Chapter 35 (12.7.14)

Chapter 35

 

[Timi’s POV]

 

Wala ako sa sarili ko nang bumalik ako sa table namin. Hindi ako mapakali. Ayaw mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kite. Parang bumigat bigla ang pakiramdam ko.

            Napatingin ako kay Ice na nakikinig kay Geo habang ipinapaliwanag nito yung mechanics ng battle of the bands.

            Mahal mo ba talaga ako? Totoo ba talaga ang ipinapakita mo sa akin? Ano ba si Erin para sa’yo? Bakit sabi ni Kite hindi mo siya magagawang iwan?

            Bigla akong nakaramdam ng doubt sa mga actions ni Ice last night.

            Sa halos ilang buwan na pag-iwas niya sa akin at hindi pag pansin, bakit all of the sudden bigla niya akong nagustuhan?

            Napalunok ako bigla. Ayoko nung mga bagay na pumapasok sa isip ko. Napaka negative. Pero kahit ganoon, mas may sense ang mga negative na bagay na yun kesa sa mga positive na nangyayari.

            At ang bigat sa dibdib.

            Nice one Kite. You totally ruined my day.

            “Oy Timi, kanina ka pa tulala,” dinig kong sabi ni William kaya napatingin ako sa kanya.

            Doon ko lang napansin na lahat sila nakatingin na sa akin—even Ice. He’s looking at me na para bang concern na concern siya.

            Totoo rin ba ang mga tingin mo na ‘yan?

            “Uy, ayos ka lang? Bakit namumutla ka?” tanong naman ni Geo.

            “H-ha? Ah, gutom lang,” sabi ko.

            “Hindi mo halos ginalaw ang pagkain mo,” sabi naman ni Ice.

            Hindi ko siya magawang tignan. Kinakabahan ako. Naguguluhan.

            “Timi, may mga souvenir shops pala sa labas. Tara samahan mo ‘ko?” pagyayaya ni Rika.

            Dali-dali naman akong um-oo sa kanya at sabay kaming nag lakad.

            Thank you God dahil ibinigay mo sa akin si Rika. Salamat sa presensya niya. At salamat sa lakas ng instinct niya na kailangan kong lumabas ngayon at tumakas sa mga tingin nila.

            Instead sa mga souviner shops, dumiretso kami ni Rika sa may terrace kung saan tanaw na tanaw ang Taal volcano. Medyo nahimasmasan naman ako nang makaramdam ako ng sariwang hangin.

            “May problema ka,” diretsahang sabi ni Rika sa akin.

            At doon na ako nagsimulang maluha at ikinuwento ko sa kanya ang sinabi ni sa akin ni Kite pati na rin ang mga pagdududa ko kay Ice. Hindi nagsasalita si Rika habang pinapakinggan niya ako. Hinayaan niya lang akong ilabas lahat ng takot at pangambang nagsisimulang mabuo sa dibdib ko. Nang matapos ako, doon lang nagsalita si Rika.

            “I’ll be honest with you Timi, pero parang nakakahinala nga ang mga ikinikilos ni Ice. Masyado ngang biglaan. Pwedeng pinaglalaruan ka niya. O pwede rin naman inutusan siya ni Erin para saktan ka.”

            Napayuko na lang ako habang may tumulo na namang luha sa mata ko. Masakit isipin na naghihinala ako kay Ice. Pero mas masakit isipin na sa mata nang iba, kahina-hinala rin siya. Ibig sabihin mas malaki ang chance na hindi niya talaga ako mahal.

            Ang sakit.

            “Pero Timi,” pagpapatuloy ni Rika, “kahit na masyadong mabilis at masyadong weirdo, isang bagay ang napansin ko na hindi mawala sa isip ko.”

            “A-ano ‘yun?”

            “Kung paano ka tignan ni Ice.”

            “W-what do you mean?”

            “Timi, hindi ko alam kung tama ang observation ko at ayoko kitang paasahin sa sasabihin ko, but the way Ice looked at you, kakaiba eh. Parang mahal na mahal ka niya. Nagsimula kong mapansin yun a few months ago kada may practice ang EndMira at nandoon tayo. May times na kinakausap mo sina Jasper at nahuhuli ko si Ice na nakatingin siya sa’yo. Meron pa nung nakikipag biruan ka kay Ayen, nakita ko na nakangiti si Ice nun habang pinapanuod ka niya. At marami pang pagkakataon na nahuli ko si Ice na parang ino-obserbahan ka niya.”

            “T-teka, why didn’t you tell me earlier?!”

            Napangiti si Rika, “because I don’t want to spoil the magic. Alam ko kasing once na sabihin ko sa’yo, ko-komprontahin mo si Ice.”

            Hindi ko siya kinontra doon. Tama naman siya eh.

            “Hindi rin ako sigurado kung may gusto ba siya o hindi, pero Timi, siguro ang pinaka magandang gawin ay ang kausapin siya. Malay mo naman, si Kite pala ang mali?”

            Napangiti ako bigla sa sinabi ni Rika. Kahit papaano ay medyo nalinawan ang isip ko at gumaan ang loob ko. Napayakap tuloy ako sa kanya.

            “Thank you Rika ah?” sabi ko sa kanya. “Paano ba ako makakabawi sa’yo?”

            Napatawa naman si Rika, “hindi mo naman kailangang bumawi ano ka ba!”

            “Eh basta! Someday!”

            Sabay kaming pumasok ni Rika pabalik ng restaurant. Mukhang wala namang napansin na kakaiba ang boys at tuloy pa rin sila sa kwentuhan.

            After kumain, nilibot namin ang Tagaytay. Nagpunta kami sa Sky Ranch, sa Picnic Grove at sa iba’t-iba pang lugar na pwedeng pasyalan.

            Ayos kami ni Ice. Hindi siya sobrang sweet at clingy pero halata na ang mga sweet gestures niya. Seryoso pa rin ang itsura niya habang nakikipagusap, pero may mga bagay na nasasabi siya na parang hint na gusto niya ako.

            At sana, sana talaga, gusto niya ako.

            That night habang nakaupo ako sa balcony ng rest house, tinabihan ako ni Ice.

            “Kanina ka pa preoccupied. What’s bothering you?” tanong niya.

            I faced him and he’s looking at me with scrutinizing eyes.

            “Ice, mahal mo ba ako?”

            Hindi sumagot si Ice. He’s just looking at me in the eyes at hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

            Napapikit ako at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko, “please, sabihin mong mahal mo ako.”

            Still, hindi nagsalita si Ice.

            Bumagsak ang luha sa mata ko. Hindi niya magawang sabihin na mahal niya ako.

            Hindi kasi siya magaling magsinungaling.

            “Sabi ni Kite, hindi mo kayang iwan si Erin.”

            Lumapit si Ice sa akin. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at tinitigan ako sa mata. He’s eyes is full of emotions. Parang tumatagos sa kaluluwa ko ang tingin niya na ‘yun.

            “Timi,” halos pabulong na tawag niya sa akin. “Mahal kita.”

            Napahagulgol ako ng iyak. Magkahalong takot, kaba at saya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung nakahinga ako ng maluwag o mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

            Pero ang sarap sa tenga marinig na sinabi niya iyon sa akin.

            Palapit nang palapit ang mukha ni Ice sa mukha ko. I could already feel his breath. Magkadikit na rin ang mga noo namin.

            Pero bago pa man maglapat ang mga labi namin, biglang tumunog ang phone niya kaya pareho kaming napahiwalay sa isa’t-isa dahil sa gulat.

            Ano baaaa! Nag eemote na kami eh! Panira naman!

            Inilabas ni Ice ang phone sa bulsa niya at binasa ang kung sino mang kampon ni Satanas na nag text sa kanya.

            Nagulat ako nang bigla na lang manlaki ang mata ni Ice at para bang nataranta siya nang mabasa niya ang text message sa kanya.

            “Oh no! Oh no. Oh no.”

            “What happened?” tanong ko sa kanya.

            Nilingon ako ni Ice na para bang takot na takot siya, “I need to go back to Manila. S-something bad happened. I-I’m sorry!”

            “T-teka! Sasama ako!”

            “No. You stay here.”

            “Pero—“

            Bigla akong hinila ni Ice papalapit sa kanya at niyakap niya ako nang pagkahigpit-higpit then kissed the top of my head.

            After that, dire-diretso na siya sa kotse niya at umalis.

            To be continued…


***

Author's Note:

Medyo malapit-lapit na matapos The Falling Game. Ilang chapters na lang. Pero secret muna kung ilan na lang ang remaining chapters. Iso-sorprays ko na lang kayo na tapos na pala. lol. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top