13: The Fairy Godmother Enters A Pocket Dimension
13: The Fairy Godmother Enters A Pocket Dimension
NANG MAKABAWI SI Cosmo ay mabilis siyang kumilos at hinabol ang bodyguard upang sundin ang ipinag-uutos ko. Napapikit ako sa inis sa sarili ko. Masyado nga akong padalos-dalos. I should deliberately think about my next moves.
Pagkabalik ni Cosmo sa akin ay doon ko nalamang hindi lang pala iyong guard na hinabol niya ang pinatulog niya kundi lahat ng mga nandoon. Kaya pala medyo natagalan siya sa pagbalik.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" gulat na tanong ko sa kanya matapos niyang sabihin sa akin iyon.
"There are so many of them in every corner. I resorted to casting a sleeping spell so that we could just go smoothly." Binuksan niya ang backdoor saka nilahad sa akin ang looban nang tahimik na ngayon na mansyon. "Iyong-iyo na ang buong bahay."
Napailing ako pero pumasok na lang din. Wala na akong ibang choice. Isa pa ay mas maigi ngang ganito. He also assured me that they would wake up after an hour. That was why we had to hurry and retrieve that golden watch heirloom of Allan.
Naging madali nga ang paghahanap namin sa bedroom kung saan sinabi ni Allan na posibleng doon daw tinatago ang ninakaw sa kanyang pamana. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang biglang hinawakan ni Cosmo ang kamay ko kaya nagtatakang napabaling naman ako sa kanya.
"Bakit?"
"Hindi maganda ang pakiramdam ko rito."
Napabuntong-hininga ako saka marahan siyang hinagod sa likod. "Baka kabag lang 'yan. Sorry, wala akong dalang Buscopan. Bibilisan ko lang sa loob para makauwi na tayo agad."
Pumasok na agad ako sa loob ng kwarto bago pa man niya ako mabarda. Kaagad naman siyang sumunod sa akin. Times two ata iyong sama ng tingin niya sa akin ngayon.
I quickly scanned my gaze around the dimly-lit room. Ang sabi sa akin ni Allan ay nasa may master's bedroom daw iyon pero hindi niya alam kung saan. Buong akala ko ay hahalughugin ko pa ang buong kwarto pero mabuti na lang at kaagad kong naispatan iyon sa may ibabaw ng bedside table katabi ng night lamp na siyang nag-iisang nagbibigay-ilaw sa buong kwartong iyon. Nasa may mamahaling lalagyan niya ang ginintuang relo at nakatiwangwang lang kaya agaw-pansin ang kinang nito.
"Cosmo, nakita ko na," I informed him before walking excitedly towards it.
"Olly, sandali lang," pigil pa niya sa akin pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglapit doon at pagkuha.
Ganoon na lamang ang pagkabigla ko pagkakuha ko no'ng golden watch dahil may kamay na mahigpit na humawak sa palapulsuhan ko at puwersahang hinila ako pababa.
"Cosmo!" sigaw ko.
"Olly!"
Sigaw rin ni Cosmo ang huling narinig ko bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman. Pagdilat ko ng mga mata ko ay wala akong mahagilap na kahit ano sa paligid. Madilim, hungkag, at halos tila walang katapusan at labasan kung nasaan man ako ngayon. It was like I was currently inside a vast void, empty and endless. Nasaan ako?
Napaupo ako at kaagad na tinawag ang pangalan ng familiar ko. "Cosmo! Cosmo, nasaan ka na? Cosmo?"
A man in his early thirties suddenly stepped out of nowhere. He had a muscular build and stubble. Para siyang bida ng mga napapanood kong teleserye na unang ipinalabas noong kapanahunan pa ni Marimar. Ewan ko, ang hirap nilang i-describe, e. This was the fastest way to describe him.
"Walang ibang makakarinig sa iyo rito kundi ako lamang."
"Nasaan tayo? Saan mo ako dinala?" tanong ko sa kanya habang dahan-dahang tumatayo.
"Hindi ka lang pala mapangahas, hunghang ka rin. Bakit hindi mo muna kinilala ang pagnanakawan mo?" pang-iinsulto niya.
I had no rebuttal to his argument because he was right. Bukod sa pagnanakawan ko nga siya at mapangahas na pinasok ang teritoryo niya nang walang paalam ay hindi ko rin talaga siya kinilala. I only had the details given to me by Allan. I did not do further research on my own. I will take note of this mistake and be better next time.
"I'm sorry for trespassing, but you need to return that golden watch to someone. Pamana sa kanya iyan nang yumao niyang pamilya," I said while pointing at the golden watch he was holding. "At nasaan ba tayo?"
"You are inside a pocket dimension."
"Huh?!" gulat na bulalas ko. "Anong ibig sabihin niyan? May powers kayo?"
"We, the Deogracias, are a clan of yokai who can create and travel through pocket dimensions. Narito ka sa isa sa mga iyon ngayon, at anong pinagsasabi mong ninakaw? This golden watch is an heirloom from my Abuela Fernanda."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ba si Allan Lagrosa ang may-ari niyan at ninakaw niyo iyan mula sa kanya?"
He suddenly looked angry as he took a step forward. "Paano mo nakilala ang ungas na iyon? Magkasabwat ba kayo?!"
"I am the fairy godmother of spirits and souls. He went to my shop and wished for it to be retrieved."
"Sinungaling! Paano magiging fairy godmother ang isang taong gaya mo? Pareho nga kayo ng Allan na iyon. Sinungaling na, mga magnanakaw pa. Siya ang nangahas na pumasok sa mansyon namin upang subukang nakawin ang aming pamana!"
Namilog ang mga mata ko sa nalaman. Napayuko ako at tahimik na ikinuyom ang mga kamao ko.
Tama nga si Cosmo...
Sa kagustuhan kong makapagtupad ng hiling ay masyado akong nagpadalos-dalos at pinaniwalaan agad lahat ng mga sinabi ni Allan. Kailangan ko ngang maging mapanuri bago tuparin ang kahilingan ng mga lumalapit sa aking espiritu at kaluluwa. I was so concerned with granting wishes that I did not see that I was actually being deceived.
"I am sorry. Nagkamali ako," pag-amin at paghingi ko ng tawad sa Deogracia na kaharap ko. "Pasensya ka na sa istorbo. Pinapangako kong hindi na ito mauulit, at hindi ko na rin pagbibigyan ang kahilingang ito ni Allan."
"Sa tingin mo ay ganoon lang kadali iyon? Matagal nang pinapangalagaan ng angkan namin ang aming sikreto. Ngayong nakapasok ka rito at nadiskubre iyon ay hindi ka na makakawala pa kagaya ng Allan na iyon."
Doon na ako nag-angat ng tingin sa kanya. Nagulantang ako sa panibago niyang rebelasyon. "Y-You killed him? You could have just sent him to prison for attempted robbery. Why do you have to kill him?"
"I didn't kill him. It was my bodyguards roaming around our mansion. Hindi kagaya mo ay hindi na nakaabot pa ang isang iyon rito. Sa kamay pa lang ng mga mortal na gaya niya ay binawian na siya agad ng buhay. Isang tunay na nakakaawa at napakahinang nilalang."
Naikuyom kong muli ang mga kamao ko dahil sa mga binibitiwan niyang salita. Masyado siyang mapang-insulto.
"Walang puwang sa mundong ito ang mga mahihinang katulad niyo," aniya bago inilabas ang baril na tinatago niya sa kanyang likuran.
Apart from creating and passing through pocket dimensions, the Deogracias obviously cannot do anything more to defend themselves. That also explains the number of bodyguards they had around here. No combative magic prowess.
Great...
"Mas maigi pang magsama na kayong lahat sa kabilang buhay," he added before pointing his gun at me and firing.
I unclenched my fists before smiling at him and walking towards his position. Kitang-kita ko kung paano namilog ang mga mata niya habang palapit ako.
"My mother told me before that there are always two sides to everything. One is good, the other is evil," I began while walking calmly towards Mr. Deogracia, who was seemingly starting to get terrified at the sight of me nearing him. "There is light, and there is also darkness; positive and negative; yin and yang."
Mas binilisan niya pa ang sunod-sunod na pagpapaputok niya ng baril sa direksyon ko hanggang sa naubusan na siya ng bala. Natatarantang kumuha siya ng panibagong magazine. Huminto ako at hinintay siya na matapos sa pag-lo-load ng baril niya. He frantically raised his gun again at me and began firing. All of his attempts failed. His shooting was too precise, too clean, and too predictable. He made it easier for me to perfectly time my movements to dodge them.
Huminto ako sa tapat niya. Kagaya nang kanina ay nasa blank range na rin ako. His gun muzzle was already about an inch away from me. Unlike earlier, I am more comfortable doing this because Cosmo was not around to witness it.
I smiled at the scared Mr. Deogracia. His hand was already shaking as he pulled the trigger. Ipinilig ko ang ulo ko at hinayaang dumaan ang bala sa may gilid ko, sa eksaktong banda na iyon. Sunod kong hinawakan ang baril niya, and even before he could react, I toppled him to the floor. Inilagay ko sa likod niya ang mga kamay niya, easily disarming him.
"That means all of us are strong but also weak. We're always a whole lot of both, Mr. Deogracia," I told him.
He tried escaping by wriggling his body, so I sat on his back to neutralize him for a while. Hindi naman ako kabigatan kaya hindi siya masyadong mahihirapang tiisin ako saglit. I took the gold watch and checked it. This seemed like an ordinary watch, except that it was made from gold.
"How much do you think is this worth?" I asked.
"Ano?! Anong klaseng kagaguhan ito?! Bakit hindi mo na lang ako patayin?!" reklamo niya pa.
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkilatis no'ng gintong relo. I took my cellphone out of my pocket and snapped a photo of it. Kung ayaw niyang sabihin ay magtatanong na lang ako sa iba.
"Olly, nandito na ako!"
Nang marinig ko ang boses ni Cosmo ay mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo. Mr. Deogracia tried pushing himself up as well, but I placed my foot on his back to stop him. Napangiti ako nang matanaw ko si Cosmo na papalapit. Itinapon ko muna palayo ang baril bago ko itinaas ang mga kamay ko para kumaway sa kanya.
"Cosmo, nandito ako! Yohoo!" pagtawag ko sa atensyon niya.
Mabilis na tumakbo siya papunta sa akin pero agad ding napahinto nang mapansin niya ang sitwasyon ni Mr. Deogracia sa sahig. Now that my familiar's here, lalo nang walang magagawa ang lalaki. He cannot fight with my powerful familiar. Luging-lugi siya, so I just let go of him. Sumeryoso ang mukha ni Cosmo habang tinititigan ang tahimik at unti-unting tumatayo na lalaki.
"Bakit ngayon ka lang?" pag-agaw ko sa atensyon niya, kaya kunot-noong napabaling naman siya sa akin.
"Their clan's pocket dimensions are quite strong, so I have to match it with an equally powerful spell. It took me a while to make it, but are you okay? Sinaktan ka ba niya?"
We both heard Mr. Deogracia's scoff in the background, halatang umaalma. Hindi ko siya masisisi dahil siya ang napuruhan sa aming dalawa. Wala man lang ako ni galos, hindi tulad niya na iniinda pa rin ang masakit niyang braso.
I heaved a deep sigh and looked at Cosmo pleadingly. "May spell ka ba r'yan para mawala iyong sakit ng braso niya?"
Buong akala ko ay magtatanong si Cosmo sa kung bakit napuruhan ko nang ganoon si Mr. Deogracia pero... "I have but it would still be better if he would consult a doctor to check up on him. Hanggang alas-dose lang din ang epekto ng spell ng enchanted scale ko."
I nodded my head in agreement and smiled at him. "Thank you."
MAGKAHARAP KAMI NI Allan ngayon sa confessional. He might not really admit it, but he looked eager for the result. I, on the other hand, remained composed and serious.
"Hindi ko matutupad ang hiling mo," I informed him.
"B-Bakit? Paanong hindi?" parehong gulat at natatarantang tanong niya.
"Hindi ko maaaring ibalik sa iyo ang bagay na hindi mo naman pag-aari."
Malakas na hinampas niya ng kamao niya ang maliit na lamesa. Mababakasan ng matinding galit ang kanyang itsura pero nanatili akong kalmado at hindi nagpasindak sa ipinapakita niya sa akin. It was not my fault in the first place. All I did was to help him, so why would I be scared of him? Isa pa ay siya ang nagsinungaling, hindi ako. Ang dami niyang kasalanan sa amin kung tutuusin.
"Bakit hindi?! Binuhos ko ang buhay ko para makuha lang iyon?!" galit na galit na turan niya. "Kailangan ko iyon bilang kabayaran sa buhay na ninakaw nila sa akin!"
"Kung gano'n ay itinumbas mo lang pala sa relong iyon ang halaga ng buhay mo," matamang saad ko dahilan upang matigilan siya. "It's sad how you would only see your life worth the equal amount of that piece of item. Hindi mo man lang inisip kung gaano kahalaga ang buhay mo para sa iniwan mong pamilya. You may fall short of material wealth, but you should not have forgotten that you are your family's treasure, Allan."
I pulled my phone out and opened it. Inilapag ko iyon sa lamesang nasa pagitan namin upang makita niya. He took it and played the video of his wife carrying their baby. Sa bidyo ay naluha ang asawa niya nang makita niya ang laman ng duffel bag na iniwan ko roon. I also left a card inside, stating that Allan saved and left it all for them and their future.
Matapos ang naging engkwentro namin sa mansyon ng mga Deogracia ay bumalik ulit kami ni Cosmo sa bayan kinabukasan upang gawin ang mahahalagang bagay para rito. It was me who took that video yesterday after asking Cosmo to drop the bag and knock on the front door of the Lagrosa's simple abode.
I smiled when I noticed how Allan's eyes glistened with tears as he watched the video.
"Mr. Deogracia could not give me the amount of the golden watch because he said that its sentimental value is priceless, so I asked an expert to figure out the market value of the item. The money was from my secret savings when I was in the mortal world. Wala naman akong mapaggagamitan no'n ngayon kaya inilaan ko na lamang sa mag-ina mo. I know you are doing these things for them. I could not make your exact wish come true, but I hope I can make up for something more valuable than that item." And I believe that it was his family.
As a human fairy godmother, there were still wishes I could hardly grant without magic, but I will promise to do my best with my human ability to provide for what my wishers truly needed.
Ibinaba ni Allan ang cellphone bago siya lumuhod at iniyuko ang ulo sa sahig habang humahagulgol. "M-Maraming-maraming salamat po! Maraming-maraming salamat po, fairy godmother!"
If there was one thing I learned in this experience, it was that not all of our wishes were the best for us and what we truly needed. Tingin ko ay bukod sa pagiging mapanuri sa mga pagkakalooban ng hiling, kailangan din ng isang fairy godmother na alamin kung anong tunay na makabubuti para sa kanila.
•|• Illinoisdewriter •|•
Please know that you are making me happy by voting for this story and letting me know your thoughts. God bless! 🥰
Olly's OOTD: (Last scene)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top