11: The Fairy Godmother Hires A New Employee

11: The Fairy Godmother Hires A New Employee

PUNO PA NG bula mula sa sabon ng mga platong hinuhugasan ko ang mga kamay ko nang inanunsyo ni B2 mula sa may counter ang sunod-sunod na panibagong order. Cosmo was still busy preparing for the first batch of orders. Dali-dali kong binuksan ang gripo at naghugas ng mga kamay. Kahit na basa pa ay kumuha ako ng ballpen at nilista ang mga iyon sa papel. Nabasa tuloy pati iyong papel. Mabuti na lang at nababasa ko pa naman. The orders this time were not dishes or drinks. They were items I had to retrieve from the grocery part of the Batibot.

"I'll take this task," paalam ko kay Cosmo.

"Mas mabilis si B1 gumawa niyan," aniya.

Sinilip ko naman mula sa kusina, kung nasaan kami ni Cosmo ngayon, si B1. Kahit na talagang mabilis siyang kumilos ay abala pa rin siya sa dami ng customers namin ngayong araw. Ang totoo niyan ay nagdesisyon akong tumulong sa kanila at iwan muna ang confessional dahil sa dami ng mga dumarayong spirit at soul sa shop ngayong araw.

I sighed and said, "Ako na."

Nang lumabas ang huling customer namin ay ibinaba ko na ang tray na dala saka napasalampak na ako paupo sa high stool na nasa may harapan ng counter. Nakakapagod!

B1 also stretched his longganisa-like arms. "Sa wakas, makapagpapahinga na rin tayo!" he exclaimed, although he did not seem tired at all.

Actually, Cosmo and B2 did not look tired either. Parang normal lang iyon sa kanila. Despite the demanding job, they maintained their energy. However, I feel the matter is not about who gets tired among us anymore. Instead, we have to solve the issue of availability to do the job. Kahit na mabilis si B1 ay pansin kong may mga gawain pa ring nababakante dahil kailangan niyang magpokus sa pagkuha ng mga order at paglilinis ng mga table. B2, on the other hand, cannot leave the counter to take orders and manage the cash register. Siyempre ay pati na rin si Cosmo. Although his cooking was unmatched, I was thinking that there might be emergencies where we had to leave the shop in the hands of the spirit bubwits. Normally, B2 will fill the role in his stead, but I doubt it would be easy for him based on what I witnessed earlier. I think we need additional manpower in the shop.

I slammed my hands on the countertop and stood up, so they all turned their attention to me.

"Bakit po, Lady Olympia? May problema po ba?" nag-aalalang tanong ng dalawnag bubwit.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Cosmo. "Do you really have to do that?"

I shrugged my shoulders and said, "Feel ko lang mag-dramatic entrance. Anyway, let's go to the dining area and discuss something."

Tumalima naman ang tatlo sa sinabi ko at kanya-kanya na kaming naupo sa mga pwesto namin sa dining table.

"Kailangan natin ng bagong kasama rito sa shop," panimula ko agad, wala nang patumpik-tumpik pa. "We need to hire a new employee to help us in the shop."

Natahimik silang tatlo at tiningnan lang ako. Nabasag lamang iyon nang biglang bumunghalit ng tawa si Cosmo.

"Just because you couldn't finish washing those dishes," aniya sabay turo sa gabundok na mga platong hindi ko pa rin natatapos hugasan sa may lababo, "doesn't mean we need another employee."

"That's not what I meant!"

"You sure?" he urged, and I had to roll my eyes.

"Okay, fine! That's one reason. Pero kailangan nating dagdagan ang workforce natin. You can be fast and talented and everything, but still, we tend to overlook some tasks and not accommodate some requests because we're too focused on a certain thing!"

"Matagal na po naming ginagawa ito, Lady Olympia, kaya sanay na po kami," ani B2. "Pero kung gusto niyo pong magdagdag ng kawani rito sa shop ay wala naman pong problema sa amin iyon. Mas maigi po iyon para may makatulong po sa amin."

"Iniisip ko lang kasi at base na rin sa napansin ko kanina na gano'n ang nangyayari sa atin. Nag-aalala rin akong baka dumating iyong araw na kailangan kong pumunta sa kung saan kasama si Cosmo para tumupad ng mga hiling at wala kayong kasama rito. Kahit na wala pa namang masyadong humihiling sa akin ay iba pa rin kapag naghanda tayo. This is one skill I want you to have. Always anticipate events and prepare your backup plans for them."

Tumango naman ang spirit bubwits ko samantalang nanatiling seryoso lang si Cosmo, pero himalang hindi siya pumapalag sa akin ngayon. He might be welcoming the same thoughts as well.

"Susuportahan ka po namin, Lady Olympia. Ano pong gusto niyong gawin namin?" saad naman ni B1.

I smiled at them and said, "Magpaskil kayo ng karatula sa labas ng shop na nagsasabing naghahanap tayo ng bagong tauhan."

Sumaludo naman sa akin ang dalawang bubwit. "Aye aye, captain!"

I then clapped my hands once and continued, "But first, tulungan niyo muna akong maghugas ng mga pinggan."

I spent the next few days interviewing several yokai who were interested in applying for the position. I was accompanied by Cosmo to the meeting. Nakatutuwang marami palang mga talentado na interesadong mag-apply. Nang tinanong ko naman si Cosmo kung bakit ganoon ay simple lang ang itinugon niya, "Of course, they will be interested. They have a place free to stay, food to eat, and their needs are meet. Iniisip din nilang kayang tuparin ng fairy godmother ang anumang hilingin nila."

Pumasok ang isang malaking octopus na may chef's hat or toque sa loob ng meeting room. Nakatingala lang ako sa kanya habang nakaupo pa rin ako sa pwesto ko. Mukhang ito na iyong sinasabi ni Pacifica na pinadala niyang mag-a-apply daw kuno bilang regalo sa akin. Grabe, sobrang spoiled ko na talaga sa kanya.

The giant octopus spirit bowed his head and introduced himself, "I am Octavio, the master chef of the imperial seafloor."

I was actually impressed by his credentials and qualities. Sure nang magaling magluto at may walong tentacles pa siyang pwedeng gamitin upang gumawa ng maraming gawain nang sabay-sabay!

Paglabas niya ay binalingan ko muna si Cosmo sa tabi ko na nakatayo pa rin at nag-aala-bodyguard ko.

"Pwede mo siyang maging kapalit kapag ka may gagawin tayo at kailangan mo akong samahan."

"Sure," tipid na sagot niya.

"Pero doncha worry dahil ikaw pa rin ang master chef ko, heart-heart," pambobola ko pa sa kanya sabay heart sign gamit ang mga kamay kong magkatagpo.

Natawa na lang ako nang mapaungol siya sa inis dahil doon. Ang cute niya talagang asarin, namamaypay agad ng sarili.

The interview went on. Maraming mahuhusay at may maibubuga at maitutulong nang malaki talaga pagdating sa pamamalakad ng shop kaso parang may kulang. May hinahanap akong hindi ko naman mapunto kung ano.

"Thank you," nakangiting pasalamat ko sa huling yokai na pumasok.

Paglabas niya ay pumangalumbaba ako gamit ang kanang kamay ko at isa-isang sinuri muli ang papeles ng mga kumakandidatong empleyado ng shop.

Wala talaga sa kanila ang hinahanap ko...

"The giant octopus has the biggest advantage," mungkahi ni Cosmo.

"Alam ko," walang ganang sagot ko habang iniiskan pa rin ang mga papel na nandoon.

"Kung gano'n ay bakit hindi mo pa siya kunin?"

"May hinahanap pa akong wala sa kanya."

"And what exactly is that?"

I shrugged. "I don't know." I then looked up and smiled at him. "But I will surely know once I see it."

We both turned our attention toward the door when it flew open. B2 then rushed towards us, concern laced across his chubby face. Nakalutang siya ngayon pero iniyuko niya pa rin ang ulo niya upang magbigay-galang sa akin. I kept reminding him and B1 that it was fine not to do it anymore, but they insisted.

"Lady Olympia, may batang Marionette po na gustong humiling sa inyo," he informed.

"Gabi na, B2. Pabalikin mo na lang siya bukas. It's passed the wishing time," ani Cosmo.

"Pero nasa may confessional na rin po siya at basang-basa ng ulan kaya pinatuloy na lang po namin siya ni B1."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nginitian sila. "I'll meet him or her. Para sa fairy godmother na hindi madalas dinadayo, a single wisher is important, and wishing should be made available any time of the day."

Habang naglalakad kami ni Cosmo papuntang confessional ay tinanong ko siya kung ano ang Marionette. He explained to me that Marionettes are the type of craftsmen spirits who focused mainly on doll making. Lahat ng mga manikang ginagawa nila ay napapagalaw nila at nauutusan. Iyon ang mga espesyal na abilidad ng uri nila.

Pagdating namin sa confessional ay agad kong napansin sa kabilang banda ang batang babae na nakasuot ng hanbok, a traditional Korean dress. Basang-basa nga siya ng ulan kaya binigyan ata siya ng dalawang spirit bubwit ko ng tuwalya na nasa mga balikat niya ngayon nakapatong. May hawak siyang maliit na rag doll na pansin ko ay may hawak ring nakatuping papel. Nakayuko ang ulo ng bata. She was probably seven years old at most. Hindi ko alam ang edad niya dahil gaya nga nang sabi nina B1 at B2 sa akin noon, para sa mga katulad nila ay hindi mahalaga ang edad kaya hindi sila nagbibilang no'n hindi tulad nang sa mga mortal. I do not even know how long Cosmo has been alive.

I sat on my seat facing her, and I still gave her a welcoming smile even though she was not looking at me. "Hi," I greeted.

That was when she slowly lifted her head and looked at me. Her eyes were so dark I could not tell where the iris and pupil were, and they were also big but so beautiful that they resembled a doll's eyes.

"Ako si Olympia, ang fairy godmother dito. Anong pangalan mo?" I asked in a soft tone.

"Chica..." mahinang tugon niya.

"Anong maitutulong ko sa iyo, Chica?"

Instead of answering me, she released her rag doll and let it walk towards me to hand me the paper it had been holding since earlier. Kaagad namang bumalik ang rag doll sa kamay ni Chica. I took the folded paper and found out that it was actually a letter. Agad kong binuksan iyon at binasa nang tahimik.

Sa kung sinumang may mabuting kalooban ang makapagbabasa ng liham na ito ay taos-puso akong nagpapasalamat sa iyo sa pagtanggap sa aking anak na si Chica. Kung mangyari man na mahanap mo siyang mag-isa, iyon ay nangangahulugan lamang ng isang bagay. Hindi ko man nais ang pumanaw ay hindi na kakayanin pa ng aking katawang patuloy na indahin ang aking malalang karamdaman. Natitiyak ko ring sa paglisan ko ay kasabay no'n ang pagtataboy ng aking uri kay Chica palayo sa aming bayan.

Sa mga katulad naming craftsmen spirit, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng aming mga kamay. Ito ang pinakayaman at buhay naming mga Marionette. Kaya ang kondisyon ni Chica ay hindi katanggap-tanggap para sa kanila. Hindi sila naniniwalang kaya niyang lumikha nang mahusay na manika dahil lamang sa kondisyon niya. Siya ay isinilang na parehong walang mga braso at kamay.

I eyed the girl again and noticed that both of her hands were actually made from prosthetics, and probably her arms as well. I just could not see them right now because the sleeves of her hanbok were covering them. Kung ganoon... itinaboy siya ng mga kauri niyang Marionette dahil sa kondisyon niya.

"An odd..." narinig kong sambit ni Cosmo sa tabi habang nakatitig din kay Chica.

Itinuturing din siyang odd ng uring pinanggalingan niya. Umiling ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng liham na mula sa kanyang ina.

Kaya kahit wala na ako ay nais kong ipaabot sa liham na ito ang lubos kong pasasalamat sa iyo. Ako ay nakikiusap na nawa ay kupkupin mo siya at ituring na kapamilya. Hindi gaanong naglalabas ng emosyon ang aking anak kaya kapag nakita mo siyang ngumiti, tumawa, umiyak, mainis, at magalit, doon mo mapapatunayang tunay na siyang nakahanap ng bagong pamilya at tahanan. Sa uulitin, maraming-maraming salamat. Sana ay ipaalala mo sa kanyang mahal na mahal ko siya.

My heart swelled after reading her mother's letter. It was so full of love. Tunay ngang gagawin ng isang ina ang lahat masiguro lang ang kabutihan ng kanyang anak kahit na wala na siya sa mundo. I suddenly remembered my own mother, who, despite being dead for so many years now, her love lived on inside my heart and whole character. I quickly wiped the brimming tears from my eyes and smiled at Chica again.

"Tell me your wish, and I will be happy to grant it," I told her.

"Family... I... I need a family," she answered and hugged her rag doll tightly. "Gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo, bigyan niyo lang po ako ng pamilya at tahanan. Ayoko pong m-mag-isa..."

I smiled and said, "Your wish is my command. Maligayang pagdating sa Batibot."

Inutusan ko muna si B1 na igiya si Chica sa shower room nang sa ganoon ay makaligo ito at hindi lagnatin dahil nabasa sa ulan. I was on my way to my room to make her some clothes, too. Nakasunod naman sa akin si Cosmo.

"So, you're taking her in?"

"Absolutely. She has the missing piece I'm looking for," nakangiting tugon ko naman, tuwang-tuwa, pero nanatiling seryoso si Cosmo.

"And what is that piece exactly? Being odd?"

Napakunot ang noo ko sa itinuran niya. "Of course not. It's someone who needs saving. The four of us here were also saved by Ina Dabria. Si B1 noong sinadyang iwan siya ng mga kasamahan niya sa gitna ng labanan. Si B2 na pinalayas sa monasteryo nila. Parehong dahil tingin ng uri nila ay hindi sila katanggap-tanggap dahil lamang sa katangian nilang hindi lumalaki. And you, on the day of your execution. She also saved me when I was running away for my life and feeling so all alone."

"You knew about their histories, too?"

"They told me. Hindi ko man nakilala nang mas matagal si Ina Dabria pero nang makasama ko kayo at makilala, iyan ang mabigat na aral na natutuhan ko mula sa kanya. Save those who need and who are worthy of saving. I treasure every lesson that I get, so I apply them."

Huminga akong malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi dapat ako ma-stress dahil may bagong kapamilya pa akong dapat i-welcome with a positive energy.

"Cosmo, look, I don't just need an employee. I need someone who will see and treat Batibot not merely as a shop where he can work but also as a home where his family can be found. And that is why I hired Chica."

Nakipagsukatan lang sa akin ng tingin si Cosmo na animo ay tinitimbang niya ako. Hindi siya nagsalita o umangal. Nginitian ko siya upang siguraduhin sa kanyang magiging maayos lang ang lahat.

"Now go and make Chica a dollhouse-like bedroom, please," I pleaded, with my palms pressed together.

Napailing siya at pumihit na patalikod sa akin saka nagsimulang maglakad papalayo upang sundin ang pakiusap ko. Nasa distansiya na siya pero narinig ko pa rin ang ibinulong niya.

"Now I kind of get it why she picked a human as her replacement."

•|• Illinoisdewriter •|•

Please know that you're making me happy by voting for this story and sharing your thoughts. God bless! 🥰

Fashionista Olly's OOTD: (Interview sesh to last scene)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top