Chapter 14 (06/14/14)

A/N

Salamat po sa lahat ng nag babasa at matyagang nag-aantay ng update! :)

***

Chapter 14

 

[Timi’s POV]

TWO YEARS AGO

ST. CLAIR’S ACADEMY

 

 

            “Seriously Erin, are you listening to me?”

            Lunch break namin at kanina pa ako kwento ng kwento sa best friend kong si Erin tungkol sa Boracay trip namin last summer pero mukhang hindi siya nakikinig. Kanina pa siya hindi mapakali sa upuan niya at maya’t-maya eh tumitingin siya sa entrance ng canteen.

            “H-ha? Ano ulit?”

            “Hindi ka nga nakikinig. Sino ba kasi ang inaantay mo?”

            Agad na yumuko si Erin at iniwas ang tingin niya. “W-wala ah. Wala akong inaantay.”

            “Weh? I know you Erin.”

            “Wala nga! Ang kulit mo talaga Timi!”

            Bumukas ulit ang pintuan ng canteen at agad-agad na napatingin si Erin doon. Pero this time, biglang nag liwanag ang mukha niya at napa-ngiti siya ng malawak.

            Napalingon din ako sa may entrance at nakita ko na may pumasok na apat na lalaki. Mga senior students.

            Isa sa kanila ay nakatingin sa pwesto namin. Yung matangkad na moreno na may pagka-singkit ang mata at may magandang ngiti.

            “Hi Erin!” bati niya sa kaibigan ko.

            “H-hi, David.”

            “See you around!”

            “O-okay…”

            Lumingon sa akin yung David at nginitian lang ako tapos bumalik na siya sa mga kaibigan niya.

            “David, huh. Is he your boyfriend?”

            “N-no! No! I-I just met him last summer.” 

            Nginitian ko si Erin nang pagka-lawak-lawak habang nakatingin ako sa namumula niyang mukha.

            She likes him! I’m positive!

            “What?!” inis na sabi niya pero hindi niya rin maalis ang ngiti sa mukha niya.

            “You’re blushing.”

            “I’m not!”

            “Yes you do!”

            “Hay naku Timi,” iiling-iling pero naka-ngiti niyang sabi.

            “Hahaha. Gusto mo mag-punta tayo sa salon mamaya?”

            “And why is that?”

            “Aba’y kailangan natin ng new look! Tara magpa-perm ng buhok!”

            “Uhmm, bagay kaya sa akin?”

            “Oo naman and for sure liligawan ka na ni David!”

            And that afternoon right after our class, dumiretso na kami ni Erin sa salon na madalas namin puntahan. Halos magka-sing-haba lang kami ng buhok dalawa kaya naman nung nagpa-perm kami, pareho na kami ng hairstyle. Mukha tuloy kaming kambal.

            “Wow! Ang ganda naman natin pareho!” sabi ni Erin habang naka-tingin kami sa salamin sabay yakap sa akin.

            “We looked like sisters!”

            “Sana nga sister na lang kita eh. Alam mo naman, ang nag-iisa kong kapatid ay lalaki.”

            “Eh ano pa ako? Only child!” sabi ko naman sa kanya.

            We both laugh.

            Hay. I really love this girl.

            Halos dalawang taon pa lang kami magkakilala ni Erin pero alam ko na malalim na yung friendship namin. Para na kasi kami magkapatid. Hindi kami mapag-hiwalay. At isa pa, parehong-pareho kami ng taste sa halos lahat ng bagay kaya naman madalas kami magkasundo.

            Matapos namin magpa-ayos, dumiretso na rin kami agad nang uwi. Pagka-dating na pagka-dating ko naman sa bahay, pumunta agad ako sa kitchen dahil alam kong nandoon si daddy at nag luluto ng hapunan.

            “Hi daddy kong gwapo!” sabi ko sa kanya habang siya ay nakatalikod at busy sa pag hahalo nang kung ano man ang niluluto niya.

            “Hi anak kong maganda!” lumingon si Daddy sa akin at bigla-bigla na lang niya naibagsak ang sandok na hawak niya habang nanlalaki ang mata niyang naka-tingin sa akin.

            “What the—Timi! B-ba’t ka nagpa-kulot?!”

            “Ah, panget po ba?”

            “N-no! Hindi panget! Ang ganda ganda mo anak! But tell me! May pinirmahan ka bang kontrata ha?! May balak ka ba paiyakin ha?! Dahil ba yan sa isang lalaki kaya ka nagpa-kulot?”

            “Huh? Daddy you’re not making any sense!”

            “Oh my god! You look like Naomi! Yung time na nag-make over siya para paiyakin ako! Yung ayos! Yung buhok! My god! I’m going insane!”

            “Daddy! Ano ba! Di po kita ma-gets! Tsaka na-tripan lang po namin ni Erin magpa-ayos!”

            Inilabas ko ang phone ko at pinakita ko ang picture namin ni Erin na kinunan namin kanina. “Look! Pareho kami ng hairstyle oh!”

            “Okay, sorry nag panic lang! Anyway young lady, I think gugustuhin mo mag ayos ng lamesa ngayon at pag silbihan ang mommy mo. Pauwi na siya.”

            “And why is that?”

            “So she’ll spare you.”

            “Huh?”

            “So you could not feel her wrath.”

            “Why? What did I do?!”

            But before he could answer, I heared my mom shouting my name.

            “Stephanie Mikael Cruz!!!”

            Napa-tingin ako kay daddy at ramdam kong I’m in trouble. Tinatawag lang nila ako sa buo kong pangalan pag may nagawa akong mali.

            “Timi!” pumasok si mommy sa kitchen at may inilapag sa table. Tinignan koi to. It’s my class card.

            “What’s the meaning of this young lady?! Bagsak ka sa Biology!”

            At doon ko lang naintindihan ang ikinagagalit ni mommy.

            Nginitian ko ng malawak si mommy. “Eh ehehehe. Y-you know naman I’m not that good in science right?”

            “O-oo nga babes! Ikaw rin ‘di ba? Sa’yo nag mana si Timi kaya wag ka magalit!” back-up naman sa akin ni daddy.

            “Heh! Tumigil kayong mag-ama! Hindi sapat na excuse yan! My gosh Timi!”

            “Eh mommy sorry na po! Promise talaga pag-bubutihan ko na next grading! Promise!”

            Napa-hinga ng malalim si mommy. “Kailangan mo ba ng tutor?”

            “No! Masaydo akong matalino para mag tutor!”

            “Okay, mamili ka. Grounded ka for 4 months or ikukuha kita ng tutor ka?”

            “M-ma! Don’t do this to me.”

            “You’re choice Timi!”

            At doon ako napilitan magkaroon ng tutor. Twice a week kaya kinakailangan ko nang mag-paalam sa siesta time ko. Buti na lang at Tuesday and Wednesday natapat ang tutorial at sakto ring every Tuesday and Wednesday, may club activies ang matalino at maganda kong best friend na si Erin kaya naman hindi maapektuhan ang bonding time namin.

            Yun nga lang, good bye siesta time.

                                                                        ~*~

 

            “Timi, this is David. Siya ang magiging tutor mo. Be nice okay?” sabi ni Mommy sa akin habang pinapakilala ang lalaking nasa harap ko.

            Naka-ngaga lang akong naka-tingin sa kanya at hindi makapaniwala.

            Si David….. si David ni Erin!!

            “Ahm, so, ehem. Close your mouth please. I know I’m devilishly handsome but I’m here to tutor you.”

            And that’s when I realize I’m gawking at him. Agad-agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at kinuha ko yung libro ko.

            “So let’s start?” tanong niya sa akin.

            “Ah o sige. But wait! Naalala mo ba ako? Ako yung best friend ni Erin. Yung kasama niya sa cafeteria.”

            “Oh. You. Oo nga! That’s why you look so familiar.”

            I raise my eyebrow at him. Seriously, sa ganda kong ‘to hindi niya agad ako natandaan? That’s impossible.

            “Anyway! Let’s start!”

            Nag-umpisa na si David na turuan ako and I’m back at gawking at him. Hindi ko kasi talaga ma-alis ang tingin ko sa kanya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagustuhan siya ni Erin. This guy is freaking hot at ang lumanay pa ng boses niya pag nagsasalita. Idagdag mo pa na ang pungay ng mata niya. Hindi siya maputi. Moreno siya, but gosh, siya na ata ang pinaka-gwapong moreno na nakita ko sa tanang buhay ko.

            Napailing ako bigla.

            Ano ba Timi! Mag tino ka nga! Kay Erin na siya! Hands-off!

            Dahil na-konsensya naman ako sa pag-titig ko sa crush ni Erin, kinabukasan, sinabi ko agad sa kanya na tutor ko si David.

            “W-what?! Tutor mo si David?!”

            “Yup! So, gusto mo bang sumama sa akin mamaya?”

            Napaiwas sa akin ng tingin si Erin. “May club activity kasi ako.”

            “Oo nga pala. Uhmm hindi ka ba pwedeng umabsent doon kahit isang araw lang?”

            “Hindi Timi eh,” tinignan ako ni Erin at nginitian. “But it’s okay. Enjoy each other’s company na lang.”

            “Ano ka ba! Paano naman ako mag-e-enjoy eh ang itinuturo niya ay yung pinaka-hate kong subject?”

            “Hay naku, kailangan mo ‘yan!”

            “Pero promise ko sa’yo, aalamin ko lahat-lahat ng tungkol kay David at ilalakad kita sa kanya!”

            Bigla naman namula ang mukha ni Erin, “T-timi! It’s not like gusto ko siya or what. A-ano ka ba!”

            “Erin, I know you. Yung tingin mo pa lang sa kanya halatang-halata ka na! Basta, leave it to me!”

            Hindi na umangal pa si Erin at ngingiti-ngiting napa-iling na lang.

            Tinupad ko ang promise ko sa kanya. Ginamit ko ang karisma ko, malaman ko lang ang mga hilig nitong si David. Every time na mag b-break kami during tutorials, lagi ko siyang ini-interview.

            Marami-rami rin akong nalaman tungkol sa kanya. Yung mga hilig niyang gawin, passion niya, about sa family niya at mga kamag-anak niya.

            Simple lang pala ang buhay ni David. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Pareho pang babae ang bunso niyang mga kapatid kaya naman grabe niya alagaan ang mga ‘to. Mahilig siya sa Italian foods. At ang pinaka-nakaka gulat sa lahat, mahilig siyang mag sulat ng kwento

            “You mean writer ka?!” tanong ko sa kanya.

            “Ganoon ba talaga nakaka-gulat?”

            “Ano naman ang isinusulat mo? Suspense? Horror? Action?”

            “Romance.”

            “Romance?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

            “Bakit? Babae lang ba ang nag susulat ng romance?”

            “No, it’s just that parang ang hirap lang talaga paniwalaan. But why romance?”

            David chuckled. “Pagka kasi nag susulat ako ng romance, kahit sa kwento lang, nakaka-gawa ako ng happy ending. At kahit sa ficition lang, nagagawa kong ma-inlove sa akin ang taong gusto ko.”

            “Sino ba ang taong gusto mo?”

            Lumingon sa akin si David and his eyes met mine. Parang punong-puno ito ng emosyon na hindi niya mai-labas.

            “The girl I like? She’s someone out of my league.”

            Bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong na-s-suffocate. Nahirapan na ako intindihin ang tinuturo ni David sa akin at halata kong distracted din siya dahil ilang beses siyang nagkakamali. At nung nahulog ko yung ballpen na hawak ko at sabay namin itong kinuha, halos mapatalon kami sa gulat ng magka-dikit ang mga kamay namin.

            At dahil doon, natapos ng mas maaga ang tutorial niya sa akin. Nag-madali na siya agad umuwi.

            That night, nahirapan akong matulog. Kada maalala ko si David, para akong nasasaktan. Ayokong tanggapin na bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya. Mali. Hindi pwede ‘to. Paano si Erin? Hindi ako pwedeng mahulog kay David.

            At mas lalong hindi siya pwedeng mahulog sa akin.

            Pero ang nakaka-inis? Kahit ganoon ang iniisip ko, at the back of my mind, may maliit pa ring boses ang nag sasabing nahuhulog na ako sa kanya at umaasa akong sana ako ang tinutukoy niya.

            I hate myself.

            Start na ng examination namin kinabukasan at sobrang distracted ako. Pero ang nakakatawang nangyari, halos ma-perfect ko ang examination namin sa Biology. 96 over 100. Four mistakes. At nang makita ‘to ni mommy, tuwang-tuwa siya. Sabi niya, hindi na ako kailanga i-tutor pa ni David at mag hello na raw ako ulit sa siesta time ko.

            I should be happy right? Pero parang mas naging miserable pa ang nararamdaman ko.

            Ilang Linggo kong pilit iniiwasan si David. Iniiwasan ko ring mauwi ang topic namin ni Erin tungkol sa kanya. Sa totoo lang, nakokonsensya ako kasi nangako ako sa kanya na tutulungan siyang mapalapit kay David. Pero eto ako ngayon, umiiwas sa taong yun.

            But I am aware that I could not hide from him forever. Iisa lang ang school namin at makikita’t makikita ko pa rin siya.

            Pero sa dinami-rami naman talaga ng lugar na pwede naming pagkitaan, nangyari pa ‘to sa library, sa likod ng malalaking bookshelves, kung saan isolated at kaming dalawa lang ang tao.

            Kasalukuyan akong nag-re-research sa assignment namin sa English ng makita ko si David na nag hahanap din ng book.

            “Greek mythology ba ang hinahanap mo? You should try this book. Kumpleto ‘to,” sabi niya habang inaabot sa akin yung librong kinuha niya sa top shelf.

            “S-salamat.”

            “So, uhmm I’ve heard na ang taas ng nakuha mong grade sa Biology ah. Good job Stephanie.”

            “Salamat. Magaling lang ang nag turo sa akin,” nginitian ko si David. “Uhm, sige balik na ako sa table ko. Thanks for the help.”

            Dali-dali ko siyang tinalikuran dahil ito na naman ang pasaway kong puso na ayaw maki-sama sa isip ko. Ang bilis-bilis na naman ng tibok nito.

            “Wait!” na-gitla ako nang bigla niyang hawakan ang wrist ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.

            “Are you avoiding me?”

            Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “N-no. Why would I?”

            “You’re not a good liar, Stephanie.”

             “David please—“

            “Do you like me?”

            “No,” mabilis kong sagot.

            “Pero bakit sa kinikilos mo, parang gusto mo ako?”

            “Wag ka mag assume!” pilit kong kinalas ang pagkakahawak niya sa wrist ko pero sobrang higpit nito.

            “Hindi ako nag a-assume! Nakikita ko at nararamdaman ko! Ano bang pumipigil sa’yo?! Kung ayaw mong aminin, ako, gusto ko nang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko.”

            “No please!”

            “Alam mo bang hindi ko naman talaga tatanggapin yung pag t-tutor kung hindi ko nalaman na ikaw pala ang tuturuan ko? Alam mo bang kada makikita kong kasama ka ni Erin, gustong-gusto rin kitang batiin nun pero hindi ko magawa kasi parang may nagwawalang daga sa dibdib ko?”

            “D-david ano ba! Tama na please--!!”

            “At alam mo bang sobrang saya ko nung nginitian mo ako sa cafeteria nun? But still, I realized that you are way out of my league. Maganda ka, mayaman, maraming nagkaka gusto sa’yo. Palagi kang napapaligiran ng mga manliligaw. At ako? Anong laban ko? Isang simpleng lalaking may weirdong hilig sa pag susulat ng romance stories. Anong laban ko doon sa mga manliligaw mo?!”

            “David…”

            “But still, hindi ko mapigilan ‘tong nararamdaman ko Timi. I like you. I really do.”

            Para akong biglang nawala sa sarili. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Pinangunahan na ng puso ko ang isip ko.

            Dahil sunod na lang na naramdaman ko ay yung labi ni David sa labi ko. The moment he claimed my lips, hindi na ako nag dalawang isip pa. I kissed him back. I kissed him hungrily. Dahil anak ng tupa! Mahal ko rin siya at nahihirapan na akong pigilan ang sarili ko.

            Pero ang pag-halik sa kanya nung panahon na yun ang isang bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon.

            Napahiwalay kami sa isa’t isa nang marinig naming may nalaglag na libro sa sahig. Pareho kaming napalingon at nakita namin si Erin na nakatingin sa aming dalawa habang tuloy-tuloy na may umaagos na luha sa mata niya.

            “E-erin!”

            Bago pa ako makapag-explain sa kanya, tumakbo na siya palayo sa amin. Dali-dali ko siyang hinabol hanggang sa maabutan ko siya sa may playground.

            “Leave me alone you slut!”

            “Erin, please naman hayaan mo muna ako mag explain.”

            “Explain? Na ano? Kasama sa tutorial niyo ang halikan yun? Pati yun itinuturo niya sa’yo ha?”

            “No please! Erin, I—I admit, nahulog ako kay David but believe me, I am  trying my best para mawala ang nararamdaman ko sa kanya!”

            “Oh really? Sa nakita ko, it doesn’t looked like you tried hard enough.”

            “Erin I’m sorry. I’m so sorry, iiwasan ko na si David. Hindi na ako lalapit sa kanya. Please. Mas importante sa akin ang friendship nating dalawa! Erin please forgive me!” tuloy-tuloy na rin na umaagos ang luha ko. Gusto ko lumuhod sa harap niya at mag makaawa. Nakokonsensya ako sa ginawa ko.

            Erin is my only friend and I don’t want to lose her. She’s more important to me than David. At naiinis ako because I screwed up everything. Naiinis ako dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko.

            “Sorry Timi, pero hindi ganoon ka-importante ang friendship natin para sa akin. At mas lalo kong narealize na hindi ka dapat maging kaibigan because you’re a freaking traitor and a slut!”

            “Erin, please don’t say that!”

            “The moment na nalaman kong mag step siblings ang mga magulang mo, naka-kutob na ako na you’re also rotten like them.”

            “Erin please, wag mo naman sila idamay dito.”

            “I guess I’m right. Kakalimutan ko na na naging kaibigan kita, Timi. Pero hindi ko kakalimutan ‘tong ginawa mo sa akin. I swear, I will make your life a living hell!”

            At noong araw na yun natapos ang pagkakaibigan namin ni Erin.

            Ilang beses kong sinubukan siyang kausapin. Hindi ko na inintindi lahat ng masasakit na sinabi niya sa akin noon dahil alam kong nasabi niya lang naman yun dahil galit na galit siya sa akin. After all, kasalanan ko naman lahat. Kasalanan ko kung bakit naging ganoon siya.

            Nilayuan ko si David. Pilit kong ibinalik ang tiwala ni Erin. Lagi akong naka-sunod sa kanya kahit na wala siyang ibang ginawa kundi ang pag tripan ako, o laitin ako, o ipahiya ako sa harap ng mga kaklase namin. Tiniis ko yun kasi alam ko, hindi naman ganyan si Erin. Alam kong mabuti siyang tao. Hinayaan kong alilain niya ako at tapaktapakan niya ang pride ko, dahil umaasa pa rin akong babalik kaming dalawa sa dati.

            But I was wrong. Tuluyan na siyang nilamon ng galit niya at ako naman wala ng natirang pride sa sarili ko.

            “Stephanie, tigilan mo na ‘to. Hindi mo deserve lahat ng ginagawa ni Erin sa’yo!” sabi sa akin ni David isang araw nang makita niya akong umiiyak habang pinupunasan ang uniform kong puro icing ng cake.

            Nag paturo kasi ako kay mommy mag bake ng cake para ibigay kay Erin. Pinaghirapan at pinag puyatan kong gawin ang cake na ‘to. Pero ibinato lang pabalik sa akin ni Erin.

            “David leave me alone.”

            “No! Tama na ‘to! Ayoko nang makita kang ginaganito ni Erin!”

            “May kasalanan ako sa kanya!”

            “At hanggang kelan mo pag babayaran yun ha?! Tsaka isa pa, kasalanan ba talaga ang nagawa mo? Stephanie, kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo matuturuan ang puso mo. Kahit anong pag pipigil mo, hindi mo ‘to magagawang pigilan na mahulog sa isang tao. Isa pa, hindi naman kami ni Erin ah? Wala siyang karapatan!”

            “Pero David--!”

            “No. I’ve had enough! Tama na lahat ng nagawa mo. You also deserve to be happy. Mali na ni Erin ang magalit sa’yo. Kasalanan na niya kung bakit nagiging miserable siya. Kaya Stephanie, please, tama na ‘to.”

            Hindi ko inintindi ang mga sinabi ni David pero pag uwi ko sa amin, pag tingin ko sa salamin, parang doon ako natauhan.

            Yung cake na yun, pinag hirapan ko yun eh. Ginawa ko na ang lahat para maibalik ang dati, but I guess, imposible nang mangyari yun.

            Naka-gawa ako ng kasalan kay Erin, pero naalala ko rin ang sinabi niya sa akin dati. Na hindi ganoon ka-importante sa kanya ang friendship namin.

            Siguro nga totoo ang mga sinabi niya nung panahon na yun.

            At naalala ko ang pang huhusga niya sa mga magulang ko. All these time ganoon pala ang tingin niya. All these time, hinuhusgahan niya sina mommy at daddy.

            Wala siyang alam. Hindi niya alam ang lahat ng pinagdaanan at pinag samahan ng mga magulang ko. Hindi niya nakikita kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

            Biglang nag liwanag ang isip ko. Parang for the first time, nakita ko ng mas malinaw ang tunay na pagka-tao ni Erin.

            At malayong-malayo ito sa inakala kong siya.

            Kinabukasan, hindi ko na siya pinansin at inintindi. Kinausap ko rin si David noon at nag sorry ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya. Wala na akong paki sa iisipin ni Erin. Mahal ko si David at magiging masaya ako sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya kung pipiliin niyang maging miserable.

            Naging kami ni David. Wala man akong kaibigan, nasa tabi ko naman siya at masaya ako.

            Nag tengang kawali na lang ako sa lahat ng naririnig kong sinasabi ni Erin. Unti-unti, inalis ko na siya sa buhay ko.

            “I am so happy to hear na wala ka na talagang paki sa kanya,” sabi sa akin ni David habang nandito ako sa apartment niya.

            “Oo naman, ayoko na talagang magpa-apekto sa kanya!”

            “Kaya kita nagustuhan eh! Malakas kasi ang loob mo!” he lean forward and started kissing me.

            I kissed him back pero parang nanibago ako kasi hindi ito yung usual na halik niya na malumanay. This time, marahas ito. Nararamdaman ko rin na gumagapang ang kamay niya sa iba’t-ibang parte ng katawan ko.

            Napatigil ako at hinawakan ko ang kamay niya.

            “David..”

            “Why?”

            “Uhmm y-yung kamay mo…”

            Hindi niya ako pinakinggan at tuloy pa rin siya sa pag halik sa akin. This time, sa leeg ko nama.

            “David please!” itinulak ko siya palayo sa akin.

            “Bakit ba? We’ve been going out for five months already at wala pang nangyayari sa atin!”

            “David naman eh, hindi pa ako ready sa ganyang bagay!”

            “Kelan ka pa magiging ready?”

            “I’m going home.”

            Dali-dali kong iniligpit ang gamit ko at umalis sa apartment ni David. Akala ko susundan niya ako nun at mag-s-sorry siya sa akin, pero hindi. Hinayaan niya lang akong umalis nun.

            Kinabukasan, ako pa ang humingi ng tawad sa kanya. He accepted my apologoy at akala ko okay na kami, mali pala ako.

            Naging iba na rin ang pakiki-tungo ni David sa akin. Parang bigla na siyang nawalan ng gana. Ni hindi na siya nag t-text at tumatawag. Ako na lagi ang nag i-initiate. Hindi na rin kami lumalabas dalawa. Kada yayayain ko naman siya, ang dami niyang dahilan. He’s drifting away from me. Parang bumabalik na naman ako sa dati. Mag-isa na naman ako.

            Dumating ang araw na kinatatakutan ko. Sa corridor, sa tapat ng locker niya, he told me he’s breaking up with me.

            “B-but why? What did I do David?!” tanong ko sa kanya habang tuloy-tuloy nang umaagos ang luha ko.

            “I fell out of love, Stephanie. I realized na hindi ikaw ang para sa akin.”

            “What the hell David! Dahil ba hindi ako pumayag sa gusto mo ha? Ganoon ba kababaw ang pagmamahal mo sa akin ha?!”

            “I’m sorry.”

            “Please! Don’t leave me David! Please! I’ll do whatever you want! S-sige! I’ll sleep with you! Wag mo lang akong iwan!”

            “I made up my mind. Isa pa, g-gradutae na ako. Mas marami akong makikilala and I can’t promise you na magiging loyal ako sayo. You’re just too young for me.”

            “No! Please!!”

            “Don’t worry, I’ll include you on my next story. Pag na-publish na ‘to, I’ll send you a copy. Salamat, marami akong natutunan sa’yo. Marami akong naisulat dahil sa’yo.”

            And with that, iniwan na niya ako.

            Sobrang sakit ng naramdaman ko nun. Sobrang tangang-tanga ako sa sarili ko.

            Kaya ba siya lumapit sa akin, at kaya ba naging kami eh dahil pinag ekperementuhan lang niya ako? Para may maisulat siya diyan sa storyang ginagawa niya?!

            Pakiramdam ko napaglaruan ako. Sobrang sakit to the point na parang ayoko nang magising.

            Pero akala ko masakit na ‘tong nararamdaman ko, meron pa palang mas sasakit.

            Pag pasok ko sa school, may kumakalat nang video. Yung pag uusap namin ni David. Yung sinabi kong I will sleep with him. Kitang-kita ng lahat ang katangahan ko at pagiging desperada ko.

            At ang malala? Nalaman din ng lahat ang tungkol sa mga magulang ko.

            Hindi ko halos maipakita ang mukha ko. Ramdam ko ang masasama at diring-diri na mga tingin sa akin ng mga estudyante. Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. Naiinis ako sa lahat ng sinasabi nila tungkol sa mga magulang ko pero hindi ko sila magawang depensahan dahil sa kababuyan na sinabi ko kay David.

            Pakiramdam ko ang dumi-dumi kong tao.

            At ang pinaka-masakit sa lahat? Nalaman kong si Erin ang may kagagawan nang lahat ng ‘to.

            “Unlike you, marunong akong tumupad sa pangako ko. I told you, I will make your life a living hell. Kaya ngayon Timi, welcome to hell,” sabi niya sa akin.

            Sobra akong na-trauma sa lahat ng nangyari. Hindi ako makapasok sa school. Nasa kwarto lang ako at iyak ng iyak. Kahit sina mommy at daddy, hindi ko kinakausap. Ayokong malaman nila ang nangyari. Hindi ko kayang ipaalam sa kanila ang katangahan ng anak nila.

            But I think they also had enough. My mom barged into my room and slapped me in the face.

            I was so stunned to even utter a word. Natauhan na lang ako ng marinig ko si daddy.

            “Naomi! Calm down!”

            “No Stephen! Kailangan magising ng batang ‘to!” sigaw ni mommy at tumingin siya sa akin.

            “Hindi ko maintindihan kung ano ang iniiyak mo o ano ang nangyayar sa’yo! Pero Timi, you’re not alone! Nandito kami ng daddy mo! Nag-aalala kami sayo! Even your Ninang France, and your Tita Kryzel! Pati ang lolo’t lola mo! Can’t you see Timi?! You are loved! Please stop acting like you’re not!”

            Bigla na lang ako napa-hagulgol ng iyak at niyakap ko si mommy ng mahigpit na mahigpit. I told her everything. Lahat ng gumugulo sa akin, lahat ng bigat na nararamdaman ko, sinabi ko sa kanya. Iniyak ko sa kanya. At habang nag uusap kami, iyak na rin ng iyak si mommy.

            Pero habang sinasabi ko sa kanya lahat, habang nakayakap siya sa akin ng mahigpit, na-realize ko na tama siya. I am loved.

            She told me na marami rin siyang nagawang pagkakamali dati. Na normal lang ang magkamali, pero hindi ibig sabihin nun, hahayaan ko na lang masira ang sarili ko sa pagkakamaling iyon.

            For the first time, gumaan ang pakiramdam ko. Alam ko na ang dapat kong gawin.

            Lumipat ako ng school. Sa Prince Academy. Doon, mag sisimula ulit ako. Aayusin ko na ulit ang sarili ko. At mag aaral na akong mabuti sa Biology para hindi na nila ako kailangan kuhanan ng tutor.

            Na-meet ko ang EndMira. Naging kaibigan ko sila at masaya ako na saw akas, nakahanap na ako ng tunay na kaibigan.

            Inayos ko ang sarili ko, pero isang bagay ang hindi ko magawa-gawang ayusin---ang puso ko.

            Hindi ko na magawang maniwala pa sa love love na yan kaya nag laro ako. Pero ayos lang, hanggang hindi ko na-aattach ang sarili ko sa mga lalaking ‘yon, safe ako.

            Masaya ako sa Prince Academy, kaya lang nagulat ako nang nag transfer din doon si Erin.

            Nung makita ko ulit siya, I know, sisirain na naman niya ang buhay ko.

            But I swear, this time, hindi ko na siya hahayaan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top