39: The Fairy Godmother Joins the Yokai Parade

39: The Fairy Godmother Joins the Yokai Parade

UMUWI NA TAYO.

Iyan lang naman ang sagot sa akin ni Cosmo nang sabihin ko sa kanyang mahal ko siya. Oh, 'di ba, hindi talaga assurance ng mutual feelings ang mukbangan ng lips.

Hanggang ngayon ay nakatagilid na higa pa rin ako sa kama ko. Alam kong tanghali na pero ayoko pang bumangon dahil ang bigat sa pakiramdam no'n. Gets ko namang baka hindi pa kami same feelings pero bilang babae, medyo masakit iyong dating ng mga salitang iyon matapos nang ginawa namin.

"Olly, tanghali na. Wala ka ba talagang balak bumangon d'yan?" tanong niya. Nakapasok na pala siya sa kwarto ko.

Mas binalot ko lang ang sarili ko ng kumot. "Pagod pa ako."

"May lagnat ka ba?" tanong niyang nahihimigan ko ng pag-aalala.

Lovesick.

Bago pa man ako makasagot ay tinanggal na niya ang kumot sa may bandang leeg ko upang sapuhin iyon gamit ang likod ng palad niya. "Wala ka namang lagnat. You also didn't go overboard with regeneration, right? Bumangon ka na r'yan at kumain."

Come on, Olly. They can care for you but still not feel the same way as you do. Matuto ka na, naku.

"Mamaya na ako," sagot ko at muling tinakpan ang leeg ko no'ng kumot.

I heard him sigh before saying, "Lalamig iyong pagkain mo."

"Iinitin ko na lang."

"Himalang hindi malakas ang kain mo ngayong araw, ha."

"Please make it double," sabi ko sa kanya.

"Halika na."

Hinuli niya ang kamay ko at pinilit akong bumangon saka kinarga sa isang balikat niya. Argh, nakakainis! Hindi ito ang gusto kong pagkakakarga!

"Grabe, Cosmo, ang pangit mong magbuhat! Walang ka talagang ka-taste-taste!" reklamo ko.

He swiftly moved from carrying me like a sack of rice to carrying me bridal style. Gulat at tulalang ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya upang kumapit.

"Happy?"

I blinked three times quickly as I kept staring at him. "What..."

Umiwas naman siya ng tingin at mas inayos pa ang pagkakakarga sa akin. "Inayos ko lang ang pagkakakarga sa iyo."

Yeah, right. Napasimangot ako pero hinayaan ko na lang siyang buhatin ako papuntang shop. Bago kami pumasok sa kitchen kung saan naroroon ang iba pa ay minanduhan ko na siyang ibaba ako dahil nakakahiya palang makita kami ng iba sa ganoong posisyon. Although I am pretty positive that they are aware of my feelings for Cosmo, I still do not want to do PDA in front of them. Lalo na at ako lang ang may feelings pa sa aming dalawa.

Pagpasok ko roon ay agad kong pinagpiyestahan ang naiwang brunch para sa akin. Gutom pala talaga ako. Next time ay uunahin ko na muna ang pagkain bago ang pag-ibig. No matter how lovesick I could get, I should never forget to eat to ease my heavy feelings.

"Hala, ngayong araw na pala iyong Lantern Festival sa Yonder! Madalas kaming bumisita roon ni mama at sumama sa Yokai Parade," dinig kong pagkukuwento ni Chica sa mga spirit bubwit habang kumakain ako.

"Oo, balita ko ay isa iyon sa mga pinakadinarayong selebrasyon nila sa Yonder," sabi pa ni B1.

Sinubo ko ang huling piraso ng pancake na nakatusok sa tinidor ko bago ako nakisali sa usapan nila. "Gusto niyong pumunta tayo roon?"

Gulat na napalingon naman sila sa akin at umiling-iling pa. "Hindi na po, Lady Olympia! Isa pa po ay walang maiiwan dito sa shop," paliwanag pa ni B2.

I narrowed my eyes into slits and smiled at them playfully. "Sus, alam kong gusto niyo kaya gogora tayong lahat at pansamantalang isasara muna itong shop."

"Pero p—"

"I don't accept no for an answer. We will all go there and enjoy."

NAGKULOT PA AKO ng buhok para sa Lantern Festival bago nagsuot ng light brown na sombrero. This will be my first time attending such an event, which I've usually seen only in Chinese dramas before. Ngayon ay mararanasan ko na talaga siya rito.

Nakahanda na kaming lahat upang tumungo sa Yonder sakay ang kalesa ko. Si Cosmo ang nagmamaneho no'n at kasama naman niyang nakaupo sa harap sina Old Ginkgo at B2. B1 sat with me, Chica, and Momo in the backseat.

Pagdating namin sa Yonder Market ay bumili muna kami ng mga lantern. Ibinahagi sa akin ni Chica na dapat daw naming isulat ang mga kahilingan namin sa lantern na iyon. She said that we will be joining the Yokai Parade first, and we will stop by the destination at the end to fly all of our lanterns.

Pagkatapos naming magsulat ng mga kahilingan namin ay sumali na kami sa parada ng mga yokai dala-dala ang mga lantern namin. Cosmo kept guard at my side as some yokai and spirits seemed to be drawn to my espiritus vitae and wanted to devour me. Ganoon din ang ginawa ng mga spirit bubwit ko sa kabilang banda ko naman. Si Chica, Old Ginkgo, at Momo lang yata ang nakapokus sa pag-e-enjoy sa harap.

I puffed my cheeks before letting out a sigh. "B1, B2, Cosmo, you don't have to do this. You should enjoy the event. Hindi ba ay nandito tayo para ro'n?"

"Pero po kasi baka anong gawin ng iba sa inyo rito, Lady Olympia," nag-aalalang wika ni B2.

"B1, B2, ako nang bahala sa kanya. You should join the others in front and enjoy the event," Cosmo encouraged them. Saka pa lamang napanatag ang dalawa at tumango bago sumunod kina Chica. Si Cosmo talaga ang higit nilang pinagkakatiwalaan sa lahat.

"Tawagin niyo lang po kami kapag may kailangan po kayo, Lady Olympia, Master Cosmo," kumakaway na paalala pa sa amin ni B1 bago tuluyang umalis.

I smiled and nodded my head at him. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. The parade was joined by many yokai of different forms, kinds, and origins. Gaya namin ay may dala rin silang mga lantern. Hawak namin ang mga iyon nang mahigpit upang hindi lumipad dahil may sindi na ang mga iyon. Naglakad kami mula sa Yonder Market papunta sa destinasyon naming lahat – ang Yonder Bridge na siyang kinaroroonan ng malaking puno ng buhay na siyang nangangalaga umano sa buong Yonder.

The main purpose of celebrating this festival and doing this parade was to honor the life and prosperity in Yonder granted and guarded by this tree. Humor has it that this event could also grant wishes, pero namimili lang daw ang puno ng mga hiling na tutuparin nito. No criteria were mentioned because the Yonder Tree just grants wishes based on its own will.

Binaba ko ang tingin ko sa lantern ko. I do not know what else to wish for when I am this happy and contented, so I just wrote 'world peace'. Kahit na hilingin kong mahalin din ako ni Cosmo ay alam kong hindi magiging tama iyon. I want him to love me the way I love him without any sorts of magic.

Nang may maalala ay sinubukan ko ring silipin ang lantern niya para tingnan ang isinulat niyang hiling doon. Mukhang napansin niya ang binabalak ko dahil inilayo niya iyon mula sa akin. However, his attempt was in vain because I already saw it. Mabuti na lang at matalas ang mga paningin ko.

"You didn't write anything on your lantern," I pointed out.

"Hindi ko alam ang hihilingin ko," pag-amin niya.

Hindi na ako nagulat dahil naiintindihan ko siya. I mean, that was what I felt when writing mine. I could hardly think of anything for myself as I felt contented with everything I had even though it was far from perfect. Siguro ay dahil ganoon talaga sa buhay. You just cannot have it all. Perhaps what we often do not understand is that life wants us not to have everything but to learn to be satisfied and grateful for what we already have. Minsan kasi ay sa sobrang paghahangad natin ng mga bagay-bagay ay nakakalimutan natin ang mga yamang mayro'n na pala tayo.

"Sus, huwag ka nang mahiya," saad ko sabay bangga ng braso ko sa kanya, nangungulit. "Pwede mo naman akong hilingin," biro ko pa sa kanya.

Ngumisi naman siya bago ako sinulyapan. "Do I really have to?" pang-aasar niya rin.

Napangiwi ako kasi nadali niya ako roon. Oo na, oo na! Ako na iyong patay na patay sa kanya! Kailangan niya pa talagang ipamukha sa akin.

"What's with world peace?" tanong naman niya sabay nguso sa lantern ko.

I gazed down at my lantern. "You know, I even doubt if magic could really solve this."

"At bakit hindi?"

"Because peace is not something you just ask for. It is something you have to work on consistently. Hindi isang pwersa lang ang kailangan dito. In order to achieve peace, you need all the forces in the world to cooperate and to find harmony in differences."

"So, why are you asking for such an impossible wish?"

I looked at him and smiled. "Because no matter how impossible it seems, I still have faith that it will really happen. Even if it takes me forever, I will keep hoping for it."

He clicked his tongue before directing his attention in front, and then he said under his breath, "You and your words."

"Why?"

"Nothing. I just feel like they always have magic in them that never fails to bewitch me, both body and soul."

My heart suddenly did a backflip after hearing his words. Is he complimenting me or just confessing? I shook my head inwardly. Nahihibang na siguro ako kaiisip sa mga kilos at salita niyang laging hindi magkatugma kaya nabibigyan ko ng iba't ibang pagpapakahulugan. Pero nakamamangha at nakatutuwa talagang mapuri niya nang ganito. Ang sarap lang sa puso...

I LET GO of my lantern and clasped my hands together as I watched it float through the night sky with the others. The lanterns painted the night skies beautifully as they shone brightly.

"Ang ganda..." manghang usal ko habang nakatitig pa rin sa kalangitan.

"Olly."

Napabaling ako kay Cosmo nang tawagin niya ako. Kaagad kong nasalo ang mga mata niyang tila kanina pa nakatutok sa akin. "Bakit?"

"Did you mean it?"

"Ha?" naguguluhang balik ko sa kanya.

"About what you said last night."

I smiled when I realized that he was referring to my confession. I lifted my hand to reach my chest and said, "With all of my heart."

Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. "I am an odd with an unknown origin. What do you even find worthy in me?'

"Marami akong pwedeng isagot pero ito na lang ang sasabihin ko. Because I see you, Cosmo, the real, honest you, and I love it. I love you."

He looked at me intently this time, his eyes soft and vulnerable. He suddenly grabbed my wrist and pulled me into a tight embrace.

"Mahal rin kita, Olly," he whispered, and I just felt my whole world stop.

•|• Illinoisdewriter •|•

You are truly helping me a lot by voting for this chapter and sharing your thoughts. God bless! 🥰

Olly's OOTD: (second scene to finish)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top