52: The Fairy Godmother Witnesses Her Husband's Real Powers

52: The Fairy Godmother Witnesses Her Husband's Real Powers 

OUR TRIP DOWN the Ayakashi Street was fun, yet it was cut short. Ang dami ko na kasing bitbit na mga kaldero at iba pang mga gamit pang-bahay. Kahit na walang emosyon ay ramdam kong bad trip na bad trip na sa akin si Cosmo. Isali ko ba naman siya sa pagbitbit ng mga iyon.

"Patulong sa pagdadala, please," pakisuyo ko sa kanya sabay nguso no'ng bagong bili kong malaking kawali.

"What do you need those for?" Malamig man ang paraan ng pagkakatanong niya ay pansin ko naman ang pasimpleng pagkunot ng noo niya na para bang hindi niya na-re-realize na naiinis na pala siya sa akin. "You have your own lady-in-waiting and cook to do your bidding."

"Mas gusto kong ginagawa ang mga ito kasi bored na bored na ako na pinagsisilbihan. Mas gusto kong ako iyong kumikilos. Hindi ako sanay maging prinsesa kasi mas magaling ako bilang muchacha. Kaya sige na, please."

"And why do I have to help you?"

Madramang napabuntong-hininga ako, nauubusan na rin ng pasensya sa kaartehan ng Crown Princess. "Kamahalan, dalawa lang po iyong mga kamay ko. Samantalang may dalawang kamay naman kayo at siyam pang buntot na puwedeng-puwedeng magdala ng lahat ng ito," rason ko naman.

Patago akong napahagikhik nang nakakunot-noong pinagalaw ni Cosmo ang isa sa siyam na kitsune niyang buntot upang pulutin at dalhin iyong malaking kawali.

Hindi ko rin naman mautusan si Momo dahil panay din ang bili niya ng mga alak at regalo para kay Chica. Para kaming nagkokontes na dalawa kung sino ang may pinakamaraming nabili. Nang magsawa kami ng shikigami ko at mapagod ay napagpasyahan na naming bumalik na sa karwahe.

"Grabe, naubos iyong energy ko. Gutom na gutom na ako," hayag ko habang naglalakad na palapit sa karwahe.

Nakasukbit pa sa likuran ko ang isa pang malaking kawali na binili ko kanina. Dalawa ang binili ko kasi balak kong magluto hindi lang para sa mga kasamahan ko sa Raven Hall kung hindi ay para na rin sa little demons na madalas dumalaw doon.

Bago pa man ako tuluyang makapasok ay nagitla ako nang may biglang humablot sa akin. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay naabutan ko na lang ang sarili kong nakapatong na kanang balikat ng isang lalaki habang mabilis itong kumakaripas ng takbo sa ibabaw ng mga bubungan!

"Hoy! Sino ka?! Saan mo ako dadalhin?!" sunod-sunod na tanong ko nang makabawi.

"Stop moving, Olly! Can't you see? I'm trying to save you!"

Natigilan ako nang matanto kong si Oliver pala iyon. "Anong... ginagawa mo rito?"

"I was informed that Lila could be here, and so are you. This is a dangerous place."

Inayos ni Oliver ang pagkakabuhat sa akin. Doon ko natanto na tumatakbo pala siya palapit sa nakabukas na portal papuntang Altus. Namilog ang mga mata ko. Hindi maaari...

Kumapit ako sa kasuotan ni Oliver upang pigilan siya. "Oliver, hindi ako puwedeng umalis dito."

"Bakit hin—"

Hindi na natapos pa ni Oliver ang sasabihin niya dahil kinailangan niyang ituon ang atensyon niya sa biglaang paghinto. Bigla na lamang kasing lumitaw si Cosmo sa harap naming dalawa at sa tapat nang nakabukas na portal. He extended his hand and pointed to the portal. A bright light then emitted from there and shattered the portal down to its last pieces all of a sudden.

Oliver silently hissed as he took a step back. "Shit. He can manipulate time and space."

Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan. Cosmo, in his penta-marked form, was already this powerful. This was the first time I saw him use his power. Not to mention na tila pahapyaw pa lang ng totoong kapangyarihan niya ang nasaksihan namin. Also, I could sense a silent rage seething beyond his cold stare and emotionless façade. Alam ni Cosmo na delikado ang buhay niya kapag nawala ako sa tabi niya.

This is not good.

Oliver apparently does not stand a chance against him.

"Oliver, bitiwan mo ako," mahinahong saad ko sa stepsibling ko.

Sa halip na bitiwan ako ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin. "No, I will find a way to open that portal again."

He stepped back and readied himself to run. Iyon nga lang ay pagpihit niya patalikod ay nasa harapan na namin si Cosmo.

"Let us go!" Oliver bared his fangs at the frigid Cosmo.

Akmang tatakas ulit si Oliver nang bigla kaming bumulusok pabagsak sa lupa. Sa tunog pa lamang ng mga kagamitang naglaglagan at nabasag pati na nabiyak na lupa ay alam kong matindi ang naging pag-atakeng iyon ni Cosmo sa amin. However, I did not feel pain or anything in my body.

Pagdilat ko ay doon ko natagpuan si Cosmo na nakatayo na sa tapat namin. Wala nang malay si Oliver dahil sa lakas nang pagkakabagsak niya samantalang hindi man lang ako napuruhan o nagalusan man lang. It was because Cosmo enclosed me inside a yellow-light sphere, a space.

Pinalutang ni Cosmo ang sphere na pinaglalagyan ko nang hindi kinukumpas ang alinman sa mga kamay niya. Ayakashi mostly used their hands to control their powers, but he was indeed a hundred times different from the majority.

Naagaw naman ni Oliver ang atensyon ko nang mahina siyang kumilos. "Olly..."

Nahuli kong inangat ni Cosmo ang kanang palad niya. Laking gulat ko nang biglang nagbago iyon at humaba saka naging maputi na makalikis. Windang na windang ako na hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari. Ang tanging naabutan ko na lamang ay ang duguang si Oliver na nakapako na ngayon sa may wasak na pader at sa tapat naman niya ay isang dambuhalang puting ahas na nakahanda na siyang tuklawin. The white snake was, without a doubt, Cosmo's right hand.

I cannot almost believe that he could do this much with his odd and immense power.

"O-Olly... ililigtas kita..." bulong pa rin ni Oliver kahit hindi na niya maidilat ang mga mata niya. "Olly..."

Cosmo's white snake hissed loudly and was about to devour Oliver entirely.

I cannot let that happen.

"Cosmo, tama na! Tama na! Please... do not hurt my stepbrother... please," umiiyak na pakiusap ko mula sa loob nang lumutang na sphere.

The white snake seemingly calmed down and closed its mouth. Maging iyong sphere ay naglaho na rin. Kaya mabilis kong dinaluhan si Oliver na hinang-hina na ngayon dahil sa mga naging pag-atake ni Cosmo na wala ninuman sa amin ang nakapaghanda.

"Olly..." mahinang tawag niya pa rin sa pangalan ko. "Huwag kang mag-alala... Nandito na ako para iligtas ka. Babawiin na kita sa kanya..."

Cosmo then warned in his usual cold tone, "It's either you die here or leave. There's no taking my wife away."

"It's okay, Oliver. Ligtas ka na. I'm sorry, but I cannot leave this place or him."

Nakiusap ako kay Cosmo na dalhin muna si Oliver sa palasyo at patingnan sa manggagamot. Tumanggi siya no'ng una pero hindi ako tumigil sa pakikiusap sa kanya hanggang sa mapapayag ko na siya kahit pa labag iyon sa loob niya.

He ordered Jakken to have an imperial physician check on my stepbrother. Buong gabi akong naghintay na gumising si Oliver sa labas ng kwartong pinagdalhan sa kanya matapos siyang suriin at gamutin ng physician. Hindi ako makatulog sa matinding pag-aalala sa kondisyon niya at na baka atakehin naman nila ni Cosmo ang isa't isa.

"Lady Olly, ako na lamang po ang magbabantay dito sa kapatid niyo. Magpahinga po muna kayo," nag-aalalang alok ni Momo sa akin.

Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa labas ng silid ni Oliver. Nakaangat din ang mga tuhod ko at yakap ang mga binti ko. Although grateful, I shook my head in response to Momo's offer. Ayaw niya rin namang umalis doon at magpahinga dahil ayaw niya akong iwan doon nang mag-isa. He was really sorry for not coming to my rescue earlier. Naiintindihan ko naman siya dahil kinulong siya ni Cosmo sa may karwahe gamit ang kapangyarihan nito.

"What are you doing here?" tanong nang malamig na boses na kilalang-kilala ko.

Sumagot ako habang nakasubsob pa rin ang ulo ko sa mga tuhod ko. "Binabantayan ko ang kapatid ko." At baka magbuno na naman kayo.

"Magkasabwat kayo," ang direktang paratang niya.

Doon na ako nag-angat nang pagod na tingin sa kanya. Ang daming nangyari sa araw na ito, at mukhang hindi pa nagtatapos doon ang lahat. Kaya kailangan kong maghanda at maging gising sa posible pang magaganap.

"Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yang mga paratang mo na 'yan sa akin. Pero kung totoo mang masama ang intensyon ko sa 'yo, noon pa sana kita iniwan at hinayaang mamatay. Tingin mo, bakit ako nanatili sa tabi mo kahit na ang lamig ng trato mo sa akin? Bakit, tingin mo, tinitiis kita kahit na minsan nakakasakit na iyong mga salitang binibitiwan mo? Bakit kahit gaano kasama iyong mga nangyayari at ginagawa mo, hindi pa rin kita maiwan-iwan? Huh?"

My eyes began turning hazy, but I have to let them all out. Pagod na ako ngayong araw na ito, at gusto kong maglabas ng sama ng loob para gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano.

"Kasi, yudipoga, mahal na mahal kita, Cosmo!" umiiyak na pagpapatuloy ko at nagsimula nang punasan ang mga luha ko.

Para akong batang inaway na nagsusumbong sa kanya, bwisit.

"Gusto kitang makasama kahit na hindi mo na ako tingnan. Gusto kitang inisin kahit na wala ka namang reaksyon. Gusto kitang alagaan kahit na wala ka namang pakialam sa akin. Gusto kitang sumaya kahit na... kahit na... hindi na ako kasama sa mga dahilan no'n."

Cosmo kept looking at me while I was busy wiping my tears.

"I hate you," biglang aniya. "I really hate you, but I don't understand why I also want you to care for me, too. Just like how you care for that man, for your shikigami, for the little demons, and for everyone else. You are so weak yet you would go all-out for them."

Natigilan ako sa pagpupunas ng mga luha ko at gulat na napatitig sa kanya. Nakakatwang sa kabila nang lamig ng tono at mga salita niya ay mainit na hinaplos naman no'n ang puso ko.

"I want you to give me your all, too, so I am not letting you go. Not now, not ever."

•|• Illinoisdewriter •|•


Please vote and comment with your thoughts. God bless! 🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top