Chapter 29 (11/21/14)
Chapter 29
[Timi’s POV]
Hindi ko alam kung ano ang itsura ng mukha ko habang naglalakad ako papunta sa classroom namin. Pero lahat ng estudyante ay umaalis sa dinaraanan ko at mukhang natatakot sila sa akin.
Nang makarating ako sa classroom, agad akong nilapitan ni Jasper.
“Uy, may kaaway ka ba? Ba’t ganyan ang mukha mo?”
“That guy! That jerk!!”
“Sino? Si Ice? Yung ex mo? Sino?”
Bago ko pa mabanggit ang pangalan niya eh nakita kong papasok na siya sa classroom. Ang ganda pa ng ngiti niya sa akin.
“Hi again, Timi!” bati ni Kite.
Nilapitan—or more like—sinugod ko siya.
“You are such a dick, you know that?!” bulyaw ko sa kanya habang dinuduro-duro ko ang dibdib niya.
“Wha—what did I do?”
“Seriously? Bakit kailangan mong dedmahin nang ganun si Rika ha? Bakit ang jerk mo sa kanya?!”
Hinawakan ni Kite ang wrist ko at inilayo sa dibdib niyang dinuduro ko. He looks at me seriously.
“Di ba sinabi mo sa akin na layuan ko na siya? Sinusunod lang kita.”
“Pero bakit naman ganun? Bakit kailangan mong magpanggap na wala siya sa tabi ko ha? Why do you have to ruin your friendship with her?!”
“Sa tingin mo ba pag pinagpatuloy ko ang friendship namin eh makaka move-on siya? Hindi Timi! Hangga’t may nararamdaman siya para sa akin, hindi kami pwedeng maging magkaibigan dahil masasaktan lang siya!”
Binitiwan ako ni Kite at nag walk-out siya palabas ng classroom namin. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Jasper sa balikat ko.
“Timi, ayokong makielam, but Kite’s right. Jerk at heartless mang tignan pero tama naman ang ginagawa niya eh. Marahil nasasaktan si Rika, pero kung hindi magbabago nang pakikitungo si Kite sa kanya, hindi rin makakapag move-on si Rika.”
Napahilamos na lang ako nang mukha, “ayoko lang na masaktan siya.”
“Don’t worry. Rika’s a nice gal. Alam kong may darating din na lalaking para sa kanya.”
Napangiti ako, “sana nga si Geo na ‘yun.”
Bigla naman napatingin sa akin si Jasper, “si Geo? Bakit naman si Geo?”
Ay shoot!
Mukhang wala pa atang nakakaalam sa EndMira na may gusto si Geo kay Rika kundi ako pa lang. Well hindi naman niya inamin talaga sa akin na gusto niya si Rika pero naman kasi, ang obvious niya!
“W-wala naman. Mukhang bagay sila eh,” palusot ko na lang kay Jasper.
Jasper just shrugged his shoulders at hindi na siya kumontra o nag tanong sa akin. Buti naman. Baka sakalin ako ni Geo eh.
Three minutes before mag start ang first period namin, dumating na si Rika sa classroom. She smiled at me casually pero hindi ko na siya nagawang kausapin pa.
Second period na nang bumalik si Kite. Kinabahan nga ako kasi nagkasalubong sila ni Rika sa may pintuan pero diretso na ang tingin ni Rika at hindi na rin niya pinansin si Kite.
“She may look weak pero matatag siya. Wag kang masyadong mag-alala sa kanya,” bulong ni Jasper sa akin.
Nang mag lunch break na, dali-dali kong nilapitan si Rika.
“Timi, Jasper, tara kain na tayo,” nakangiting yaya ni Rika sa amin.
“Pass muna ako. Sasabay ako sa girlfriend kong kumain eh,” sabi naman ni Jasper.
“Girlfriend? Kelan ka pa nagkaroon ng ganun?”
“Soon!” at tumawa siya tsaka kami iniwan ni Rika.
“Hay panigurado kukulitin na naman niya si Aiscelle,” iiling-iling kong sabi.
Rika giggled, “malay mo sa pangungulit niyang ‘yan mapasagot niya si Aiscelle.”
“Kung sabagay, hindi tumatanggap nang pang ba-basted ‘yang si Jasper Yu.”
Pareho kaming napatawang dalawa ni Rika. Natigilan ako bigla at ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.
“Rika, I-I’m sorry,” I told her sincerely.
She smile at me. Senyales na naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.
“Okay lang ‘yun Timi. Hindi mo naman ginusto eh. Wala kang kasalanan.”
Niyakap ko siya nang mahigpit, “you’ll be okay.”
“I know I will..”
Nag tungo na kami ni Rika sa cafeteria at doon na rin sabay kumain. Pinag usapan na naming ang mga activities na gagawin namin sa Tagaytay. Buti na lang din at pumayag si Rika na sumama na. Alam ko naming hindi siya babagsak kung hihinto muna siya sa pag re-review nang tatlong araw eh. Isa pa, next month pa naman ang entrance examination niya.
Excited na talaga ako sa lakad namin. Syempre may schemes ako na paglapitin si Geo at Rika. At syempre may schemes din ako na dumamoves kay Ice!
Hay Erin bruha, diyan ka na lang sa States. Wag ka nang babalik dito. Mwahahahaha.
May thirty minutes pa para sa next period nang matapos kaming kumain ni Rika. Naisipan naman naming dumaan muna sa music room. Baka kasi nandoon ang ibang EndMira.
Kaya lang pagpasok namin, si Ice lang ang nadatnan namin.
My heart skips a beat.
“Uhmm Timi, may kailangan pala akong hanaping libro sa library. Diyan ka lang muna ah?” she winked at me.
Napangiti naman ako ng malawak atsaka nag paalam kay Rika.
I love you friend! Hindi ako nagkamali sa desisyon kong gawin kang kaibigan! Iba ka sa EndMiraaaa! Ikaw lang ang tanging nakakaintindi sa akin!
Nilapitan ko si Ice na kasalukuyang naka-pwesto sa table habang nakalabas ang laptop niya at gitara naman niya ay nasa tabi niya.
“H-hi!” bati ko sa kanya while taking the seat beside him.
“Oh, it’s you.”
“Anong ginagawa mo? Homework?”
“No. Naghahanap ako ng mga kanta na pwedeng tugtugin doon sa event sa Tagaytay.”
“Really? Ano na ang mga nahanap mo?”
Ipinakita niya sa akin ‘yung list ng mga songs na isinulat niya sa notebook niya.
1. Tadhana by Up Dharma Down
2. Mata by Mojofly
3. Ikaw pa rin by Juana
“Tatlo pa lang ang nakikita ko. Maghahanap pa ako ng English na pwedeng kantahin tapos ipapasa ko kay Geo,” he told me nang hindi inaalis ang tingin niya sa kanyang laptop.
“Ah Ice, bakit puro pang babaeng kanta ang pinili mo?”
“Dahil ikaw ang kakanta.”
“H-ha?! Ako?! P-pero bakit? Duet na lang tayo!” suggestion ko naman.
Kung kakanta lang din naman ako syempre gusto ko nang ka-duet ang lalaking ‘to ‘di ba? Para naman mas nakakakilig.
“Hindi pwede,” matipid niyang sagot.
Nag pout ako, “at bakit naman hindi pwede?”
“Dahil hindi ako makakasama sa Tagaytay.”
“What?!” napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi niya. “B-bakit hindi ka makakapunta? Hindi pwede! Please sumama ka? Ha? Sumama ka?”
“Hindi pwede eh,” matipid pa rin niyang sagot.
Napaupo na lang ako at parang gumuho ang mundo ko.
Alam niyo yung excited na excited na ako tapos iniisip ko na ang mga masasayang bagay na pwede naming gawin ni Ice. Iniisip ko na ang mga bonding moments namin!!
Tapos hindi siya sasama?!
What the freaking hell!
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top