Chapter 3 *Mr. Ice*
A/N: Ice, Kite and Rika's imaginary characters picture on the side :) -->>
***
Chapter 3
*Mr. Ice*
[Timi's POV]
"Aaaaahhh nakakainis! Nakakainis talaga! Hindi ko to matanggap! Waaaaaaaaaaahhh!" sabi ko habang gigil na gigil kong pinag tatatambol ang drumset ni Jasper "dinedma niya ang beauty ko?! Waaaaaaaaaah!!! This is a nightmare! This is indeed a nightmare!!!!"
"hoy Timi akin na nga yan!" sabi ni Jasper sabay agaw saakin ng hawak hawak kong drumstick "wag mong pag buhusan ng galit ang drum ko! Mamaya maputol pa tong drumstick eh!" =__=
Lumapit naman saakin si Geo at inakbayan ako "hay naku Timi don't mind Ice. Ganun naman talaga yun eh, hindi namamansin, isnabero, cold... kaya wag ka na magpaapekto sa kanya okay?"
"tama! Tama!" pag sangayon naman ni Ayen "baka bakla yun kaya dinedma ka niya!"
I pout "sayang naman kung bakla siya. Ang hot kaya niya" =__=
"sus! Madami na talagang naglipanang baklang gwapo sa paligid no" sabi naman ni William "endangered na kaming mga gwapong straight.."
"teka sino nagsabing kabilang ka sa mga gwapong straight?" sabat naman ni Jasper kay William "straight ka lang bro pero hindi ka gwapo! HAHAHAHAHAHA"
"pakyu bro! wag kang mainsecure sa kagwapuhan ko!" sabi naman ni William
"hoy hindi ako maiinsecure sa kagwapuhan mo dahil alam kong mas gwapo ako! Ang dami kayang nagkakandarapang chiks saakin.."
"hoy ka rin! Madami din naman ang nahuhumaling saakin! Sadyang isa lang ang mahal ko no!"
"ang mahal mong hindi ka pinapansin" sabi naman ni Geo
"wawa ka naman Wil, laslas ka na" sabi ni Ayen sa kanya habang nakatingin kay William na parang awang-awa
"heh! Magsitigil nga kayo! Pag ako talaga sinagot ni Erin di ko na kayo papansinin" =__=
Tinapik ko ang balikat ni William "okay lang yan.. libreng mangarap"
Nagtawanan naman kaming lahat.
Hay mga sira-ulo talaga tong mga bestplen ko. Mga isip bata. Parang hindi mga 17 years old kung umasta eh.
Opo 17 years old na ang karamihan saamin. Si William at Geo naman ay 18 years old. Pero bakit Highschoolers pa lang kami? 6 years ago, naging international school na kasi itong Prince Academy kaya naman ang sinusundan na naming curriculum ay tulad ng nasa ibang bansa --- which is, mas mahaba ang ginugugol naming taon sa elementary at highschool compare sa normal curriculum dito sa Pilipinas. Bukod sa pang elite school ang Prince Academy, madami naring ibang lahi ang nag-aaral dito, parang si Jasper Yu lang. Half Japanese-half Korean ang Tatay samantalang pure Filipina naman ang nanay. In short, tatlo ang lahi niya. Sosyal di ba? Kaya siguro abnormal siya. ^__^
Another example ay ako. Half tao, half Dyosa kaya naman pinagkakaguluhan ang kagandahan ko dito.
Well, except doon sa lalaking yelo na yun =__=
Siguro half half din siya. Half bulag, half autistic kaya naman di napansin ang beauty ko =___=
"oo nga pala Timi may gig kami ngayon! Tara sama ka saamin" pagyayaya ni Ayen saakin
"ha? Eh naku sorry! May pupuntahan ako ngayon eh. May date kami ng pinaka magandang ninang ko"
Lumapit naman bigla saakin si Jasper "maganda? Weh? Talaga? Pakilala mo ko!"
Tinignan ko siya ng masama "ano gusto mo gawing sugar mommy ang ninang ko?!" =__=
"walang edad-edad sa babaeng maganda!"
"oo nga Timi pakilala mo naman kami!" pag gatong pa ni Ayen
"pass ako" sabi naman ni William
"hindi pwede! Lahat tayo dapat!" sabi naman ni Geo
Tong mga to makarinig lang ng "maganda" mga gusto na agad magpakilala =___=
"sige pero pakilala lang ha! Hands off kayo sa kanya!" pagbabanta ko sa kanila
"suuuureee" sabi naman ni Jasper
Maya-maya lang din, natapos na ang lunch break namin. Sabay naman kaming bumalik ni Jasper sa classroom pero bago kami pumasok, pinauna ko na muna siya at dumiretso akong comfort room para mag-ayos. Aba syempre kailangan kong tignan ang sarili ko sa salamin. Alam ko namang maganda parin ako, pero dinodouble check ko lang. Mamaya may dumi pala ako sa mukha.
Nang makuntento na ako sa itsura ko, lumabas narin ako ng CR pero bago pa ako tuluyanng makalabas, nakasalubong ko naman si Rika at nakita kong pumasok siya sa isang cubicle. Dahil hindi naman kami close, hindi ko na siya pinansin. Nung pabalik ako ng classroom, may nakasalubong ulit akong tatlong babae at napahinto naman ako bigla ng marinig ko yung pinaguusapan nila.
"nakita ko pumasok siya sa C.R! yung loner na kasama kanina ni Kite!" sabi nung iisa
"grabe yung babaeng yun. Kala mo mamanang-manang may tinatago palang kalandian"
"sukat unahan tayo sa pag sama kay Kite"
"maturuan nga ng leksyon yan.."
Agad ko silang sinundan at nakita kong papasok na sila sa loob ng restroom. Maya-maya lang nakarinig na parang may nagbuhos ng isang baldeng tubig at malalakas na tawanan.
"Serves you right loser!!" dinig kong sabi nung isa at nagtatawanang lumabas yung tatlo sa CR.
Dahil nakakutob na ako sa ginawa ng tatlong babaeng to, hinarang ko yung dinaraanan nila at nginitian sila.
"uhmm do you need something?" tanong saakin nung isa
Hindi ko sila sinagot
"ah miss pwede tumabi-tabi ka? Male-late na kami sa klase eh" pagtataray naman nung isa
"oopppss sorry!" sabi ko "but before that..." nagulat sila sa sunod kong ginawa dahil hinatak ko yung buhok nung isang babae at kinaladkad siya papasok ng restroom
"hey! What are you doing! Hey!!!"
"bitiwan mo siya!!" sabi nung isa at nag akmang lalapitan ako
"ano?! Lalapit ka?!" pananakot ko sa kanya at pinandilatan ko sila ng mata.
Hindi makalapit saakin yung dalawang babae. Naman, takot lang nila na mabalian ng buto. Bukod sa pagiging maganda, kilala din ako sa school na to bilang black belter ng taekwondo. Thank you sa mommy ko at pinagpilitan niya talagang mag taekwondo ako kahit ayaw ni daddy.
Itinulak ko yung isang babae sa may sahig ng restroom. Nakita ko naman doon si Loser Rika na nakatayo habang basang-basa. Sabi na nga ba eh.
Hinatak ko sa braso yung dalawa pang babae at katulad nung isa, itinulak ko rin sila sa paanan ni Rika.
"uhmm T-timi.. w-what are you d-doing?" nanginginig na tanong ni Rika saakin.
Hindi ko siya pinansin, instead, tinignan ko yung tatlong babae.
"mag sorry kayo sa kanya" mariin kong sabi
"b-bakit kami mag so-sorry?! Wala naman kaming ginagawa sa kanya ah!" sabi nung isa
Yumuko ako at hinawakan ko yung kwelyo ng uniform nung babae "wag mo kong pagmukaing tanga! Sabi ko mag sorry kayo sa kanya!!"
Nakita ko namang nasindak silang tatlo sa ginawa ko kaya tumingin sila kay Rika "s-sorry.." after that nagkakaripas na sila palabas ng restroom kaya naiwan kaming dalawa doon ni Rika.
"s-salamat.." sabi niya saakin
"no need to thank me. It's my fault kung bakit nila ginawa yun sayo. Ako yung nagpumilit na samahan mo si Kite kanina. Sorry" sabi ko sa kanya "anyways, isuot mo muna yung PE uniform mo. Ako na bahala magpaliwanag sa teacher natin" bago pa siya makapag react, tinalikuran ko na siya at naglakad papalayo.
Nagulat naman ako ng biglang may humatak sa kamay ko. Pagtingin ko, it's Rika.
"what do you need?" I ask her coldly at mukha namang natakot siya sa way ng pagtatanong ko.
Hindi naman talaga ako cold na tao sadyang naiinis lang talaga ako kay Rika kaya naman ganyan ako makitungo sa kanya. Oo niligtas ko siya but it doesn't mean na magbabago ang tingin ko sa kanya.
"T-timi..." hinawakan niya ng mas mahigpit ang kamay ko atsaka niya ako tinignan sa mata "please be my friend!"
"HUH?!" gulat kong tanong sa kanya
"I—I want to be your friend! Ayoko ng magpaka invisible sa school na to. Ikaw yung kauna-unahang taong nagtanggol saakin ng ganun. Please be my friend!"
Tinaasan ko siya ng kilay "you want me to be your friend? Para saan? Para palaging may magtatanggol sayo?"
"n-no! hindi yun ang ibig kong sabihin..."
Hinatak ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya "I'm very sorry Rika, but I want you to know na ikaw ang pinaka kinaiinisan kong tao dito sa school..."
Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya ng sabihin ko yun at nakita ko rin na nasaktan siya sa binitiwan kong salita.
"Don't get me wrong..." I told her "hindi kita kinaiinisan dahil mukha kang manang, o dahil matalino ka o dahil sa laging ikaw ang pinapaburan ng mga teachers dito. Naiinis ako dahil utu-uto ka. Hinahayaan mong samantalahin ka ng mga kaklase natin. Isang bigay lang nila ng notebook nila sayo, ginagawan mo na agad sila ng assignment. Kanina nga lang ni wala kang reaksyon ng buhusan ka ng isang timbang tubig ng mga babaeng yun eh. Ganyan ka ba talaga ka-bait? O sadyang isa ka lang dakilang tanga?"
Iniwas niya naman ang tingin niya saakin "h-hindi ko naman ginusto yun eh. Pumapayag ako nga gawan sila ng assigntment dahil baka sakaling sa ganung paraan gustuhin nila akong maging kaibigan. Sinusunod ko lahat ng gusto nila dahil gusto kong makisama. Ayokong lumaban dahil ayokong magkaroon ng kaaway... pero ... p-pero..." nakita kong may tumulong luha sa gilid ng mata niya "I'll always be a loser... at sino nga ba naman ang gugustuhing magkaroon ng kaibigang loser?"
Tinignan ko siya then I sigh
"yes maybe it's their fault because they are taking you for granted... pero naisip mo ba na kasalanan mo rin dahil hinayaan mo silang maging ganyan sayo?"
Hindi umimik si Rika but instead iniwas niya lang ang tingin niya saakin.
"okay I'll be your friend..."
Bigla naman napaangat ang ulo ni Rika ng dahil sa sinabi ko "t-talaga?"
"but earn my respect first.." I told her after that, tuluyan ko na siyang iniwan doon.
Siguro napaka mean ng sinabi ko kay Rika, pero hindi ko talaga maipipilit ang sarili ko na kaibiganin ang isang taong hindi ko gusto. Other than that, a part of me is pushing her to stand up on her own dahil kung walang gagawa nun, magiging kaawa-awa siya pag lagi na lang siyang magiintay ng taong magliligtas sa kanya.
Natapos narin yung last period class namin. Si Rika? Hindi na siya pumasok. Siguro nag-cutting na ng dahil sa nangyari. Ewan kung dahil saakin o dahil doon sa mga nambully sa kanya.
Pero ayoko muna na mamroblema ng babaeng loner at mga bully, excited na akong makita ulit ang ninang ko! Paano kasi 2 weeks nawala yun dahil nagbakasyon sa korea. Siya na! siya na talaga. =___=
"Timi!" napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Kite na papalapit saakin "are you going home?" tanong niya saakin
Ngumiti ako "nope. I have a date.."
Bigla naman kumunot ang noo niya "a date? With whom? Your boyfriend?"
"why are you jealous?" pang-aasar ko sa kanya.
Usually pag ginagawa ko na ito sa mga lalaki, nagiging defensive sila at naiilang. Pag sinasabi ko ang ganitong bagay sa kanila, it's either ayoko ng makipagusap sa kanila, o na-eentertain ako masyado na makita silang na-a-awkward ng dahil saakin.
But geez. This guy is different.
Kite smile at me playfully "yep I'm jealous. Sana next time ako naman ang i-date mo" prangkahan niyang sinabi saakin.
Mukha atang mas malandi pa saakin ang isang to ah. =___=
Pero papatalo ba ako? Aba kung yung pinsan niya dinedma ang beauty ko, hindi naman ako papayag na pati sa kanya magpapatalo ako sa larangan ng landian!
"uhmm we'll see Kite. Malay mo one of this days bigla na lang kitang hatakin para makipag date. Make sure may dala ka palaging extra cash" I told him while giving him my most killer smile na namana ko pa sa aking napaka-gwapong ama.
Nginitian ako ni Kite "well ikaw ang mag handa Timi. Baka one of this days kidnapin na lang kita at itanan.." he told me "I need to go now. Enjoy ka sa kung sino mang ka-date mo ngayon. But I'm pretty sure mas gwapo parin ako doon. Take care love" sabi niya sabay kindat at wave ng hands habang naglalakad palayo saakin.
Naiwan naman akong nakatulala doon.
Pisti yung mag pinsan na yan ah! Pinapahiya talaga ang charms ko! >__<
Nagpunta na ako sa waiting shed malapit sa may gate ny Prince Academy para antayin yung ninang ko. Sinamahan naman ako ng EndMira sa pagaantay dahil gustong-gusto talaga nila makita si Ninang.
"tagal naman ng Ninang mo timi! Excited na ko magpakilala!" sabi ni Jasper
"hay naku, gagamitin mo na naman ang famous line mo?"
"hahaha oo naman!"
Maya-maya lang, may huminto na pamilyar na kotse sa tapat namin. Napatayo naman ako bigla.
"she's here!" I told them kaya napatingin din sila doon sa kotse.
May bumaba naman na isang matangkad na tao mula sa driver's seat ng kotse. Naka shades siya, fitted pants, high-heeled shoes, at off shoulder na blouse at pakembot-kembot na naglalakad papalapit saakin.
"NINANG DYOSAAAAA!" sigaw ko sa kanya
"oh my gashlalu! My dyosang inaaanak! Come here babylalu and hug your ninang dyosaaaaa!" sabi niya kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya at binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you baby! My goodness! Mas lalong gumagandalalu ka ah! mangang man aka sa beauty ko! Pak na pak!"
"naman ninang! Ako pa ba! Ay may papakilala pala ako sayo" hinatak ko si ninang papalapit sa EndMira "guys! Siya pala ang napaka ganda kong Ninang! Si Ninang France!" tumingin ako kay ninang "ninang kanina ka pa nila inaantay! Gusto daw nila makipagkilala!"
Tinignan ko ang EndMira at nakita kong mukhang namumutla sila. Bakit kaya?
"ay talagalalu! Ang popogi naman nila! Come here boys! Come with us!" pag yayaya ni Ninang
"h-hello po..." sabi ni Geo "uhmm guys! M-may practice pala tayo no?"
"ah o-oo nga! M-may practice pala!" pag sang-ayon naman ni Ayen.
"nice meeting you po! Sige una na kami! Bye!" sabi naman ni Jasper
"tara na guys!" sabi ni William na nauuna nang maglakad palayo.
Tong mga to! Akala ko ba gusto nilang makilala si Ninang! Tapos ngayon biglang aalis? Kaloka ha =___=
Umalis narin kami ni Ninang France at nag punta sa mall para mag shopping. Dahil balikbayan siya, pinag shopping niya ako ng bongga!
"ano baby ganda! You likelalu ba ang mga dresslalu na binili ko sayo?"
"op cors ninang! Kasing dyosa natin dalawa ang mga pinamili natin! Pero teka, you promised me na uuwian mo ako ng koreanong boylet. Nasaan na siya?"
"sorry baby! Hindi na kasya sa baggage ko eh! Tumingin ka na lang kay Papa Stephen! Mukha naman siyang koreano! Pogi pogi pa! wahihihi.."
Tinignan ko ng masama si Ninang "ninang wag mong pagnasahan si daddy" =__=
"eto naman! Hindi ko siya pinagnanasahanlalu! Sadyang may secret affair kaming dalawa! Actually ako ang tunay mong mommy!"
"ninang, wala kang matres" =___=
"OUCH HA! You're so sama baby! Manang mana ka sa mapang-api mong ina!" T___T
"hahaha joke lang ninang!" I hugged her
"hay naku! Pero teka, umamin ka, sino ang boylet mo doon sa apat na lalaking pinakilala mo ha?"
I rolled my eyes "wala no! best friends ko lang sila at wala akong planong pagnasahan ang kahit ni-isa sa kanila!"
"aysus! So ano manlalalaki ka na lang forever? Wala ka ng balak mag seryoso?"
"hahaha ninang ayokong mainlove. Sakit sa puso lang yan no! mas magandang lumandi na lang ako forever!" proud na proud kong sabi sa kanya.
Bigla naman napatingin saakin si Ninang France then mahina niyang hinampas ang braso ko "line ko yun ah! walang agawan ng linya!"
"eh bakit ba idol kita eh!" =___=
Nag-ikot lang ulit kami ni Ninang France hanggang sa mapadpad kami sa bookstore. Naalala ko na may pinapabili pala saaking cookbook si Mommy.
"hmmm... nasaan na kaya yung cookbook na yun?" sabi ko habang nagtitingin-tingin ng iba't ibang cookbooks sa shelf.
"bhe, may hot papa doon oh! Look!" bulong saakin ni Ninang France. Syempre, ng marinig ko ang word na hot papa, automatic naman na napalingon ang ulo ko para tignan kung gwapo nga.
"oh my gash!" sabi ko habang nanlalaki ang mata ng makita ko kung sino ang tinuturo ni Ninang
"gwapo di ba?!"
"n-ninang! H-he's my schoolmate! Tsaka ka-banda siya ng mga best friend ko H-he's Ice Monasterio!"
"ay bongga! Kilala mo te? halika pakilala mo akeeeeey! Ang yummy niya! Ang sarap tikman bhe!""
"corrected by!" pag-sangayon ko sa kanya "kaso suplado ninang! Dinedma niya ang beauty ko!!" T__T
"ha?! Teka hindi akey makakapayag niyan! Hindi dinededma ang mala-dyosa nating ganda!" tinulak tulak ako ni Ninang "lapitan mo dali and flirt with him! alam kong tatalab din diyan ang charms mo!"
"p-pero..."
"Stephanie Mikael Perez, mag tiwala ka sa seduction powers mo!"
Napahinga ako ng malalim then naglakad ako papalapit kay Ice. Tofu bat ba ako ninenerbyos. I always flirt with guys pero sa lalaking to ako unang kinabahan ng ganito!
Ganyan ba talaga kalakas ang coldness niya na kahit ang Dyosa napapakaba niya? =___=
Bahala na si Batman!
"o-oy Ice nandito ka pala!" sabi ko sa kanya nung makalapit na ko sa kanya
Tinignan niya ako then he just gave me a nod then ibinalik na niya ang tingin niya doon sa librong hawak-hawak niya.
Pisti. Napaka suplado ng lalaking to. =__=
Pero syempre hindi ako nagpatalo, sinubukan kong kuhanin yung isang book sa pinaka-mataas na shelf at nagkunwaring nahihirapan ako sa pag-abot nito para magpapansin sa kanya. Agad naman niyang napansin ang presensya ko kaya naman inabot niya yung librong kinukuha ko.
"ito ba?" tanong niya saakin
"ah, oo. Salamat"
Biglang kumunot yung noo niya ng makita niya yung librong pinapaabot ko pero wala naman siyang sinabi at inabot na lang niya saakin yung libro. Napatingin naman ako doon sa libro.
"Tips on How to Have a Healthy Sex Life"
Parang biglang nag-akyatan lahat ng dugo sa mukha ko at ramdam ko ang pag-init nito ng mabasa ko yung title nung libro. Tofu... tofu talaga! Napakagaling mo Timi! Sa dinami-rami nga naman ng libro, bakit yan pa ang naisip mong ipaabot sa kanya T___T
"ah hehe.. uhmm anong binabasa mo?" pag i-start ko ng conversation
Hindi naman ako pinansin ni Ice at tuloy lang siya sa pagbabasa
"uhmmm welcome pala sa EndMira ha! Naku kailangan natin gumimik niyan para makapag bonding tayo!"
Tinignan ako ni Ice "I don't like doing those stuffs.."
"h-ha?"
"Ice, nahanap mo na ba yung book?"
Napalingon naman kami ni Ice doon sa babaeng tumawag sa kanya at nagulat ako ng makita ko si Erin Aquino, ang babaeng napakadaming admirers sa school, ang babaeng matalino, mahinhin at mabait, ang babaeng mahal ni William, at ang babaeng karibal ko sa lahat ng bagay.
Teka, magkasama sila ni Ice?!
"ah yes, nakita ko na.."
Napalingon naman si Erin sa akin
"oh Timi you're here!" bati niya saakin
"obviously, I'm here" I told her sarcastically
"ano ginagawa mo dito?"
"malamang tumitingin ng libro"
"ganun? Sige enjoy ka diyan ah" tumingin si Erin kay Ice "let's go?"
Nagulat naman ako ng bigla siyang ngitian ni Ice "sure. Let's go"
After that, tuluyan na silang umalis habang ako naman, naiwan sa kinatatayuan ko at napatulala na lang.
For the second time, dinedma ni Ice ang beauty ko.
Pero bakit kinakausap niya si Erin? He even smiled at him!
Tofu! Hindi ako makakapayag ng ganito! Hindi ako papayag na mas makakalamang saakin ang babaeng yan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top