Chapter 33 (12/5/14)

Chapter 33

 

[Rika’s POV]

 

(Friday--10:30pm)

 

Nandito kaming dalawa ni Geo ngayon sa garden ng rest house na tinutuluyan namin sa Tagaytay. Naka-pwesto kami sa may coffee table at kumakain ng cheesecake and hot chocolate.

            Hindi na kasi namin nagawa pang maglibot dalawa ni Geo dahil sa amin iniwan ng ibang EndMira ang van at ang mga band instruments nila. Naisipan na lang tuloy naming mag take-out ng makakain sa coffee shop kaya ngayon ay kasalukuyan kaming iwan dalawa dito sa rest house.

            “Sorry ah? Gusto sana kitang dalhin sa isang restaurant kaso naisahan tayo nung tatlo,” iiling-iling niyang sabi.

            Si Jasper, William at Ayen ang tinutukoy niya. Bigla na lang kasi silang nawala kanina eh. Talagang gumimik yung tatlo.

            “Okay lang ‘yun. May dalawang araw pa naman eh. Isa pa medyo pagod na rin ako kaya mas okay na nandito na lang tayo sa bahay.”

            Nginitian ako ni Geo, “kung sa bagay.”

            “Ano na kaya ang ginagawa ngayon nina Ice at Timi ‘no? Saan kaya sila nag punta?” tanong ko habang iniisip kung ano ang ginagawa nila. Marahil kinikilig na ngayon si Timi. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya nang sumunod si Ice sa amin eh.

            Napa-kibit balikat si Geo, “ewan. Baka nasa isang secluded area sila ngayon. Kasalukuyang naka-tali si Ice sa upuan ng kotse niya at hinahalay na siya ni Timi. Pero okay lang ‘yun, ang mahalaga, malayo tayong dalawa sa crime scene.”

            Natawa ako sa sinabi ni Geo, “grabe hindi naman siguro ganoon ka-wild si Timi!”

            “You’ll never know,” ngumisi siya. “But anyway, let’s not talk about them. Magkwento ka naman. Sabi ni Timi palagi kang busy mag review para sa entrance exam. Ano bang course ang plano mong kunin?”

            “Architecture sana. Medyo mahirap kasi makapasa sa quota nila ng Architecture doon sa university na papasukan ko. Isa pa, habol ko talaga ‘yung scholarship.”

            “Scholarship? Bakit naman? Sa status ng family mo, kayang-kaya kang pag-aralin ng father mo sa kahit saang university.”

            “Iba pa rin kapag scholar ako,” sabi ko sa kanya habang naka-ngiti.

            Totoo naman ang sinabi ni Geo. Kaya akong pag-aralin ni daddy sa kahit saang university. Pero kapag umasa ako sa kanya hanggang college, mapipilitan akong mag stay sa puder niya ng ilang taon pa. At ayoko na. Hindi ko na kaya.

            Gusto ko na silang layasan.

            “Teka, ikaw naman. Saan mo balak pumasok at anong course ang kukunin mo?” pag-iiba ko ng usapan.

            “Gusto ko sana magkakasama pa rin kaming EndMira sa isang university para buo pa rin ang banda. Pero hindi ko alam kung possible. Magkakaiba ang universities na gusto nilang pasukan at course na gustong kunin.”

            I sipped my hot chocolate at tsaka tinignan na maigi si Geo, “ikaw? Ano ang gusto mo?”

            “I don’t really know. Hindi ko alam kung anong magandang course ang kukunin na hindi ako tatamarin sa pag-aaral. Ang tanging gusto ko lang naman ay tumugtog ng gitara, gumawa ng mga kanta at magagandang musika, at,” inangat niya ang tingin niya sa akin at tinitigan niya ako sa mata. “At…wala.”

            Medyo nailing ako sa pag titig ni Geo kaya ako na ang kusang umiwas. Ipinako ko na lang ang tingin ko sa cheesecake na kinakain ko.

            “Mahal na mahal mo talaga ang music ‘no?” sabi ko sa kanya.

            “More like, I’m in love with it. Ay, gusto mo tugtugan kita ngayon?”

            Napaangat ang tingin ko sa kanya at napangiti ako ng malawak, “talaga?”

            “Oo naman. Wait lang,” tumayo si Geo at pumasok sa loob ng rest house. Pagka-labas niya, may dala-dala na siyang gitara.

            “I know a perfect song for you,” naka-ngiti niyang sabi habang inaayos ang gitara sa lap niya. Medyo umusog naman ako sa tabi niya at hinintay siyang tumugtog.

            Mayamaya lang, nakarinig na ako ng magandang musika na nagmumula sa gitara niya. Tinignan ako ni Geo at nginitian.

            ♪ “You look so wonderful in that dress.

            I love your hair like that.

            The way it falls on the side of your neck

            Down your shoulders and back” ♪

           

            Mas lalong naningkit ang mata ni Geo dahil ngiting-ngiti siya sa akin na para bang tinutukoy niya talaga ang suot kong bestida at ang buhok ko.

            ♪ “We are surrounded by all of these lies

            And people who talk too much..

            You've got that kind of look in your eyes

            As if no one knows anything but us” ♪

            Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang pinapanood kong tumugtog at kumanta si Geo. Mula freshmen hanggang junior year namin, si Geo ang vocalist ng EndMira at ilang beses ko rin siyang napanuod at napakinggan na kumanta. Maganda ang boses niya. Malamig sa tenga at bagay sa kanya ang mga mellow at acoustic na kanta. Kada kakanta siya, para siyang palaging nanghaharana.

            May times nga dati na sobrang naadik ako sa boses niya kaya naman ini-stalk ko ang youtube account niya at dinownload lahat ng mga covers niya. Inilagay ko iyon sa phone ko at ilang buwan kong pinaulit-ulit pakinggan. Kaya nga naging crush ko rin siya dati.

            Nakakamiss pala pakinggan ang boses niya.

            ♪ “And should this be the last thing I see

            I want you to know it's enough for me

            'Cause all that you are is all that I'll ever need..” ♪

            Biglang sumeryoso ang mukha ni Geo at tinitigan niya ulit ako sa mata. Yung tingin na parang may gusto siyang sabihin.

            At hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

            ♪ “I'm so in love, so in love

            So in love, so in love..” ♪

 

            Halos pabulong ang pagkakanta niya ng stanzang iyon. Hindi tuloy ako bigla mapakali kaya naman umiwas ulit ako ng tingin. Biglang umihip ang malakas na hangin kaya naman sumabog bigla sa mukha ko ang buhok ko.

            Huminto si Geo sa pagtugtog at nagulat ako nang mapunta siya bigla sa harap ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hinawi niya ang ilang strands ng buhok ko na napunta sa mukha ko atsaka niya iyon inipit sa gilid ng tenga ko. Napatingin ako sa mata niya. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko instead tinitignan niya ang labi ko.

            Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Para akong biglang pinanlambutan. Pero ganun pa man, I still manage to gently push him away.

            “U-uhmm, ang lamig na dito. T-tara na sa loob?” aya ko and without looking at him, kinuha ko ang tasa ko ng hot chocolate pati ang cheesecake atsaka ako tuloy-tuloy na naglakad papasok ng rest house.

            Dali-dali akong pumasok sa room namin ni Timi at napasandal ako bigla pader. Ramdam ko pa rin ang pag kabog ng dibdib ko.

            Ano ‘yun? Anong ibig sabihin nun? Bakit siya lumapit sa akin ng ganoong kalapit? Bakit niya ako kinantahan ng kanta na yun?

            Hahalikan ba niya ako? May gusto ba siya sa akin.

            Napaupo ako bigla at ipinatong ko ang ulo ko sa dalaw akong kamay.

            Ang dami na namang pumapasok na kung anu-ano sa isip ko.

            Si Geo? Magkakagusto sa akin?

            Seriously Rika, kailangan mo nang tumigil sa pag a-assume ng ganyang bagay.

            Mamaya katulad lang din siya ni Kite. Mamaya umasa lang ulit ako.

                        Ayoko nang masaktan.

 

 

[Timi’s POV]

 

Mga bandang 6:30 am na kami nakabalik ni Ice sa rest house. Inihanda ko na nga ang sarili ko sa iba’t-ibang uri ng tanong, pang i-interrogate, pangaasar at pagpapahiya ng EndMira pagkarating namin pero nagulat ako nang nakakalokong mga ngiti lang ang isinalubong nila sa akin. Aside doon, wala namn silang sinabi. Inutusan lang nila kami ni Ice na maligo at mag-palit ng mas komportableng damit dahil pupunta kami sa Taal volcano.

            “Dalawa ang banyo sa rest house na ito ah? Wag kanyong magsasabay ng paliligo!” pahabol ni Jasper at nakarinig ako ng mga mapang-asar na tawanan.

            “Peste ka!” sigaw ko sa ko kay Jasper at tinignan ko si Ice. He’s not looking at me pero pulang-pula ang mukha niya. Napa-ngisi ako.

            Ha! He’s blushing because of me! Mwahahaha.

            Ngiting-ngiti ako na pumasok sa room namin ni Rika at nadatnan ko naman siya na nakabihis na at nagbabasa ng libro.

            “Good morning!” masayang batik o sa kanya.

            Inangat niya ang tingin niya atsaka ako nginitian, “parang ang saya mo ngayon Timi ah?”

            “Oo naman!” tumabi ako sa kanya “Uhmm, I-I think uhmm kami na ata ni Ice…”

            Biglang nanlaki ang mata ni Rika, “what?! Kayo na?! Teka, for real?”

            “Shh! Quiet! Hindi ko alam. Actually magulo. Pero kasi uhmm, nag ano na kami eh.. ano..nag you know! Nag ano…” bigla akong namula dahil naalala ko na naman ang eksena namin ni Ice.

            At mukhang hindi lang ako namula dahil nakita ko ang mukha ni Rika na grabeng mag blush.

            “Ginawa niyo na ‘yun? Pero paano, saan, paano? Safe ba kayo? I mean safe ba siya? Eh ikaw safe ka ba? Teka. Ang bilis! Ba’t niyo ginawa ‘yun!” pag hi-hysteria niya.

            Nung una nagtaka ako sa pinagsasasabi niya pero nung na-gets ko na, napatawa na lang ako ng malakas.

            “Ano ba Rika! Iba tayo ng iniisip. Hindi kami nag sex ano ba!” sabi ko.

            Mas lalong namula si Rika, “w-wag mo ngang banggitin ng buo ang bagay na ‘yan!”

            “Haha! Ang cute mo kasi eh. Pero nagkiss lang kami.”

            Napangiti si Rika, “sinabi na niyang mahal ka niya?”

            Napa-pout naman ako, “actually hindi. Pero yung way na ipinakita niya sa akin, parang yun nay un eh.”

            Ipinatong ni Rika ang kamay niya sa braso ko, “I’m happy for you Timi. Pero tingin ko mas maganda kung mag-uusap kayo ni Ice kung ano na ang status niyong dalawa.”

            “I know. ‘Di bale, kakausapin ko siya!”

            Naligo na ako at nag ayos. Shorts, sando at rubber shoes lang ang sinuot ko dahil sabi ni Rika, mag h-hiking daw kami paakyat sa crater ng Taal volcano. Hindi naman ako pwedeng mag high heels kung aakyat ako ng bundok.

            Maya-maya lang din, lumabas na kami ni Rika sa kwarto. Nakita ko naman ang EndMira---kasama na si Ice, na nandoon sa may living room at inaantay na kaming dalawang babae.

            Nagtama ang tingin namin ni Ice at bigla niya akong nginitian. Syempre hindi ko rin maiwasan na mapa-ngiti.

            “Ehem,” sabi ni William habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Ice KO. (Oo may karapatan na akong angkinin siya ngayon!) “Mamaya na ang malalagkit na tinginan na ‘yan at tara na bago pa tayo abutin ng tanghali sa pag h-hiking!”

            Nagsi-tayuan na sila at sabay-sabay na kaming lumabas sa rest house. Lumapit naman si Geo sa amin ni Rika.

            “Rika, nagdala ka ba ng mineral water? May extra akong dala rito,” sabi ni Geo.

            I gave him a meaningful smile. Aba-aba at mukhang pumoporma na ang isang ‘to ha.

            “Nag dala na ako,” nginitian naman siya ni Rika ng pilit na ngiti at nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Rika palayo kay Geo.

            Wait. Bakit parang umiiwas itong si Rika?

            “May nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Geo?” tanong ko sa kanya.

            “H-ha? W-wala ah! T-tara na sa van!” sabi niya at hinatak niya ulit ako.

            Kaya lang bigla siyang napahinto kaya nagtaka ako. Tumingin ako sa direksyon na tinitignan ni Rika at napahinto na rin ako dahil sa gulat.

            Dahil ayun, nakatayo sa may van namin at nakangiti sa akin,

            Si Kite.

To be continued...

***

#Fallers


Tenerife Sea po ni Ed Sheeran ang song na kinanta ni Geo :) (May ina-attach ako na video if ever gusto niyong pakinggan :) )

Sa Facebook page po at sa Twitter ako madalas mag announce pag may update ako :)

FB --> www.facebook.com/alyloony

Twitter --> @iamalyloony 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top