Chapter 13
Chapter 13
[Timi’s POV]
Okay Timi, relax. Papasok ka lang sa school. Wala kang dapat ipangamba.
Matapos namin mag usap kahapon ni Jasper at marinig ang mga deep words niya eh napag desisyunan ko nang tanggapin na lang kung ano ang nararamdaman ko kay Ice. At now, ngayon ko lang ulit siya makikita matapos ang lahat nang nangyari sa Subic.
Syempre kabado rin ako ‘no! Lalo pa’t ramdam ko na na mahal ko na ang yelo na ‘yun. Ano i-re-react ko? Lalandiin ko ba siya agad? Magpapaka-bait ba ako sa harap niya? Kukulitin siya?
Ang sakit sa ulo!
Hay naku, mamaya ko na nga iintindihin ‘yan tutal mamaya ko pa naman siya makikita sa practice ng EndMira. Doon ko na lang poproblemahin ‘yan.
Dire-diretso na akong nag lakad papunta sa classroom namin kaya lang napa-hinto ako bigla nang makita ko ang lalaking makakasalubong ko.
Matangkad, chinito at seryoso na naman ang itsura niya. Pero kahit hindi siya naka-ngiti, napapalingon lahat ng mga kababaihan na dinaraanan niya. Ang hot niya tignan. Parang hindi siya naglalakad eh. Para siyang rumarampa palapit sa akin. Parang nang-aakit. Napa-tingin ako sa mata niya. Yung kanan, natatakpan ng ilang strands ng buhok niya. Yung kaliwa naman, naniningkit. Napadapo ang mata ko sa labi niya. Mapula-pula.
I feel a tight knot in my stomach.
Naalala ko na naman ang gabing yun.
His lips are pressed on mine. He tasted like spearmint, and gum, and alcohol. Siya ang nakainom pero feeling ko ako ang nalalasing nun dahil sa halik niya. Para akong nawawala sa sarili.
Napailing ako bigla.
Ano ba Timi! Tsaka mo na alalahanin ang mga pangyayari nung gabing yun. Ayan na si Ice! Malapit na malapit na siya sayoooo!
Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong nataranta kaya nung malapit na talaga siya, ang nagawa ko na lang ay bigyan siya nang isang weirdong ngiti.
Tinignan ako ni Ice nang naka-kunot ang noo. Akala ko may sasabihin siya sa akin kaya lang nilagpasan niya lang ako.
WHAT THE HELL?!
TOTOO BA ‘TO?! DINEDMA NIYA AKO?!
Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili ko. Kaso wala, sumabog na ako kaya nilingon ko si Ice.
“HOY ICE MONASTERIO!!”
Huminto siya sa pag lalakad at tumingin sa akin. Naka-kunot pa rin ang noo.
“WALANG TAONG NANDEDEDMA SA NGITI KO ALAM MO BA YUN?!”
Mas lalong napa-kunot ang noo niya.
“Huh,” sabi niya sabay talikod at lakad pa-alis.
WHA—
ARRRGGHHH!!!
Nakakainis ang lalaking ‘yan! Hayop siya! Humanda talaga siya! Mahuhulog at mahuhulog talaga siya sa alindog ko!
“Oh, mukha kang bad trip na bad trip diyan?”
Napalingon ako sa nag-salita sa likuran ko at nakita ko si Kite na naka-sandal sa pader while giving me his killer smile.
“Miss me?” sabi niya at lumapit sa akin.
“Baka ikaw ang naka-miss sa akin,” sagot ko sa kanya.
“Actually oo,” nakangisi naman niyang sabi at biglang umakbay sa akin.
Hinayaan ko na lang, tutal nabadtrip ako kay Ice at trip ko ang pabango nitong si Kite, ang sarap singhutin. Isa pa, ang sama ng tingin sa akin ng mga babae. Aba syempre, inaakbayan ako ni Kite! Mainggit sila!
“So, you like my cousin?” diretsahan niyang sabi.
“Oo eh. Selos ka?” diretsahan ko ring sagot.
He just shrugged, “slight. Pero okay lang. Sa akin ka pa rin naman babagsak eh.”
Napa-taas ako ng kilay sa kanya, “wow ha. Ibang level ang self confidence!”
“Well, sa gwapo kong ‘to?”
Napa-ngiti na lang ako. Kung sa bagay. Hot talaga si Kite. At kahit in love na ako kay Ice, hindi ko pa rin ma alis ang katiting na kalandian sa pagkatao ko gawa nitong lalaking naka-akbay sa akin ngayon.
Who could resist his charms?! My gosh! Kahit ang babaeng pinaka-mahinhin, biglang kakati pag ito na ang nakipag-landian sa kanya! Ako pa kayang natural na ang pagiging makati?
Papasok na sana kami ni Kite sa classroom nang madatnan naming may pinagkakaguluhan na naman ang mga estudyante.
Seriously, bakit palaging sa classroom namin ang gulo? Ano ba talagang meron sa mga kaklase ko sa section namin?!
“Tell me, paano mo na-perfect ang score mo sa Physics natin? Nag nakaw ka na naman ng answer key ‘no?!” rinig kong sabi ng isang babae.
Naki-siksik kami ni Kite sa mga usisero’t usisera at nakita namin si Rika na naka-yuko at pinapaligiran ng tatlong babae.
“Ano! Mandaraya ka na naman ha?!” tinulak-tulak siya nung isang babae na kung maka-nguya ng chewing gum eh akala mo kambing.
“L-leave me alone,” mahinang sabi ni Rika.
“And why would we? Nag aaral kami ng mabuti rito samantalang ikaw, all this time, eh nandaraya ka? Wow lang! And we all thought that you’re a genius!” sabi naman nung isa na kinabog si Ninang France sa taas ng kilay niya.
“They are bullying her again,” sabi naman ni Kite.
Mag lalakad na sana siya papunta kay Rika kaso pinigilan ko siya.
“Leave it to me Kite. Mas lalo siyang mabu-bully kung ikaw ang lalapit sa kanya.”
Before he could utter a word, umalis na ako sa pwesto namin at hinarap ang tatlong bruhilda.
Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nila nang makita nila ako. Malamang takot sa akin ang mga ‘yan.
“T-timi! W-we’re just teaching that girl a lesson! Di ba napag-bintangan ka pang nang-cheat dahil sa kanya?”
Hindi ko siya sinagot and I just glare at her.
“Ah T-timi..”
“Makuha kayo sa tingin,” mahinahon kong sabi pero ramdam ko ang takot nila sa akin.
“T-tara na girls! Alis na tayo!”
And just like that, nag laho silang tatlo sa paningin ko. Hindi ko na kailangan pang mag aksaya ng laway para pag malditahan o bungangaan ang mga babaeng yun. Tingin ko pa lang, alam na nila ang dapat nilang gawin.
Nilingon ko si Rika.
“Hanggang kelan ka ba mag papaka-damsel in distress?”
Iniwas lang ni Rika ang tingin niya at tinalikuran ako.
“Wow ha! Wala man lang thank you?!”
“T-thank you! And please leave me alone!”
“What the hell?!”
Hindi na siya sumagot pa at tumakbo na lang palayo sa akin.
Ano’ng problema nang isang ‘yun?!
“Timi,” tawag ni Kite at naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.
“Oh! Sundan mo siya! Di ba friends kayo?”
Napa-iling si Kite, “akala ko rin. Pero bigla na lang din niya ako iniwasan.”
“Huh? Bakit naman?”
“I don’t know. Pero ramdam ko na parang may gumugulo sa kanya.”
Nilingon ko si Kite at nakita kong nakatingin siya sa likuran ni Rika na tumatakbo palayo. His face is full of concern.
Siniko ko nga siya. “Uy ikaw ah! Type mo ‘no?”
Tinignan ako ni Kite, “bakit? Selos ka?”
Tinaasan ko lang siya nang kilay. Nginitian naman niya ako. Yung usual na boyish smile niya na ang lakas makalaglag panga.
“Wag kang mag alala, ikaw lang,” sabi niya sabay kindat.
Ibang klase talaga ang isang ‘to. Kung wala lang si Ice, matagal ko na siyang pinatulan.
Hindi pumasok sa first two subject si Rika. Nakakaloka ang isang yun, talagang nag cu-cutting siya?! Bakit naman kasi niya inako ang isang bagay na hindi naman talaga siya ang gumawa? At ngayon, ginawa-gawa niya yun tas hindi niya kayang harapin ang consequences ng actions niya?
Nakakabanas talaga ang isang ‘yon!
Lunch break na. Hindi muna sumabay sa akin si Jasper dahil kailagan daw niyang puntahan si Ayen sa classroom nito. Si Kite naman eh nowhere to be seen kaya mag-isa na lang akong kumain.
Pagka-rating ko sa cafeteria, inikot ko agad ang mata ko para hanapin si Ice, kaso hindi ko nakita ang yelong ‘yun. Wala rin si Erin. Naku! Malaman ko lang talaga na mag kasama silang dalawa----gigilitan ko ng leeg si Will! Ang bagal-bagal kasi niya! Kung po-porma siya kay Erin, dapat bilis-bilisan na niya.
Umorder lang ako ng sandwich at mineral water. Nakakatakot tumaba. Sa bahay lang hindi ko na mapigilan ang pag kain ko. Bakit ba kasi nagkaroon ako ng mga magulang na parehong chef eh?!
Nang matapos na akong kumain, dumiretso muna ako sa locker room para ilagay ang ilan sa mga gamit ko. Kaya lang, pag pasok ko doon, nakarinig ako ng mga hikbi at mga boses na nag uusap.
“Bakit pati si Kite? Bakit kailangan pati siya layuan ko?” boses ni Rika.
Napalapit ako agad at nakita ko na magkasama sila ni Erin. Bigla akong napa-tago sa likod ng isang locker.
“Because you are defending Timi. At lahat ng kumakampi sa kanya, gusto kong maging miserable. Uunahin ko na sa pinaka-mahina.”
“Wala naman ginagawa si Timi na masama sa ‘yo ah!”
“Sige sumagot ka pa! Alam mo naman na isang click ko lang, kayang-kaya kong i-upload ang video niya na nag mamaka-awa sa isang lalaki at kahit virginity niya willing niyang ibigay, wag lang siyang iwan ng lalaking yun. Ano kaya magiging reaction ng mga estudyante rito pag napanuod nila ang video na ‘yun?”
“P-please Erin! Don’t do that!”
“I won’t. Basta layuan mo si Kite.”
“P-pero—“
“Okay, I’ll upload the video at ipapakalat ko na rin na ang mga magulang ni Timi ay mag step-siblings. Na puro kababuyan lang ang meron sa pamilya nila. Manang-mana talaga siya sa mga magulang niya.”
“N-no! Please! Okay! Lalayuan ko na si Timi at si Kite at lahat ng may gustong makipag-kaibigan sa akin just don’t that! Please!”
“Okay. Madali naman akong kausap, nerd!”
Hindi ko na kinayang pakinggan ang usapan nila. Nanginginig ang tuhod kong lumabas ng locker room. Dumiretso ako sa restroom at nag kulong sa isang cubicle habang may maiinit na luhang tumutulo sa mata ko.
She’s still using that against me.
Kahit ang family background ko, ginagamit niya laban sa akin.
And now, pati si Rika?
Bakit ayaw pa niyang tumigil?!
***
Author's Note:
Dears, doon sa nag re-request na ipost ko po ang dates kung kelan ako ulit mag u-update, I'm sorry po pero kasi wala akong exact date ng pag u-update. Ayoko naman umasa kayong may update sa ibibigay ko araw tas wala naman.
At doon po kay ate na nag comment na galit na galit sa akin kasi bitin palagi ang update ko, hehehe, asahan mo po, lahat ng update ko ay bitin hanggang sa matapos ito. Kahit gaano pa kahaba ang update, kung ongoing pa ang story, mabibitin at mabibitin ka talaga. :)
Sa mga readers ko na matyagang nag aantay, SALAMAT PO TALAGA. I love you to ze moon and back <3 <3 <3
Ano magandang name ng shipper ni Rika at Kite?
#KiRi?
#KiKa?
#RiKi?
Panget. #TeamRiTe na nga lang XD
Comment your reaction!
Or tweet me :) @iamalyloony
#TheFallingGame
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top