Chapter 31
Chapter 31
[Timi’s POV]
“Oo nga. Akala ko kaya ko pero hindi nga kita matiis.”
I blinked. Hindi ako makapag-salita. Para akong na-pipe. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Si Ice, nakatayo lang at seryosong naka-tingin sa akin. Para bang inaantay niya ang reaksyon ko.
I blinked some more.
Iniwas ni Ice ang tingin niya at tinalikuran niya ako.
“Wag mong seryosohin ang sinabi ko, nag bibiro lang ako,” seryosong sabi niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Samantalang siya ay nakatalikod lang sa akin at mukhang nag-aantay ng sasabihin ko. Nung hindi ako nag salita, tuluyan na siyang umalis.
Napahawak ako bigla sa railings ng veranda. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang panlalambot ng tuhod ko.
Dapat mayamot ako o mairita sa kanya nan sabihin niyang nagbibiro lang siya eh. Pero kahit na wala siyang ka-emo-emosyon nang sabihin niya sa akin ‘yun, kitang-kita ko ang pamumula ng tenga niya.
Nadadaya ba ang pamumula ng tenga? Nabibiro ba ang pamumula ang tenga?!
Kasi kung hindi, bakit siya namumula?
Napangiti ako ng malawak at parang ngayon lang tumama sa akin ang kilig. Napahampas ako sa kawawang railings habang paimpit akong tumili.
Ay lechugas naman oooohhh! Ay bwiset naman ooooh! Hoy Ice naman ooooh! Bakit kahit ang lamig ng pangalan at personality mo, kakaibang init naman ang dinadala mo sa akin?!
Dali-dali kong sinundan si Ice at nakita kong kausap na niya ngayon ang EndMira at si Rika.
“Oh Timi. Andito na si Ice oh! Good mood ka na ‘no?” sabi ni Jasper sa akin habang papalapit ako sa kanila.
“Hindi raw niya kasi ako matiis!” ngiting-ngiti kong sabi sabay hampas kay Ice sa braso.
Kinunutan lang niya ako ng noo.
Ano ba naman ‘yan! Bakit mismong pag kunot ng noo niya eh napaka-sexy nang tignan?
“At dahil kumpleto na ang EndMira featuring Timi and Rika, tara nang maghiwa-hiwalay gumimik! Bukas na tayo magsama-sama!” masayang-masaya na sabi ni William.
Naka-ngisi siya sa akin at nakakaramdam ako na may pinaplano siyang napaka-gandang bagay
“Gusto kong gumimik at magpaka-lasing,” sabi ni Jasper.
“Gusto kong kumain!” sabi naman ni Ayen.
“O tara I know a place!” yaya ni William.
“Pass na muna ako! May pupuntahan kami ni Rika eh,” sabi naman ni Geo kaya napatingin ako bigla sa kanila.
“May pupuntahan tayo?” nagtatakang tanong ni Rika.
Geo gave me a meaningful look. Parang sinasabi niya sa aking tulungan ko siya. At dahil mabuti akong kaibigan at isa pa, gusto kong ma-solo si Yelo, ginawa ko naman.
“Oo Rika sumama ka kay Geo! Promise mag e-enjoy ka!” ngiting-ngiti kong sabi sa kanya.
It’s Rika’s turn para bigyan ako ng meaningful look.
“Sige sasama muna ako kay Geo,” she smiled at me. Yung ngiting nagsasabing sasama siya para masolo ko si Ice.
Nagsi-alisan na ang mga kaibigan ko kaya naman naiwan na lang kami ni Ice doon. Tinignan ko ang poker face niya habang ngiting-ngiti ako.
“Grabe! Iniwan nila tayo!” I intended it to sound disappointed pero hindi talaga maitago ang galak sa boses ko eh.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, “oo nga. Na-setup tayo at halata ang kasiyahan mo.”
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko, “okay lang, na-miss mo naman ako eh!”
“Tara na nga!” sabi niya at bigla niya akong hinatak.
“Teka, saan tayo pupunta?”
He just shrugged his shoulders at tuloy-tuloy niya akong hinila papunta sa parking lot.
Syempre kahit naman hindi niya ako hilahin eh kusa talaga akong sasama sa kanya. Pero hinayaan ko na lang siya na hatakin ako para kunwari gustong-gusto niya talaga akong kasama.
“Hop-in,” sabi niya nang makarating na kami sa kotse niya.
Nang makasay naman ako, pinaandar niya na ito agad.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko ulit sa kanya.
“Ewan.”
“Ba’t tayo umalis doon?”
“Kasi wala na tayong kasama….at gusto mo akong ma-solo ‘di ba?”
Parang biglang nag-init ang mukha ko.
Seriously Timi! Sa lahat ng kalandian na ginawa mo kay Ice, ngayon ka pa nahiya?!
“W-wala ka na bang ikaka-prangka pa?” tanong ko sa kanya.
Nag-kibit balikat na lang ulit siya at patuloy na nag drive. Napa-ngiti ulit ako.
Ang prangka niya talaga. Walang paligoy-ligoy. Direct to the point lagi siya at mga sinasabi niya, yun talagang totoo at mismong nangyayari. He never sugar-coat his words.
At kahit nakaka-offend ang pagka-prangka niya minsan, ewan, mas nagugustuhan ko siya sa ganyang ugali niya.
Tahimik lang kami habang nag-mamaneho siya. Alam kong natural na madaldal ako pero for the first time, I enjoyed this comfortable silence between us. Hinayaan ko lang siyang dalhin ako kung saan niya ako gustong dalhin.
Maya-maya lang din, huminto na sa pagmamaneho si Ice. Sabay kaming bumaba at nakita ko kung saan niya ako dinala.
Nasa medyo itaas na part na kami ng Tagaytay. Sa lugar kung saan siya huminto, mas maganda ang view sa taal volcano at sa city lights.
“Wow,” manghang-mangha kong sabi.
“Mas masaya sa taas,” sabi niya habang nakatingin sa bubong ng kotse niya.
Nag tanggal siya ng suot na sapatos atsaka siya umakyat sa bubong ng kotse niya.
“Sampa na,” sabi niya sa akin while offering his hand.
Hindi na ako nag hesitate pa. Tinanggal ko rin ang sandals na suot ko at sumampa ako sa bubong ni Ice. Humiga siya rito at ginaya ko naman siya.
It is a starless night tonight. Ang dilim ng langit at tanging ang liwanag lang sa buwan ang nagsisilbing ilaw dito. Parang ang lungkot tignan ng langit pag ganito, yun nga lang, sa pagkakataon na ‘to, hindi ko makuhang malungkot.
“Hindi ako naniniwalang joke lang yung sinabi mong hindi mo ako matiis,” sabi ko sa kanya habang pareho naming pinagmamasdan ang buwan.
“Alam kong hindi ka maniniwala. Hindi naman kasi ako magaling mag sinungaling.”
Nilingon ko siya, “so talagang hindi mo ako matiis? Bakit hindi mo ako matiis, Ice?”
“Ayokong sagutin.”
“Bakit ayaw mong sagutin?”
Hindi siya nag-salita.
“Gusto mo rin ba akong ma-solo ngayon?” tanong ko ulit sa kanya.
Hindi pa rin siya umimik.
“Bakit ayaw mong sagutin ang mga tanong ko?”
This time napa-upo siya bigla kaya naman napa-upo rin ako. He looked at me seriously.
“Bakit ayaw mo akong sagutin?” tanong ko ulit sa kanya.
Tinitigan niya lang ako sa mata. Gusto kong matunaw sa mga tingin niya kaya lang hindi ko magawang i-iwas ang tingin ko kay Ice. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kaliwang kamay ko. At katulad nang ginawa niya kanina, he placed my hand on his cheek, at napapikit siya.
“I-Ice…?”
Napadilat siya at tinignan niya ako.
“Gusto ko nang sumuko Timi. Natatalo na talaga ako.”
[Ice’s POV]
Natatalo na talaga ako.
Sinubukan kong tiisin, sinubukan kong iwasan at balewalain. Isinaksak ko sa utak ko na hindi pwede—na kahibangan ‘to.
But I guess, ang pinaka-mahirap na kalabanin ay ang sarili ko mismong damdamin.
And yep, I am losing this battle.
To be continued…
***
Hindi kulang, walang nawala. Onti lang talaga ang POV ni Ice. Lol XD
Happy 7M reads Fallers! <3 Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top