ayen sabay pasok sa loob ng music room kasama ang iba pang members ng EndMira.
Napa facepalm ako. Kaka wish ko lang eh. Na-backfire agad. Mga best friend ko talaga napaka wrong timing! =___=
"what are you doing?" tanong saamin ni Geo
"nothing" sagot naman ni Ice "so mag i-start na ba tayo?"
"sure!" sagot ni William "let's get it on!"
Nagsi-pwesto na sila sa mga designated place nila at nagsimula ng mag start tumugtog. Ako naman, nakaupo lang sa isang sulok at pinapanuod silang mag practice habang tinitira ko yung mga binili nilang snacks. Sa buong practice nila, nakatitig lang ako kay Ice. Ang hirap naman kasi alisin ng tingin ko dito sa lalaking to. Sobrang gwapo eh. Talagang magu-glue ang tingin mo sa kanya.
"okay break muna! Gutom na talaga ko!" sabi ni Ayen matapos nilang tugtugin yung isang song na pinapractice nila
"lagi ka naman gutom eh!" sabat naman ni Jasper "wala na kaya tayong kakainin, inubos na ni Timi"
"uwaaaaaa Timi!" tumakbo papalapit saakin si Ayen "bat mo kinain yung chichirya ko?!"
"nagutom ako eh!!"
"glutton" sabi niya
"hoy mas glutton ka!"
"hay naku kayong dalawa! Tara na nga't mag break muna" pag awat ni Geo saamin
Nagsilapitan naman sila saakin at kumuha ng mga snacks. Si Ice naman naupo sa isang sulok doon habang hawak hawak niya yung gitara niya at nag i-strum.
Lalapitan ko sana siya para abutan ng tubig ng bigla namang may kumatok sa music room.
"Timi open the door!" utos ni William
"eh kayo na!" sabi ko
*knock knock*
"Timi pabukas ng pintuan" sabi naman ni Geo
"eh teka bakit ako?!"
"ikaw na kasi dali!"
Padabog akong naglakad papunta sa pintuan. Bwiset tong mga to! Gagawa na ko ng move kay Ice eh inutusan pa ko! Sila talaga ang kontrabida sa buhay ko =__=
Binuksan ko yung pintuan para kaharapin ang bwiset na nilalang na katok ng katok at tumambad sa harap ko ang isang babaeng ngiting ngiti saakin.
"uhmm nandiyan ba si Ice?"
Medyo tinaasan ko siya ng kilay "bakit?" mataray kong tanong sa kanya
"may bibigay lang ako sa kanya" ngiting ngiti parin niyang sagot
Tinignan ko yung babae. Medyo petit siya, maputi, inaamin ko medyo may itsura siya ha, at may gitarang nakasabit sa likod niya.
Sino ba to? Stalker ni Ice? O baka girlfriend?!
"nandiyan ba siya?" tanong ulit saakin nung babae
Bago pa ako makasagot, bigla ko na lang narinig yung boses ni Ice na nagsalita
"Aiscelle?"
Napalingon bigla sa loob yung babaeng kaharap ko
"kuya!" sabi niya sabay pasok sa loob ng music room
Teka, kuya? Ibig sabihin kapatid to ni Ice?
"uy pinapauwi na tayo nila mommy! May bisita daw na dadating" sabi nung girl sa kanya
"ganun ba? Sige" tumingin siya saamin "sorry I need to go"
"o-okay lang" sabi ni Geo
"sila ba yung ka-band mates mo?" tanong nung kapatid ni Ice "hello po! Nice to meet you! I'm Aiscelle, kapatid ni Kuya Ice!" pag papakilala niya saamin
"tss don't call me kuya" yamot na sagot ni Ice "magka-edad lang tayo" =___=
"hindi kaya! Mas matanda ka saakin ng 15 minutes no!"
"t-teka" pag sabat ko "you two are twins?" tanong ko sa kanila
"yap! kambal kami!" lumapit si Aiscelle saakin "nice to meet you!"
I smile to her "nice to meet you too!"
Shet. Kapatid pala to ni Ice! Ibig sabihin future sister ko din to! Tapos tinarayan ko na agad kanina! Wrong move Timi! >__<
Biglang nag lean saakin si Aiscelle at binulungan ako "I know you like Ice"
"h-huh?"
"halata ko sa mga tingin mo saakin kanina na parang gusto mo kong sabunutan ng tanungin kita kung nasaan siya.."
"w-wait.. m-misunderstanding yun.."
"don't worry! I can keep a secret!" sabi niya saakin sabay wink
Napa smile naman ako.
Mukha atang makakasundo ko to ah.
"hi aiscelle!"
Napalingon naman kaming dalawa sa tumawag sa kanya at nakita ko si Jasper na papalapit na saamin.
Mukha atang pu-porma na naman ang isang to ah. =___=
"I'm Jasper Yu!" pagpapakilala niya sa sarili niya
"h-hello.."
Mas lalong lumapit si Jasper kay Aiscelle..
"do you have any idea kung bakit Jasper Yu ang pangalan ko?"
"huh? Wala.. bakit?
Ngumiti si Jasper kay Aiscelle "because I am only made jas por yu" sabi niya sabay kindat..
Napa facepalm naman ako. Putek, ang pamatay na pick-up line ni Jasper. Ilang babae na ang sinabihan niya niyan. Pero believe me, kilig na kilig ang mga babaeng yun. Di ko nga maintindihan eh ang korny korny naman ng banat niya =__=
"nice meeting you" sabi ni Jasper at nilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands kay Aiscelle.
Tinignan ni Aiscelle ang kamay ni Jasper at nagulat kaming lahat ng bigla na lang niya ito hampasin palayo sa kanya.
"sorry hindi ako interesado sa playboy" mataray niyang sabi dito at nilingon niya si Ice "kuya tara na!"
"okay! Kinuha ko lang yung gamit ko"
Nakita ko ang expression ni Jasper at mukhang gulat na gulat siya sa ginawa ni Aiscelle. Aba ito ata ang unang beses na dinedma siya ng babae!
Tinapik ko siya sa braso "okay lang yan, I understand!" sabi ko
Tofu magkapatid nga yung dalawa =___=
"alis na kami" pagpapaalam ni Ice
"bye" sabi ko sa kanya
Lumingon siya saakin then he slightly smile "take care" sabi niya at tuluyan na siyang umalis.
Halos mapanganga naman ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ako nananaginip di ba? Totoo yung nakita ko di ba?
Pinansin niya ako..
AND HE SLIGHTLY SMILE AT ME! OXYGEN PLEASE!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top