Chapter 37 (12/19/14)

Chapter 37

 

[Rika’s POV]

 

“Wala ka pa rin bang balak mag-salita?” tanong sa akin ni Kite habang nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya.

            Halos mga 15 minutes na rin ang nakakalipas nang kaladkarin niya ako palabas ng bar. Sa totoo lang, kanina ko pa gustong-gusto na umalis kaya lang inilagay niya sa compartment ng sasakyan niya ang bag ko at sinabing hindi niya ilalabas yun hangga’t hindi ko siya kinakausap.

            “Hanggang kelan mo ba ako dededmahin?” tanong niya sa akin kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

            “Ahm, gusto ko lang ipaalala sa’yo na sa ating dalawa, ikaw ang unang nandedma.”

            Nakita ko ang gulat at guilt sa mata ni Kite dahil sa sinabi ko. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya.

            Mali na sumbatan ko siya. Alam ko naman ang dahilan ng pag-iwas niya eh. Pero bakit kailangang siya pa ang makita ko sa mga oras na ‘to?

            Ramdam kong gusto niya akong i-comfort. Pero paano niya magagawa yun kung nasaktan din niya ako?

            Sana si Geo na lang ang dumating.

            “I’m sorry,” halos pabulong na sabi ni Kite. “Alam kong mali na basta na lang akong umiwas nang hindi ko man lang pinapaliwanag sa’yo ang dahilan.”

            Napailing ako, “no need. A-alam ko naman ang dahilan eh.”

            “I’m sorry Rika. Pero sana maniwala ka na nung mga panahong nilalapitan kita, wala akong ibang intensyon nun kundi ang maging kaibigan mo. Hindi ko intended na paasahin ka, o saktan ka, o paglaruan ka. I just want to be your friend.”

            Napahinga ako ng malalim habang nangingilid na naman ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung matutuwa o masasaktan ako sa sinasabi ni Kite.

            Nakakatuwa na kahit na ganito ako, ginusto niya pa rin akong maging kaibigan. Pero masakit isipin na hanggang doon lang talaga ang gusto niyang mangyari.

            “I’m sorry if I have to ruin our friendship,” pagpapatuloy niya. “Ayoko lang makita na nasasaktan ka nang dahil sa akin.”

            Napa-iling ulit ako, “no Kite. I am the one who ruined our friendship. Masyado kasi akong assumera at napaka-daling ma-fall.”

            “Masyado naman akong paasa.”

            “Masyado akong mapagbigay ng meaning.”

            “Masyado akong gumagawa ng bagay na pwedeng bigyan ng meaning.”

            “Masyado akong---“

            “—masyado na tayong madrama,” said Kite, cutting me off.

            Nagkatinginan kaming dalawa at pareho na lang kaming natawa sa mga sarili namin.

            “I miss you,” sabi ni Kite nang medyo kumalma na kami sa pagtawa.

            Nginitian ko siya. Siguro kung hindi kami nagusap nang ganito ngayon, malamang nabigyan ko na naman ng ibang meaning ang I miss you niya.

            Pero at least ngayon, alam ko na.

            “Pwede mo na ba sabihin sa akin kung ano ang ginagawa mo sa bar kanina? Because I am pretty sure na hindi ka pumunta doon para gumimik.”

            Biglang nawala ang ngiti sa labi ko at napaiwas ng tingin kay Kite.

            “Ayokong makarinig ng advice eh,” sabi ko sa kanya.

            “Hindi ako marunong mag advice sa totoo lang.”

            Hindi ako umimik.

            “Pero marunong akong makinig,” duktong pa niya.

            Napatingin ako sa kanya at bigla na lang ay napahagulgol ako ng iyak sa harapan niya. In between sobs, I told him what happened. Hindi siya nagsasalita. Ni-hindi niya ako hinahawakan. Nakikinig lang siya sa akin.

            Habang nagkukwento ako, katakot-takot na curse words ang lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko inaasahan na I am capable of saying those hurtful words. Pero galit na galit na galit ako. Umabot na rin sa point na naging hysterical ako. Pinagsusuntok ko ang seat ng kotse ni Kite. Halos maiumpog ko pa ang ulo ko dito.

            I am so frustrated and mad and hurt. Hindi ko inakala na magagawa sa akin ‘to ni daddy. Ang daddy ko na sobrang maalaga at maalahanin sa akin noong buhay pa si mommy. Si daddy na tinrato ako noon na parang isang prinsesa.

            Nasaan na ang daddy ko na ‘yun?

            Bakit kailangan pa niyang magbago? Bakit pa niya nakilala ang babaeng yun?

            Sana hindi na lang namatay si mommy.

            Naramdaman ko ang grabeng panghihina sa katawan ko dahil sa sobra kong pag iyak at dahil sa mga nangyari.

            Doon ko naramdaman ang braso ni Kite na niyayakap ako.

            Hindi pa rin siya nag sasalita. Hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak doon.

            Pero in some ways, gumaan ang loob ko.

            Nang matigil na ako sa pag d-drama, pinakiusapan ko siya kung pwede niya ba akong dalhin sa bahay nina Timi.

            Sa sitwasyon ko kasi ngayon, alam kong kay Timi lang ako pwedeng lumapit.

            Hindi naman tumanggi si Kite at hinatid niya ako sa bahay nina Timi. Nang makarating kami doon, hindi na bumaba si Kite. Nagpaalam na siya agad sa akin at sinabing magiging okay rin ako.

            Nag doorbell naman ako sa kanila at sakto pa na si Timi ang nagbukas ng pintuan.

            “Oh, Rika, anong ginagawa mo rito? Teka, ba’t namamaga ang mata mo? Umiyak ka ba? May problema ba?”

            “Timi, p-pwede bang makitulog muna ako sa inyo pansamantala?”

            “Oo naman! Pero teka, bakit?”

            “Kasi…k-kasi…” at bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, bigla na lang ulit ako napa-iyak.

            Hinila ako ni Timi papasok ng bahay nila at dinala sa living room nila. Doon ay nakita ko ang parents niya na gulat na gulat na nakatingin sa akin.

            With my tear-stained face, I managed to give them a weird smile.

            “Ma, daddy, she’s Rika. Best friend ko po siya. Dito na muna siya titira sa atin ha?” sabi ni Rika sa parents niya.

            Nginitian naman ako ng daddy at mommy niya.

            “Kumain ka na ba Rika? Sabay-sabay na tayo,” yaya ng mommy niya sa akin at nagtungo siya sa kitchen.

            “Isa kang maswerteng bata na papalarin matikman ang luto ni Chef Stephen!” masiglang sabi naman ng daddy niya. “Tara na!”

            Napa-ngiti ako.

            Ni-hindi nila alam ang nangyari. Pero nakangiti silang tinanggap ako.

            “Let’s go?” aya sa akin ni Timi.

            I wiped my tears at tumango ako sa kanya.

            “Salamat, Timi.”

[Timi’s POV]

 

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang tumuloy sa amin si Rika. Naikwento na rin niya sa akin ang nangyari sa kanya at seriously, gustong-gusto kong sugurin ang daddy niya at ang babae nito!

            Pero buti na lang at cool lang sina daddy at mommy sa pagtuloy ni Rika sa amin. Alagang-alaga pa nga siya eh. Nakakatuwa rin kasi parang bigla akong nagkaroon ng instant kapatid.

            Sa school naman, dalawang linggo nang hindi pumapasok si Ice. Hindi ko siya ma-contact. Sabi rin ng ibang EndMira, hindi rin nila makausap si Ice. Ni-hindi nagpupunta sa band practice eh.

            Sinubukan ko minsan na puntahan siya sa condo niya pero wala naman siya doon. I even asked Aiscelle pero hindi niya ako binigyan ng matinong sagot. Para bang may itinatago sila.

            At kinakabahan ako. Sobrang hindi na ako mapakali. May mga oras na parang gusto ko na lang maiyak.

            Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Bakit hindi man lang siya nagpaparamdam sa akin? Nasaan na ba siya?

            Gustong-gusto ko na ulit makita si Ice. Natatakot kasi ako.

            Natatakot na baka isang malaking kasinungalingan lang ang sinabi niya sa akin na mahal niya ako.

            “Good morning Timi! Rika!” bati sa amin ni Jasper pagkarating na pagkarating namin ni Rika sa school. “Gusto niyong kumain sa canteen?”

            “Huh? Malapit na mag bell,” sagot ko naman sa kanya.

            Bigla siyang humarang sa daraanan namin, “tara na! Samahan niyo na ako.”

            “Baka ma-late tayo,” sabi naman ni Rika.

            “H-hindi ‘yan! Tara na kasi!”

            Pinagtaasan ko ng kilay si Jasper. Iba ang ikinikilos ng isang to ngayon eh. Hindi naman siya mapilit ng ganito. Isa pa parang natataranta siya diyan.

            “Tabi,” utos ko sa kanya.

            Bigla niyang ini-stretch ang dalawa niyang braso sa harapan ko.

            “Timi, may mga bagay na mas okay nang hindi mo makita,” sabi niya sa akin.

            Mas kinutuban ako kaya naman itinulak ko palayo si Jasper at mabilis akong naglakad sa hallway. Narinig ko ang pag tawag sa akin ni Jasper at bigla akong napahinto---hindi dahil sa tinawag ako ni Jasper kundi dahil sa nakita ko sa harapan ko.

            It’s Erin----and she’s not alone.

            She’s with Ice.

            At naka-akbay si Ice sa kanya.

            “Oh, hi Timi! Long time no see,” naka-ngiting bati sa akin ni Erin.

            Hindi ko siya pinansin, instead tumingin ako kay Ice. Nag-tama ang mga tingin naming pero agad din siyang umiwas.

            Wala siyang sinabi. Diretso lang ang tingin niya na para bang hindi na niya ako nakikita sa harapan.

            Kinuha ni Ice ang kamay ni Erin and then, they strode past me.

            And the moment na lumagpas na sila…

            …parang gustong gumuho ng mundo ko.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top