The Family Oddventure (1)
The Family Oddventure (1)
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
NOTE: The main plot of The Fairy Oddventure of Olympia has already been concluded, which means that the succeeding chapters will follow a different path. The upcoming ones will serve more like a slice-of-life chronicle of the family oddventure of Olly and Cosmo, along with their children.
The focus of the story will shift to the everyday happenings in their lives. The updates will be based on my mood, as I consider this part of the story as my breather and sigh of relief from all of my other books with intense and full-blown plots.
Expect to see a more relaxed, laid-back, simpler, and shorter narrative style here as we follow the odd family life of the odd couple. So, let's do this! (*˘︶˘*).。*♡
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
GULAT NA GULAT si Cosmo nang makita ako pagbukas ko ng pinto ng bahay namin. Kauuwi niya lang at agad niyang kinuha mula sa pagkakakarga ko si Alviss saka siya tuluyang pumasok sa loob.
"Kabuwanan mo na, hindi ka na dapat nagbubuhat pa," marahang paalala ni Cosmo sa akin habang hinehele ang anak namin.
One-year-old pa lang si Alviss pero baby number three is on the way, and this time, our third little musketeer is a girl. May prinsesa na rin kami sa wakas, yohoo!
Napangiti ako sa pagiging maalalahanin ng asawa ko. Sinong mag-aakalang kaya palang maglahad ng iba't ibang emosyon nang dating malamig pa sa yelo at matigas pa sa bato na prinsipe ng Arkana?
Ang nakatutuwa pa niyan ay naibalik namin ang dating kami kahit na hindi na nanumbalik pa ang mga alaala niya. Gumawa na lang kami nang bago at mas niramihan pa. Obvious naman siguro iyon sa bilang ng mga anak namin ngayon.
Cosmo used his power to ensure that we looked the same age as I was at that time. This was necessary to avoid drawing attention from the critical eye of human society and their ever-watchful CCTVs called marites.
But Cosmo's decision to age with me went beyond just necessity. It was also a deeply personal choice for him. He said he wanted to experience life as I did, at the same pace and with the same joys and sorrows. He wanted to be my companion in every sense of the word. My husband was never very expressive, but his decision to grow old with me just demonstrated his immense love. Ang tanda ko na at may tatlong anak na kami pero kinikilig pa rin ako sa kanya, kalinti gid!
Hinagod niya ang likod ko habang inaalalayan ako papunta sa dining table na nasa likod lang ng sala namin. "Kumain ka na ba?" I asked him.
"Ikaw, kumain ka na ba?"
"Oo, tapos na kaming tatlo."
"Si Gihan nga pala?"
"Nasa kwarto niya, nag-aaral. Pinayuhan kong magpahinga na no'ng dalhan ko ng gatas kanina. Gusto mo bang ipaghanda na kita?"
Maagap namang umiling ang asawa ko. "Ako na mamaya. Papatulugin ko muna si Alviss. Magpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka."
"Pagod ka rin. Buong araw kang nasa misyon niyo, Ga."
"Ayos lang ako, Ga. Mauna ka na. Susunod ako sa 'yo. You need to have all the rest you can for our baby."
Hindi na ako pumalag pa nang sabihin iyon ni Cosmo. He was right about the importance of getting enough rest for both me and our baby, especially with my labor approaching. Alam niya ring kailanman ay hindi naging madali ang panganganak.
Tandang-tanda ko pa ang pakiramdam noong ipinanganak ko si Alviss, lalong-lalo na ang panganay naming si Gihan. Mamimilipit at mapapamura ka na lang talaga sa sakit ng bawat contractions mo, lalo na sa kasagsagan ng operasyon. But because of love, tiniis ko gaano man katindi iyon para sa mga anak ko.
Both deliveries went well, but for the purpose of describing them to future mothers, it felt like the medical instruments and the room were on fire during labor. The pain was intense as if my entire world was engulfed in flames. Each push felt like I was about to expel all my insides. Despite all my preparations, the pain surpassed my expectations. However, the moment I heard my children cry, I swear, it was the most beautiful and soothing sound ever, like a sweet lullaby. I couldn't help but tear up, laugh, cry, and smile—all at once. Even my usually stoic husband shed tears of joy upon seeing our little angels. I never imagined such bliss could truly exist.
Madaling araw na nang sundot-sundutin ko ang dibdib ng asawa kong natutulog sa tabi ko. Namumungay ang mga matang nagdilat naman siya.
"May masakit ba? May kailangan ka ba? Tell me, hmm?" he asked softly while gently caressing my back. Alam niya kasing gustong-gusto ko kapag ginagawa niya iyon. Nakakatulog ako kaagad nang mahimbing.
"Nagugutom ako," bulong ko sa kanya.
"Anong gusto mong kainin?"
"Hindi ko alam pero parang gusto ko nang... invisible na tinapay," I whispered again while covering the side of my mouth with my hand, embarrassed by my nonsense craving.
Napasinghap siya, hininaan nga lang sa pag-aakalang hindi ko siya maririnig. Ganito siguro kapag ka buntis. Your ability to sense things has increased. Gayunpaman ay tumango pa rin siya at tumayo. Nagulat ako kasi pwede naman siyang umayaw kung imposibleng hanapin iyon pero hindi siya sumuko agad.
Still surprised, I asked him, "May alam ka bang nagbebenta no'n sa Yonder?"
"Who says I'll be buying? I'll make one for you and our little girl," nakangiting tugon niya. "Just stay here and sleep for a while. I'll wake you up when I'm done."
The following morning, I found out that Cosmo had visited Batibot, Momo and Chica's restaurant, which was located beneath our apartment. He apologized for the inconvenience and sought the assistance of my main shikigami to prepare the invisible bread I had been craving.
Iyon nga lang, pagbalik pa ng asawa ko dala-dala iyon ay naabutan niya akong mahimbing nang natutulog. Hindi na niya ako ginising at hinayaan na lang na magpahinga kaya kinaumagahan ko na nalaman ang lahat at nakain iyong invisible na tinapay na ginawa niya mismo. Ang dami pang ganap ng araw na iyon, pero in the end, it's...
#CravingSatisfied
#IHaveTheBestHusband
#PumutokNaAngAkingPanubigan
#WelcomeToTheWorldOurThirdMusketeer
#MalayaArkanaIsTheNameOfOurPrincess
「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」
Seeing your votes makes me happy, and I hope to read your comments.
Please also enjoy the new story of Olly's distant relatives in a different reality, the Sagrados of Monsters Playbook.
See you! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top