Chapter 22 (10/15/14)

Chapter 22

 

[Timi’s POV]

 

“Ice! Anong papanuorin natin? Ito ba? Ito ba?” ngiting-ngiti kong tanong sa kanya habang nakaturo ako sa malaking poster ni Annabelle sa labas ng sinehan.

            Aba naman! Kung manunuod din lang kami eh maganda na kung horror! Para maka-chansing ako sa kanya. Mehehehehe.

            “Ah… o-oo. Sige bibili na ako ng ticket.”

            Nag-lakad si Ice papunta doon sa bilihan ng ticket at ako naman, excited na excited na nakasunod sa kanya.

            My gosh! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari! Nag d-date kami! Nag d-date talaga kaming dalawa!

            Shy nga lang itong ka-date ko kasi ayaw gumawa ng da-moves, but who cares? Mamaya sa loob ng sinehan, gagawin ko ang lahat maka-score lang ako sa kanya.

            After niya bumili ng ticket, niyaya ko siya na bumili ng popcorn.

            “Two popcorns please,” sabi niya doon sa cashier.

            “Ay ate isang malaki na lang po!” pigil ko naman doon sa babae tapos nilingon ko si Ice. “Mas tipid pag isa lang. Tsaka baka hindi ko maubos.”

            Hindi na siya umangal. He just shrugged his shoulders at binayaran ang popcorn namin.

            Sa totoo lang, malakas ako sa popcorn pag nanunuod ng sine. Pero bakit ba! Mas sweet kaya pag share kami. Tsaka malay niyo bigla kaming magkasabay ng kuha ng popcorn at magdampi ang mga daliri namin. Hanggang sa magkakatinginan kami ng malagkit. Tas hindi ko namamalayan na hawak hawak na pala niya ang kamay ko. At unti-unti na niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa….

            “Tatayo ka na lang ba diyan o iiwan na kita? Mag sisimula na ang palabas.”

            Naputol bigla ang imagination ko nang marinig kong mag salita si Ice. Paalis na siya doon sa bilihan ng popcorn at naka-kunot na ang noo nito habang nakatingin sa’kin.

            Panira naman ng pantasya ang isang ‘to oh!

            Sinundan ko na lang agad siya sa may entrance ng cinema. Mamaya tuluyan talaga akong iwan nito.

            Nang makapasok kami sa loob, bigla akong nag sisi na ito ang pinili kong palabas. Hindi dahil sa takot ako sa horror films kundi dahil ang daming nanonood. Pa-simula na rin ang movie kaya halos puno na ang sinehan. Nakahanap naman kami ng matinong pwesto ni Ice pero ang dami naming katabi. Walang privacy nakakainis.

            Pero hindi pa rin ako nagpapigil syempre. Kailangan kong maka-score ngayon! Kahit onting chansing lang. My gash! Once in a life time experience lang ito.

            Hinimas-himas ko ang mga braso ko na kunyari eh nilalamig ako kahit hindi naman talaga. Kaso itong yelong ‘to, hindi nakaramdam. Pako na ang tingin sa screen. Mukhang mas nagagandahan pa kay chaka doll este Annabelle kesa sa’kin.

            “Ang lamig ‘no?” bulong ko sa kanya. Para makaramdam naman!

            “Huh? Hindi naman,” sagot niya nang hindi man lang ako tinitignan.

            Ay anak ng--!!! Yung ibang mga naka-date ko pag sinasabi kong malamig halos pumalakpak na ang tenga nila dahil nagkakaroon na sila ng dahilan para akbayan ako. Samantalang ang isang ‘to.

            Nakakayamoooooooooooooot!!!

            “Wala ka bang pampainit diyan?” tanong ko sa kanya at hindi ko na maitago ang pagka-dismaya sa boses ko.

            Hindi naman sumagot si Ice instead, binuksan niya ang backpack na dala niya at inabutan ako ng jacket.

            Wow. Gentleman.

            Minsan pala nakakainis pag sobrang gentleman ng kasama mo. Hayayay.

            Sinuot ko na lang ang jacket ni Ice at inimagine na siya ang nakaakbay sa’kin. Buti na lang kaamoy niya ang jacket niya. Mabango.

            Sinubukan kong mag focus sa palabas pero hindi pa rin ako mapakali. Hawak-hawak ni Ice ang popcorn pero hindi ko ma-tyempuhan na magkasabay kami ng kuha. At ano ba ‘tong palabas na ‘to? Ang tagal naman ng gulatan scene!

            Maya-maya lang din ay naririnig ko nang nagsisigawan ang mga tao. Syempre nakigaya na rin ako kahit hindi naman talaga ako natatakot.

            “Kyaaaaah! Scary!” sabi ko sabay pulupot ng kamay ko sa braso niya.

            Ha! Ano ka ngayon! Wala ka nang kawala sa’kin.

            “Ang late naman ng reaksyon mo,” bulong naman ni Ice.

            Ngumisi lang ako. Okay halata naman palang dumadamoves ako eh ba’t ko pa itatago?

            Buong palabas, nakapulupot ang kamay ko sa braso ni Ice. Hindi naman siya nag re-reklamo kaya hindi ko tinatanggal. Wala na rin akong naiintindihan sa mga nangyayari sa palabas. Ni hindi ko na nga alam ba’t nag titilian ang mga tao eh. Basta busy ako kiligin dito! Walang chakang manika ang makakapanira ng moment ko! Mwahahahahaha.

            Pagkatapos ng movie, ang sakit ng braso ko. Nangalay sa posisyon ko kanina.

            “Para ka kasing tuko kung maka-kapit,” sabi ni Ice sa’kin habang minamasahe ko ang mga braso ko.

            Nginitian ko siya, “keri lang. Enjoy na enjoy naman ako kanina.”

            “Halata nga.”

            “Pa-hard to get ka kasi.”

            “Hindi lang kita type.”

            “Feeling mo lang ‘yun! Pero deep inside alam kong nababaliw ka na sa’kin.”

            “Gutom ka na ba? Gusto mo na bang mag dinner?” tanong niya habang nakatingin sa wrist watch niya.

            Tss! Galing-galing mag bago ng topic!

            “Gutom na ako! At alam ko kung saan tayo kakain!”

            Pinanliitan niya ako ng mata, “sa Mcdo na lang tayo kumain. Ayokong pagka-gastusan ka.”

            Sinimangutan ko siya. Buwiset na ‘to! Panira talaga siya nang namumuong magandang atmosphere sa aming dalawa eh!

            “’Di ba nag so-sorry ka sa’kin?! Pwes ako mag sasabi kung saan tayo mag di-dinner!”

            “Nalibre na kita ng sine at popcorn. At base sa ginawa mo sa’kin sa loob ng sinehan, napatawad mo na ako.”

            Hindi ko na talaga napigilan at sinapak ko ang braso niya.

            “Bwisit ka! Makapagsalita ka kala mo ni-rape kita sa sinehan! Wag ka mag-alala it’s my treat! Ipapatikim ko sayo ang masarap na cuisine ng mga Cruz!”

            At bago pa siya umangal, hinatak ko na siya papunta sa parking lot.

            After a couple of minutes, pumarada kami sa tapat ng isang restaurant. Ang restaurant na pag ma-may-ari ng family namin.

            At since sa amin ang negosyong ‘to, kilala na ako agad ng mga servers dito kaya naman in-upo nila kaming dalawa ni Ice sa pinaka magandang pwesto.

            “Nice ambiance,” sabi ni Ice nang makaupo na kami at tintignan niya ang mga chandeliers na naka-sabit sa kisame

            “English inspired fine-dining restaurant. Medyo royalty ang dating na ginawa ni Daddy at Mommy rito.”

            “I see.”

            “You should try our steak. Best seller ‘yan. Makakalimutan mo ang pangalan mo pag natikman mo ‘yan! Original recipe ‘yan ng daddy ko. For the dessert naman, subukan mo ‘yung chocolate lava cake na galing naman sa recipe ni mommy!”

            Sinarado ni Ice ang menu na hawak niya, “okay then, pagkakatiwalaan kita ngayon. You order for me.”

            “Hinding-hindi ka mag-sisisi!”

            Tinawag ko na ang isa naming server at umorder ako ng side dish, stake, lava cake at syempre, ang pampagana sa araw na ito, red wine.

            Maya-maya lang din, narinig ko nang may tumutugtog a violin.

            Hay ang sarap sa pakiramdam. Dinner date na dinner date ang dating namin ni Ice. Sayang nga lang at ang get-up namin eh school uniform. Itong isa kasi na ‘to, magyayaya yung tipong biglaan. Hindi tuloy ako nakapag-prepare.

            “So, gaano na katagal ang family mo sa ganitong business?” tanong niya sa’kin.

            Naks! Nag e-effort na rin siya makipag usap! Tumatalab na talaga ang beauty ko.

            “Siguro mga—“

            “Mga fifteen years.”

            Bigla akong natigilan nang marinig ko ang boses na ‘yun. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at nakita ko si daddy na nakatayo doon habang naka-suot ng chef’s uniform.

            “D-daddy! W-what are you doing here?”

            “Absent ang executive chef kaya ako muna ang pumunta rito,” sagot niya sa’kin habang naka-ngiti.

            Yung ngiti na pag nakita mo eh kakabahan ka.

            “So, you’re on a date, anak?” tanong ulit ni daddy habang pinanlilisikan ng mata si Ice.

            “Hi sir. I’m Ice Monasterio,” inilahad ni Ice ang kamay niya. “And no sir. We’re not on a date.”

            Nakipag kamay naman si daddy at naka-ngiti kay Ice pero halata mo sa kanya na gusto pa rin niyang panlisikan ng mata ang kasama ko.

            “I’m Stephen Cruz, Stephanie’s father.”

            “Nice meeting you po,” kalmadong sabi ni Ice.

            Anak ng--!! Ba’t kalmado siya? ‘Di ba dapat kinakabahan ang lalaki pag meet the parents na?!

            “You two are not on a date right? So you don’t mind if I sit with you?”

            “D-daddy---!”

            “Ayos lang po. Much better,” sagot naman ni Ice.

            DADDY! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME?!?!

            “Daddy ikaw na lang mag luto ng order namin! Para matikman ni Ice ang luto mo!”

            In short, I love you daddy pero kailangan lumandi ng anak mo ngayon kaya please leave us alone!

            “Don’t worry anak, magagaling naman ang mga chef natin eh. Kaya na nila ‘yun. Besides gusto kong makipag-usap sa kasama mo.”

            Oh my gosh!

            “So Ice right? Ilang taon ka na? Saan ka nakatira? Ano trabaho ng mga magulang mo? Ano intensyon mo sa anak ko? Alam kong nililigawan mo siya. Pag sinagot ka ba niya kaya mo siyang mapasaya? Pag nagpakasal ba kayo kaya mo siyang buhayin?!”

            Ito na nga ba ang ikinakatakot ko!!

            “D-daddy!! H-halika nga po muna! May kailangan akong sabihin sa’yo!”

            “Pero hindi pa niya sinasagot ang tanong ko---!”

            “Eh daddy dali na po!” hinila ko si daddy palayo sa lamesa namin. Hindi ko matignan si Ice. Ayoko makita ang reaksyon niya.

            Nakakahiya!

            “Anak, aminin mo sa’kin, kayo na ba ng lalaking ‘yun ha? Mapagkakatiwalaan ba siya? Ba’t ganun yun hindi ngumingiti? Mahal ka ba talaga nun?!”

            “Daddy naman eeeeh!”

            “Teka! Don’t tell me buntis ka?”

            “H-hindi po! Ano ba daddy! Okay listen. Aaminin ko type ko ‘yung kasama ko at halata rin naman sa kanya na type niya ako.”

            “Hindi ko mahalata anak..”

            “Daddy! Hindi mo po kasi siya nakakasama. Pero promise mabuti siyang tao…at…at shy type siya kaya hindi siya ngumingiti. Sa ngayon, pinopormahan niya ako. Alam mo ‘yun, nag papakitang gilas. At hindi niya magagawa ‘yun kung nandoon ka sa table namin.”

            Pinanliitan ako ng mata ni daddy at parang ayaw pang maniwala sa’kin.

            “Daddy alam ko pong naiintindihan mo siya. Alam ko naranasan mo na rin na pumorma sa babae. N-nung pinopormahan mo si mommy!”

            Napa-buntong hininga si daddy.

            “Kung sabagay, inis na inis ako sa Ninong Drew mo nun kasi ang epal niya.”

            “Tama! ‘Di ba? ‘Di ba? So, uhmm mag so-solo po muna kami ni Ice?”

            “Okay! Wala na akong magagawa!”

            “Yaaaay!” halos mapatalon ako sa tuwa! Whew! Kinabahan ako doon. Si Daddy pa naman grabe mag interrogate ng mga nakakasama kong lalaki. Kaya minsan hindi ako ang tumatanggi sa lalaki eh, sila na mismo ang lumalayo sa’kin pag nakikilala nila si daddy.

            “Pero mamaya na kayo mag solo pag nasagot na niya ang mga tanong ko.”

            Biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

            At bago pa ako mag react, nag lakad na pabalik si daddy sa table namin.

To be continued…

***

AN:


Para po sa mga nag tatanong, sa page ko po at sa twitter ko ina-announce pag nag u-update na po ako. :)

Page: facebook.com/alyloony

Twitter: @iamAlyloony

Sa mga patuloy na nag babasa at nag aabang ng update nito, maraming maraming salamat po <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top