Chapter 36 (12/10/14)
Chapter 36
[Rika’s POV]
(Sunday 6pm)
Tahimik ang naging byahe namin pabalik ng Manila. Wala halos nagsasalita. Kahit si Jasper ay hindi nangungulit ngayon.
Timi’s the one who’s driving the van. Supposedly, si Jasper kaso nagpilit si Timi na siya na ang mag d-drive. Ako naman ang nag occupy ng passenger seat sa unahan. Lahat kasi sila ay natatakot na baka maibangga ni Timi ang van dahil sa negative aura raw na lumalabas sa kanya ngayon.
Sa totoo lang, hindi namin alam ang nangyari. Bigla na lang umalis kagabi si Ice nang walang pasabi at si Timi naman ay hindi nagsasalita. Pero damang-dama na something’s wrong.
Nang makarating naman kami sa bahay nina William (sa kanya kasi yung van na ginamit), binigyan lang ako nang half-hug ni Timi at nauna na siya sa amin umalis.
Ako naman, nagpaalam na rin agad sa EndMira dahil kailangan ko pang harapin ang galit ng aking madrasta.
“Rika, ihahatid na kita,” habol ni Geo sa akin nang palabas na ako sa gate nina William.
Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Alam kong nahahalata niyang iniiwasan ko siya. Pero kasi natatakot ako dahil nagsisimula nang magpakita si Geo ng mga sweet gestures sa akin katulad nito ngayon. Ganitong-ganito rin si Kite noon.
Mamaya mabigyan ko na naman ng ibang meaning.
“Okay lang ako. I can manage,” sabi ko sa kanya.
“Mabigat ang dala mo.”
“Kaya ko ‘to.”
“Ihahatid pa rin kita.”
Nilingon ko siya, “ayoko nga sabi eh!”
Pareho kaming nagulat ni Geo dahil sa biglang pag-taas ko nang boses. Nakita kong na-offend siya sa pagsigaw ko kaya naman nakaramdam ako bigla ng gulit.
“Why are you avoiding me?” tanong niya sa akin na para bang gulong-gulo na siya.
Hindi ako nagsalita. Pwede kong itanggi na hindi ko siya iniiwasan pero alam ko namang useless ang gagawin kong iyon.
“It is because I almost kissed you that night?”
Nagulat ako sa sinabi ni Geo.
He almost kissed me?
Ibig sabihin talagang hahalikan niya ako noong panahon na ‘yun?
“May gusto ka ba sa akin?” diretsahan kong tanong. “S-sorry kung ang kapal ng mukha ko sa tanong ko. Kasi mahina ako sa ganito. Hindi ko maintindihan kayong mga lalaki. Hindi ko alam kung may gusto ba kayo o nagpapaasa lang o sadyang ganyan lang kayo makitungo. Ayoko kasing mag ass---“
“I like you a lot, Rika,” he said, cutting me off. “I like you in a romantic way. I want to court you. I want to win your heart. I am not doing this just because I am being nice. Hindi ko naman ginagawa ito sa lahat eh. Sa’yo lang.”
“Hindi maganda yung j-joke mo!”
Napangiti si Geo at agad na kinuha ang bag na dala-dala ko.
“Kanina naghihinala ka kung may gusto ako sa’yo. Ngayon naman na alam mo nang may gusto talaga ako sa’yo, ayaw mong maniwala.”
Napaiwas ako nang tingin, “i-imposible naman kasi…”
“And why is that?”
“S-sino ba naman kasi ako…”
“You’re Rika. Smart girl. Cute. Nakatauwa ang ngiti. Mahinhin. Akala mo madaling patumbahin pero hindi. Ano pa ba? Ah, ang ganda ng mga views sa buhay. May pangarap. Alam mo kung ano ang gusto mong gawin. Mag sasabi pa ba ako nang mga bagay na nagustuhan ko sa’yo? Masyadong marami kasi para i-describe ko ang kabuuan mo.”
“Geo….”
“Hindi ko alam kung bakit nahihirapan kang paniwalaan na may lalaking pwedeng magkagusto sa’yo. Pero gusto talaga kita. I know you still like that guy. Pero sana hayaan mo muna akong ligawan ka? Pwede mo ba ako bigyan ng chance?”
Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hindi ko maintindihan kung bakit o paano nangyari ang bagay na ‘to. At kung tatanungin ako, natatakot ako na baka ako naman ang makapanakit.
Pero hindi ko siya magawang tanggihan.
Ngiti at tango ang tanging naisagot ko kay Geo. Nakita ko naman na mas lalong lumawak ang ngiti sa mukha niya.
“So, ihahatid na kita?”
“S-sige na nga!”
“Let’s go?”
Sumakay kaming dalawa sa kotse niya at itinuro ko ang daan papunta sa amin. Hindi naman ito kalayuan kina William kaya mga less than 15 minutes lang ay nandoon na kami sa bahay.
Napatingin siya sa bahay namin at parang nagulat sa laki nito.
“Uhm s-salamat sa pag hatid ah?”
Biglang napabalik ang tingin niya sa akin at nginitian ako. “No problem.”
“Uhmm, gusto man kita yayain sa loob ng bahay ay hindi ko pa magagawa sa ngayon kasi medyo magulo eh,” at ayokong masaksihan mo ang mangyayari sa akin.
“No worries! Marami pa namang next time.”
Tinulungan ako ni Geo na ibaba ang mga kagamitan ko then maya-maya lang din ay umalis na siya.
In-open ko ang gate gamit ang susi ko. Nakita ko naman na nakabukas ang ilaw sa may living room at dining area. Siguro ay nandoon sila ngayon kaya naman naglakad na lang ako papunta sa back door.
Yun lang, hindi pa ako nakaka-limang hakbang ay nagulat ako nang makita ko ang pagmumukha ng aking madrasta habang nakataas ang kilay niya sa akin.
“Ang kapal talaga nang mukha mo at bumalik ka pa rito!!” nanggagalaiti niyang sagot sabay hatak nang buhok ko papasok sa loob ng bahay.
“Aray ko! Bitiwan mo nga ako!” pagpupumiglas ko sa kanya.
Binitiwan naman niya ako pero may kasama namang malakas na tulak kaya ngumudngod ako sa sahig.
Agad akong tumayo at tinignan siya ng masama.
Akala niya hahayaan ko pa siya na ganituhin ako?!
“Aba’t kung makatingin ka sa akin ah--!!!” inambaan niya ako na sasampalin pero inunahan ko siya at siya ang nasampal ko.
“Wala kang karapatan na saktan ako dahil hindi kita nanay,” mariin kong sabi sa kanya.
“Rika!”
Bigla akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si daddy doon na galit na galit sa akin.
“R-Ricooo!” tumakbo si Cherry papalapit sa daddy ko at humihikbi-hikbi pa. “Pinapangaralan ko lang naman siya eh kasi umaalis siya nang walang paalam. T-tapos ayan kung anu-ano na ang sinabi niya at sinaktan niya na ako!”
What the---?!
Napatawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya. My gosh! Hindi ako makapaniwala.
Pinalakpakan ko pa siya.
“And the best actress award goes to Cherry!” sabi ko sakanya.
“Rika that’s enough! What’s happening to you?!” sigaw ni daddy sa akin habang galit na galit siyang naka-tingin. “Nagiging bastos ka na! Baka dahil ‘yan sa pagsama-sama mo doon sa Timi na ‘yon!”
My blood boiled because of what he said. Tinignan ko si daddy habang nangigilid-ngilid ang mga luha sa aking mata.
“You don’t know her kaya wag mong sabihin ‘yan. Kung sinu-sino po ang pinagbibintanggan mo. Don’t you think dahil sa’yo kung bakit ako nagkakaganito?”
“Stop talking nonsense!”
“Rico, malala na ‘yang anak mo na ‘yan! Kung palayasin mo na kaya yan dito!” bulong nang demonyo kong madrasta kay daddy.
“Cherry, don’t worry. I’ll talk to her.”
“No!” sigaw ko sa kanya. “No. You choose now! Ako na anak mo o siya na sabit lang dito!”
“Rika, wag mong hayaang gawin ko ‘to!”
“Hindi daddy! Mamili ka! Dahil hinding-hinding-hindi ko siya matatanggap na mommy ko! Hindi!”
“Rika!”
“Mamili ka!”
Napahinga ng malalim si daddy at napahawak sa kanyang noo.
“May condo unit ako sa may quezon city. Doon ka muna pansamantala tumira, Rika.”
Parang gumuho bigla ang mundo ko dahil sa sinabi ni daddy. Nagtuloy-tuloy ang bagsak ng luha ko.
“You chose her over me,” mariin kong sabi na punong-puno nang emosyon.
“No. It’s not like that!”
“Daddy, umasa ako na for once, ako ang pipiliin mo. Nagkamali ako.”
“Rika--!!”
Tumakbo ako palabas nang bahay. Nakita kong hinabol ako nang daddy ko pero agad akong nakasakay sa taxi. Tuloy-tuloy ang bagsak ng luha ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
We used to be a happy family. He used to be a great dad. Pero simula nang mamatay si mommy. Simula nang dumating ang Cherry na ‘yan sa buhay namin, nagbago na ang lahat.
Matatanggap ko naman kung magkakaroon ng ibang asawa si daddy eh. Pero ang hindi ko matanggap? Yung pinili niya ay hindi pa sila kasal, kung itrato na ako sa loob ng sarili kong pamamahay ay para akong basahan. At hinayaan lang ni daddy yun. Nag bulagbulagan at bingi-bingihan siya. Ni hindi niya ako pinrotektahan!
Ano nangyari sa daddy ko noon na ni sa lamok ay ayaw akong padapuan?
Bumaba ako sa isang gimikan sa Libis. Hile-hilera ang mga bar dito kaya naman pumasok ako doon sa isang bar at pumwesto sa may bar counter.
Hindi ako umiinom ng alcohol. Pero sa lagay kong ‘to, gustong-gusto kong magpakalasing.
Kaya lang, wala pa man din akong naoorder, may lumapit na sa aking isang lalaki.
“Hi miss, are you alone?” tanong niya sa akin.
I tried my best not to roll my eyes at him. Ilang libro na ba na may eksenang ganito? Na parang ewan ang lalaki na tatanungin ang babae kung mag-isa lang siya at obvious naman ang sagot?
Dinedma ko na lang siya.
“Do you want some company?” tanong ulit niya.
Isa pang cliché na tanong. Pupunta ba ang babae dito nang mag-isa if she wants some company?!
Hindi ko ulit siya sinagot.
“You are challenging miss. But I like that,” nakangising sabi niya sa akin.
“But she doesn’t like you kaya makakalayas ka na.”
Agad akong napalingon doon sa lalaking nagsalita.
It’s Kite.
Agad akong iniwan nung lalaking nangiistorbo sa akin kanina kaya naman naiwan kaming dalawa ni Kite doon. He’s looking at me seriously. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kanya na para bang wala lang siya doon.
Pero hindi ko mapa-kalma ang nagwawalang puso sa dibdib ko.
“What the hell are you doing here?” tanong niya sa akin.
Hindi ako nag salita. Dedma lang. Tutal ayun naman ang ginagawa niya sa akin nang ilang araw eh. Ang magpanggap na hindi ako nag e-exist sa paningin niya.
“Rika!” sabi niya na para bang nauubusan na siya ng pasensya.
“I-I don’t talk to strangers,” mahinang sabi ko.
Oh my gosh! I want to slap my own face!
Nagulat ako nang bigla na lang hawakan ni Kite at ng wrist ko at hinila ako palabas.
“H-hindi ako sumasama sa strangers!” sabi ko sa kanya.
“I’m Kite Arceo. Ayan kilala mo na ako!”
At tuloy-tuloy niya akong hinila papunta sa parking lot at papasok sa kotse niya.
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top