35: The Fairy Godmother Saves the Water Rabbit

35: The Fairy Godmother Saves the Water Rabbit

GAINING MY INDEPENDENCE posed both advantages and disadvantages on my part. The pro, dumami na ang mga humihiling sa akin. The con, they asked me to grant them their worst to most dangerous wishes. Karamihan sa kanila ay humihiling ng sumpa. Mukha ba akong mangkukulam na si Ina Magenta?! Ha?!

"I want to curse so—"

Argh. "Thank you, next."

"Gusto kong sumpa—"

"No deal," I cut him off immediately.

"I want you to kil—"

"Pass!"

Ano bang akala nila sa akin? Kung hindi mangkukulam ay hitman naman?!

Napahilot ako ng sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga ganitong hiling. May isa pang wisher na nagalit at sinigawan akong, "Wala talagang kwenta ang mga taong tulad mo! Masyado kayong malalambot!"

Napangiwi na lang ako roon. Kung alam mo lang.

Naubos na iyong pila at ganoon pa rin, wala pa rin akong tinutupad na kahit na anumang kahilingan. Doesn't mean I am on my own now, I would be irresponsible. I will grant wish at my own discretion, and that all the more means I have to be extra careful. Kailangang hindi ako magpadalos-dalos. Although I cannot die outside of old age causes, I still could not risk my reputation as a fairy godmother. Dala-dala ko pa rin kasi hindi lang ang imahe ko kundi ay pati na rin ang kay Ina Dabria na siyang pinagkakautangan ko nang malaki. This should be my way of giving back to her at the very least.

Lugmok man dahil naubos na ang lahat ng mga pumipila ay hindi ako naghihinayang na wala akong hiling na tinupad ni isa sa kanila. Pumasok si B1 sa confessional upang ipagbigay-alam sa amin ang pagdating ng isang panauhin.

"Pacifica, my friend!" masiglang bati ko sa bisita pagdating ko sa living room.

Tumayo siya at niyakap ako agad. She was in her human form. Nakangiti man ay bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya pagbuwag namin sa aming yakapan.

"Can I wish for you to help me?" malungkot na tugon niya.

Bigla rin akong nabahala dahil ang madalas na masayahing si Pacifica ay ganito ngayon at kabadong-kabado saka matindi ang pag-aalala.

"Of course, you are welcome to wish here. Halika at maupo muna tayo roon," inaya ko siya sa may chabudai kung saan nakahanda na ang mga meryendang dinala ni Cosmo.

Natakam ako agad pagkakita ko sa slices ng blueberry cheesecake at iced tea sa ibabaw no'n, tig-iisa kami ni Pacifica. Pero pinaalalahanan ko ang sarili ko na magpokus muna sa diskusyon namin ng kaibigan at mukhang kailangang-kailangan niya ako.

Sabay kaming naupo nang magkaharap doon sa chabudai at nagsimulang mag-usap.

"Pwede mo bang ikuwento sa akin ang lahat?"

Tumango naman si Pacifica. "May reklamo kaming natanggap mula sa isa sa pitong karagatan namin. There was an armed sailboat roaming for days in there. Buong akala ng mga nakasaksi ay may VIP lang na lulan no'n kaya maraming armadong mga lalaki ang nandoon. Pero nalaman na lang naming nagtatagal sila nang ganoon doon ay dahil may hinahanap at hinihintay pala silang dukutin."

"Dukutin? And the culprits are humans, right?'

Tumango naman si Pacifica bilang tugon. "They caught and abducted one of the water rabbits living there. The sea creatures guarding that seafloor fought them, but they were overwhelmed by the number of their firearms. Maraming sugatan sa mga lumaban. Isa pa ay may kasama silang may kakaibang abilidad."

"Could it be another yokai or beast?"

To my surprise, Pacifica shook her head. "Ang sabi ng mga nakasaksi ay tao raw subalit may inuusal niyang mga salitang hindi namin mawari."

Sumeryoso ako nang marinig iyon. "Latin incantations. Ano pang iba nilang napansin?"

"Nagulat ang mga tauhan namin sa kung paano nagagawa ng mortal na iyon ang makagamit ng mahika. The one he was using was kind of dangerous to my kind, so they retreated."

"It's not magic. It's what we call the mysterious art of the supernatural. It takes a great deal of training to master such art. The one they encountered was probably an exorcist," I informed Pacifica of my hunch. "May impormasyon na ba kayo kung anong gagawin nila sa water rabbit?"

"May hinala ang mga sage namin na dahil nalalapit na ang pagbabago ng taon at dahil ang mga water rabbit ang panibagong mga tagapagbantay no'n ay pinagkainteresan nila ito sa pag-asang uulanin sila ng suwerte."

Tahimik na ibinaba ko ang tingin ko sa sliced blueberry cheesecake at napaisip. I also began drumming my fingers as I thought hard. I have heard about this kind of issue before. Syndicates commissioned by businessmen hunted and farmed spirits to grant them more wealth. Now that it had something to do with the coming new year, they might probably think of attracting fortune by abducting and keeping a spirit who will be guarding the new year. Ordinary mortals cannot see nor even catch spirits, so I was positive that they enlisted the help of some exorcists to do it.

I stopped drumming my fingers and looked up to smile at her. "Tell me your exact wish, and I will gladly grant it."

"Please help me save the water rabbit in the mortal world. Kami na ang bahala sa paglalagay nang mas matibay na spell barrier sa seven seas," sagot naman niya.

"Then your wish is my command."

Nagpaalam kaagad si Pacifica na may mahalagang pupuntahan pa kaya kinailangan na niyang umalis. Kagyat na lumamon ako at nanghingi pa ng dalawang dagdag na slice ng blueberry cheesecake kay Cosmo pag-alis niya. Gosh, kanina pa ako nagpipigil na gawin ito. Ang sarap talaga, ah!

"Dahan-dahan lang, Olly. Hindi ka naman mauubusan niyan!" saway sa akin ni Cosmo.

Tinanggal ko pa ang orange blazer ko para mas makakain ako nang maayos at hindi ma-feel na medyo sumisikip na ang suot ko.

"Kailangan ko ng maraming energy para sa rescue operation na gagawin natin," I reasoned out before eating the piece on my spoon.

"Alam mo na ba kung saan hahanapin iyong water rabbit na dinukot?"

"Hindi pa pero kailangan nating maghanda dahil mga sindikato ang tiyak kong kahaharapin natin. Talamak ang mga 'yan sa mundo ng mga tao, and I already made you aware of what humans can do for power."

When I say power, it does not necessarily mean magic power. I am referring to political, economic, religious, and other power that they think could help drastically improve their lives alone. They always sought out something that would further their self-interest. Bibihira lang ngayon ang mga taong handang isakripisyo ang lahat ng ito para sa kabutihang-panlahat.

"Cosmo," tawag ko sa kanya nang mabusog na ako. "Alam mo ba kung paano gumawa ng origami?"

With a poker face, he stretched his arms to give me a complete view of his nagagi and to make me realize how much of a fool I am for not noticing quickly the kind of culture he has grown accustomed to. Of course, he knows how.

Napairap na lang ako at sinabing, "Can you please make me a bird origami?"

COSMO MADE SEVERAL bird origami for me. Isa lang ang kailangan ko kaya isa lang din ang kinuha ko. I hung the others in the shop for decoration and for future purposes. Nagbihis na rin ako ng mas komportableng damit at nag-ayos para sa inaasahan kong bakbakan dahil tiyak kong hindi sila madadaan sa mabuting usapan.

Hawak ko na sa parehong palad ko ang kulay blue na bird origami na ginawa ni Cosmo. I would be using the mysterious art of pathfinding through it. Being honest with my Batibot family about my real identity gave me more courage and confidence to do the things I am capable of just to help them. This time, I would not have to rely much on Cosmo as my powerful familiar. I just wanted him to be by my side.

"Ostende mihi vita," usal ko sa Latin.

Mayamaya pa ay biglang gumalaw ang bird origami sa mga palad ko hanggang sa unti-unti na niyang pinapagaspas ang mga pakpak niya at lumipad upang ituro sa amin ang daan papunta sa hinahanap namin.

"We have to follow it. I used the mysterious art I have learned from the supernatural priestess," hayag ko bago nakangiting binalingan si Cosmo. "I promise you, hindi na ako magiging pabigat pa sa 'yo."

"Tsk..." aniya sabay iwas ng tingin sa akin. "I don't mind it, though."

"Siyempre ay kahit na girlfriend mo na ako, strong independent woman pa rin ako."

Napatingin siya sa akin dahil doon, nakakunot na ang noo. "Wala akong natatandaang pumayag na ako."

Wow, make way for the new pakipot. Napanguso naman ako at sumimangot. Ayaw niya talaga sa akin. Pero ika nga nila ay never say die, tomorrow is another day to fall in love!

Sumakay na lamang kami ng Foxfire niya at sinundan ang bird origami na lumilipad. Nakababa na kami ng bundok at nasa downtown Ravello na rin. Mabuti na lang at gabi na kaya hindi kami agaw-pansin habang lumilipad sa alapaap.

Nang huminto sa tapat ng abandonadong building ang bird origami ay bumaba na rin kami ni Cosmo mula sa Foxfire niya. He helped me down first before he got rid of them.

Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga matapos tingalain ang abandonadong building. As usual, dito talaga ang hideout ng mga mortal na kriminal. Bakit pa ba ako nagugulat?

"Olly, magtago ka sa liko—Olly!" sigaw ni Cosmo nang mauna na ako sa kanya sa loob.

Tinulak ko ang sira na at malaking double doors ng building. I then clasped my hands together and posed them as if mimicking a gun.

"Taas ang mga kamay!" sigaw ko.

Mabilis pa sa alas-kwatro na itinaas ng mga miyembro ng sindikatong nagtotong-its ang mga kamay nila sa ere sa sobrang gulat. Pati iyong maliit na lamesang pinaglalagyan ng mga baraha ay natumba rin dahil sa sobrang pagkakataranta nila.

"At iwagayway." I also raised my hands and sang, "And say woah, woah! Woah, wo—"

Hindi ko natapos ang sinasabi dahil nahampas na ako ni Cosmo ng pamaypay niya sa ulo. "Pati ba naman dito, Olly?" madiin at halatang naiinis na saad niya.

"Paano kayo nakapasok dito?!" tanong ng isang lalaki nang makabawi.

Hinugot niya ang baril na tinatago niya mula sa likod nang kupas niyang pantalon at itinutok sa amin. Ganoon din ang ginawa ng iba pang mga kasama niya. Even before they could fire it, Cosmo transformed into his Akamata form and slithered his way to them to swiftly snatch their firearms.

"Ikaw na munang bahala sa kanila," bilin ko sa kanya at nagsimula nang maglakad paalis doon. "Scare them to their wits until you make sure they're too frightened to do something as stupid as this again."

"Mag-iingat ka," paalala niya rin sa akin.

Itinaas ko lang mga kamay ko sa tuktok ng ulo ko at pinaghugis puso iyon nang hindi siya nililingon at habang nagpapatuloy ako sa paglalakad. I should not watch him fight as it is part of our mistress-familiar contract, so kahit kiligin ako ay hindi ako pwedeng lumingon.

Now I just have to find and save the water rabbit, then meet that careless exorcist. Pag-apak ko sa pangalawang palapag ng abandonadong building na iyon ay kaagad akong sinalubong ng isang kutsilyong sadyang hinagis sa banda ko. The place was so dark, so I could not quite do my calculations because I could hardly see. Kaya nagawa rin ng kutsilyong iyon na gasgasan at sugatan ang pisngi ko.

May narinig akong humalakhak mula sa dilim. "One more step and you will die."

I simply ran my index finger through the slice of my skin in the cheek, wiping the blood there before it morphed back to normal. Pinunas ko lang din iyong dugong nakuha ko sa hintuturo ko gamit ang hinlalaki ko.

Natahimik siya sa puwesto niya dahil malamang ay nakita niyang gumaling lang agad ang sugat na natamo ko. He might be thinking by now that I was beyond human. I was right because he quickly chanted a spell in Latin.

"Combustum."

Napahagikhik ako. Sinusubukan niya akong sunugin, shet.

"Anong klaseng nilalang ka at bakit hindi ka tinatablan?!" asik niya mula sa kung nasaan man siya.

"Tao ako, oy," sagot ko naman. "Give me the water rabbit."

"Ayoko! Glacio!"

I just sighed loudly so that he could hear it. "Hindi nga eepekto sa akin 'yan dahil tao ako. The mysterious art practiced by exorcists could only be effective to humans when they are possessed, which clearly, I am not. Give the water rabbit now. One..." I began counting, both warning and pressuring him.

"A-Ano..."

Amateur.

"Two..." pagpapatuloy ko sa pagbibilang.

"T-Teka lang..."

"Ibigay mo na."

"Ayoko! Hahatian na lang kita sa kikitain ko rito!"

"Three," I whispered, before positioning my arms as if holding an invisible bow and arrow.

The supernatural priestess told me that, unlike normal exorcists, I could draw some powers from my espiritus vitae since it was stronger than anyone else's because of the essence of those creatures I have consumed before. Meaning, I could make out any weapons using only my spiritual force. This may seem invisible to the eye of others, but it surely works the same way.

I let go of the spiritual arrow and, after a second, the amateur exorcist dropped to the floor and the moonlight gleamed through the broken windows of the second floor again. Gumamit kasi siya ng spell upang padilimin ang buong paligid at siya lang makakakita.

When I saw him fully, I noticed that he was just an ordinary man in his 30s. The arrow struck him in the chest. Dahil spiritual arrow lang iyon ay nawalan lang siya ng malay at hindi ng buhay. However, that arrow was able to neutralize all the Latin spells he cast around. Naglaho na ang arrow sa paningin ko at ganoon din ang hawak kong spiritual bow na hindi naman nakikita ng iba.

"Lady Olympia, heto na po ang water rabbit!" Momo happily informed me while holding the hand of a small rabbit that was made of water. Cute!

Itinuko ko ang mga palad ko sa hita ko bago ako yumuko sa tapat no'ng water rabbit at nginitian ito. "Makakauwi ka na sa inyo."

•|• Illinoisdewriter •|•

Please vote and comment with your thoughts. 🥺 Love you all! 

Olly's OOTD: (first scene)

(second scene to finish)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top