33: The Fairy Godmother Discovers Another Truth
This is the Volume 2 of The Fairy Oddventure of Olympia
33: The Fairy Godmother Discovers Another Truth
"Nanay, kuwentuhan niyo po ulit ako, please."
"Hindi ka ba nagsasawa sa pakikinig sa kwento ng Diwata at Mangangaso, anak?"
"Hindi po, nanay. Paborito ko po kasi iyon!"
MALAPAD ANG NGITI na sumalampak ako paupo sa tabi ni Cosmo sa backseat ng kalesang pinapatakbo ni Momo. Everything went according to our plans.
"I do not have the eye of Agamoto, so would you have the initiative to explain to me what are you made of, human?" pambungad at seryosong tanong ni Cosmo sa akin. "You were able to regenerate the arm you just purposely fed to the demon beast and made it explode like that. Are you even human? You're obviously an immortal."
Nagpabuga naman ako ng hangin mula sa pinalobo kong mga pisngi. I should tell all. Nasabi ko naman ang ilan kanina pero hindi lahat. Kaya deserve niya rin siguro nang matinong eksplenasyon.
"Tao ako, Cosmo. I am immune to poisons, diseases, wounds, and severed cuts, but I am not immortal. Sa tuwing nagkakaroon ako ng simpleng lagnat kagaya noon ay pinapaalala no'ng nasa limitasyon na ako at kailangan kong magpahinga dahil tao pa rin ang katawan kong ito," I began while looking at my palm. "And I am not also immune to ageing. That means I can die of old age. Simula nang maging opisyal akong priestess, napansin ng mga magulang kong tumatanda ako. They found out that the mysterious art of the former supernatural priestess, or what we call exorcist, that she had passed on me prevented me from becoming fully immortal."
"Pero paano ka nagkaroon ng ganyang abilidad? Hindi normal para sa mortal iyan, Olly. Anong ginawa mo?"
Kinuyom ko ang palad kong tinititigan ko. Natatakot pa rin akong sabihin sa kanya ang totoo at baka kamuhian nila ako at ang pamilya ko. Napaangat ako ng tingin kay Cosmo nang hawakan niya ang nakakuyom kong kamay.
"That was brave of you to face them fearlessly earlier. But I finally discovered what you are most scared of, and I promise that you would not be losing us by being who you truly are, Olly," he assured me, and I could not help but smile.
"Ayaw ni nanay na tumulad ako kay tatay na isang supernatural hunter. Kaya hinayaan niyang maging exorcist ako sa halip. Hindi ko nga maintindihan kung bakit palagi silang takot para sa buhay ko, na para bang anumang oras ay pwede akong mamatay. But I was very fragile back then. I was so sickly. Kaya siguro ganoon. They promised that they will do everything to help me live my life to the fullest," pagsasalaysay kong muli.
When I was a kid, we lived in a temple in a faraway land. Tatay would train me for my physical protection, and nanay would be there to support me with the other things. I had to live in isolation alongside the former supernatural priestess because the process of inheriting her mysterious art took a very long while and a great deal of secrecy. Noong pumanaw ang dating priestess ay naipasa niya na sa akin lahat ng kaalam at kakayahan niya kaya dinala na ako ng mga magulang ko sa naging mansyon namin sa Negros.
"Since we are from the clan of supernatural hunters, we have access to various creatures whom we held captive for bringing havoc or destroying order in the mortal world. Out of desperation to prolong my life, tatay did something odd and bad... He... He killed a mermaid, an angel, and a phoenix, and fed me with each of their meat because it was said that they can grant immortality once consumed by a mortal."
The power of the mysterious art of the supernatural priestess mitigated their effect on my body and system. She also said that the essence of those creatures merged with my spiritual composition, strengthening my espiritus vitae or life force in the process. Kaya kung titingnan din ang looban ko gamit ang mata ni Agamoto, they would see that I am made of a mermaid, an angel, and a phoenix, all inside my human body. Consuming a piece of me would also be poisonous to supernatural creatures, which will cause them to lose their sanity and explode. Dahil doon ay naging maayos ang kalusugan ko at palaging gumagaling agad ang mga sugat na natatamo ko mula sa malilit na bagay. I even cut my fingers countless times to prove that they can return back to normal. I also found out that I not only possess the ability to regenerate but also to be resurrected right on the spot I died.
I was kidnapped when we transferred to the mansion and began living our normal lives as a typical mortal family. Kakompetensya ni tatay sa negosyo noon ang may pakana no'n. They thought that by killing me, tatay would go depressed and leave the business world, and they would flourish. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan ang mga windang at takot na itsura nila nang idilat ko ang mga mata ko pagkatapos nila akong barilin sa dibdib. They looked even more horrified when I pulled out the bullet from my open wound using only my bare hand.
Binalingan ko si Cosmo upang tingnan ang reaksyon niya. Nanatili siyang seryoso kaya napayuko ako.
"I am sorry," nahihiyang paumanhin ko sa kanya. "We, humans, are indeed the worst."
"I cannot believe that the kind we always thought as the weakest can actually do that much," pag-amin niyang tinanguan ko naman, naiintindihan ang nararamdaman niya.
Who would have even expected that the powerless kind could do worst to those powerful creatures? Sa tuwing naalala ko iyon ay hindi ko maiwasang ihalintulad iyong ginawa kong pagkain ng mga karne ng mga nilalang na iyon sa canibalismo. I always felt guilty whenever I thought of it. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko bang humarap sa isang sirena, anghel, at ang maalamat na phoenix nang hindi nakakaramdam ng matinding pagsisisi. Sa tingin ko ay baka... baka masuka pa ako kapag kaharap ko sila at habang inaalala ang ginawa kong pagkain sa mga uri nila.
"I am sorry..." nahihiyang pag-uulit ko lang sa naunang sinabi. "Ako na ang humihingi ng pamaunhin sa ginawa ng tatay ko."
I heard him sigh before saying, "We cannot do anything about what's already happened. What we need to do now is to live in the present, and I can say that you have so far lived your life remarkably, Olly."
Naaantig na napanguso naman ako habang nakatitig pa rin sa kanya. "Thank you."
He smiled and gently patted my head. "But you have to introduce yourself properly to everyone in Batibot."
Nakangiting tinanguan ko naman siya. "I will make sure of that! Nga pala, Cosmo."
"Hmm?" simpleng sagot niya lang habang nakasandal na ang likod sa may backseat at nakapikit na rin ang mga mata.
"'Di ba sabi mo gagawin mo lahat mabuhay lang ako. I am alive and kicking, so does that mean tayo na? Boyfriend na kita?"
Gulat na napadilat naman siya ng mga mata niya. "It's part of the act!"
"Hindi kasali iyon!" giit ko pa. "Hindi ka pa pinupuntahan ni Momo no'n para i-discuss iyong plano ko!"
He summoned his fan and covered his mouth with it, looking away. Tumagilid din siya ng upo upang bahagyang talikuran ako.
"Cosmo, hoy, ano na?" tanong ko sabay alog sa braso niya. "Tayo na?"
Hindi siya sumagot, humalakhak lang habang nakatakip pa rin ng pamaypay iyong bibig niya at habang inaalog-alog ko pa rin. Bakit feeling ko ay gusto rin ni Cosmo na kinukulit ko siya?
I told everything about myself and my past to everyone when we reached Batibot. Sobrang saya ng puso ko dahil sa halip na matakot o kamuhian nila gaya nang inaasahan ko ay niyakap nila ako nang mahigpit at taos-pusong pinasalamatan para sa lahat. Tunay ngang natagpuan ko na ang tahanan at pamilya ko sa piling nila.
Cosmo also put a powerful spell barrier around the Batibot as soon as we got there. He was also staying on guard at the entrance to check every customer before allowing them to enter the shop. They could not enter unless they were invited to come in. Naniniguro lang kami upang hindi na ulit manganib pa ang kung sinuman sa amin. Cosmo should probably know by now about my tendency to rebel against his instructions and actions. Pupuntahan at pupuntahan ko sila upang iligtas kahit saan man 'yan. Oo at ganoon katigas ang ulo ko para sa kanila.
ILANG ARAW NA kaming payapang kumikilos nang malaya sa Batibot matapos iyong nangyari sa Seelie Court. Hindi muna ako tumatanggap ng mga hiling at sa halip ay tumutulong muna sa mga gawain sa shop. I volunteered to do the dishes. Nakaka-energize rin kasi iyong amoy ng mga niluluto ni Chica kaya mas pinili ko roon. Si Cosmo naman ay nasa may entrance pa rin kasi at nagbabantay sa mga papasok na customer upang makasiguro kami.
"Lady Olympia!" takot na sigaw ni B2 pagkatapos niyang malakas na binalibag pabukas ang pinto ng kusina.
Kinabahan naman ako dahil sa itsura niya. Mauulit na naman ba ang nangyari noong nakaraan? Dali-dali akong naghugas ng mabulang kamay at nagpunas sa hand towel upang matuyo iyon kahit papaano. Mabilis na tinanggal ko ang apron ko saka sinuot ang pink kong oversized denim jacket na isinabit ko lang sa may hook na nasa pader.
"Anong nangyari?!" histerikal na tanong ko at nagpalinga-linga sa paligid.
Wala nang ibang customer sa shop maliban sa isang babaeng tahimik na nakaupo sa table sa second floor at nagtsa-tsaa. May mga Seelie Guard din sa magkabilaan niya. She was dressed in a mortal's elite fashion today. Napakunot ang noo ko sa lubhang pagtataka. Anong ginagawa niya rito?
I also spotted Cosmo near the entranceway, crossing his arms while watching the woman seriously and intently. Lumapit ako sa kanya upang magtanong.
"What is she doing here?"
"Apparently, she broke my spell barrier and made her way inside uninvited. Sa takot ng mga customer sa kanya kanina ay umalis agad sila lahat."
Napapikit ako ng kanang mata ko saka magaang napakamot sa noo ko. "Ano raw kailangan niya? Huhulihin naman daw ba tayo?"
Umiling naman si Cosmo. "She said that she wouldn't do anything. She just wanted to talk to you."
"Sa akin? Bakit daw?"
"Iyan ang hindi ko alam. Lumapit na tayo sa kanya. Sasamahan kita," he said, then called Momo. "Magbantay ka muna rito sa pinto. Huwag mong hahayaang lumabas sila nang may dala ninuman mula rito."
Sumaludo naman si Momo sa kanya at sinabing, "Aye aye, Master Cosmo!"
Sabay na lumapit kami ni Cosmo sa babaeng naghihintay sa amin sa second floor. She was dressed in a white ascot hat with a gorgeous floral embellishment, which my fashionable self would love to have in my wardrobe.
"Maupo ka," aniya sabay alok sa upuang nasa tapat niya.
Sumunod naman ako at kahit halatang late reaction na ay iniyuko ko pa rin ang ulo ko upang magbigay-galang sa reyna ng mga Fae bago naupo sa upuang katapat niya.
"Ano po bang maipaglilingkod namin sa inyo, Kamahalan?" magalang na tanong ko kay Ina Magenta.
"I just want to ask a few things."
"Ano po iyon, Kamahalan?'
"You're a Sagrado, right?"
Nagtatataka man ay tumango-tango pa rin ako. "Opo, hindi po kayo nagkakamali."
"Is Pio Sagrado your father?"
Doon na ako medyo naalarma. "Bakit kilala niyo po si tatay?"
Kinakabahan akong baka may ginawa na naman si Tatay Pio sa kanyang hindi tama para lang sa kapakanan ko. Ibinaba ni Ina Magenta ang tasang hawak niya sa saucer nito.
"I see."
"May... may nagawa po bang kasalanan sa inyo ang tatay ko?"
"Malaki."
Tumayo ako at lumuhod sa tapat niya saka iniyuko ang ulo ko.
"Olly..." tawag sa akin ni Cosmo at sinubukan akong hatakin patayo.
I held his hand tightly to stop him and let me do it. Nang mapansin ang determinasyon kong gawin iyon ay binitiwan na ako ni Cosmo.
Lahat ginawa ni tatay para sa akin noong kailangang-kailangan kong makipaglaban para sa buhay ko. Ngayong wala na siya, ito lang ang tanging magagawa ko para sa kanya bilang sukli sa lahat ng mga iyon – to apologize on his behalf.
"Wala na po siya kaya ako na po ang personal na humihingi ng paumanhin sa inyo para roon. Hindi naman po masama si tatay. Nagawa lang po niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin. Noong kabataan ko po kasi ay masakitin po ako at ilang beses nang nasa bingit ng kamatayan kaya... kaya gusto niya akong iligtas. Bilang ama ay alam kong nasasaktan po siya habang nakikita akong ganoon... Sana po ay mapatawad niyo siya."
Narinig kong tumayo si Ina Magenta mula sa silya niya pero nanatili lang din akong nakayuko upang ipakita sa kanyang determinado akong makuha ang kapatawaran niya para sa ginawa ng aking ama.
"No amount of apology can repay his crime for stealing and turning into a mortal my daughter Olivia," malamig na saad ng reyna na siyang ikinagulat ko nang matindi.
Anong... ibig niyang sabihin?
Narinig ko ang tunog ng mga takong ng sapatos niya na palayo at tumigil sa may hamba ng hagdanan pababa sa unang palapag. Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkakawindang ko nang may isa pa siyang inamin.
"Ang dahilan kung bakit ka sakitin at ang pagkamatay ng mga magulang mo ay parehong bunga ng sumpa ko sa kanila," she revealed and left me there completely dumbfounded by another truth I just discovered.
Nanatili akong nakayuko at hindi makagalaw sa pwesto ko. Pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagkuyom ko sa mga kamao kong nakatuko sa sahig.
All of my life, I did not understand why my parents were so keen and desperate to find ways to protect and make me live. Hindi ko maintindihan noon kung bakit ganoon na kadesperado si Tatay Pio na turuan akong ipagtanggol ang sarili ko at upang dugtungan ang buhay ko. Hindi ko lubos maunawaan noon kung bakit sinasanay ako ni Nanay Olivia sa mga gawaing-bahay at mabuhay nang mag-isa gayong kasama ko pa sila. Hindi ko mawari noon kung bakit lagi nilang sinasabi ni tatay na aalis kasi sila at hindi ako pwedeng sumama sa kung saan sila pupunta.
All of my life I thought their deaths, although in different years, fell on the same day and month were purely coincidence. Pero tama nga si Ina Dabria... There is no coincidence in this world, only the inevitable.
Everything makes sense to me now.
Everything happened to my beloved family because... because we were fucking cursed.
•|• Illinoisdewriter •|•
Please know that you're helping me a lot in promoting this story by simply voting the chapters and leaving your thoughts. Thank you, and God bless! 🥰
Olly's OOTD: (second scene)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top