31: The Fairy Godmother Goes to the Seelie Court

31: The Fairy Godmother Goes to the Seelie Court

HUMINTO AKO SA pagdidilig ng mga halaman sa bakuran nang nagpapanik na nilapitan ako ni B1. Bakas din sa mukha niya ang matinding kaba at pag-aalala.

"Lady Olympia, si Master Cosmo po!" mangiyak-ngiyak na hayag niya.

"Anong nangyari kay Cosmo?" nag-aalalang tanong ko.

"Inaaresto po siya ng Seelie Guards sa shop."

Nabitiwan ko ang regaderang hawak ko dahil kumaripas na ako ng takbo papunta sa shop kahit pa naka-Mary Jane heels ako. Wala na akong pakialam kung matapilok man ako. Basta ang mahalaga ay maabutan ko si Cosmo.

Nauna pa sa akin si B1 doon pero pareho naming naabutan ang mga Seelie Guard na kasalukuyang pinoposasan at hinahawakan sa magkabilay kamay niya at balikat si Cosmo upang masigurong hindi ito tatakas. The latter was just donning a calm demeanor, as if the event did not scare him in the slightest.

"Anong ginagawa niyo sa familiar ko?" I asked the guards.

"Siya ay dinadakip namin sa salang paglabag sa mahigpit na batas ng spirit world. Sumuko siya at inakong kagagawan niya ang pagkawala at pagtakas nina Prince Lionel at sa mortal nitong mang-iibig."

Namilog ang mga mata ko sa narinig sa isa sa mga guwardiya. Tahimik na ikinuyom ko ang mga kamao ko.

Anong...

Hindi pwede...

Ako ang may kagagawan no'n. Bakit inaako ni Cosmo?!

"Nagkakamali kayo! Dawit lang siya rito dahil ako ang pasimuno ng l—"

"Olly!" matigas na sigaw ni Cosmo sa akin. "Ikaw na munang bahala rito at sa kanilang lahat habang wala pa ako. Babalik din ako."

Nanginig ang mga labi ko kasabay nang panlalabo ng mga paningin ko dahil sa luha. Inaako nga niya ang kasalanang hindi naman niya ginawa.

I clenched my fists more and shook my head as I shouted, "Manahimik ka, Cosmo! Manahimik ka! Kasalanan ko ito! Ako dapat ang hinuhuli nila!"

"Huwag niyo siyang pakinggan. Ano namang magagawa ng isang mortal na tulad niya?" sa halip ay malamig na wika niya.

Tumango ang mga guwardiya at dinala na kasama nila si Cosmo. I stood still in my place as I watched them all leave. Namamanhid ang katawan at pakiramdam ko sa mga nangyayari. Mula sa pag-ako ni Cosmo ng kasalanan ko, pagdakip sa kanya, at sa mga huling katagang binitiwan niya. I thought I had already earned his trust. Buong akala ko ay naniniwala na siya sa akin.

Nagkamali pala ako...

Hindi pa ako matatauhan kung hindi lang lumapit sa akin ang spirit bubwits na parehong luhaan. Kumapit sila sa palda ko at tiningala ako habang umiiyak.

"Lady Olympia, huwag po kayong maniwala kay Master Cosmo. Ang nakasaad po sa liham na ipinakita sa amin ng mga Seelie Guard ay ngayong gabi po nila bibitayin si Master Cosmo sa harap ng mga Arowana at iba pang nilalang," paliwanag ni B2 habang pinipigilan ang sarili niyang humagulgol.

Lalo akong nanigas at nanlamig dahil sa nalaman. Maging si Chica na nagtatago sa bahagyang nakabukas na pinto ng kusina ay tahimik na humahagulgol. Lumuhod ang spirit bubwits sa harapan ko at iniyuko ang mga ulo nila.

"Nagmamakaawa po kami sa inyo, Lady Olympia. Iligtas niyo po si Master Cosmo," umiiyak na pagmamakaawa nila.

Napatingin ako sa lumulutang na si Old Ginkgo sa tabi ko nang hawakan niya ako sa balikat ko. Kababakasan din ng kalungkutan at pag-aalala ang itsura niya.

"Sabihin mo lang kung anong maitutulong ko, hija. Hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ka para mailigtas si Cosmo," aniya.

I bit my quivering lips to stop myself from crying as well. I have to be strong for all of them and for Cosmo. Nilunok ko lahat ng luha ko bago ko tinanguan si Old Ginkgo at nginitian.

"Alagaan at bantayan niyo po muna sila habang wala ako. Pinapangako ko pong ibabalik ko rito si Cosmo."

I DID NOT waste any more time. I changed into a more comfortable outfit for fighting and blending in with the creatures of Pareia. Matapos naming magpaalam ni Momo sa mga kasama namin ay tumulak na kami roon sakay ng aking kalesa na ako na mismo ang nagmaneho.

Pinayuhan ako ng spirit bubwits na tumungo sa Seelie Court, sa tahanan ng reyna ng mga Fae, dahil doon nakabilanggo si Cosmo. They insisted on coming with me to guide and help, but I immediately refused and told them that keeping themselves and the others safe would be more than enough to help me.

Nilakasan ko ang loob ko at tinapangan ang sarili ko. Maybe it's about time that I revealed my all. I will do it to save Cosmo. Pinapangako kong hindi ako aalis dito nang hindi siya naililigtas at napapalaya.

Nasa may ibabaw kami ni Momo at nakaupo sa malaking sanga ng puno habang inoobserbahan ang mga Seelie Guard na naroroon at nagbabantay sa may likurang entrada ng Seelie Court. I parked my kalesa somewhere unnoticed. I also summoned some specters to guide it.

"May plano na po ba kayo, Lady Olympia?"

Matagal bago ako nakasagot kay Momo ng, "Wala pa pero sumunod ka lang sa lahat ng ipag-uutos ko."

"Makakaasa po kayo sa akin," pangako niya. "Hindi ko po kayo bibiguin."

I smiled and gently tapped its head. "Thank you."

I readied myself and slowly pulled out my secret weapon from my pants' pocket. Mabilis na binalatan ko ang Snow Bear na kendi at sinubo. Binigyan ko rin si Momo at sinabi sa kanyang nagtataglay iyon nang sandamakmak na lakas ng loob.

I asked Momo to hide and wait for my signal to come out, no matter how long it might take. I jumped from the tree branch where we were hiding to reveal myself. Nagulat ang mga Seelie Guard for about two seconds bago sila mabilis na kumilos at tinutukan ako ng mga dala nilang malalaking lance. Kagyat ko namang itinaas ang mga kamay ko.

"Sino ka?!"

"Hulihin niyo po ako kasi may bilanggo po akong balak itakas," pag-amin ko.

Mabuti na lang at hindi nagprotesta si Momo sa ginawa ko. Pakiramdam ko talaga ay swak kaming dalawa dahil hindi niya kinukuwestiyon ang mga desisyon ko. Sinusundan niya lang ako dahil may tiwala siya sa akin. On the other hand, Cosmo was always questioning me, not because he did not believe in me but because he wanted to challenge me to my limits.

Kaagad akong pinosasan at dinakip ng mga guwardiya. One of the guards ordered his fellow to inform the queen about the arrival of an intruder. That was me. Nang dumating na ang tugon mula sa reyna ay agad nila akong dinala sa isang silid na mukhang study room. Nakaposas sa harap ang dalawang kamay ko nang pinaupo nila ako sa malambot na upholstered seat. Is this how they treat their prisoners?

I was whistling in my head while waiting there. Gusto ko nang makita si Cosmo. Ang tagal naman...

Bumukas ang malaking double doors at namilog ang mga mata ko sa sunod na pumasok doon. Iyong napakagandang diwata na kahalikan ni Cosmo noong isang gabi! She wasn't in her ethereal form today, but she was still so beautiful in her gown. It was just a typical gown a princess would wear, but for some reason, it did not look so normal when she was the one wearing it. She looked really superb.

Napatulala ako sa kagandahan niya gayong kaharap ko na siya sa malapitan. Wala man lang siya ni isang kapintasan sa mukha at buong katawan niya. Sobrang ganda niya...

"Lady Aurora," usal ng mga Seelie Guard sabay yuko sa kanya. "Siya po ang human fairy godmother na gustong itakas ang nakabilanggo niyang familiar."

Kung ganoon ay Aurora pala ang pangalan niya. Cosmo's most beautiful lover now had a name.

She nodded her head at them before she walked towards me. Pinigilan naman siya ng lalaking nymph na nasa kaliwa niya samantalng tahimik lang ang babaeng nymph sa kanan niya. Mga familiar niya ba ang mga ito? Hindi rin papahuli ang mga ito sa ganda ng amo nila. Pero sa pagkakaalam ko ay bihira lang magkaroon ng lalaki sa uri ng mga nymph. This male nymph might be special.

"She doesn't look much of a threat, but still, you have to be careful, Your Highness. Kasama pa rin siya ng odd familiar na iyon." Binulong pa talaga no'ng poging nymph gayong dinig na dinig ko naman.

"Alam ko ang ginagawa ko, Rick," said Lady Aurora.

I smiled while Lady Aurora sat on the chair in front of me. Unlike her reaction when she was with Cosmo that night, she seemed cold and serious today. She looked really warm and was even smiling sweetly that night. Ang bilis naman ata niyang magbago.

"Hi," nakangiting bati ko sa kanya. "Olly nga pala."

"Aurora."

"Call her Lady Aurora or Your Highness. You should know your place, and that's below our Crown Princess and the next Queen of all Fairies," pagtatama pa ng spokesperson niya, iyong lalaking nymph.

Tumango naman ako at bahagyang inangat pa ang nakaposas kong mga kamay upang bigyan siya ng thumbs up. "Okay, boss," sagot ko naman at binalingan na ulit si Lady Aurora.

"Nasa teritoryo ka namin. Bakit tila hindi ka man lang natatakot?" she asked me.

Ngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanya para roon. "Kailangan ko ang tulong mo."

"Kung hindi mo ipinahamak si Cosmo ay hindi sana siya mabibilanggo at mapaparusahan nang ganito. I did my best to cover you from my mother because I never wanted him to get into any trouble."

"Alam ko," sagot ko naman sa kanya. "Kaya nga nandito ako para humingi ng tulong sa iyo at makikiusap na rin na iligtas mo si Cosmo kapalit ng pagsuko ko."

Nagtitigan lang kaming dalawa. I do not harbor any ill feelings for her. Katunayan, gusto ko siyang asarin kasi gusto ko siyang maka-close pero huwag na lang din siguro at baka ma-hurt lang ako nang bongga kapag inimbita niya ako bilang bridesmaid sa kasal nila ni Cosmo.

"I need your help not for myself, but for him," pag-uulit ko pa saka iniyuko ang ulo ko bilang pagmamakaawa. "Please, Your Highness."

KUMAPIT AKO SA rehas ng bilangguan ni Cosmo at inilapit din ang pagmumukha ko sa puwang no'n. His fox ears twitched, but he still did not turn his back to look at me. Nakatalikod lang talaga siya habang nakaupo roon.

"Psst...Psst, Cosmo," tawag ko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya sa gulat nang lingunin niya ako sa kaliwang balikat niya. Nagawa ko pa siyang kindatan sa lagay na iyon. Mabilis siyang pumihit paharap sa akin at lumapit.

"Anong ginagawa mo rito, Olly?!" singhal niya sa akin. "Bakit nandito ka?! Anong ginawa mo?!"

Mukhang may ideya na siyang sumuko na ako kina Ina Magenta at sa mga Arowana, at pinalitan ang pwesto niya sa gagawing paghahatol. Lady Aurora had already briefed me on how the execution would go. Magtitipon ang lahat ng mga inimbitang mahahalagang maharlika, Fae, at iba pang mga nilalang sa parang stadium nila na tinatawag nilang Coliseum at sasaksihan akong makipaglaban sa iba't ibang demon beasts hanggang sa mamatay ako. Since I am a human, they will give me the mercy of fighting only one demon beast. Hanggang sa kamatayan ko ay minamaliit pa rin nila ako.

Ang buong akala ko ay mababait ang mga fairy. I did not expect that they would also have a thirst for blood and violence. And this was how they killed my enchanted idea of them. This was how they ended my fairy tales. Perhaps, every creature just always had that in them – the tendency to be good and evil. Wala iyan sa mga batas na pinapatupad nila at sinusunod, paraan ng pamumuhay, at mga pagpapahalagang isinusulong nila. Laging nasa nilalang iyan dahil likas na ito sa kanila. Everyone has innate good and evil characteristics.

"Ilalabas kita rito, Cosmo. Palalayain kita mula ri—"

"Fuck that! Mas mahalaga ka, Olly! Ikaw ang pinakamahalaga sa lahat!" giit niya pa.

Malungkot na nginitian ko siya. Alam ko kasi ilang beses ko nang narinig iyan.

"Sana kaya mong sabihin sa akin iyan hindi bilang amo mo at ikaw bilang familiar ko, kundi bilang simpleng ako at ikaw bilang ikaw," I told him.

Natigilan siya at lumambot ang ekspresyon habang tinititigan ako. I smiled as I stared at his lovely face. Ma-mi-miss ko ang mukhang ito. I lifted my hand to cup his cheek.

"Gagawin ko ang lahat, Olly, huwag mo lang ituloy ang binabalak mo," mahinahon nang saad niya sa akin. "Kahit ano, gagawin ko. Huwag mo lang gawin ito."

"Kung sakaling palarin ako at makaligtas, gusto ko sanang maging tayo. Ibig kong sabihin ay ang maging boyfriend ka," diretsong sagot ko naman na may kasama pang halakhak sa huli.

I really want it, though...

I have never felt anything like this for anyone before. Ngayon lang talaga ako nakaramdam nang ganito. As a fairy godmother and even as a human, I always believed in fairy tales, but I did not expect to finally feel that they were true.

But I know that I cannot force him to love me and be with me, lalo na at magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Tao ako at espiritu siya.

"Pero sa ngayon, ito muna ang gagawin ko. When you see me later, I order you to stay in your position and never come close to me."

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang matanto niyang ginamit ko sa kanya ang sacred word-binding spell naming dalawa. I quickly let go of him and stepped back, out of his reach.

"Olly..." usal niya sa pangalan ko sabay iling. "Olly, hindi!"

He tried to reach for me, but the magic that surrounded this prison incapacitated him. He screamed in pain when he tried again. Pinanood ko kung paano siya paulit-ulit na sumubok makatakas para abutin ako at paulit-ulit ding masaktan. The more he exerted force in his attempt, the powerful barrier of this prison just doubled the strength he had given and returned it to him to incapacitate him. Sa huling subok niya kung saan niya pinakanilakasan ay tuluyan na siyang bumagsak dahil dinoble lang ng barrier ang ibinuhos niyang lakas.

I guess this would be better. He should not see what will happen to me later. Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad palayo. Ubos na ang oras ng pagbisita na hiniling ko kay Lady Aurora kanina.

"Olly..."

Kahit bagsak na at hirap bumangon ay nagawa niya pa rin akong tawagin. I did not stop walking, but my feet were unusually heavy, almost equaling my heart.

"G-Gagawin ko ang gusto mo, basta mabuhay ka lang. Olly, please, bumalik ka sa akin..."

I clenched my fists tightly when some of my memories surfaced, as if they were triggered by his words and my feelings.

Gagawin ko ang lahat mabuhay lang si Olly...

Mangako kang mabubuhay ka para sa amin, anak...

Kailangan mong mabuhay. Mabuhay ka, please...

"Momo, alam mo nang gagawin," bulong ko sa hangin bago tuluyang lumabas ng bilangguan na iyon.

All of the torchlights flickered for a second. It was Momo's subtle way of answering me with, 'of course'.

•|• Illinoisdewriter •|•

Please know that your votes and comments are helping me a lot in promoting this story here on Wattpad. Thank you so much, and God bless! 🥰

Olly's OOTD: (first scene)

(second scene to last part and whole next chapter)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top