22: The Fairy Godmother Holds A Picnic for the Batibot Family

22: The Fairy Godmother Holds A Picnic for the Batibot Family

I AWOKE EARLY and dressed up simply but also cutely. Naglagay pa kasi ako nang maliliit at makukulay na mga hair claw sa buhok ko. Para ko tuloy ini-embody ang spirit ng Chuva Choo Choo ni Jolina Magdangal, and I like it.

I have an important announcement to make before they open the shop. Today will be our day off, and I already planned last night what we would be doing today – picnic!

I also promised myself that I would be the one to prepare everything, from food to the setup. This will be my way of thanking everyone for their job and hard work almost every single day since I came here. I wanted to give back to them, so I wanted to make this day extra special for them.

Nang mahayag ko na sa kanila ang plano ko ay pumayag naman sila at sinuportahan pa ako. I did not waste any more time and proceeded to the cooking. Inuna ko munang gawin ang specialty ko na isang malaking bilao na may iba't ibang klase ng mga kakanin. Matagal ko na ring hindi nagagawa ito kaya medyo nakaka-miss.

"Cosmo, saan ka pupunta?" I asked him when I caught him walking out of the kitchen. May sukbit pa siyang malaking packbasket na puno ng mga laman sa likuran niya.

He stopped walking to answer me, "May ihahatid lang akong items na inorder ng mga yokai sa Yonder."

Nakalimutan kong may delivery service rin pala kami. Sa tuwing wala si Cosmo rito dahil sinasamahan niya ako sa wish granting escapade namin ay si Old Ginkgo ang nagpresentang gumawa no'n.

"Mga anong oras ka kaya uuwi?"

"Mga bandang hapon nakabalik na ako."

Tumango ako at nginitian siya. "Sige, hihintayin ka namin para sa picnic mamaya, ha? Ingat ka!"

Nang maihanda ko na ang bilao ng mga kakanin ko ay sinunod ko naman ang paborito ni Old Ginkgo na spicy chicken adobo at ang cheesy spaghetti naman ng mga spirit bubwit ang next nang sa kanya. Si Chica ay banana cream naman ang nais. Nagluto na rin ako ng kanin para talagang eat-all-you-can ang peg namin mamaya. Excited na tuloy ako!

Hinuli kong gawin ang kay Cosmo sa may bakuran kung saan din katabi no'n ang nakalatag na picnic mat namin sa ilalim ng puno ng cherry blossoms. I asked the spirit bubwits to help me set up the grill and picnic area. Ayaw ding sabihin sa akin ni Cosmo ang paborito niyang pagkain kaya sa mga bubwit na lang ako nagtanong. They said that he would love to pair chicken inasal with some alcoholic drinks.

After nang malagablab na pakikipaglaban ko sa uling, sa wakas ay luto na rin pati ang chicken inasal. Ako pa nagtimpla nito na sinunod ko lang sa kung paano ko lutuin ang mga inasal noon. Hindi ko kasi alam kung anong gusto ni Cosmo pero parang halos lahat ata kami rito sa Batibot kahit na si Chica ay gusto ang maanghang.

Inamoy ko muna ang inasal na hinaon ko mula sa grill saka natutuwang inihayag na, "Yummy!" ala-Coco Martin version.

Napapalakpak naman ang mga ampon ko sa saya nang tapos na lahat. Si Momo naman ay nauna nang magpakalasing no'ng isa sa mga paboritong inuming nakakalasing ni Cosmo, ang Japanese sake. Kinuha ko iyon para sana mamaya pero mukhang target locked agad iyon sa aking main shikigami. I gave it a free will to have its own personality, so kung gusto niyang maging drunken master ay okay lang.

Tamang-tama lang ang dating ni Cosmo nang mailagay ko na sa pinggan ang paborito niyang inasal. Wala nang laman iyong packbasket na dala niya. It looked like he had successfully delivered all of the items. Ngumiti ako at kaagad siyang kinawayan upang tawagin.

"Cosmo, halika na! Tsibugan na!" I shouted, and everyone, except him, laughed.

Pinahanda ko na sa mga bubwit ang picnic area at ang mga pagkaing pagsasaluhan namin. Habang abala sila ay lumapit naman sa akin si Cosmo.

"Mukhang na-deliver mo lahat ng items, ha? Good job!" bati ko sa kanyang habang tinatanggal ang apron na suot ko. I had to look up at him because of our height difference.

Bahagyang kumunot naman ang noo niya nang tinitigan niya akong maigi.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalalang tanong ko.

Napakislot ako sa pagkakagitla nang dumampi ang daliri niya sa pisngi ko at marahang hinagod iyon gamit ang hinlalaki niya na para bang may tinatanggal siyang kung ano roon.

"Hindi ka man lang marunong magpunas ng uling sa mukha mo," pang-aasar niyang hindi naman tunog pang-aasar para sa akin. Mahina kasi ang pagkakasabi niya no'n at malumanay din.

Nanatili akong nakatulala sa kanya habang nakapokus naman ang atensyon niya sa pagtatanggal no'ng naiwang uling sa pisngi ko. Kinakabahan ako na nakikiliti sa may bandang tiyan ko sa paraan nang pagkakahaplos niya sa pisngi ko. Masyadong marahan, masyadong masuyo, at masyadong matindi ang paghuhuramentado ng dibdib ko.

Tumigil siya at tiningnan akong muli nang mataman sa mga mata ko. Parang huminto lahat sa paligid namin dahil doon. Just like a special feature in every camera, my whole attention auto focused to him. I can also hear an invisible music box playing a sweet lullaby. Bakit...

"Lady Olympia, Master Cosmo, nakahanda na po ang picnic natin!" the spirit bubwits happily informed us.

Mabilis akong humakbang upang dumistansya kay Cosmo na mukhang napansin din naman iyon at nakuha agad. He turned his attention to the spirit guardians and advanced toward them. I was left in my position trying to figure out what just happened. This was something foreign to me and something new, so I could not pinpoint exactly what it was.

"Halika na rito, Olly. Lumamon ka na," tawag ni Cosmo sa akin.

Napairap na lang ako sa hangin. Ang bilis niya ring mambasag ng trip. Napabuntong-hininga na lang ako at lumapit na sa kanila saka naupo sa picnic mat upang magsimulang kumain. Ilalamon ko na lang talaga ito.

I said a short prayer to thank God for the bounty and for keeping my Batibot family safe and happy together. We do not really talk about religion here, but they respect the tradition I have been acquainted with my whole life. Iginagalang ko rin naman ang sa kanila, that was why I do not insist my belief system on them. I let them be whatever they wanted, as long as we all remained kind and joyful.

"And I thank You most for letting me spend my twenty-third birthday with my new family whom I treasured most. Amen," I ended the prayer and opened my eyes.

They all looked surprised at that. The shot glass even slipped from the drunk Momo's tiny hands. Maliban doon ay sobrang tahimik na nila na halatang hindi pa sila nakababawi lahat mula sa pagkakagulat. I chuckled at their reaction.

I smiled and said, "Kain na tayo?"

"K-Kaarawan niyo po pala, Lady Olympia?" sabay na tanong ng mga bubwit nang makabawi.

Nakangiting tinanguan ko naman sila bilang tugon. Agad na iniyuko naman nila ang buong katawan nila sa tapat ko na para bang may nagawa silang malaking kasalanan at nagsisisi na sila nang lubos. Sumunod pa si Chica sa kanila kasama ang mga manika niya. Si Momo naman na sinubukang yumuko ay natumba at tumalbog pa dala ng kalasingan.

"Paumanhin po at kayo pa ang naghanda ng lahat ng ito," B1 apologized sincerely.

"Sa susunod po ay itatanong na po namin at hindi kakaligtaan ang inyo pong kaarawan," dagdag pa ni B2.

"Sorry po, Lady Olly, dahil kayo pa po ang nagluto ng lahat na dapat ay ako sana ang gagawa..." ani Chica naman.

Hindi rin nagpatalo ang lasing na si Momo at nagbigay din nang nakakaantig niyang mensahe, "Hapasdfghjklday..."

Itinago ko ang mukha ko sa mga palad ko saka humalakhak. Gagi, ang suwerte ko talaga sa kanila.

Humalakhak din si Old Ginkgo at binati ako, "Happy birthday, hija. Dalangin kong manatili ka bilang ikaw, matapang, maabilidad, at busilak ang kalooban."

Ibinaba ko na ang mga kamay ko upang nginitian si Old Ginkgo at bahagyang yumuko upang taos-pusong magpasalamat sa kanya, "Maraming salamat po."

Tumayo ang tatlo kong batang ampon at pinalibutan ako saka niyakap nang mahigpit. Si Momo ay bumagsak na talaga sa mat sa tabi ni Cosmo sa sobrang kalasingan.

"Happy birthday po, Lady Olympia! Mahal ka po namin!" sabay-sabay nilang bati sa akin.

Naaantig na napanguso naman ako dahil doon at gumanti rin ng yakap sa kanila. "Maraming-maraming salamat po sa inyo," pasasalamat ko sa paraang nakikipagkulitan pa sa kanila.

"Bukod po sa hindi namin naitanong, bakit hindi niyo po sinabi sa amin kanina na birthday niyo po pala, Lady Olympia?" pagtataka pa ni B1.

Marahan at nagpipigil sa gigil ko naman siyang kinurot sa matabang pisngi niya. "Ang cute mo talaga, B1! Sinadya ko talaga iyon para hindi kayo magpanik sa paghahanda para sa akin. I want to make my birthday a special day off for all of you. Kahit na nagtrabaho pa rin si Cosmo."

Pagsulyap ko sa kanya ay mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Hinarap ko na lamang ulit ang mga bubwit at nginitian. We all joyfully ate the food I had made. I am also happy that I made them this happy on my special day.

The spirit bubwits, Chica, and Old Ginkgo insisted on cleaning up everything after the party. I reiterated that today was their day off, but they begged me to let them do it as it would be their birthday gift to me since they were not able to prepare anything to give me. Pinagbigyan ko na lang sila kasi ang hirap nilang talunin, join forces kasi.

Naupo na lang ako sa may swing nang iwan nila ako sa bakuran upang makapagligpit at makapag-ayos na sila. Nakisuyo na rin ako kay Cosmo na dalhin sa kwarto ko ang naghihilik nang si Momo. Sobrang lasing na talaga. Nababahala rin akong baka magka-hangover siya bukas.

Napatingala ako nang umihip ang malamig na panggabing hangin at tinangay no'n sa ere ang ilang mga dahon at cherry blossoms. I closed my eyes and felt it. Isa ito sa mga pinakapaborito kong saksihan at gawin dito sa Batibot.

Nagdilat ako ng mga mata nang tumigil ang swing dahil may humawak doon upang sadyang pahintuin.

"Cosmo..." usal ko sa pangalan nang may pakana.

"Here," he said as he handed me a small velvety pouch.

Nagtatakang tinanggap ko naman iyon at binuksan. It was a dainty ring with a white sakura or cherry blossom flower design in the middle and a little pink diamond on each of its sides. It was small yet so beautiful.

"My gift," tipid na aniya.

I looked at him and asked, "Did you actually know that it's my birthday today?"

Umiling naman siya. "I did not know. I just suddenly remembered you when I saw it on display in a jewelry stall in Yonder Market on my way home."

Saglit na namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Na...

Naaalala niya ako rito?

I smiled as my heart warmed at the thought. Kumibot ang mga labi ko pero agad ko ring ipinaglapat ang mga iyon nang madiin upang pakalmahin muna ang sarili ko ganoon din ang paghuhuramentado ng puso ko bago ako magsalita ulit.

Kailangan kong kumalma...

Ayokong mahalata niya na ganito ang epekto niya sa akin. Kailangan kong—

"Olly, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Inangat ko ang bakanteng palad ko saka pinunasan ang mga luha kong hindi naman magkamayaw sa pag-agos hanggang sa tuluyan na akong humagulgol.

"Ayaw mo ba niyan?" tanong niya ulit na nahihimigan ko pa rin ng pag-aalala. "Hindi mo ba nagustuhan?"

Umiling naman ako habang nagpupunas pa rin ng mga luha. Napahalakhak pa ako habang umiiyak. Gaga.

"Hindi, Cosmo, hindi. Masaya lang ako kasi... kasi simula nang mawala ang mga magulang ko, ngayon lang ulit ako nakaramdam na... na may ibang taong nakakaalala sa akin sa tuwing tumitingin sila sa isang bagay tapos binibili pa nila para iregalo sa akin," pag-amin ko.

Tahimik na pinanood lang ako ni Cosmo kaya kinuha ko na lang ang tsansang iyon upang ilabas ang mga saloobing hindi ko magawa noon.

"Alam mo, sabi nila noon masayahin daw ako. Kasi lagi akong nakangiti kahit kanino at tumatawa kahit pa sa pinakakorning jokes." I chuckled sadly. "But you know people, they are fond of making conclusions based only on what they see. Hindi nila alam na pagkatapos ng klase, habang mag-isa na lang akong naglalakad pauwi, ang bigat ng mga hakbang ko kasi wala na akong pamilyang uuwian, e. Hindi nila alam na kahit gaano man kalaki iyong mansyon namin sa Negros, pakiramdam ko ay wala pa rin akong puwang doon. Yes, I was living there, but I wasn't home, and I am only visible to my stepfamily when I'm needed and a dead if not."

When my tears subsided, I looked up at him and smiled wholeheartedly. "So, thank you for seeing me, thinking of me, and most especially for making me feel that I have a home sweet home. Maraming-maraming salamat."

My smile faded when he kneeled on his single knee in front of my swing, took the ring from me, and slid it onto my finger. He looked up and smiled as he greeted, "Happy birthday, Olly."

The night breeze gently blew between us once again, making the cherry blossom leaves and flowers sway in the air. My eyes never left his while his hand continued delicately holding mine, and somewhere in between those physical contacts, I could feel my heart beating, hammering even.

•|• Illinoisdewriter •|•

Please vote for this story and let me know your thoughts on this. God bless! 🥰

Olly's OOTD: (whole chapter)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top