Chapter 1 *Timi*

A/N uwaaaaaaaaaa salamat ng maraming marami sa mga comments niyo, sa votes at sa reads! kinilig talaga ako <3 <3 <3

Para sa mga nagtatanong... opo, Anak ni Stephen at Naomi si Stephanie Mikael Cruz .. or Timi for short.

At sa mga naguguluhan, I just want to clarify things. Hindi ito sequel or book 2 ng BTCHO... This is a brand new story :)

***

Chapter 1

*Timi*

 

 

[Timi's POV]

"Y-you bitch!! How could you do this to me?! Napaka landi mo talagang babae ka! Pati boyfriend ng iba inaagaw mo! Bitch ka talaga!! Walanghiya ka!!" sigaw ng iskandalosang babae sa harap ko.

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalaro sa Ipad ko. Pisting mga berdeng baboy 'to, nauubos na ang ibon ko hindi pa rin sila mamatay-matay.

 

"Hoy! Are you listening to me?! Wag mo akong i-snob-in! After mong agawin ang boyfriend ko nakukuha mo pang maglaro, ha?! And now break na kami!" bigla na lang humagulgol ng iyak yung babae "break na kami nang dahil sa 'yo!  4 months pa lang ang relasyon namin sinira mo na agad! Hayop ka talagang animal ka!"

I rolled my eyes. Ang ingay ingay naman ng babaeng 'to. Hindi ba niya naisip na nag mumukha lang siyang tanga kakangawa sa isang tao—scratch that—isang mala dyosang babae na dinededma lang siya?

"Hoy bitch! Kausapin mo 'ko!! Wag mo kong dedmahin!! Hayop ka! Haliparot!! Flirt! Mangaagaw! Slut! Whore!"

 

"Boom. Game over" sabi ko at tinignan ko siya.

"H-huh?"

 

"Sabi ko game over na ko dito sa nilalaro ko. Ang ingay mo kasi. Makalayas na nga"

 

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagbadya nang aalis kaya lang nagulat ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko.

"Wala ka bang manners ha?! Ikaw na nang-agaw ikaw pa may karapatang umasta ng ganyan?! Ha! Siguro slut din ang nanay mo kaya ka ganyan no?!"

That snapped a string.

Inalis ko ang mga braso ko sa pagkakahawak niya dito then I smile at her sweetly...

Then I punched her face.

Oo, sinuntok ko siya sa mukha, sinapak, pinadapo ang kamao, binoxing o kahit anong gusto niyong itawag dun. Sampal? Napakahinang parusa nun para sa sinabi niya tungkol sa mommy ko.

Nakita ko ang pagtulo ng dugo sa ilong niya

"W-what have you done?!" natataranta niyang sabi habang pinipigilan niya ang pag-agos ng dugo sa ilong niya

Nilapitan ko siya at tinaasan ng kilay "una sa lahat, hindi mo ikalilinis ang pagtawag sa akin ng slut, whore, malandi, haliparot, flirt o kung anu-ano pa. Isa pa, kesa saakin ka galit na galit, bakit hindi ka mag iskandalo sa harap ng boyfriend mong taksil? Kung tunay kang mahal nun, kahit maghubad pa ang pinaka maganda at sexy na babae sa harap niya, hinding hindi yun gagawa ng kalokohan. At higit sa lahat" mas lalo akong lumapit sa kanya "never call my mom a slut. Ulitin mo pa yang sinabi mo, ifa-flying kick na kita papuntang Pluto!" mariin kong sabi sa kanya atsaka ko siya tinalikuran.

Bwiset na babaeng yun, panira ng maganda kong mood. Kala naman niya masyadong malaking kawalan sa kanya yung boyfriend niya eh hindi naman marunong humalik yun! Bad breath pa! kadiri!

"MALANDI ANG NANAY MO!"

Napahinto ako bigla sa paglalakad ko ng marinig ko ang sigaw na yun at nakita ko yung iskandalosang babae na galit na galit na nakatingin saakin. Bigla-bigla na lang niya ako sinugod at sinabunutan.

Syempre papatalo ba ako?! Ginantihan ko rin siya at pinagsasabunutan din siya! Gaga pala siya eh! How dare she touch my long, silky, beautiful at straight na straight na buhok?! Hindi ba niya alam kung gaano katagal kong sinuklay yan kaninang umaga?! Halos ma-late na ko ng dahil diyan tapos sasabunutan lang niya!

"Bitiwan mo ang buhok ko!!!"

 

"Ayoko! Dapat lang 'yan sa 'yo haliparot!!!" sabi niya

At dahil ayaw niyang bitawan ang buhok ko, kinagat ko siya sa braso kaya naman napabitiw siya ng di oras.

Hah! Kala niya ah!

"GIRLS! WHY ARE YOU FIGHTING?!"

Bigla kaming natigilan nang makita namin si Ma'am Krissa, ang Vice Principal namin, na galit na galit na nakatingin sa amin.

"You two... in my office... now!"

I sigh.

I'm in trouble again.

~*~

"You're suspended for a week because you punched your fellow student," sabi ni daddy sa akin while looking seriously

Ako naman busyng busy sa pagsusuklay ng buhok ko. Nakakaimbyerna talaga yung babaeng 'yun! Hindi ba niya alam kung gaano ko inaalagaan ang buhok ko tapos sasabunutan lang niya?! 

"Timi, bakit ka naman nanapak ha? Hindi ko expected na mapapatawag ako sa office dahil nanuntok ang anak ko. Buti sana kung lalaki ka eh kaso babae ka. Kung makikipag-away ka rin naman, sana sinampal mo na lang 'di ba?"

Nag pout naman ako, "ehh hindi powerful ang sampal daddy. Mamumula lang ang pisngi niya doon."

Nakita ko naman na nagbuntong hininga ang daddy ko, "hay naku Stephanie Mikael Cruz, manang mana ka talaga sa nanay mo. Pareho kayong war freak at nanggugulpi"

"Sino ang war freak?!" napalingon kami ni daddy doon sa nagsalita at nakita ko ang mommy ko na papasok. "Tinatawag mo kong war freak, babes?" tanong ni mommy kay daddy.

"S-syempre joke lang 'yun! Ikaw pa rin ang pinaka sweet at demure na babaeng nakilala ko," pambobola naman ng tatay ko sabay tingin sa akin. "'Di ba baby?"

"Hay naku daddy wag mo 'kong idamay!" natatawa-tawa kong sabi sa kanya.

"Teka, ano nga palang nangyari at nabalitaan kong suspended ka Timi?" seryosong tanong ni mommy sa akin

"Eh k-kasi mommy—"

 

"Kasi nanuntok siya ng kaklase niya" pagtatapos ni daddy sa sinasabi ko.

"Ha?! Ba't ka naman nanuntok anak!"

I looked down, "she calls you a slut."

Bigla akong nilapitan ni daddy at tinapik niya ang braso ko. "Good job baby. Tama ngang sinuntok mo siya"

"Babes!" saway ni Mommy kay daddy sabay balik ng tingin saakin "Timi, kahit na anong itawag nila sa akin, hindi mo dapat ginawa 'yun. Don't stoop down on their level okay? Wag mong papansinin ang isang bagay na hindi totoo."

"P-pero mommy hindi ko naman matatanggap na bastusin ka niya. Hindi ako kumibo nang tawagin niya akong slut, whore, malandi, haliparot, flirt, at mang-aagaw. Pero hindi ko matatanggap na idadamay ka niya."

"Wait, wait, wait, sinabihan ka niya ng ganun?!" tumayo si mommy. "Sandali nga! Mapuntahan nga yang babaeng yan!!"

"Mom!" pag-awat ko sa kanya "it's okay. Wala akong paki sa kung ano ang iniisip nila sa akin okay?"

"Hay naku Timi, bakit ba kasi kung sino-sino ang ginagawa mong boyfriend?" tanong ni daddy "Ba't ka ba naman kasi naging ganyan!"

 

"Mana sayo babes!" sabi ni Mommy

"H-hindi 'no! Loyal ako sa'yo. Alam mo 'yan!"

"I know.. I know.. I'm just joking.." natatawa-tawa namang sabi ni mommy habang kinukurot ang pisngi ni daddy. Inakbayan ni daddy si mommy then hinalikan niya ito sa noo.

I smile.

Ang sarap lang panuorin ng mga magulang mo kung paano sila maging sweet sa isa't isa. Para bang nawi-witness mo sa harap mo kung ano ang ibig sabihin ng true love.

True love...

Oo naniniwala akong nag eexist ang true love. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang makahanap ng ganyan. Ewan ko ba kung paano nagsimula, pero lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko ay mga lalaking hindi naman talaga seryoso. Puro fling lang ang gusto nila. Siguro sa takot ko na ring masaktan, puro fling na rin ang ginagawa ko. 

Masaya? Siguro masaya. Laging may nagpapakilig sa akin. Pero hanggang doon na lang. Hanggang sa kilig part na lang. Pag nawala na ang sparks, hinihindian ko na kasi alam kong doon na rin magsisimula ang masakit na part ng love. 

Walang sawaan. Walang iyakan..

..walang heartbreak.

Masaya na ako sa ganito.

Nung hapon din na 'yun, naisipan ko munang tumambay sa isang coffee shop para mag relax. Nakaka bad vibes pa rin kasi talaga kada iisipin ko yung sinabi ng babaeng yung about sa mommy ko. But on the other hand, masaya rin naman ako dahil nasuspend ako for 1 week!  Makakapag gala at shopping ako ng isang linggo! Kung alam ko lang na ganito ang parusa na ibibigay nila then araw araw na kong mananapak sa school!

Habang nasa coffee shop ako, sinamantala ko na ang kanilang free wifi at pinag bubuksan yung mga social media accounts ko. May napansin naman akong apat na tweets na galing sa magkakaibang tao pero halos iisa ang sinasabi saakin.

Geo: "hoy suspended ka Timi? HAHAHAHAHA"

 Ayen: "nanuntok ka ng babae?! GOOD JOB! I'M SO PROUD OF YOU!"

 Jasper: "sayang hindi ko nakita ang pakikipag away mo! Hahahaha happy suspension day!"

 William: "ang babaeng amazon! Bow!"

 Halos matawa ako sa mga tweets ng mga 'to. Damang-dama ko ang pagiging supportive nila sa akin ha? Sabay sabay ko silang nireplyan.

 "MGA PISTI KAYOOOO!"

Si Geo, Ayen, Jasper at William. Sila ang mga best friends ko. Sila lang naman yung member ng official band ng school namin. Ang gugwapo ng mga yan at sikat na sikat sa mga babae. Siguro isang factor na rin na kung bakit nila ako tinatawag na flirt dahil iniisip nila na boyfriend ko yung apat.

But that's not true.

Wholesome ang pagkakaibigan naming apat. Nagiisa man akong babae, pero ang turing nila sa akin ay parang "one of the boys." Napakakulit ng apat na yan at kung minsan eh akala mo mga kuya ko sila. Pero kahit ganyan yan, mga tunay silang kaibigan.

Napatigil ako bigla sa pag d-daydream ng magulat ako sa isang flash ng camera sa harap ko.

Napatingin ako sa unahan at ayun, nakita kong nakatayo sa harapan ko ay isang gwapong nilalang na may hawak na DSLR camera.

"W-wait, kinuhanan mo ba ko ng picture?!" tanong ko doon sa lalaki

Napatingin naman siya bigla sa akin "ay sorry! Hindi ko sinasadya! Akala ko kasi anghel ka na bumaba sa lupa kaya kinuhanan kita" sabi niya sabay ngiti

I rolled my eyes. Playboy. Halata naman eh. Kung unang beses pa lang, bumabanat na, for sure playboy 'yan.

"Tutal magaling ka mag compliment, hindi ko na ipabubura sa'yo 'yang picture na 'yan."

 "Wala naman talaga akong balak burahin 'to." Lumapit sa akin yung lalaki. "Anyway, I'm Kite... and you are..?"

I smile "I'm Aphrodite, the Goddess of beauty. Hindi ako isang anghel kundi isa akong Dyosa."

Aba naman! Kung kakapalan ko na ang mukha ko, i-push na 'to to the highest level!

Natawa siya bigla sa sinabi ko, "really? Then my dear Goddess, pwede ka bang ma-inlove sa akin?"

Wow. Malanding lalaki. Ang sarap sipain below the belt. 

"Why not? Pero sa maikling panahon lang."

I smirk.

Napatawa naman siya 

"No. Gusto ko pang matagalan. Anyways, nice meeting you. See you next time.... Timi"

Bigla akong napanganga ng banggitin niya ang pangalan ko.

 

"W-wait! K-kilala mo 'ko?!"

 

He just smiled... then umalis na siya.

Sino ba yung lalaking 'yun?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top