Chapter 32 (12/1/14)
Chapter 32
[Timi’s POV]
(Saturday, 5:30am)
Napadilat ang mata ko at ang una kong nakita ay ang kalangitan. Medyo madilim pa rin pero ramdam ko na malapit na sumikat ang araw.
Lumingon ako sa gilid at bumungad sa akin ang mukha ni Ice na natutulog. Sobrang lapit niya sa akin. Naka-unan nga ang ulo ko sa balikat niya habang ang kamay naman niya ay nakapatong sa bewang ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. My gawd! Yung kagabi! Yung nangyari kagabi!
Okay wala naman talagang nangyari kagabi na, you know. Kaso kasi.. Waaaaaaahhhh.
Biglang nag flashback lahat sa isip ko ang mga nangyari.
(Friday, 10:15pm)
“Gusto ko nang sumuko Timi. Natatalo na talaga ako.”
Tinignan ako ng seryoso ni Ice habang ako naman, nakatingin sa kanya ng buong pagtataka. Idagdag pa na medyo nag aalboroto na ang mga paruparo sa aking tyan gawa ng nakahawak pa rin si Ice sa kamay ko at nakadampi pa rin ito sa pisngi niya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ice sa kamay ko.
“U-uhmm I-Ice…?” hindi ko maduktungan ang sasabihin ko kasi parang nanuyo bigla ang lalamunan ko.
Inialis ni Ice sa pisngi niya ang kamay ko. Akala ko bibitawan na rin niya ito pero nagulat ako nang ilapit niya ito sa kanyang labi at hinalikan niya ito.
Napalunok ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sunod na ginawa niya ay ipinatong niya ang kamay ko sa tapat ng dibdib niya---sa parte ng kanyang puso. At nagulat ako ng maramdaman ko ang pagtibok ng puso niya. Mabilis. Unstable. Kinakabahan din siya tulad ko?
Using his free hand, he reached for my face. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa pisngi ko. Mas nag-alboroto ang mga paruparo sa tiyan ko.
“T-Timi I—“ hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. He seemed lost in words.
Tinignan ko siya ng diretso sa mata, “bakit ka kinakabahan? Bakit mo hinalikan ang kamay ko? Saan ka natatalo?”
Hindi siya nag salita. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Ni-hindi niya inaalis ang kamay niya sa mukha ko o ang kamay ko sa dibdib niya.
“Bakit ka sumunod sa Tagaytay? Bakit hindi mo ako matiis?”
Hindi pa rin siya umimik pero ramdam ko ang paghigpit lalo ng hawak niya sa kamay ko.
“Ano ba ako sa’yo? I may gus----“
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinatak papalapit sa kanya. Ngayon ay nakapulupot na ang dalawa niyang braso sa bewang ko na para bang yakap-yakap niya ako ng mahigpit. Tinignan niya ako ng seryosong-seryoso.
“Alam mo naman na wala akong sasagutin ni isa sa mga tanong mo.”
Napalunok ako.
“Pero...” dagdag niya at mula sa mga mata ko ay ibinaba niya ang tingin sa labi ko.
Nagwala ang puso ko. Parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.
Dahan-dahang ibinababa ni Ice ang mukha niya papalapit sa akin. At sa bawat pag-liit ng space sa pagitan sa amin, para akong unti-unting nauubusan ng hininga. Napapikit na lang ako at hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Naramdaman ko na naglapat ang mga noo namin. Naramdaman ko na tumama na ang ilong niya sa ilong ko. Hanggang sa ramdam na ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko.
Then I feel it. Naramdaman ko ang upper lip niya na nakadikit sa upper lip ko. Hanggang sa naglapat na ng tuluyan ang mga labi namin. Saglit na saglit na halik lang.
Humiwalay siya sa akin at tinignan niya ako ng diretso sa mata. Pero hindi rin iyon nag tagal kasi bigla na lang niya ako hinila ulit papalapit sa kanya at hinalikan. This time, mas matagal. This time mas sagad sa buto. Nakahawak siya sa likod ng ulo ko habang ako naman ay ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang isa niya pang kamay sa likod ko na itinutulak ako papalapit sa kanya. Yumakap ako ng mas mahigpit. Ang magkabilang braso niya ay nakayakap na rin sa akin ng mahigpit.
Hindi ako halos makapaniwala. Ice is kissing me under the stars. He’s kissing me while he’s sober. Hindi siya lasing. Ginagawa niya ‘to kasi gusto niya akong halikan. Para akong nanaginip.
Humiwalay ako bigla sa kanya at tinignan siya sa mata. Hinawakan ko ang pisngi niya.
“Hindi ako nananaginip ‘di ba? Totoo ‘to ‘di ba?”
Nginitian niya ako and he gently whispered, “this is better than dreams.”
Naglapit ulit ang mga labi namin.
He didn’t answer my questions. Pero itong ginawa niyang ‘to ay napaka-laki nang kasagutan sa lahat ng mga katanungan ko.
At hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon.
(Saturday, 5:33am)
Napahawak ako sa labi ko. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni Ice kagabi. Ni-hindi ko nga matandaan kung gaano kami katagal na naghalikan eh. When our lips got swollen and we ran out of breath, doon lang kami huminto. After nun, nahiga kami sa bubong ng kotse niya at tahimik na pinagmasdan ang langit. After a few minutes of silence, he ask me to sing. Ewan ko kung bakit niya ako pinapakanta, pero ginawa ko naman. At dahil inlove ako nung panahon na ‘yun, kinata ko yung “A Thousand Years.”
Hindi ko na matandaan kung natapos ko ba ang kanta o hindi. Mukhang nakatulog ako agad.
At ang ganda nga naman ng gising ko kasi nakayakap sa akin si Ice at ang lapit-lapit ng mukha niya.
“Hindi mo na mai-de-deny na hinalikan mo ako,” mahinang bulong ko sa kanya.
Unti-unting dumilat ang mata niya at may maliit na ngiting gumuhit sa labi niya.
“Hi,” bulong niya sa akin.
“Hi,” sagot ko naman sa kanya.
He pulled me closer to him and gave me a quick kiss.
“Hindi tayo umuwi sa rest house. Magagalit sina Geo,” naka-ngiti kong sabi sa kanya habang mahigpit niya akong yakap-yakap.
“Don’t worry, I texted Jasper and told him na baka umagahin na tayo. Sabi niya kahit wag na tayong bumalik.”
Napatawa ako ng mahina, “I love Jasper’s idea.”
“Me too.”
“Pero kailangan na nating bumalik.”
Hindi siya kumilos at mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit, “one more minute.”
Mas lalo akong napangiti ng malawak.
Dati tinutulak niya ako palayo, pero ngayon halos ayaw na niya akong pakawalan.
Ang sarap pala sa feeling ng ganito. Ang sarap sa feeling na mainlove ulit at mahalin ka ng taong mahal mo.
Inabot kami ng ilang minute bago tumayo. Talagang inantay pa namin ang sunrise bago kami tuluyang umalis pabalik sa rest house.
My whole body is aching. Kahit ang leeg ko mukhang nagka stiff neck. Ang sakit kasi sa likod ng pwesto namin at nakakangalay sa lee gang pag higa ko sa braso ni Ice. Pero worth it na worth it lahat.
Ang saya-saya ko kasi.
To be continued…
***
Author's Note:
Hi. Pasensya na po kung medyo natagalan ang update. W-warningan ko na rin kayo na magiging medyo madalang ang update sa mga susunod na weeks. Medyo lang naman. Pero mag u-update pa rin naman ako weekly. Baka mga once or twice a week nga lang. Nag w-workshop po kasi kaming mga authors eh and everyweek may assignments kami na dapat isulat which is time consuming talaga kasi dapat pag-isipan namin maigi ang mga isinusulat namin. Dagdag pa na may manuscript din po akong ine-edit ngayon. I hope you understand.
Salamat po sa mga readers na willing mag antay <3
- Aly A.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top