46: The Fairy Godmother Learns A Revelation
46: The Fairy Godmother Learns A Revelation
SA PANANALIKSIK AT pagbabasa ko ng mga aklat tungkol sa mga Unseelie ay napag-alaman kong ang kapatid pala ni Ina Magenta na si Lila ang kilalang pinuno ng mga Unseelie. Siya ang nagsisilbing Mother of all Unseelie. Because they were siblings, she had equal power with the Queen of all Fairies. This is also the reason why, instead of a battle with bloodshed, they resorted to a cold war. Walang pakialaman kumbaga.
Lila promised to build her own kingdom, and after that, nobody knows where she is now. Basta ang alam ng lahat ay patuloy na kumikilos nang palihim ang mga Unseelie at tumutupad ng mga hiling na delikado at masasama.
Isinara ko ang librong binabasa ko nang pabalibag na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Ang nag-aalalang mukha agad ni B1 ang bumungad sa akin.
"Lady Olympia, bigla na lamang pong bumagsak sa shop si Master Cosmo! Tila ay may iniinda rin po siyang kung anong masakit sa kanya."
Tumayo ako at mabilis na sumama kay B1 upang puntahan si Cosmo sa extra guest room. They quickly brought him there when he collapsed because it was nearest place from the shop. Pagdating namin doon ay totoo nga ang sinabi ng spirit bubwit ko. Napapaungol si Cosmo habang iniinda ang matinding sakit na nararamdaman niya.
"Cosmo..." nag-aalalang usal ko sa pangalan niya sabay sapo sa noo niya.
Inalis ko rin kaagad ang kamay ko sa noo niya dahil ang init niya. Sobrang init no'n na literal na nakakapaso. Hindi normal na lagnat ito!
"B2, sunduin mo sa Mirkwood si Doktora Inamori, please," utos kong mabilis namang tinalima ni B2.
"Napainom ko na siya ng gamot, hija, pero hindi iyon tumatalab sa kanya. Sa halip ay lumalala pa ang kung anumang karamdaman niya," Old Ginkgo informed me.
Tumango ako at sinabing, "Hintayin na lang po natin si Doktora Inamori sa ngayon. Hindi ko rin po kasi alam ang gagawin ko. Hindi normal na lagnat lang itong nangyayari sa kanya ngayon."
Muli kong binalingan si Cosmo at mas binalot pa siya ng kumot. This was the first time he had been this – sick, and we do not know what to do.
"B1, ganito ba talaga siya lagnatin?" I asked my spirit guardian, who had been with him for so long.
"Isang beses lang po naming nakitang nagkaganyan si Master Cosmo, Lady Olympia. Nang mga panahong iyon ay mabilis siyang sinaklolohan ni Ina Dabria kaya bumalik lang din po siya agad sa dati."
I silently clenched my fists as I watched Cosmo wince in pain. Kung magagamit ko lang sana ang kapangyarihan ni Ina Dabria ay baka hindi na siya nahihirapan at nasasaktan nang ganito ngayon. I felt so useless...
I am so sorry, Cosmo.
Pagdating ni Doktora Inamori ay kaagad niyang tiningnan si Cosmo at ginamot. Iyon nga lang ay mukhang hindi pa rin umeepekto iyon. Doktora Inamori tried and tried again, but the results were always the same: no improvement and no effect on Cosmo's part.
"Dok, iligtas niyo po siya, please... please..." pagmamakaawa ko kay Doktora.
Napaluhod ako sa gilid ng futon ni Cosmo at kahit na nakakapaso man ang kamay niya ay tiniis ko iyon mahawakan lang siya.
"Please help him... Please..." pag-uulit ko na sinundan naman nang pagpatak ng mga luha ko sa kutson ni Cosmo.
Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ng kasintahan ko. Nararamdaman kong napapasnot na ang palad ko pero tiniis ko iyon kasi ayoko siyang bitiwan. Hindi ko siya iiwan.
"Cosmo... pangga..." humahagulgol nang tawag ko sa kanya. "Huwag mo akong iiwan, please..."
"Dabria," biglang hayag ni Doktora Inamori. "Hindi ko siya kayang gamutin. Kailangan namin ang tulong mo."
A beautiful black and white butterfly suddenly went flying inside the room. It stopped on Doktora Inamori's right shoulder. My eyes widened in surprise when the butterfly transformed into Ina Dabria. I was so consumed with what was happening to Cosmo that I had no time to ask her where she went or if Doktora Inamori knew where she had been.
She kneeled beside Cosmo's futon, raised her hand, and then a bright light emitted from there. She ran her raised hand over Cosmo's body. Fortunately, he stopped shivering when Ina Dabria finished what she was doing. Saka pa lamang pumayapa ang itsura ni Cosmo nang matapos. Bumalik na rin sa dati ang temperature ng katawan niya.
I covered my face with my hands and cried. "M-Maraming-maraming salamat po, Ina Dabria."
"It's getting worse. I'm afraid we won't be able to save him the next time he goes through it."
Napaangat ako ng tingin kay Ina Dabria dahil sa winika niya. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
"You have to cherish every moment you have with him, Olly. His time is nearing."
Dinamba ng kakaibang kaba ang puso ko dahil doon. "Hindi ko po kayo maintindihan. Ano po bang mangyayari kay Cosmo?"
"When all of his memories returned, I don't think he will ever be the same again. And when that happens..." Ina Dabria sadly explained. "He has to return to where he truly belongs, and that is not with us anymore."
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking narinig.
Ibig sabihin ay... ay iiwan na kami ni Cosmo.
Iiwan na niya ako...
Nanlalabo man ang paningin ay sinikap kong tingnan nang diretso sa mga mata niya si Ina Dabria. Gusto kong magmakaawa na tulungan niya ulit si Cosmo at iligtas kapag nangyari iyon dahil ayoko siyang mawala sa akin.
"Ano pong maaari nating gawin upang pigilan po iyon?" I asked, and she slowly shook her head in retort. Parang nilakumos ang puso ko sa naging tugon niya.
"Sa sitwasyon niya ngayon, natitiyak kong hindi lang ang diyosa ang kumikilos upang ibalik siya kundi maging ang hari ay gumagalaw na rin."
"A-Ano po ba ang ibig niyong sabihin, Ina Dabria? Wala po akong maintindihan na kahit ano!" I confessed, frustrated at our situation that I could not understanding a thing.
Malungkot ang mga matang tiningnan din ako ni Ina Dabria. "It took me many years to find out his origin, and I knew that the day of his return would come. He doesn't belong here, Olly. He belongs to the Demon Realm, and we cannot do anything about it."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nalaman. Nakatulala lang ako kay Ina Dabria na malungkot na nagpapaliwanag sa akin. She watched the sleeping Cosmo as she resumed her explanation.
"Nang mailigtas ko siya mula sa pagbitay sa kanya matagal na panahon na ang nakalilipas ay batid kong hindi lang siya pangkaraniwang odd. He doesn't have any recollection of his origin; he felt completely lost when I met him. Kayang-kaya niyang bawian ng buhay lahat ng mga nilalang na nandoroon sa araw ng pagbitay niya pero hindi niya ginawa. He let them execute him because he didn't have any reasons to live since he cannot remember anything. Kinupkop ko siya at binigyan ng mga rason upang mabuhay." Sinulyapan ni Ina Dabria si Doktora Inamori na tinanguan naman siya saka siya nagpatuloy.
"Through secret and intensive research, Inamori and I found out his true origin. Sinabi ko sa kanyang marahil sa lugar na pinanggalingan niya ay mahalaga ang mga marka dahil doon binabase ang mga lakas nila. I told him that the Penta-marked beasts or those five marks are the most powerful and strongest, but I didn't tell him that I remembered meeting one with that – the Emperor of Arkana, the Demon King. I then realized that someone used a powerful spell to cover Cosmo's fifth mark and conceal his identity alongside his memories."
"Sino po ang may kagagawa no'n?" I asked.
"Lila, the Unseelie Queen."
I was taken aback by all these revelations.
Bakit tila magkakaugnay kaming lahat?
Everything is indeed no coincidence...
"Bakit niya po gagawin iyon, Ina Dabria?"
"For power, of course. Bumuwag siya sa Seelie Court at gumawa nang sarili niyang kaharian. In order to make it equally powerful or even more than that, she had to have greater connections. What would be better than becoming the Demon King's Queen? What would be better than becoming the Empress of the most feared realm in the spirit world? This is also the reason why Magenta could only give Lila a cold war and not a battle. Alam niyang dehadong-dehado ang mga Fae laban sa pinagsamang lakas ng mga Unseelie at demonyo."
"You mean... she's... she's... also a queen now? Is she the mother of Cosmo?" I asked, naguguluhan pa rin at kinakabahan.
"She isn't. The Goddess of the Underworld is Cosmo's mother. That's why he's already this powerful even without unleashing his full potential yet."
"Is that what you meant earlier that he doesn't belong to us, Ina Dabria? Because he's the next Demon King?"
"That could be the case, but two of them are fighting for the throne. Lila also had a son with the Demon King. Natitiyak kong kaya binubuhos na ng diyosa at ng hari ang mga kapangyarihan nila sa paghahanap kay Cosmo ay dahil ito ang nais nilang magmana ng trono. Lila would not accept that, so she did give her all to push away Cosmo and erase all of his memories. But with the situation now, her spell and ours are surely no match with the powers of a goddess and the Demon King. It cannot be helped when it's broken anytime soon. They want their Crown Prince to return."
Napakuyom ako ng mga kamao ko. Naiinis ako na nagagalit na gustong maging makasarili. I want to be selfish and help Lila keep Cosmo with me, but... but...
My tears began streaming down my cheeks and to the floor.
I... I cannot accept it...
I want to keep Cosmo by my side forever.
I don't want him to leave me and return.
But...
But I am just a human fairy godmother...
Yes, I cannot die, but...
But...
I cannot have my beloved, too.
I have no match with a goddess and a Demon King...
Humagulgol ako nang humagulgol sa sakit na baka anumang sandali ay maubos na ang oras naming magkasama ni Cosmo. I still want to do a lot of things with him. I still want to show him how much I love him that I think this lifetime would not be enough to do it.
Malakas na hinampas ko ng mga kamao ko ang sahig nang paulit-ulit. "Bakit?! Bakit niyo siya kukunin sa akin?! Bakit ang damot-damot ng kapalaran sa akin?! Lahat na lang ng mga mahal ko ay inaagaw sa akin?! Hindi ba talaga ako pwedeng sumaya?! Bakit?! Bakit?!"
Kumapit ako sa bandang dibdib ng damit ko at nilakumos iyon habang humahagulgol pa rin.
Ang sakit-sakit lang...
Mahal na mahal ko si Cosmo, e...
"H-Hindi ko siya kayang ibigay... A-Ayoko..." umiiling na wika ko.
Natigilan ako nang maramdaman ko ang pamilyar na mga bisig na biglang pumulupot sa akin at niyayapos ako sa isang mahigpit at mainit na yakap.
"Hinding-hindi kita iiwan," bulong ni Cosmo bago ako mas niyakap pa. "Hinding-hindi."
My tears welled up more in my eyes, and then I just found myself crying my heart out on his shoulder as he kept gently caressing the small of my back to soothe me.
His promise was enough to assure me.
I will always believe him.
"I will die if you leave my side," muling bulong niya sa akin. "And this will be the unbreakable curse I cast on myself."
Namilog ang luhaan kong mga mata nang matanto kong... ginamit niya ang mga enchanted scale niya upang isumpa mismo ang sarili niya at nang sa ganoon ay hindi kami kailanman maghiwalay na dalawa.
"Cosmo..." umiiling at umiiyak na usal ko. "No..."
"Mamamatay akong ikaw lang ang mamahalin, Olly." He hugged me more as if never letting me go as he whispered, "Mahal na mahal kita, pangga."
•|• Illinoisdewriter •|•
Please vote and comment your thoughts. God bless!
Olly's OOTD: (whole chapter)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top