53: The Fairy Godmother Compliments the Second Prince

53: The Fairy Godmother Compliments the Second Prince

MAAGA AKONG NAGISING sa araw na iyon dahil aalis na si Oliver. He was already healed, but in order to avoid conflict with Cosmo, I asked him to leave.

Pagbukas ko ng pinto ng chamber ko ay ang gulat na mukha agad ni Takina ang bumungad sa akin.

"Y-Your Highness... A-Ang aga niyo po!"

I smiled at her and said, "Gusto kong magpaalam nang personal sa stepbrother ko. Sige, mamaya na lang ulit!"

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay tinakbo ko na ang daan papunta sa silid na kinalalagyan ni Oliver. Nang makarating ako ay naabutan ko siyang naghahanda na para tumulak. I smiled at him when we locked gaze. Nag-iwas naman siya na animo ay nagtatampo. Lumapit ako sa kanya.

"I am here to see you home."

"You're not really coming with me?" he asked.

I smiled and shook my head. "I don't want to leave my husband."

"So, you really love him, huh?"

"I do," nakangiting tugon ko naman sa kanya.

Nag-iwas ulit siya ng tingin sa akin. Nanahimik siya kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon upang magpatuloy. I was serious this time.

"Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sa inyo. Hahanapin ko si Lila at poprotektahan ko kayo."

May ibinigay na maliit na bolang kristal sa akin si Oliver. Naguguluhan man ay tinanggap ko iyon.

"You could send me a message through that. Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang magdadalawang-isip na tawagan ako. Kahit nasaan ka man ay pupuntahan kita," aniyang nginitian at tinanguan ko naman.

"Maraming salamat, Oliver. Ikumusta mo ako kay Zennia, at mag-iingat kayo palagi."

Pag-alis ni Oliver ay bumalik na ako sa Raven Hall at pinagluto ng champorado ang mga little demon at sina Momo saka Takina. Sinigurado ko na ring tabihan ng parte niya si Cosmo dahil pasimpleng nagseselos pa naman iyon.

Gusto lang palang magpalambing, ayaw pang aminin. Hay naku...

I asked Momo and Takina to help serve the little demons with the food I have made. Agad ko kasing dinala ang parte ni Cosmo sa silid niya. As usual, abala naman siya sa paperwork. Kahit na hindi niya pa rin ako pinapansin pagpasok ko ay nakangiting inilapag ko ang dalang pagkain sa lamesa at pinagsilbihan siya.

"Kain ka na, pangga," tawag ko sa kanya.

Natigilan siya sa sinusulat saglit pero mayamaya pa ay nagpatuloy ulit sa ginagawa.

"Kumain ka muna, pangga. Niluto ko iyan," pag-uulit ko pa.

"What's with pangga?" he suddenly asked, confused. Gayunpaman ay hindi niya pa rin ako binalingan.

"It's an endearment of love in my local language. Tawagan natin iyan noon."

Natahimik siya pagkarinig ng paliwanag ko. Buong akala ko ay hindi na naman niya ako papansinin pero bigla siyang tumayo sa upuan niya at nilapitan ako. He stared at the bowls I had prepared and slightly furrowed his brows.

"I cannot finish two bowls."

"It's okay. Akin iyong isa. Sasabayan sana kitang kumain dito," nakangiti sabi ko.

Naupo kaming pareho ni Cosmo sa hapag at tahimik na pinagsaluhan iyong dala kong pagkain. While eating, I silently observed the place and could not help but feel lonely.

"You're quiet," Cosmo pointed out. "It's unusual."

Ibinaba ko ang kutsarang hawak ko at malungkot na napangiti nang hindi tumutingin sa kanya. "Napansin ko lang na ang laki-laki at engrande ng lugar at palasyong ito. Hindi ko maiwasang malungkot."

"And why is that?"

"Maybe because there are places no matter how big you still couldn't fit, and it's simply because you are not meant become part of them. Ang laki-laki ng lugar na ito pero bakit gano'n? Hindi ko ramdam na ito iyong tahanang para sa akin."

Muli kaming binalot na dalawa ng katahimikan.

"Do you want to leave?" kalmadong tanong niya kapagkuwan.

I looked at him. Hindi ko alam kung anong itsura ko sa paningin niya pero may pakiramdam akong hindi masaya iyong impresyong iyon.

"I want to be with you," I said.

Tahimik na nagtitigan lang kaming dalawa. I feel like something changed between us since our last confrontation. Kung tulad pa siya ng dati ay hindi na niya papansinin ang mga ganitong sentimenyento ko. Now that he was like this, paying me with his slight attention, I think that my messages and feelings somehow reach him.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinitigan sa halip ang malamig ko nang champorado. Finding a place is one thing, but making it feel like home is another. I want to seek out that place that I can call my home and live happily there with the love of my life.

"Do you have any idea how to break the curse already?" I asked instead to change the topic.

Pagbaling ko sa kanya ay sa akin pa rin nakatutok ang kanyang atensyon. Seryoso ang mga tinging iyon at nanunuot din.

"I mean, para hindi ka na mahirap—"

"What do I give to make you feel home?" mahinahong tanong niya. "Tell me."

Tumambol bigla nang malakas iyong puso ko habang nakatitig sa seryoso ngunit determinado niyang asul na mga mata. My heart raced for reasons so sweet and familiar.

"If I tell you that I want to return to the mortal world, will you come with me and leave everything behind?" was my question instead.

I tore my eyes off him, feeling disheartened at the thought that, although he might be home, I still could hardly fit in. The greedy part of me also kept asking me to keep him all to myself. I do not want to share him with anyone, nor do I want others to steal his precious time with me. Gustong-gusto kong maging makasarili pero hindi ko maaaring gawin iyon.

"Who am I kidding? You wouldn't, of course. Why would you leave your home, your throne, and your kingdom for some odd human fairy godmother? Why would you lose all of those for someone like me?"

"Nothing I could gain is worth losing you."

Namimilog ang mga matang napatitig akong muli sa kanya.

What the hell...

The usually cold and uncaring Cosmo was now smiling at me.

And those words...

I remembered saying them before during my fight with Princess Azula, where she offered me treasures and many other powerful familiars in exchange for Cosmo. I told her those words, and I meant them.

Don't tell me... he was listening at that time.

Nanginginig ang mga labi at nanlalabo ang mga matang pinakatitigan ko siya. He was really smiling, and then he pulled me into a warm and tight embrace. Humagulgol ako sa dibdib niya habang marahan niyang hinahagod ang likuran ko.

My husband is back.

"P-Pangga..."

"What are we doing?" biglang malamig na tanong niya.

Pagbuwag ko sa yakapan namin ay doon ko napansing bumalik na naman sa dati ang malamig na Cosmo, ang Crown Prince.

"Bakit? Bakit?" sunod-sunod at naguguluhang tanong ko.

Bigla namang sinapo ni Cosmo ang ulo niya. Nag-aalalang nilapitan ko siya.

"Anong problema? May masakit ba sa 'yo?"

"My head hurts," aniya. "What did you just do?"

Tumayo siya at hinarang ang palad niya sa akin para hindi ako makalapit nang tuluyan sa kanya habang tahimik na iniinda niya pa rin ang tila sumasakit na ulo. "Leave."

"Cosmo, patingnan natin ka—"

"I said just leave!" galit na sigaw niya sa akin.

Natuod ako sa puwesto ko, pero nang matantong wala pa rin siyang tiwala sa akin ay iniyuko ko ang ulo ko.

"Magpahinga ka muna. Tatawagin ko si Master Jakken upang patingnan ka."

Pagkasabi ko no'n ay pumihit na ako patalikod at tahimik na nilisan ang silid niya. Pagbalik ko sa Raven Hall ay nakasalubong ko si Takina na nagmamadali habang may dalang mangkok nang mainit pang champorado.

"Takina, saan ka pupunta?"

"Your Highness, may lagnat daw po ang Second Prince kaya nais ko po sana siyang dalhan nitong niluto niyong champorado."

Nakakunot-noong tumango naman ako sa kanya. Nag-aalala rin ako kay Trevor pero hindi ko rin maiwasang punahin ang reaksyon ni Takina.

"Takina," tawag ko sa kanya bago pa man niya ako malagpasan. "I hope you don't mind me asking. May gusto ka ba kay Trevor? I mean, the way you care for him is something."

Pansin ko ang pagkataranta sa mukha ni Takina bago siya mabilis na umiling-iling. "M-Mali po kayo ng iniisip, Your Highness! Matagal na po akong nagsisilbi rito sa palasyo at napalapit na po ang loob ko sa butihing prinsipe. Kaya gusto ko po sana siyang alagaan kahit sa pagbibigay lang sa kanya ng pagkain ngayong may sakit siya."

I smiled at her and nodded my head. Sabi niya, e.

"Sasamahan na kita."

Napangiti rin siya at tinanguan ako. Sabay naming pinuntahan ang silid ni Trevor. Nang pagbuksan niya kami ay pansin kong matamlay nga siya ay paos din ang boses. Bukod pa roon ay marami ring mga papeles ang nakakalat sa ibabaw ng lamesa niya.

"Anong ginagawa mo?" I asked. "Dapat nagpapahinga ka kasi may sakit ka."

"May dala nga po pala kaming mainit na pagkain para sa inyo, Kamahalan," saad naman ni Takina. "Mainam po ito para sa inyo."

Trevor gratefully smiled at us as he took the bowl of champorado. "Maraming salamat."

Ngunit pagkatapos niyang ilapag ang mangkok sa tabing lamesa ay bumalik ulit siya sa study table niya at ipinagpatuloy ang naudlot na ginagawa roon. Nilapitan ko siya at marahang tinapik sa kanang balikat niya.

"Give it up, brother-in-law. Magpahinga ka na muna. May lagnat ka po."

Umiling naman siya. "I have to finish this. This fever is just a cheap price I have to pay to ensure that the farmers of Arkana are well-subsidized. I want to make them feel that they are important to the kingdom."

Manghang pinanood ko naman si Trevor habang kinakalkula niya ang subsidiya ng mga magsasaka at pinipirmahan ang mga papeles na kailangan.

"You can be a good king," komento ko.

Napabaling naman siya sa akin dahil doon. "You think so?"

"Oo naman! With your compassion and dedication, there's no doubt you could do it!" I honestly replied. "Dasurv na dasurv!"

He gratefully and genuinely smiled at me. "Maraming salamat, Olly. But it's your husband who's going to be the next king. I will still promise to support him with all of my heart, ability, and soul for the sake of Arkana."

I am a person who is very objective when it comes to singing praises. I don't care if we're friends or enemies, but when you're truly good, I'll applaud your talents and traits. When I compliment you, I really mean it; no sugarcoating or ulterior motive is involved. Trevor really has the makings of a great king.

Takina and I spent our day assisting Trevor with his work. Pagkatapos niya ay sinigurado muna naming makapagpapahinga na ito bago namin ito iniwan sa silid nito. Eksasktong alas sais na ng gabi nang makabalik ako sa Raven Hall.

Napahinto ako sa paglalakad sa tapat ng silid ko nang mapansin kong tahimik na nakatayo roon ang Crown Prince.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at mas lumapit pa.

"I came here to apologize."

I smiled inwardly when I realized he was apologizing for what happened earlier. Napanguso ako upang pigilan ang ngiti ko.

"Hindi ako tumatanggap nang malamig na sorry," sagot ko naman sa kanya, kunwari nagtatampo pero biro lang. Gusto ko lang naman magpakipot slight.

"I thought so, too."

May maliit at bilugang ilaw na lumitaw sa gilid niya. Ipinasok niya ang kanang palad niya roon at hinugot ang isang maliit na lalagyan. The light vanished when he pulled his hand out of there and handed me the pouch.

"Ano naman 'to?"

Nagtataka man ay tinanggap ko pa rin ang inaabot niya saka binuksan iyon. Naglalaman iyon ng mga yema na maliliit na binilog. Kumuha agad ako ng isa at tinikman iyon. It melted on my tongue, bursting with sweetness. Ang sarap!

"Saan mo naman nakuha 'tong yema?" I asked.

Kung hindi ako nagkakamali ay gumamit siya ng space magic upang i-store iyon doon pagkatapos niya iyong bilhin o kunin sa kung saan man. Hanep talaga kapag may kakaiba kang powers.

"I made it."

"You what?!" gulatang na tanong ko sa kanya.

"You cooked the champorado, so I thought of making some sweets in exchange."

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Cosmo can certainly cook, but I did not know that quality would still be there now with the Crown Prince.

May mainit na puwersang humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan iyong yemang nasa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ko. He might forget most things from our shared past, but the heart sure keeps some memories in more unexpected ways than one.

"Thank you," pabulong na saad ko habang nakatitig pa rin sa yema na ginawa niya.

Sinubo ko iyong hawak ko at tumingala saka napapikit. Sunod na naglandas ang mga luha sa pisngi ko.

"Why are you crying? Is it that bad?"

Napahalakhak ako habang lumuluha pa rin nang marinig ang malamig ngunit talagang taos-puso niyang tanong.

I shook my head and said, "Ang sarap..."

Pinunasan ko ang mga luha ko at nakangiti siyang hinarap. "Do you already know how to break the curse?"

"Not completely, but I can deactivate it temporarily."

"For how long?"

"Thirty minutes."

Tumango naman ako roon. "Then that's enough time."

"What do you mean by enough?"

Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at mataman siyang tinitigan. "If you find me missing one day, please give me those thirty minutes to be free."

Nakipagsukatan din ng tingin sa akin si Cosmo. He seemed calm on the surface, but I know that his head is full of thoughts right now.

"After thirty minutes, the curse will activate, and it will mean danger for me."

"Do you trust me?" tanong ko sa kanya.

"Convince me," he challenged.

I could come clean and tell him everything, but there was only one answer I could muster at that time. I smiled at him with all of my heart and soul, with some pouring out of my eyes.

"I never needed a knight in shining armor in my life, I only needed someone who would support me while I saved myself, and you... you did just that. That's why I love you. I love you more than I did yesterday, and I will love you more each day. I want and I intend to do it forever."

•|• Illinoisdewriter •|•

Please vote and comment with your thoughts. God bless! 

Olly's OOTD:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top