48: The Fairy Godmother Arrives at the Demon Realm

48: The Fairy Godmother Arrives at the Demon Realm

IT ONLY TOOK me a blink for Cosmo to transport us both to Arkana. Normally, yokai would use magic-powered vehicles to get to different realms, but he didn't. Ganoon ba talaga siya kalakas ngayon? Kakaibang lakas at kapangyarihan ang nararamdaman ko sa kanya ngayon na maging sina Ina Dabria ay hindi man lang niya napakilos upang pigilan kami.

What the hell...

Gulantang pa rin ako kahit na binaba na ako ni Cosmo mula sa pagkakabuhat niya sa akin. I looked up at him and beheld his icy, emotionless gaze. Ramdam kong may kakaiba sa kanya pero hindi ko inaasahang magiging ganito kalaki ang mga pagbabagong mangyayari sa kanya. I cannot believe it. I cannot believe how he turned from smiling happily on our wedding day into a complete stranger.

"You will stay here until I break the curse," malamig na aniya bago ako tinalikuran.

Mabilis akong natauhan nang mapansin kong nasa may pintuan na siya at bubuksan na sana iyon upang lumabas. "Sandali lang!"

He stopped but did not look back at me when I called him.

"Iiwan mo ako ritong mag-isa? Cosmo, alam kong hindi mo na ako natatandaan pero mag-asawa na tayo. You cannot just walk out of that door and leave me here alone. First time ko sa lugar na ito. Kailangan ko ng gabay. Kailangan kita!"

"I don't care who you are. I just want this other curse to be gone." He spared me an icy stare over his shoulder and said, "You can get lost after."

Para akong binuhusan nang malamig na tubig pagkarinig ko no'ng mga sinabi niya. Iyong tingin, mga salita, at pakikitungo niya sa akin, lahat sila pawang malalamig at tunay na walang pakialam sa akin.

Nagbago na nga siya...

They might bear the same name, but he was not my husband.

Hindi na siya ang Cosmo ko...

He opened the door, and two groups of servants lining up on both sides and bowing their heads welcomed our sight. "Maligayang pagbabalik sa Arkana, aming Kamahalan."

Cosmo walked on the makeshift aisle between the two groups and did not even respond to their greetings. Kahit na simpleng tango ay wala siyang itinugon sa mga ito.

He was really a royalty.

Napakuyom ako ng mga kamao ko habang tinatanaw siyang maglakad palayo sa akin upang iwan akong mag-isa roon na hindi man lang sinasabi sa akin kung welcome ba ako sa totoong tahanan niya.

"Cosmo, I want my things here! I need my things from Batibot!" sigaw ko subalit nagpatuloy lang siya sa paglalakad palayo sa akin.

Lalong napakuyom ang mga kamao ko sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Para lang akong hangin doon o hindi kaya ay tangang nagrereklamo para sa kanya. I don't matter to this version of him anymore; I get it, but I still care for and love him. Sinumpa ng lalaking pinakamamahal ko ang sarili niya upang magkasama pa rin kami dahil alam niyang mangyayari ito, na magkakahiwalay kami. I didn't want him to curse himself, but I understand that he only did it for me, so I feel responsible to ensure the life and safety of this Crown Prince.

"Cosmo, nakikinig ka ba?! Kung ayaw mong makinig, puwes ako na mismo ang kukuha sa mga iyon. Pasensyahan na lang tayo kung hindi ka na humihinga pagbalik ko!" banta ko pa sa kanyang dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad. "I know you don't remember me anymore, but just to give you a heads-up, you married a stubborn woman. I can do it, and I will do it."

"Jakken," tawag niya sa isang maliit na demonyong may dalang tungkod. "Pumunta ka sa Batibot at kunin mo ang lahat ng mga pag-aari ng babaeng ito."

Tumango naman si Jakken habang nakayuko pa rin sa tapat niya. "Masusunod po, Kamahalan," anito bago naglahong bigla.

I could not help but also wonder how powerful these demons could be. They could transport so easily to different realms.

Pagkaalis no'ng Jakken ay tumuloy na rin si Cosmo sa paglalakad at pag-iwan sa akin doon. Sumunod naman sa kanya ang mga tagapagsilbing pumila kanina at iniwan din ako roon nang hindi man lang inaasikaso.

Hindi ko naman kailangan ng VIP treatment pero sana ay ginabayan man lang nila ako sa lugar na ito at sa mga hindi dapat at dapat gawin ko habtalkedang nandito. Ni hindi man lang ako ipinakilala ni Cosmo bilang asawa niya. Nangangamba akong baka may kung anong mangyari sa akin habang nandito.

I always heard my Batibot family and clients talk so much about Arkana being the most feared realm in the spirit world because of these demons. Cosmo is definitely someone you should not mess with, but he could not touch me because of the curse that bound our lives together. Kung may mangyaring hindi maganda sa akin ay ganoon din sa kanya. He should have let them know about that for his own good, at least.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong pinag-iwanan sa akin ni Cosmo at hindi ko maiwasang mapangiwi pagkatapos ay mabuntong-hininga na lang. Isang abandonadong silid na puno ng mga agiw at alikabok lang naman kasi ang ibinigay niya sa akin. Wow.

"Momo," tawag ko sa main shikigami kong lumabas naman agad mula sa sahig.

"At your service po, Lady Olympia!" bati niya sabay saludo sa akin.

"Can you help me clean this room and make it comfortable?"

"Oo naman po, Lady Olympia! Let's go!"

Momo was its normal positive and smiling self. Hindi na siya nagtanong o anuman sa akin basta ay tinulungan niya lang ako sa mga gawain dito. Mukhang alam na rin niya siguro ang nangyari dahil nga main shikigami ko siya at magkaugnay ang espiritus vitae namin.

Hindi ko talaga inaasahang magiging ganito ang first day namin ni Cosmo bilang mag-asawa. Masyado akong napagod sa paglilinis na wala akong ibang inisip kundi ang magpahinga na lang muna. Mamaya ko na aabalahin ang sarili ko sa problema ko ngayon. Need ko munang mag-beauty rest pagkatapos ay lumamon for more energy to think to solve my problem.

Nagpahinga na rin si Momo kasama ko sa kama. Bagsak na bagsak kaming dalawa dahil sa pagod sa paglilinis. At least, successful iyong ginawa namin. Nagbago na ang itsura ng silid ko at nagmukha nang mas desente tingnan. Bukas ay magpapatubo naman ako ng mga bulaklak para mas homey, pleasing, at welcoming na.

PAGGISING AY NASA silid ko na ang mga gamit ko mula sa Batibot. May liham pang kalakip doon mula kay Ina Dabria at isang whistle. In the letter, she instructed me to just blow the whistle if I needed her help, and they would come rushing to my aid. May cute na mga mensahe rin ang iba pang miyembro ng pamilya namin sa Batibot. They expressed their worry and wish that Cosmo and I would be in a better place and situation. Natawa na lang ako dahil mangiyak-ngiyak kaming dalawa ni Momo habang nagbabasa ng mga mensahe nila.

Nang matapos na ako sa paghahanda ng almusal namin ni Momo at magbihis para sa panibagong araw ay napagdesisyunan kong magpatubo na lamang ng mga halaman at bulaklak sa garden. Now that it was morning, I could clearly see the desolate and dry front yard. Grabe, tigang na tigang iyong lupa pero okay lang kasi kayang-kaya ko pa ring gawing napakagandang flower garden ito.

While at it, a young woman suddenly appeared in my place. Iyong suot niya ay kahawig ng mga court lady sa ancient China. Ganoon din ang estilo ng pagkakatali ng buhok niya. Manghang-mangha siya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng flower garden na ginawa ko kaya hindi niya ako kaagad napansin.

"Good morning," nakangiting bati ko sa kanya.

Nagulat siya at nang makabawi ay mabilis na napayuko sa akin. "M-Magandang umaga po, Princess Consort. Ako po si Takina, ang magiging lady-in-waiting niyo."

Nakurap ako nang tatlong beses habang nakatitig sa kanya. Hawak ko pa iyong regadera kaya inilapag ko muna at baka malunod na iyong bulaklak na dinidiligan ko.

"Princess Consort?" I asked. I'm familiar with the term lady-in-waiting. They are attendants of the people who belong to the royal court.

"Princess Consort po ang tawag sa inyo dahil kayo po ang asawa ng Crown Prince ng Arkana," paliwanag naman niya.

Alam na nila, at kapag ganoon nga ay isa lang ang ibig sabihin – Cosmo told them. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil na-delay lang pala ng isang araw ang pagbibigay-alam niyang iyon tungkol sa estado naming dalawa.

"May nais po ba kayong gawin, Princess Consort? Maaari niyo po akong utusan nang kahit ano," aniya pa.

Napangiti ako nang may sumagi sa isipan ko. "Can you give me a tour around the whole palace?"

Takina told me that Arkana Palace was composed of many courts. Ang court na pinaglalagian ko ay tinatawag na Raven Court. Abandonado na ito kaya namangha talaga siya nang masaksihan ang pagbabagong ginawa ko roon. Nagkaroon daw kasi ng buhay ulit ang korteng iyon. Nilibot ako ni Takina sa buong Arkana Palace at habang nangyayari iyon ay hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang laki at engrande ng lugar. Hindi ako halos makapaniwala na ito ang tahanan ng mga kinatatakutang demonyo ng spirit world.

Nasa may main entrance na kami ng inner court nang hinila ako ni Takina patabi sa gilid upang bigyan ng daan ang hilera ng mga sundalong papasok. Nagulat ako nang lubos nang magtanggal ng helmet niya sa ulo ang sundalong balot ng kanyang baluti at kalasag na nanguguna sa pilang iyon. Her long black hair swayed in the air after removing that helmet. Namangha ako sa ganda ng sundalong iyon. Gandang papantay sa kagandahan nina Prinsesa Aurora at Doktora Inamori.

"Ang ganda niya..." manghang usal ko.

Napahagikhik naman si Takina sa tabi ko. "Siya po si Khalisa, ang lieutenant general ng Silangang hukbo ng Arkana. Kabilang din po siya sa Imperial Harem. Katunayan ay kababata po siya ng Crown Prince at nakatakda sanang ikasal dito. The Crown Prince may seem cold and indifferent, but they get along well."

Napahigpit ang hawak ko sa dala kong payong. Takina looked shocked and then apologetic when she turned to me. She quickly bowed her head and said repeatedly, "I am so sorry, Princess Consort. Hindi ko na po uulitin."

I smiled at her and answered, "It's okay, Taki. Alam ko namang may buhay siyang iniwan dito bago nagkatagpo ang mga landas namin. Tanggap kong bahagi na ito nang kung sinuman siya. I am just happy that he is finally home. Ano nga palang nangyari sa dating empress?"

I am referring to Ina Lila.

"Nang isinumbong po siya ng dating Crown Prince na Second Prince na ngayon at ng sariling anak niya, ay balak na po sana siyang parusahan ng kamatayan ng hari subalit tumakas po siya at hanggang ngayon po ay patuloy pa rin ang paghahanap sa kanya."

"Nasaan na nga pala ang kapatid ni Cosmo?" I asked again.

"The Second Prince isolated himself for the meantime. Kinilala ng hari ang tulong niya at ayaw din siyang isali sa parusa dahil alam po nitong inosente ang prinsipe. Gayunpaman ay ninais po ng prinsipe na ikulong muna ang sarili niya sa kanyang korte. Tingin ko po ay nasasaktan pa rin siya sa mga nangyayari. Mahal na mahal niya po kasi ang empress subalit bilang kapatid ay alam niyang hindi tama ang ginawa nito sa Crown Prince," paliwanag pa niya.

Nag-iwas ako ng tingin kay Takina at muling pinagmasdan ang napakagandang si Khalisa. Hindi lang siya maganda, napaka-astig din niya. Aside from her, I am also suddenly really curious about the Second Prince. Hindi biro ang ginawa niyang pagsuko at pambubuko sa plano ng pinakamamahal niyang ina para sa kapakanan ng kapatid niya. It seems like the Second Prince has a strong sense of justice and honesty. He really has some commendable traits.

"Can you take me to his court?" I asked Takina. "I want to meet him, and personally thank him for saving Cosmo."

•|• Illinoisdewriter •|•

Please vote and comment with your thoughts. God bless! 🥰

Olly's OOTD: (second part to finish)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top