43: The Fairy Godmother Woos Her Beloved
43: The Fairy Godmother Woos Her Beloved
PAGDATING NAMIN SA east wing at paglabas sa House of Renwick ay naabutan namin ang panibagong hukbo ng mga kawal na naroroon at sinusubukang pigilan si Cosmo.
His hair was still down and loose, just like earlier, as if he had come all the way here right after I disappeared. Sa bawat galaw niya at sangga ay sumasaway sa panggabing hangin ang puti at mahabang buhok niya. His features looked soft and gorgeous, but his expression was mad and deadly.
He reverted to his Kitsune form from his Akamata form and summoned two fans, which he opened to fan away the invading troops. Strong gusts of wind from the fans swept them away in an instant. I did not know that he could summon two and use them that way. Buong akala ko ay panghampas lang iyong purpose no'n at pangtago sa mga ngisi niyang pilyo, mapanglait, o hindi kaya ay kapag kinikilig at namumula ang mga pisngi niya.
"Wow, he's so... beautiful."
Sinulyapan ko si Zennia sa tabi ko nang marinig ko siyang umusal no'n. Naabutan ko siyang manghang nakatitig kay Cosmo na nakikipaglaban pa rin. May partikular na kinang din sa kanyang mga mata habang nanonood dito. Mukhang alam ko na kung saan papunta ito...
Binalik ko ang atensyon ko kay Cosmo at sumigaw ng, "Pangga, nandito ako!"
I waved smilingly at him when he found me. He then quickly shifted into his Akamata form and pulled me away from there using his snake tail. Pinatalikod niya ako sa kanya saka niyakap ako sa balikat ko mula roon sa likuran at gamit ang kanang braso niya. The way he hugged me was so protective, as if he would never want to let me go.
Oliver raised his right hand to stop his soldiers from attacking us. Bakit feeling ko ay tingin niya sa posisyon naming dalawa ni Cosmo ngayon ay hawak ako nito bilang hostage?
He lowered his hand and asked coldly, "Paano nakapasok ang isang katulad mo sa Altus? Paano ka nakarating sa mundo naming mga bampira nang walang kasama at hindi napapaano?"
Naalala kong sinabi nga pala kanina ni Kalihim Sigor na delikado ang portal papuntang Altus sa mga nilalang na hindi bampira dahil sinusunog sila nito. In order to enter without worry, one must be a vampire or be accompanied by a vampire. Gaya nang ginawa ni Oliver na pagdadala sa akin dito. Kaya paanong nakapasok nga nang matiwasay si Cosmo rito gayong hindi naman siya bampira at mukhang wala rin siyang ibang kasama?
I heard Cosmo grimace behind me. "Masyado mo akong minamaliit at ang mga kaya kong gawin para sa diwata ko."
Nanatiling tikom ang bibig ni Oliver habang malamig na nakatitig sa nobyo ko.
"Boyfriend ka ba talaga ni Olly? Just to let you know, hindi pa huli ang lahat para magbago ang isip mo. Zennia Renwick nga pala," singit naman ni Zennia na nagawa pang magpakilala ng sarili niya sa ganitong sitwasyon.
Nanatili naman sa pagsusukatan ng tingin sina Oliver at Cosmo. Ramdam na ramdam ko iyong tensyon sa pagitan nila. I know that Oliver was strong, but to think that Cosmo came here without any vampire company meant something even stronger. Kahit ako ay hindi mawari kung gaano nga ba talaga kalakas si Cosmo, kaya ayokong mauwi ang tensyon na ito sa ibang bagay. Kikilos na ako upang pigilan ang kaya kong pigilang lumala.
"Oliver, uuwi na ako pero pinapangako ko sa inyong dalawa ni Zennia na tutuparin ko ang ipinangako ko kay Tita Helga. Poprotektahan ko kayong dalawa at tutulungan sa paghahanap sa tunay na pumatay sa kanya," sabi ko upang awatin sila.
"Never mind that. I can take care of myself, Zennia, and you," matamang aniya.
Naramdaman ko namang mas inilapit ako ni Cosmo sa kanya at niyakap pa. "No need. I can perfectly take care of my beloved fairy," saad niya rin sa tonong tila nang-aasar.
Malamig man ang ekspresyon ay nahuli ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Oliver. Mapapasapo ka na lang talaga ng noo sa isipan mo. Ano bang kahibangan ito?
Zennia suddenly broke the uncomfortable silence. She was really oblivious to the simmering tension between the two men. "Hindi ka na ba kakain dito, Cosmo? Bisita ka ni Olly kaya hayaan mong pagsilbihan kita."
"Maraming salamat, Zennia, pero uuwi na kami at baka nag-aalala na ang iba pa naming mga kasama sa Batibot," I retorted and smiled at them. "I promise, I'll update you on any information I get from my research about the Unseelie. For now, we have to go home to our family."
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay nagbagong-anyo na si Cosmo bilang Kitsune at binuhat ako nang maayos. He summoned his white Foxfires to transport us to the crimson skies of Altus, filled with spider webs, flying bats, and a moon in its fullest glory. Hindi ko maiwasang mamangha dahil bampirang-bampira talaga ang dating ng Altus. Tila ba ay hindi rin sinisikatan ng araw dito.
Cosmo opened a portal by throwing five of his enchanted scales in the air. Pumasok kami roon at kagyat na sinalubong nang matingkad na liwanag. Napapikit tuloy ako ng mga mata ko sa sobrang liwanag no'n. Sa muling pagdilat ko ay nakauwi na kami sa Batibot.
Sa may entrada ng Batibot kami bumaba ni Cosmo. He put me down when the portal behind us finally closed. Nauna siyang maglakad sa akin at nilampas ako.
"Pangga," tawag ko sa kanyang hindi naman niya pinansin kaya agad ko siyang sinundan. "May problema ba tayo? Bakit hindi ka namamansin?"
Hindi siya sumagot ni sumulyap man lang sa akin. Dire-diretso lang talaga iyong lakad niya, at sunod lang din ako nang sunod sa kanya.
"Cosmo!" I called him frustratedly when I stopped chasing him. "Bakit hindi mo ako sinasagot?! Bakit kung umasta ka ay para bang hindi mo ako nakikita rito?!"
Huminto rin siya sa paglalakad sa unahan ko at tinapunan ako nang malamig na tingin mula sa ibabaw ng kanang balikat niya. "Now you know how it feels to be ignored when you request to be seen and heard."
Natigilan ako roon at mataman siyang tinitigan. So, he was getting back at me for what I did?
Napapikit ako at sinapo ang noo ko habang nakapameywang din at bago ako nagi-guilty na yumuko. "I'm so sorry."
Mula sa punto de vista kong nakatutok sa may sahig ay nasaksihan ko ang pagpihit ng mga paa ni Cosmo paharap sa akin.
"Heto na naman tayo, Olly. Hihilingin ko sa iyong sabihin sa akin ang mga plano mo, makinig, at isama ako at mangangako ka namang gagawin mo pero lagi mong binabali. Tapos isang sorry mo lang, okay na ako kaya uulitin mo na naman. That doesn't seem fair, Olly! That isn't fair!"
Lalo akong napayuko sa paglalahad ni Cosmo ng mga saloobin niya sa akin. I was feeling really guilty. I did not know that my actions were making him feel this way. Although it was never my intention to do so, the damage had already been done on his part. Hindi ko aakalaing hahantong sa ganito ang mga hindi ko pakikinig sa kanya at ang mga misyong sinasarili ko. I did not expect that it would worry and pain him this much.
"Alam kong hindi ka natatakot sa kung anumang mga kahaharapin mo at sa kung saan ka man mapupunta. Pero, Olly, isipin mo naman kaming mga naghihintay at nag-aalala sa iyo rito palagi!" dugtong pa niya.
"I am sorry..." mahina at nagsisising tugon ko sa kanya.
Sa sobrang guilty ko ay iyon lang ang nakayanan kong sabihin sa kanya. I do not want to make promises again and break them later. Sa halip na sagutin ako ay tahimik na pumihit lang siya patalikod sa akin saka umalis na at iniwan akong mag-isa roon.
Galit pa rin talaga siya.
I have to make it up to him.
MAAGA AKONG NAGISING at naghanda kinabukasan. I arranged a handful of freshly-pricked tulips from the backyard garden. Nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Cosmo habang hinihintay siyang buksan iyon. Pagbukas ng pinto niya ay agad kong nilahad ang dala kong bouquet sa kanya. Pagkatapos ay sinungaw ko naman ang ulo ko sa gilid no'n.
"Love, sorry na," I sincerely apologized.
Seryoso pa rin ang itsura ni Cosmo. Apparently, he was not buying my apology again.
Napayuko ako nang makaramdam ako ng pangungulila at pagsisisi bago ako nagpatuloy sa pagsasalita, "Nakapag-isip-isip na ako kagabi. I guess I often do things solo because I am just used to being on my own after my parents' death. Kahit nand'yan iyong stepfamily ko ay madalas wala naman silang pakialam sa akin. I am left alone to do things for my own sake and benefit. Sa kagustuhan ko ring hindi kayo madamay ay nakalimutan kong nag-aalala at naghihintay din pala kayo sa akin. I am so sorry. I promise to always remind myself of our family here whenever I do something or go somewhere."
I heard him let out a deep sigh. "Sapat na sa aking malaman na may natutuhan ka sa mga nangyari. I also appreciate you telling me the truth about why you always prefer doing things on your own. Nag-aalala lang naman kami sa 'yo, Olly, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko kagabi. I am also sorry."
Napaangat ako ng tingin sa kanya nang hawakan niya ang mga kamay kong may dala no'ng bouquet saka hinila ako palapit sa kanya para sa isang mahigpit at mainit na yakap. My heart swelled with glee when he began tapping my head gently.
"There, there," masuyong bulong niya habang patuloy na ginagawa iyon na para bang hinehele niya ako at pinapakalma.
Sa halos isa at kalahating taon na naming pagsasama ni Cosmo, ang side niyang ito ang isa sa mga pinakapaborito kong discovery. I hugged him back and rested my left cheek comfortably on his chest. Ang pangalawang pinakagusto kong discovery sa kanya ay ito rin, ang marinig ang mabilis na tibok ng puso niya kapag ganito kami kalapit na dalawa sa isa't isa. I found that it beat and responded to the same rhythm as mine - love.
Mahal na mahal ko siya...
"Babalik ka pa ba sa Altus?" he suddenly asked while we were still hugging.
"Siguro, kapag ka inimbita nila ako para bumisita," sagot ko bago nagtatakang tiningala siya. "Kaya pala ng enchanted scales mong gumawa ng portal papunta sa Altus?"
Umiling naman siya. Napakunot tuloy ang noo ko dahil mas naguluhan lang ako ro'n.
"Hindi ko alam. Basta nabuksan ko na lang. Old Ginkgo even warned me that I could possibly be burned alive inside the portal since I'm not a vampire. Pero nagawa ko namang makapasok nang hindi nasusunog doon."
"Anong klaseng spell ba ang ginamit mo? Baka pwede talaga iyong magamit sa mga ganoon," suhestiyon ko namang inilingan niya rin. Ang gulo niya rin talaga minsan.
"Hindi ko alam," tugon niya at niyakap akong muli nang mas mahigpit pa na para bang ayaw niya akong makawala. "Basta ang natatandaan ko lang ng mga sandaling iyon ay kailangan kong gumawa ng paraan, at dahil natatakot akong baka hindi ka na makabalik pa sa akin."
•|• Illinoisdewriter •|•
Please vote and comment with your thoughts.🥰
Interaction 101: If Olly would grant you a single wish, what would it be?
Let's see baka ma-feature natin ang wish na 'yan. 😘
Olly's OOTD: (second scene to finish)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top