PROLOGUE

“ASTRIELLE!”

Sigaw ng batang si Dulce habang tumatakbo silang dalawa sa kakahuyan. Maraming baril sa paligid at mga sundalo na kada takbo nilang dalawa ay kailangan nilang iwasan ang mga balang galing sa baril ng mga kilalang sundalo ng Russia. Huminga ng malalim ang batang si Astrielle dahil hindi niya na kaya pang tumakbo. Hindi na kaya pa ng kanyang mga tuhod dahil nanginginig na ang mga ito at kaunti na lang susuko na. 

“We need to run, Dulce!” Sigaw ni Astrielle. 

“I… can’t! I can’t…” Hinihingal na sabi ni Dulce. 

Umiling ang batang si Astrielle. “We need to live… Dulce. We need to escape here.”

Hinawakan ng batang Dulce ang kamay ni Astrielle at sabay silang tumakbo. Tumingala si Astrielle at nakita niya ang mga umiikot na helicopter. Rinig na rinig rin ni Astrielle ang mga pagsabog at ilan pang mga bomba sa kung saan man.

“Come on, Dulce!” Sigaw ni Astrielle. “I know we can do this. C-Come on!”

Umiling si Dulce at huminto kaya naman nanlaki ang mga mata ni Astrielle. Gulat at hindi niya inaasahan na hihinto si Dulce sa kalagitnaan ng pagtakbo. 

“I know you will survive. You need to survive, Astrielle so that you can find your parents… please. Let me go.” Ngumiti si Dulce. Tinignan nito ng mabuti si Astrielle dahil alam ni Dulce na may naghihintay sa kaibigan. Na may taong naghihintay sa kanyang pagpasok sa larong makakatulong sa kanya.

“B-But… you're in danger!” Iritadong singhal ni Astrielle. “Please, Dulce. I can’t leave you here.”

Hinawakan ni Dulce ang kamay ni Astrielle na napatingin sa kanya. “I will block them for you so you can run. Run and never look back, Astrielle. We will meet soon. I promise.”

Napalunok si Astrielle at rinig na rinig nilang dalawa ang sunod-sunod na kotse pang-militar sa gawi nilang dalawa. Huminga ng malalim si Astrielle at mabilis na niyakap ang kaibigan na si Dulce at agad na tumakbo papunta sa isang basement. Hindi nagawa pang lumingon ng batang si Astrielle at lumuluhang tumakbo.

“Go, Astrielle! Run!” Sigaw ni Dulce. 

“Dulce…” Umiiyak na sabi ni Astrielle. 

Maduming damit, sirang shorts, at walang sapatos o kahit ano. Ganun ang naging itsura ni Astrielle habang tumatakbo sa kalagitnaan ng pagsabog at pamamaril ng mga hindi kilalang tao. Ang tanging pag-asa ni Astrielle ay maabutan niya lang ay ang taong kinatatakutan at nag-aampon ng mga batang may potensyal at pwedeng isama sa organisasyon. Napalunok si Astrielle at napatingin sa basement kung saan nandoon ang hinahanap niya. Nakangisi at maraming kasamang bata habang hawak nito ang malaking sigarilyo.

“Dulce…” Bulong ni Astrielle. “I will find you.”

Tumakbo si Astrielle at agad na humarap sa taong ’yon. Ngumisi ang lalaki dahil kanina pa nito hinintay ang batang si Astrielle na ngayon ay nasa harapan niya na. Ang batang Astrielle na magbabago ng kanilang organisasyon at magiging magaling na pinuno. 

“You’re here.” Ngumiti ang lalaki. “I’m Niccolo.”

“I’m Astrielle.” Malamig ang boses ng batang si Astrielle. “I… love to join your organization.”

Nagtaas ng kilay si Niccolo. “Are you really sure, baby girl?”

Hindi man lang nagpakita ng takot ang batang Astrielle. Bagkus, mas lalo lang pinalamig ng batang si Astrielle ang kanyang mga abong mga mata. Pursigido si Astrielle na kailangan niyang humawak ng baril at itutok sa batang nasa harapan niya. 

“Before you enter, you need to kill.” Ngumisi si Niccolo. “Can you do that?“

Nanginig ang kamay ni Astrielle. Tinignan niya ang batang nasa harapan niya habang nakatali ang kamay at paa nito. Umiiyak na nakatingin sa kanya at nagmamakaawa na pakawalan s’ya. Tinitigan ’yon ni Astrielle at napalunok dahil hindi niya pa alam ang kanyang ginagawa. 

“Astrielle, this is not an ordinary organization. Every member of this group has killed other individuals. The more people we kill… the more money that will be deposited into our accounts,” Niccolo said. “People who are incapable of killing are not welcome in our organization.”

“I…” Lumunok si Astrielle at konting-konti na lang makakalabit na niya ang gatilyo sa baril na hawak niya.

Tumawa si Niccolo at tinapik ang batang si Astrielle. “You don’t need to kill for now because we need to train.”

“Will we leave this country?” Tanong ni Astrielle. 

Tumango si Niccolo. “Yes. For expanding our organization.” Nilapit ni Niccolo ang bibig sa tainga ni Astrielle. “And I want you to be the ace of this group.”

Tumango si Astrielle. Lingid sa kaalaman ng batang si Astrielle ay may mga rebelasyon pa s'yang kailangan malaman. May mga dapat at kailangan pa s'yang pag-aralan. Tinignan ni Astrielle si Niccolo na nakatitig sa kanya habang hawak ang sigarilyo. 

“Let’s call this… The Fallen Game.” Ngumiti si Niccolo. “You can enter the game, but you are unable to get away from it.”

Tumango si Astrielle. Unti-unting sinarado ang basement at unti-unti silang sumakay sa eroplano na nasa likod nito. Napatingin doon si Astrielle at napapikit habang iniisip ang kaibigan na si Dulce.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top