Chapter 25 (11/3/14)

Chapter 25

 

[Timi's POV]

 

"Sinabi niya 'yon kay Tito? Na hindi kayo close?" tanong ni Jasper then he laugh boisterously with matching hawak-hawak pa sa tyan niya at tinatambol-tambol ang drums na nasa harapan niya.

            "Walang nakakatawa!" sigaw ko naman sa kaibigan kong tuwang-tuwa sa nangyayari sa akin. "Kung alam mo lang mahigit isang oras akong sinermonan ni daddy about diyan. Nakailang sabi siya sa akin na ang mga babae dapat nagpapakipot at kinuwentuhan niya pa ako ng kinuwentuhan ng pagpapakipot sa kanya ni mommy dati! My gosh!"

            "Eh ikaw naman kasi Timi eh, kulang na lang ikaw ang manligaw kay Ice!" tatawa-tawa pa rin niyang sabi. "Wala kang pag-asa doon kaya tigilan mo na siya!"

            Tinignan ko siya ng masama, "hoy kung makapang-discourage ka! Bakit ikaw ba may improvement na sa pagpapapansin mo kay Aiscelle ha?"

            Si Aiscelle ang kakambal ni Ice. Sa totoo lang hindi pa kami masyadong nakakapag-usap dalawa. Hindi ko rin siya nakita nung nagpunta ako kina Ice. Pero alam kong patay na patay itong si Jasper sa kanya.

            Natigil sa pag tawa si Jasper at napakamot sa ulo niya, "eh ayun, nagpapakipot pa rin siya. Kaso ramdam ko namang type niya ako eh."

            Pinanliitan ko siya ng mata, "assuming ka rin ano?"

            Ngumisi naman siya sa akin, "mana lang ako sa'yo!"

            Aba't---! Bwiset na 'to!

            Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Jasper. Useless ang makipagtalo sa unggoy. Instead, tumayo ako at lumabas ng music room. Nakita ko namang sumunod si Jasper sa akin.

            "Saan ka pupunta?"

            "Pupunta ako sa classroom nina Ice!"

            "At bakit?"

            "Makikipag-close ako sa kanya para walang problema!" binilisan ko ang lakad ko at iniwan doon si Jasper. Limang classrooms lang ang pagitan ng room nina Ice at ng music room kaya naman madali akong nakapunta dito.

            Kalalabas lang ng teacher nila ng last subject nang makarating ako doon. Natanaw ko naman agad si Aiscelle kaya kinawayan ko siya.

            "Timi!" naka-ngiting salubong sa akin ni Aiscelle, ang kakambal ni Ice.

            "Uy Aiscelle, nandiyan ba si Ice?" tanong ko sa kanya habang naka-dungaw sa classroom nila.

            "Si Ice? Naku, absent siya eh."

            "Absent? Bakit?"

            "Hay eh kasi naman—"

            "Hi beautiful!"

            Naputol ang sinasabi ni Aiscelle dahil sa biglang pagdating ni Jasper.

            "My love! My darling! I love you!" kinuha niya ang kamay ni Aiscelle at hinalikan ito.

            Tinignan siya ng masama ni Aiscelle. Dahan-dahan nitong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ni Jasper. Then tumalikod siya at naglakad palayo.

            "Elaine! May alcohol ka ba? Nadapuan ng sandamukal na bacteria ang kamay ko eh."

            "Ouch. Sakit naman sa heart," sabi ni Jasper with matching himas-himas pa sa dibdib niya.

            Hinampas ko si Jasper, "panira ka! Dapat hindi ka na dumating! Ayan tuloy naputol ang sasabihin sa akin ni Aiscelle."

            "Grabe kayong mga babae kayo, tinataboy niyo 'ko."

            I just rolled my eyes at him at lumayas na. Minsan talaga nakakairita ang kakulitan nitong si Jasper eh. Hindi ko tuloy nalaman ba't absent si Ice. Kaya pala buong araw ko siyang hindi nakita.

            Ano kaya nangyari sa isang 'yun?

            Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Rika na kumakaway sa'kin at naglalakad palapit

            "Hi Timi!"

            "Oh Rika! Pauwi ka na ba?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya.

            "Ah hindi pa. Kailangan ko pa mag review eh," sagot naman niya at sinabayan niya ako sa paglalakad.

            "Review? Bakit naman? Wala naman tayong quiz ah?"

            "Para sa college. Three months from now kasi may entrance exam na doon sa university na papasukan ko. Eh may full scholarship pag na reach ko yung quota nila sa entrance exam. So ayun."

            "Oh. I see. Kaya pala todo pag re-review ka. Ang bait mo namang anak," naka-ngiti kong sabi sa kanya.

            Umiling naman si Rika, "nope. It's just that, pag hindi ako nakakuha ng scholarship, baka hindi na ako makapag college."

            "Huh?" agad akong napalingon sa kanya.

            As far as I know, mayaman ang pamilya nina Rika. She's even richer than us. Kilalang business tycoon ang daddy niya.

            Nalulugi na ba sila?

            "Ahm, Timi, m-may itatanong sana ako sa'yo."

            "Ano 'yun?"

            "P-paano ko ba makakalimutan ang isang tao?"

            Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan ko si Rika. Naka-yuko lang siya pero ramdam ko na seryoso siya sa tanong niya.

            "Rika..."

            "Madali lang 'yan Rika!"

            Pareho kaming napalingon kay Jasper na ngayon ay tumatakbo papalapit sa amin. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang kamay ni Rika at tinitigan ito sa mata.

            "Ah.. J-jasper.. a-anong...?"

            "Isa lang ang dapat mong gawin para maka-move on ka. You need to fall in love with me."

            Binatukan ko nga.

            "Aray naman Timi! Ba't mo ba ako binatukan! I am only helping her!"

            "Helping?! Nanlalandi ka lang eh! Sumbong kita kay Aiscelle eh!"

            Bigla naman siya napa-bitiw kay Rika, "hala si Aiscelle my love! Rika I'm just joking okay? Don't take my words seriously! Teka pupuntahan ko ulit si Aiscelle at manliligaw ako. Good bye girls!"

            At tuluyan nang tumakbo papalayo si Jasper sa amin.

            Tinignan ko si Rika, "don't mind him. May problema sa pag-iisip ang isang 'yun."

            "Hehe, okay lang Timi. Alam ko namang nag bibiro lang siya."

            "Pero 'yung about sa tanong mo, pwede ko bang malaman kung sino ang tanong 'yun?"

            Huminga ng malalim si Rika then she look straight ahead. Napatingin ako sa tinitignan niya then I saw Kite walking towards us.

            "Timi, uhmm, una na ako."

            Mabilis na naglakad palayo si Rika. Hindi ko siya pinigilan. Kasi, kahit na hindi niya nasagot ang tanong ko, mukhang kilala ko na kung sino ang taong 'yun.

            "Hi gorgeous!" bati sa akin ni Kite nang makalapit siya.

            "We need to talk," diretsahan ko namang sabi.

            "Sure. Mag date tayo ngayon," naka-ngisi niyang sagot.

            Ang bilis pumayag ah!

            "Lilinawin ko lang, hindi ito date."

            "Okay. Para sa'yo hindi date, pero para sa akin date ito."

            Pinanliitan ko si Kite ng mata, "ba't napaka-playboy mo?"

            "Hindi ako playboy, sadyang malambing lang ako sa mga babae.Pero wag kang mag-alala, nilalandi ko lang talaga yung mga babaeng gustong-gusto ko," naka-ngisi niyang sabi sa akin sabay kindat.

            "E-ewan ko sa'yo."

            Mas lalong lumawak ang ngiti ni Kite, "wow. I just made Stephanie Mikael Cruz stutter."

            "L-let's just talk!"

            "Okay fine. I know a place."

            Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako.

            My god. Ibang klase dumamoves ang lalaking 'to. Sagad sa buto magpakilig dahil sa mga salitang sinasabi niya.

            Rika is indeed in deep trouble.

[Rika's POV]

 

            Napa-buntong hininga ako nang makita ko ang sarili ko sa tapat ng ice cream parlor kung saan ako dinala kahapon ni Kite.

            Papunta sana ako sa coffee shop ngayon para mag review. Kaya lang naisip ko baka nandoon si Kite at naka-duty. Ayoko na nang panibagong distraction. Gusto ko nang ibuhos ang buong energy at attention ko sa pag aaral. Tutal mas mahalaga naman 'yun 'di ba?

            Isa pa, sa ganitong paraan, makakalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko na siyang isipin 24 hours a day. At mas lalong ayoko nang maalala na 'yung pagasa na minsang tumubo sa puso ko na gusto rin niya ako ay isang malaking kalokohan lang.

            Pero eto 'ko ngayon, nandito sa lugar kung saan ko siya huling nakasama.

            Hay Rika.

            'Di bale. Makakain na nga lang ng ice cream. Tsaka tahimik nga naman sa lugar na 'to. Makakapag concentrate ako.

            Pumasok na ako sa loob at nag hanap agad ng upuan. Kaso bago pa ako makalapit doon sa dulong table, may tumawag bigla sa pangalan ko.

            "Uy Rika!"

            Halos maibagsak ko ang mga librong dala-dala ko nang makita ko kung sino ito.

            It's Kite....and he's with Timi.

            Naka-akbay siya kay Timi habang ngiting-ngiti siyang naka-tingin sa akin.

            "R-Rika.."

            Pilit kong pinakalma ang nagwawala kong puso. Pinigilan ko ang pangingilid ng luha sa mata ko. I tried my best to give them a smile.

            "H-hi, Kite, Timi.. B-ba't kayo nandito?"

            "We're on a date!" masiglang sabi ni Kite at mas hinigpitan pa niya ang pagkaka akbay niya kay Timi.

            "No! We're not on a date!" pilit naman kumawala si Timi sa pagkaka-akbay ni Kite sa kanya. "Wag kang maniwala sa kanya."

            "Ang hilig mo talagang mag-deny Timi," natatawa-tawa namang sabi ni Kite.

            "What--!"

            "Nga pala, what are you doing here, Rika?" pag putol ni Kite sa sasabihin ni Timi.

            Napayuko na lang ako at pilit na iniiwas ang tingin ko sa kanila. Gustong-gusto na kasi

            "A-ano kasi, m-mag---"

            "Rika! Nandito ka na pala."

            Bigla kaming napalingon sa tumawag sa akin at nagulat ako nang makita ko ang isang EndMira...si Geo.. na papalapit sa amin.

            "Geo? What are you doing here?" tanong ni Timi sa kanya.

            "Oh hi Timi! Nag-usap kasi kami nitong si Rika. Eh nagpapatulong ako sa Physicis."

            Naguluhan ako bigla sa sinabi niya. Nagpapatulong? Teka kelan kami nag usap? Ang huling pagkakatanda ko eh hanggang hi and hello lang ako sa kanila because I am too shy to talk to them. At ang tanging dumadaldal lang ng husto sa akin ay si Jasper. Well, given naman talaga na madaldal siya.

            "Magpapatulong ka....kay Rika?" takang-taka ring tanong ni Timi. "Teka, kelan pa kayo naging close dalawa?"

            "Ikaw naman! Hindi mo lang napapansin. Wag kang mag-alala, hindi ko aagawin ang best friend mo," pagbibiro ni Geo sabay tingin sa akin. "Di ba sabi ko ililibre kita ng meryenda in return sa pagtulong mo sa akin?"

            "H-ha?"

            "Let's go!"

            At bago pa ako maka-angal, hinila na niya ako palabas ng ice cream parlor.

            Hindi ako nagpumiglas. Hinayaan ko lang siya sa paghila sa akin.

            Because this guy....he just saved me from an awkward situation.

To be continued...

***


Hi readers! Salamat ng marami sa concern <3 Medyo okay na aketch. Ubo't sipon na lang. Wahahaha. Anyway, take care of your health, uso sakit ngayon XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top