36: The Fairy Godmother Pens Love Notes
36: The Fairy Godmother Pens Love Notes
BAGO MATULOG AY binasa kong muli ang liham-tugon ni Lady Aurora sa akin. Isinangguni ko kasi sa kanya ang iilan pang mga katanungan ko at concerns ni Cosmo. Binalikan kong muli ito upang paalalahanan ang sarili ko sa kung sino talaga ako.
I inquired on the letter if I had a fairy blood, given that Nanay Olivia was actually a fairy. Ang sagot naman ni Lady Aurora ay may malaking posibilidad na hindi raw naipasa ni nanay sa akin ang dugong diwata niya lalo na at isinilang ako na mortal na buo na si nanay. Pakiramdam ko ay totoo rin ito. The Latin spells of that exorcist I had encountered did nothing to me. Ibig sabihin ay wala nga akong dugong diwata sapagkat tumatalab lamang iyon sa mga supernatural na nilalang at hindi sa tao. So, I am completely a healthy human being with odd abilities.
Pangalawa, which was Cosmo's concern that he shared with me, about me being capable of wielding both life and death magic using Ina Dabria's fairy powers. Ang paliwanag niya kasi ay kaya mukhang abandonado ang Batibot noong unang dating ko rito ay dahil kailanman ay hindi natutubuan ng kahit na anumang halaman si Ina Dabria kahit gustuhin man niya at kahit anumang gawin niya. It was simply because her powers of summoning and controlling specters were the so-called power of death. On the contrary, growing plants and flowers also belonged to the power of life. Hindi maaaring magsama ang dalawa.
Dahil sa kakayahan kong iyon ay agad napagtanto ni Cosmo na isa akong odd. Hindi naman nila aakalaing ako pala ang pinaka-odd na makikilala nila. I am a mortal with fairy powers and supernatural hunting and exorcism origins. My qualities and features were all contradicting, not to mention an enemy to one another. They were the ones making me the oddest of them all.
Ang sabi naman ni Lady Aurora tungkol doon ay maaari raw na ang power of life na mayro'n ako ay side effect ng sumpa sa akin ni Ina Magenta. Labag kasi talaga iyon sa batas naming mga fairy. My unexpected ability, which I probably inherited from Nanay Olivia's remaining powers, was the undesirable effect of Ina Magenta's curse. Of course, undesirable sa part niya at hindi sa akin. Lady Aurora also told me that there might be something more to it that we all do not know yet. The side effect explanation to my odd ability could be one, but something stronger could have augmented that. Hindi ko alam kung ano iyon, pero natitiyak kong magkakaroon din ng linaw lahat pagdating ng tamang panahon.
Nag-stretching muna ako ng mga kamay ko bago ko kinuha ang ballpen at scented paper na kinuha ko mula sa shop para sa pen pal serye namin ni Lady Aurora, at siyempre ay para na rin sa panliligaw ko kay Cosmo.
"Okay," usal ko at sinimulan na ang pagsusulat ng love note na ibibigay ko kay Cosmo bukas.
Love letter sana kaso ay mas maikli at mas madaling ihayag kung love note. Tamad pa namang magbasa iyong isang 'yon kaya kahit ayaw niyang basahin ay mababasa niya pa rin ang ginawa ko dahil maikli lang iyon.
Cosmo,
Fairy ka ba?
Kasi feeling ko fairy ka talaga sa akin. ♡
Napahagikhik ako sa isinulat kong pickup line. Iniisip ko pa lang ang reaksyon niya ay natutuwa na ako. Puwes ay malalaman natin iyan bukas.
PAGKABIHIS KO AY una ko munang pinuntahan ang kwarto ni Cosmo. I brought with me my love note and some freshly picked flowers from the backyard. Sinimot ko muna iyon at nasiguro kong mabango nga, amoy nakaka-in love, charot!
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang araw ko na itong iniiwan sa may pinto ng kwarto niya bago ko simulan ang araw ko sa Batibot. Bago pa man ako makaalis ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya agad kaming nagkatinginang dalawa. Maagap naman akong ngumiti sa kanya.
"Good morning, Cosmo!"
Namilog ang mga mata niya at mabilis na pinalitaw ang pamaypay niya upang takpan ang bibig niya sabay iwas ng tingin sa akin. Pagkatapos no'n ay pinulot naman niya ang mga iniwan ko sa sahig sa labas ng kwarto niya.
"You don't have to do this," aniyang hindi pa rin makatingin sa akin.
"Siyempre ay gagawin ko iyan dahil nililigawan kita."
Lalo pa siyang umiwas ng tingin sa akin. Bakit ba kapag ganito ay hindi siya makatingin nang diretso sa akin?
Napanguso ako nang maisip na baka nahihirapan siyang i-reject ako dahil amo niya ako.
"You should give me your answer. Tatanggapin ko kahit ano pa 'yan at igagalang. But you have to take your time and weigh your feelings. Willing to wait naman ako kahit gaano pa katagal 'yan at anuman ang maging sagot mo," paalala ko sa kanya. "This was the first time I felt something like this to someone. Nangako rin ako sa mga magulang ko na mabubuhay ako nang masaya. And I want to live happily and spend my ever after with the one I love."
Doon naman siya napatingin sa akin kaya nginitian ko siya. "Let's go? Baka hinihintay na nila tayo sa shop."
"Sandali lang," sagot naman niya at tinalikuran ako.
He left the door open, so I was able to take a peek of what he was doing inside his room. Noong una ay nasorprisa ako pero kaagad din namang napalitan iyon ng tuwa. He was putting inside a porcelain vase the flowers I picked for him. Marami ang nandoon, and then I realized that the flowers I gave him everyday were placed there. Iyong mga nalalanta lang ang tinatanggal niya. Sa gilid naman ng vase na iyon ay may maliit na box na may intrikadong desenyo. Doon naman niya nilalagay ang mga love note na ibinibigay ko sa kanya. Bukod doon ay napansin ko ring napakalinis at napakaayos ng kanyang silid. His squeaky-clean room greatly reflected his skillfulness in chores. May mga gamit doon pero hindi magulo. In fact, the oriental interior design was in harmony and pleasing to the eye as it masterfully complimented each element and item.
Sa shop ako nanatili ng araw na iyon at tumulong. Balik na naman kasi sa dati na walang masyadong humihiling. Nadala na siguro iyong mga sumusubok na humiling ng mga hindi kaaya-aya kaya hindi na umulit pa.
Maulan at malamig din ang panahon kaya malamang ay nagpapahinga ang karamihan sa mga spirit dahil iilan lang ang mga customer namin sa araw na iyon. Minabuti ko na lang din na magsuot ng cardigan upang medyo balot ako mula sa ginaw ngayong araw.
Old Ginkgo and Momo occupied one of the vacant tables to play some board games while drinking tuba. May pulutan pang ibinigay si Chica sa kanila. Iba talaga.
Hindi nagtagal ay nakisali na rin si Cosmo sa kanila na dinala naman ang paborito niyang sake upang pagsaluhan nila sa inuman. Their drinking session went on for hours, but it was alright because we only had a few customers to deal with today.
"Cosmo!"
Napalingon kaming lahat sa lasing na si Momo dahil sa lakas ng boses niya. May maliit na piraso nang nilakumos na papel siyang binabasa. Naniningkit pa ang mga mata niya na animo ba ay sinusubukan niyang ipokus ang atensyon niya sa binabasa.
"Odd ka nga talaga!" pagpapatuloy niya pa.
Namilog ang mga mata ko nang matanto kong isa iyon sa mga love note na ginawa ko para kay Cosmo! Dapat nasa basurahan na iyon, e! Draft ko kasi iyon!
"Kasi I odd-mire you!" Linteee! At pasigaw pa talaga niyang binasa iyon!
"Hart! Hart!" Humagikhik ang drunken master na si Momo at humugot pa ng isang nilakumos na love note. Saan niya ba nakukuha ang mga iyan?!
"Cosmo! Kitsune ka ba?! Kasi Ki—"
Mabilis pa sa alas-kuwatro na hinablot ko ang mga iyon mula kay Momo. Sobrang init na ng magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Si Cosmo naman ay kahit namumula na ang mga pisngi sa kalasingan ay tumungga pa nang sunod-sunod.
"Saan mo ba nakuha ito, Momo?!" tanong ko sa kanya.
"Sha bashurahan..." lasing na tugon niya sa akin. "Shayang ang likod. Vakante fa, fuwede ko pang gamitin sa shuwertres..."
Hindi lang pala drunken master ang main shikigami ko kundi sugalero pa. Hay naku!
"Huwag mo nang kunin iyong mga nakalukot sa basurahan ko. Bibigyan na lang kita nang malinis at bago sa susunod," bilin ko sa kanya.
"Wokie," mahinang tugon naman niya bago binagsak ang mukha niya sa lamesa.
Napahalakhak naman si Old Ginkgo at marahang tinapik sa ulo ang shikigami kong parang malaking dumpling.
"Unang bumagsak!" hayag ni Old Ginkgo. "Cosmo, kaya mo kaya akong talunin dito?"
Umismid lang si Cosmo at nagpatuloy pa sa pag-inom. Napabuntong-hininga na lamang ako nang matanto kong nagpapaligsahan pala sa inuman itong mga ito. Makaraan ang ilang oras ay napansin kong bagsak na rin si Old Ginkgo. I asked B1 and B2 to take him back to his Ginkgo Tree for him to rest. Pinakisuyo ko na rin si Momo sa kanila na dalhin sa kwarto upang makapagpahinga na rin.
Ang Cosmo naman ay kahit anong gawin niyang laban sa antok niya ay alam kong lasing na rin. I heaved a deep sigh and walked towards him.
"Chica, ang mga manika mo na muna ang bahala sa pagliligpit dito ha? Ihahatid ko lang sa kwarto niya ang isa sa three drunken masters para makapagpahinga na," bilin ko kay Chica na umiinom naman ng hot choco na ginawa niya. Babalikan ko na lang iyong akin mamaya.
Tumango naman ang bata at nginitian ako. "Kami na pong bahala rito, Lady Olympia."
Ipinatong ko ang isang braso ni Cosmo sa balikat ko at pinilit siyang kargahin. Mabigat siya pero keri lang. Kalaunan, habang nasa may koridor na kami papunta sa kwarto niya ay hiningal na ako nang sobra. Ang bigat niya!
Inihiga ko muna siya sa sahig saka ko siya hinila sa mga kamay niya sa ganoong posisyon. Sorry, Cosmo, hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko ay maagang mababali ang buto ko sa likod dahil sa 'yo.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay muli kong isinukbit ang braso niya sa balikat ko upang makarga ko siya kahit papaano dahil may anim na bahagdan pa kaming dadaanan bago tuluyang makarating sa kama niya. Alangan namang pahigang hilahin ko pa rin siya roon.
"Yes!" I screamed in joy and success when I finally laid him on his bed. "Sa wakas!"
Nagitla ako nang biglang hulihin ni Cosmo ang kaliwang palapulsuhan ko at hinila ako pahiga sa kama niya. My eyes widened in extreme surprise when he pinned my wrists on his bed and then, he laid on top of me.
"C-Cosmo," tawag ko sa kanya. "Hoy, umayos ka! Rated PG tayo!"
He did not listen to my banter and just dipped his head closer to mine. Sa namumungay na mga mata ay tiningnan niya ang mga labi ko at pagkatapos ay inangat niya ang tingin niya papunta sa mga mata ko. Halatang hindi pa rin siya nahihimasmasan sa kalasingan niya.
"Olly..." mahinang tawag niya sa akin. "How strange..."
"Bakit?"
"You're still not my type," he whispered, his hot breath against my lips.
May kung anong masakit ang tumusok sa puso ko. Malamang ay ito na iyon. Hindi niya masabi sa akin nang diretso kaya ngayong lasing siya ay saka pa lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa aking ayaw niya talaga sa akin.
Sa tuwing tinatakpan niya ang bibig niya ng pamaypay niya sabay iwas ng tingin sa akin ay ramdam kong iniiwasan niya lang ding aminin sa akin ang katotohanan upang hindi ako masyadong masaktan. It seemed likely that whenever he did that gesture, he was just trying to avoid me as he finds it difficult to break it to me directly and gently that he doesn't and would never like me. He just did not want to hurt my feelings. It hurts but I have to respect his fe—
"But most of the time, I just find myself wanting to spoil you rotten and ruin you so that only I can have you," he whispered again.
I just stared at him dumbfounded and with my freaking heart, not much of a help. It was beating fast, furious, and hot in shock and anticipation. He inched closer, but before he could reach my lips and my heart burst, he buried his face in my neck and lightly snored there.
•|• Illinoisdewriter •|•
Please vote and share your thoughts. They will truly help me a lot. Thank you, and God bless! 💖
Olly's OOTD: (second scene to finish)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top