Chapter 30 (11/24/14)

Chapter 30

 

[Rika’s POV]

 

“Timi wag ka nang sumimangot diyan. Hindi nga siya sasama ‘di ba? Pasok na sa van at nang makaalis na tayo!” sigaw ni Ayen mula sa driver’s seat.

            “Oo na! Ito na nga! Wag mo nang palalain pa ang pag d-drama ko!” sumampa na si Timi sa van at naupo doon sa first row. Tinabihan siya doon ni Jasper. Doon ako sa pangalawang row na-upo at tumabi naman sa akin si Geo.

            It’s Friday morning at paalis na kami papuntang Tagaytay. Ilang beses na naming pinilit si Ice sumama kaso ayaw talaga niya. Kaya naman ngayon, lungkot na lungkot si Timi.

            Si Ayen ang designated driver namin habang si William naman ay nakaupo sa passenger’s seat sa unahan.

            “Okay! All set na? Wala na bang naiwan?” tanong ni William sa amin.

            “Naiwan ko ang puso ko! Dala-dala ni Ice!” sagot naman ni Timi.

            “Yung puso ko rin naiwan ko. Nasa kakambal ni Ice,” dagdag pa ni Jasper.

            “Okay lang ‘yan. ‘Yung puso ko nga dinurog ng babae ni Ice na nasa States ngayon eh,” sabi ni William.

            Nakita kong napailing si Ayen, “hay naku. Buti na lang ang puso ko intact na intact pa sa katawan ko at buong-buo.”

            “Palibhasa pagkain lang ang mahal mo!” natatawa-tawang sabi ni William kay Ayen.

            Napatawa na lang ako sa kanila. Nag eenjoy akong pakinggan at panuorin silang mag kulitan ng ganito. Ang saya-saya kasi nila eh. At mas nagiging komportable akong kasama sila.

            “Pasensya ka na sa mga ‘yan ah? Ang kukulit lang talaga nila,” bulong sa akin ni Geo.

            “Okay lang. Nakakatuwa nga eh.”

            “Excited ka na ba?”

            Tumango ako, “sobra!”

            “I’m glad na pinayagan ka ng parents mo.”

            Nginitian ko si Geo pero hindi ko siya sinagot.

            Hindi naman kasi talaga ako nagpaalam na pupunta ako sa Tagaytay. Nag-iwan na lang ako ng note sa kwarto ko at sinabing mawawala ako ng three days. Ni-hindi ko binanggit kung saan ako pupunta.

            Na-i-imagine ko ang mukha ng girlfriend ni daddy na galit pag nabasa niya ang note ko. Gusto kong lumundag sa galak sa thought na na-inis ko siya.

            “Mag e-enjoy tayo sa three days na bakasyon natin,” sabi ni Geo. “Nag ready na ng mga activities sina Jasper at Timi. For sure mag e-enjoy ka.”

            “Oo naman! Dito pa nga lang sa van enjoy na enjoy na ako.”

            Dumungaw si Jasper mula sa front seat, “syempre naman, ang g-gwapo kaya naming EndMira! Pero umamin ka Rika, ako ang pinaka-gwapo sa banda ‘di ba?”

            “I disagree!” singit naman ni Timi. “Si Ice ang pinaka-gwapo. Kaya nga siya ang vocalist ‘di ba? At ikaw yung drummer. Nasa bandang likod. Kasi.. you know!” humagalpak ng tawa si Timi at Geo.

            “Oo nga. Ngayon ko lang na-realize. Bagay talaga sa’yo maging drummer Jasper! Bagay sa’yo yung nandoon sa bandang likod,” dagdag pa ni Geo.

            “So pinagtutulungan niyo na naman ako?” tinignan ako ni Jasper at kinuha niya ang dalawang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mata, “Rika, ‘di ba ako ang pinaka-gwapo sa kanila?”

            “H-ha?”

            Napalingon ako kay Timi at parang natigilan si Timi. Nakatingin lang siya kay Geo. Si Geo naman ay nakatingin sa kamay namin ni Jasper.

            Biglang piningot ni Timi si Jasper kaya naman napabitiw siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

            “Araaaaaay! Ang sakiiiiittt!!”

            “Ang harot mo! Behave lang kundi sisiraan kita kay Aiscelle!”

            “Wag naman. Wala pa nga akong ginagawa eh sirang-sira na image ko sa kanya. What more pag siniraan mo pa ako?!”

            Umayos na nang upo yung dalawang nasa unahan namin.

            “Pasensya ka na kay Jasper,” sabi ni Geo.

            “Naku okay lang ‘yun! Sanay naman na ako kay Jasper at talaga namang ganun siya. Nakakatuwa nga siya eh.”

            “N-natutuwa ka sa unggoy na ‘yun?”

            Tumango ako habang natatawa-tawa.

            Geo mumbled something at hindi ko naintindihan.

            “Ano ulit?”

            Nginitian niya ako, “wala.”

            “Guys! Sound trip na itooo!” sabi ni William mula sa harapan at nilakasan niya ang volume ng radio.

            Narinig ko ang intro sa isang kanta ni Katy Perry na paborito ko. Nang makarating sa first stanza, sinabayan agad ni Timi ito ng pagkanta.

            ♪ “Do you ever feel, like a plastic bag?

            Drifting through the winds, wanting to start again..” ♪

            Maya-maya pa ay naki-sabay na rin silang lahat na kumanta sa tugtog. Naka-ngiti sa akin si Geo habang kumakanta at parang ine-engganyo ako na sumabay sa kanila. Lumingon mula sa harapan namin si Timi at Jasper at kinakantahan na rin ako. Nilapit pa ni Timi ang mukha niya sa may tenga ko habang kumakanta.

            Kaya naman pag-dating sa chorus, wala na akong ibang nagawa kundi ang sumabay sa kanila.

            ♪ “Cause baby you’re a firework

            Come on show them what you’re worth

            Make them go “Oh oh oh”

            As you shoot across the sky…” ♪

            Nagmistulang isang bar ang van na sinasakyan namin habang lahat kami ay sumasabay sa kanta at the top of our lungs. Sinabayan pa ng tawanan at biruan.

            In my entire life, hindi ko na-imagine na mararanasan ko ‘to. Alam kong simpleng harutan at kasiyahan lang ito ng barkada.

            Pero napaka-priceless talaga.

            Worth it ang pagtakas ko sa bahay namin.

[Timi’s POV]

 

Bandang 9am nang makarating kami sa Tagaytay. Pinagpala kami kasi naiwasan namin ang traffic.

            Kaya lang hindi ako pinagpala kasi wala ngayon si Ice. Buset na Ice. Napaka-tigas ng puso. Napaka-cold niya. Hindi tuloy kumpleto ang happiness ko dahil wala siya sa tabi ko. Mag e-emo tuloy ako mamaya.

            Dumiretso kami sa isang rest house na pag ma-may-ari ng Tito ni Geo. Sinalubong naman agad kami ng katiwala nila at agad na naghanda ng almusal---which is buko pie at brewed coffee. After mag-almusal, mga nag-ayos muna kami ng gamit sa kanya-kanyang kwarto.

            Ilang beses na rin akong nakasama sa out of town gig ng EndMira. Madalas overnight at dahil nag-iisa lang akong babae, madalas na mag-isa lang din ako sa kwarto. Pero nakakatuwa dahil ngayon, may kasama na ako.

            Kesa mag-ayos ng gamit eh ang una naming ginawa ni Rika ay sumalampak sa kama. Maya-maya lang din ay nakatulog na kaming dalawa. Ang aga kasi talaga ng call time kaya naman ngayon lang mag ba-bawi ng tulog.

            Mga bandang 11pm nang makarinig kami ng katok sa pinto. It’s Geo. Pinapalabas na kami at kakain na raw ng lunch.

            Sa Leslie’s namin naisipang mag lunch. Syempre ang walang kamatayang bulalo ang in-order namin. After kumain, nag lakad-lakad muna kami at nag sight seeing para magpababa ng kinain. Mga bandang 2pm naman ay bumalik na kami sa rest house para mag practice. Dahil wala ang dakila at magaling (at hot) nilang vocalist, ako ngayon ang kakanta. Anak naman ng tinola.

            Pero buti isang kanta lang. Dalawang kanta ay si Jasper naman ang kakanta. Bali magpapalit kami ng pwesto mamaya at ako ang tutugtog ng drums habang siya naman ang bibirit. Maganda rin naman kasi ang boses ng lalaking ‘to, hindi lang halata. Tsaka kawawa naman siya, laging nasa likod.

            Mga bandang 4pm natapos ang band practice at naisipan na muna naming mag meryenda at magpahinga. Mga bandang 5pm nang mag-ayos kami at 6pm, ready to go na sa newly opened na resto-bar ng tito ni Geo.

            Nang makarating kami doon, pinakilala niya kami agad sa tito niyang may-ari ng resto-bar.

            “Tito Tristan, mga kaibigan ko po. At ayung babaeng nandoon, si Timi, inaanak ‘yan ni Tito Drew,” sabi ni Geo habang nakaturo sa akin.

            Si Ninong Drew ay isa sa mga kaibigan nina daddy na ninong ko at Tito naman ni Geo.

            “Hi po! Thanks for having us here,” bati ko naman.

            “You’re the daughter of Chef Stephen and Naomi?”

            “Yep! Ako nga po!”

            “Wow. Lagi akong nasa restaurant niyo. The best pa rin ang mga sineserve niyong pagkain.”

            “Ay thank you po. Buti nga po at hindi ako nananaba eh,” biro ko.

            Natawa naman siya sa sinabi ko. Maya-maya lang din ay nagpaalam na siya dahil may kailangan pa siyang lapit na iba pang mga guests. Kami naman ay nag set-up na sa stage.

            At exactly 7:30pm, nag simula na kaming tumugtog. Unang kumanta si Jasper habang ako naman ay nasa drums. Marry You at It Will Rain ni Bruno Mars ang kinanta niya. After that, nagpalit kami at ako naman ang nasa front habang siya ang nasa drums.

            ♪ “Sa hindi inaaasahang

            Pagtatagpo ng mga mundo

            May minsan lang na nagdugtong,

            Damang dama na ang ugong nito.” ♪

 

            Nakapikit lang ako habang kumakanta. Sinusubukang damahin ang kanta kahit na nakakaramdam na naman ako ng frustration sa hindi pag-sama ni Ice.

            Nakakainis naman kasi. Excited na ako tapos biglang ‘di siya makakasama eh.

            Pero ang mas ikinakainis ko, ‘yung hindi ko alam kung ano ang dahilan ng hindi niya pag-sama ngayon.

            ♪ “Di pa ba sapat ang sakit at lahat

            Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo

            Ibinubunyag ka ng iyong matang

            Sumisigaw ng pag-sinta. ♪

 

            May mga times na akala ko, okay na kami ni Ice. Akala ko nakakapasok na ako sa mundo niya at nagiging komportable na rin siya. Pero yung mga ganitong pagkakataon, nare-realize ko na hindi pa pala. Wala pa rin akong alam sa nangyayari sa kanya. Hindi pa rin ako nakakapasok sa mundo niya.

            Ayaw niya akong papasukin.

            May mga times naman na akala ko, may paki siya sa akin. But then may mangyayaring ganito at malalaman ko na wala siyang paki.

            Sabi ko sa kanya malulungkot ako pag hindi siya sumama. Sabi ko iba pa rin pag nandito siya. He just shrugged his shoulders na parang wala siyang paki sa nararamdaman ko.

            At masakit.

            Sanay naman akong dinedemda ni Ice eh.

            Pero pag paulit-ulit pala, masakit na ‘no?

            ♪ “Ba't di papatulan

            Ang pagsuyong nagkulang

            Tayong umaasang

            Hilaga't kanluran” ♪

 

            Napadilat ako at unang tumama ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa may bandang likod at naka-ngiti sa akin habang kumakanta ako.

            Anak ng--!!

            Nag ha-hallucinate ba ako? Bakit nakikita ko si Ice ngayon na nasa harapan ko?

            ♪ “Ikaw ang hantungan

            At bilang kanlungan mo

            Ako ang sasagip sa'yo….” ♪

 

            Buong kanta nakatitig lang ako sa hallucination kong si Ice. Pero nakakaloka kasi hindi siya nawawala. Hindi naman ako lasing. Hindi naman ako naka-droga. Kung high man ako, siguro ay high ako sa sobrang pagkagusto ko kay Ice at wala nang iba. Pero anak ng--! Nakaka-hallucinate ba ang sobrang pagmamahal? Bakit hindi ko naranasan ito nung na-inlove ako kay David dati?

            Pagkatapos naming tumugtog, agad akong nagpunta doon sa kinalulugaran ni Ice pero wala naman siya doon.

            Hallucinations nga lang.

            Kumuha ako nang maiinom at nagtungo ako sa veranda ng resto-bar. Overlooking the taal volcano though hindi ko masyadong matanaw kasi gabi na. Pero kitang-kita ko naman ang street lights.

            Tinungga ko yung San Mig beer na hawak ko. Baka sakaling tumino ang isip ko pag nakainom ako ng alcohol.

            Ewan. Malay.

            “Ba’t ka nagpapakalasing?”

            Napalingon ako sa likod ko at halos mapa-mura ako nang makita ko si Ice.

            Oh my gawd. Malala na ako.

            “Ba’t ka nakatingin sa akin ng ganyan?” tanong niya.

            “I’m hallucinating…”

            “Lasing ka na ba?”

            “Hindi ako lasing pero positive akong nag ha-hallucinate ako. Nandito ka kasi sa harapan ko ngayon.”

            May gumuhit na maliit na ngiti sa labi niya at nilapitan niya ako. Hinawakan niya bigla ang kamay ko at idinikit ang palad ko sa pisngi niya.

            Mainit. Solid na solid. Hindi ako nag ha-hallucinate! Nandito talaga siya sa harapan ko!

            “Sh1t,” bulong ko.

            Binitiwan niya ang kamay ko at napangiti ulit siya.

            “Hindi talaga nawawala ang mura sa expression mo.”

            “I-Ice?! Ice! What the hell! What are you doing here?! ‘D-di ba sabi mo hindi ka makakasama ha? Ba’t ka nandito?”

            “Ayaw mo ba? Uuwi na ako,” bigla siyang tumalikod at naglakad palayo.

            Hinila ko bigla ang hood ng jacket na suot niya kaya napalingon ulit siya sa akin.

            “Hindi ‘yun. Nagulat lang ako,” napalawak ako ng ngiti. “Ha! Sabi ko na nga ba eh hindi mo ako matitiis!” pang-aasar ko sa kanya.

            “Oo nga. Akala ko kaya ko pero hindi nga kita matiis.”

            Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Seryosong nakatingin sa akin si Ice. Bumilis ang tibok ng puso ko.

            Nagbibiro lang ako sa sinabi ko.

            Pero mukhang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.

            Damang-dama ko ang malamig na hangin na humahampas sa balat ko pero anak ng tokwa, para akong biglang pinag-pawisan.

To be continued…

***

#Fallers <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top