05: The Fairy Godmother Begins Her Oddventure

05: The Fairy Godmother Begins Her Oddventure

INSTEAD OF PROCEEDING to the next part of our training, I ended up making the dead back and front yard into a haven of flowers. Sa sobrang tuwa ko sa nadiskubre kong kakayahan ay ginawa kong flower garden ang palibot ng Batibot. I also took some flowers inside the shop to decorate it. Naglagay din ako ng mga bulaklak sa mga plorera sa loob ng bahay at kwarto ko.

Pinipilit ako ni Cosmo na magsanay ulit, pero ayoko na talaga muna kasi naaaliw na ako sa ginagawa ko. Nang hindi pa siya tumigil sa kasusunod sa akin upang pilitin ako ay ginamitan ko na siya ng sacred word-binding spell na koneksyon naming dalawa bilang amo at familiar.

"Hindi mo na ako pipiliting magsanay today, okey?" saad ko.

He groaned but still nodded his head involuntarily. Napahagikhik ako at nilampasan na siya upang mailagay ko sa ibabaw ng coffee table sa confessional iyong in-arrange kong mga bulaklak sa ekstra pang plorerang nakuha ko lang din sa shop.

"Bilisan mo r'yan at maghahanda na ako ng hapunan," aniya bago lumabas ng confessional.

Pagkatapos ko sa ginagawa kong pag-aayos at pagdedekorasyon ng buong Batibot ay tumungo na ako sa may dining area kung saan nakahanda na ang hapunan namin. Naupo kaagad ako sa pwesto ko kasi sa itsura pa lang ay masasarap na iyong mga pagkaing niluto ni Cosmo. Sumunod namang naupo sa kanya-kanyang pwesto nila ang tatlo.

Tahimik kaming nagsimulang kumain. Hindi ko kasi talaga ugaling magsalita kapag ka kumakain, lalong-lalo na siyempre kapag ka masarap iyong mga handa.

"Lady Olympia," tawag sa akin ni B1.

Binalingan ko naman siya at nginitian habang sarado ang bibig ko at lumulobo pa ang mga pisngi dahil puno pa. "Bakit?"

"Ang ganda na po ng harapan at bakuran natin dahil sa ginawa niyo po," papuri niya sa akin. "Natitiyak ko pong maraming spirits at souls ang dadayo na rito dahil para na pong pook-pasyalan ang Batibot ngayon."

"Hindi ko nagustuhan iyon," sabat naman ni Cosmo.

"Wala namang nagtatanong sa 'yo."

He groaned and heaved a sigh to calm himself down before answering me, "Mas gusto ko pa rin iyong mukhang abandonado at haunted itong Batibot. Mas maigi na iyon upang matakot ang mga taong naliligaw dito sa bundok at hindi maglakas-loob na pumasok. Dahil sa ginawa mo ay mas agaw-atensyon na tayo ngayon."

"Kahit naman wala akong kapangyarihan na patubuin iyong mga halaman ay gagawin at gagawin ko pa rin naman ang lahat para magtanim at magpayabong ng mga iyon nang sa ganoon ay gumanda-ganda namang tingnan iyong bakuran at harapan. Mas nakakagaan kaya sa loob kapag ka maganda iyong tanawin ng tahanan mo," giit ko pa. "B1, B2, sumama ba iyong pakiramdam niyo ngayong maganda nang tingnan ang bakuran at harapan ng Batibot?"

Sabay namang umiling ang dalawang bubwit bilang tugon sa akin.

"Very good."

"Tsk..." si Cosmo.

Sa kanya ko naman itinuon ang atensyon ko. "Anyway, I am planning to make the wish-granting service available tomorrow."

"What?! Just because you can grow plants and flowers, you think that is already enough to grant wishes?!"

"Hindi pa, but at least there is progress. Isa pa, learning is a lifelong process. Hindi porque't may natutuhan ka nang isa o dalawang skills, tapos na. Nagpapatuloy iyon kaya nga hindi ko naman kailangang madaliing matutuhan ang lahat. Everything will happen in time."

Hinampas niya ang lamesa at tumayo saka humilig paharap sa akin. "You're not yet ready!" he argued.

I also stood up from my seat and leaned forward. "If I wait until I'm ready, who knows, I might end up just waiting for the rest of my human life!"

Mabilis na tumayo naman ang spirit guardians at kanya-kanya silang lapit sa amin ni Cosmo upang awatin kami. B1 was now hugging my left leg while B2 floated in the air and held Cosmo's waist from the back; both were trying their best to ease the tension between us.

"Tama na po, Lady Olympia, Master Cosmo!" pagmamakaawa nila.

Nahiya ako bigla sa ginawa ko kaya mabilis akong bumalik sa upuan ko. Gayundin ang ginawa ni Cosmo. I could not even look at him now, siyempre ay lalo na sa mga spirit guardian ko. Bumalik na ang dalawang bubwit sa mga pwesto nila nang tahimik na kumain na ulit kami ni Cosmo. I could not stand the silence. It was awkward and uncomfortable, para akong gini-guilt trip.

"I am sorry..." pagbasag ko sa katahimikan.

Hindi ganitong pag-uugali ang itinuro ni nanay sa akin. It was to have courage while remaining kind. Kaya nagi-guilty ako, that was why I felt the need to apologize without waiting and expecting Cosmo to do it as well.

"Ayos lang po, Lady Olympia," B1 assured me smilingly.

Somehow comforted, my lips slowly curved into a grateful smile.

Pagkatapos kumain ay wala pa rin kaming imikan ni Cosmo. He just silently took the plates we used and announced in a monotone, "Ako na ang bahala rito."

I just silently nodded my head and left. Sinabihan din ako ng mga spirit guardian na maghintay sandali kasi pupunuin daw muna nila iyong wooden bathtub sa shower room para sa akin.

"B1, B2," tawag ko sa kanila bago pa sila makaalis.

Nilingon naman nila ako nang sabay. "Bakit po, Lady Olympia?"

"You don't have to do this."

"Ayos lang po talaga. We exist to serve you," paliwanag ni B2.

Tumalungko ako sa tapat nila saka sila nginitian. "Alam niyo bang matagal ko nang gustong magkapatid? Iyong mga katulad niyong bulilit na gusto kong alagaan at makitang lumaki?" pagbabahagi ko na sinamahan ko pa nang simple at magaang pagkurot sa mga pisngi nila.

"Lady Olympia, hindi niyo po kailangang mag-aalala sa amin. Nangako po kami nang panghabambuhay na katapatan sa Batibot at sa diwatang namamahala nito," B1 insisted.

Napabuntong-hininga naman ako. Mukhang hindi ko talaga sila mapipilit. Marahil ay ganoon talaga. Iba kami ng mga kinalakihang reyalidad at mundo. Magkabuklod man kami ngayon ay may mga bagay pa ring nakasanayan na namin na hindi magbabago. I need to respect that.

"Basta lagi niyong tatandaan na hindi kayo tagapagsilbi lang dito. Pamilya tayong lahat dito at ang Batibot ang tahanan natin," I reminded them, which earned me a grateful smile and a nod from them.

"Lagi po naming tatandaan 'yan, Lady Olympia. Maraming salamat po!" anila.

Pagkatapos nilang mapuno ng tubig ang bathtub ay agad ko silang pinasalamatan. Pagkalabas ng dalawa kong spirit bubwits ay pinusod ko muna pa-high bun ang aking buhok bago ko tinanggal ang bathrobe ko saka ako lumublob sa tubig.

Hinilig ko ang likod ko sa sandalan at pumikit, pinapakiramdaman ang sarap nang maligamgam na tubig. Grabe, nakakagaan sa parehong katawan at ginhawa. Parang lahat ng pagod ko ay unti-unting nawawala dahil dito. I should stay here and relax for a little while. Sinandal ko na rin ang ulo ko upang mas maging komportable pa ang aking posisyon habang ninanamnam ko ang sarap ng half bath na ito.

—————

NAPADUNGAW SA MAY gilid niya ang naghuhugas ng mga pinagkainan na si Cosmo nang kalabitin siya ni B2 sa may binti niya. Naabutan niyang nakatayo na roon ang spirit guardian at nakatingala sa kanya. Hindi man lang umabot ang tangkad nito sa beywang niya, at kahit sa pagdaan ng mahabang panahon ay hindi pa rin ito tumatanda gaya niya. Iyon nga lang ay hindi rin ito lumalaki tulad ni B1. They were also considered odd by their kind because of that quality, or better to say, oddity.

"Ano 'yon, B2?" he asked the spirit guardian.

"Bakit niyo po sinabi kay Lady Olympia na normal lang po na kakayahan ng lahat ng fairy ang makapagpatubo ng mga halaman? Nakalimutan niyo na po ba na kahit anong gawin ni Ina Dabria na pamamaraan ng paghahalaman noon ay hindi talaga siya makapagpatubo ng mga iyon dahil laging namamatay kahit na ang mga binhi sa isang hawak niya lang po?" naguguluhang tanong ni B2 habang nakapilig pa ang kanyang ulo, ang matabang pisngi ay naiipit tuloy sa kanyang balikat.

Nanatiling nakatitig si Cosmo kay B2. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito. Totoo ngang kahit na anumang gawin ni Ina Dabria ay hindi siya kailanman nakapagpatubo ng kahit isang halaman sa Batibot. Laging namamatay lahat sa isang hawak niya lang, maging ang mga bagong binhi pa lamang. This was one of the things that frustrated their former fairy godmother. No matter how bad she wanted to grow a plant, not single one will stay alive in her hold.

It was also one of the reasons why the front and backyard of their place remained looking abandoned and haunted since no plant can ever grow with Ina Dabria. Lahat ng iyon ay dahil hindi maaaring magsama ang kapangyarihan ng buhay at kamatayan sa isang diwata. Since Ina Dabria was the fairy godmother of souls and spirits, her powers were closely related to death. Kaya nga laking gulat ni Cosmo nang masaksihan niyang nagawa ni Olympia na makapagpatubo at makapagpamukadkad pa ng mga bulaklak kanina.

Hindi normal iyon.

Hindi nagtutugma.

Hindi tama.

"Nakalimutan ko ang tungkol d'yan, B2," kaila ni Cosmo. "Pero maaari bang huwag na muna nating ipaalam kay Olympia ang tungkol d'yan? I'm worried that it might affect her training and thinking. Baka mahirapan siya lalong makapag-transform sa ethereal form niya."

Maagap namang tumango-tango si B2. "Makakaasa po kayo, Master Cosmo. Sasabihan ko rin po si B1 tungkol dito sa bilin niyo."

"Maraming salamat."

"Pupuntahan ko lang po si B1 nang masabihan ko," paalam ng spirit guardian na tinanguan naman ni Cosmo.

Hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang lahat habang nagpapatuloy siya sa paglilinis. Alam at ramdam niyang hindi ordinaryo ang nasaksihan niya kanina. There must be really something about Olympia that they do not know. Hindi niya maiwasang ipalagay na baka iyon din ang nakita ni Dabria kaya nito pinili bilang kapalit niya ang tao.

"She really is an odd..." anas ni Cosmo, kausap ang sarili. "Bakit ba ang hilig kumupkop ni Dabria ng mga odd?"

—————

TATLONG PUTOK NG shotgun, dalawang tama, isang bangkay.

Nanay Sita...

Dinungaw ako nang naka-itim na matandang babae sa pwesto ko na tila ba nakahiga ako at nasa tapat ko siya nakatayo. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa belong itim na nakatakip sa mukha niya pero sa tibok pa lamang ng puso ko ay alam ko nang mapanganib siya para sa akin. Itinutok niya sa akin ang dala niyang shotgun.

Sobrang lapit...

Hindi ako makahinga...

Natatakot ako...

"Matagal ko na sanang ginawa ito pero naaawa ako sa 'yo, Olympia. Nakakaawa ka dahil mahina ka. Mahina ka!" sigaw niya at ipinutok na ang hawak niyang shotgun.

I screamed and jolted awake. Napayuko ako at sinapo ang ulo ko nang matanto kong panaginip lang pala lahat ng iyon. Pero iyong takot, sakit, at lungkot na naramdaman ko nang gabing iyon ay nanunuot pa rin sa alaala at dibdib ko.

"Olympia!" someone shouted, and I heard the sliding door of the shower room open.

Paglingon ko sa may pintuan ay parehong namilog ang mga mata namin ni Cosmo nang magkatagpo. What the heck was he doing here?!

Hinablot ko ang pinakamalapit sa aking de kahoy na balde at hinagis iyon sa banda niya habang nagsisisigaw sa sobrang pagpapanik at pagkataranta. Kahit na nakalublob sa tubig ang katawan ko ay hubo at hubad pa rin ako!

"Lumabas ka!" I shouted repeatedly.

He quickly closed the door when he seemingly recovered from the shock. Kita ko pa rin ang bulto niyang nakatalikod sa may Japanese style na sliding door ng shower room kaya alam kong nandoon pa siya at hindi umaalis.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita pagnanasahan. Wala ka namang dibdib," ang sabi ng hambog kong familiar.

Sa sobrang inis ko ay pinalutang ko ang baldeng hinagis ko sa kanya kanina pabalik sa akin saka ko malakas na hinagis ulit iyon sa pinto kung saan siya nakapwesto ngayon. "Aba, bastos ka!"

He even had the guts to chuckle. "Move on, sweetheart. You're not my type," aniya at saka pa umalis.

Nanggigigil na napasigaw naman ako ng, "Gago!"

MAAGA AKONG NAGISING sa sumunod na araw. I picked one of the best dresses I had in my closet to look presentable for my first day on the job as a fairy godmother. Kahit hambog at pasmado pa rin ang bibig ng familiar ko ay nagpapasalamat pa rin ako sa serbisyo niya at pag-aasikaso.

Hindi ko talaga aakalaing pagbukas ko ng closet ay may mga damit na iyon at bestida. Isang backpack lang kasi ang dala ko no'ng dumating ako rito kaya imposibleng magkaroon ako nang ganoon karaming mga gamit. It was actually Cosmo who bought them for me from the Yonder market. At dahil d'yan ay papalampasin ko na lang muna ang ginawa at sinabi ng mokong kahapon.

"Handa na po kayo, Lady Olympia?" nakangiting tanong sa akin nang ngayon ay lumulutang nang si B2 habang hawak iyong seradura ng pinto ng shop.

Nasa may entrada kaming lahat ng shop at naghahanda na sa pagbubukas ng Batibot para sa mga kaluluwa at espiritu. Nakasimangot naman si Cosmo sa pwesto niya habang nakahalukipkip at nakasandal sa may pader. Ayaw niya pa ring pumayag sa plano ko pero wala siyang magagawa dahil ako ang amo niya. Tumango ako at ngumiti sa kanila. Kaya ko ito.

B2 pushed the door open, and I stepped forward. I smiled at the waiting guests, composed of various souls and spirits that ran the gamut from the smallest to the biggest. I bowed my head in respect and greeted them, "Magandang araw sa aming suking shoppers. Maligayang pagdating sa Batibot."

I lifted my head and smiled at them again as I introduced myself, "I am Olympia Sagrado, ang bagong fairy godmother niyo, at handa nang maglingkod sa inyo. Let's make your wish come true."

•|• Illinoisdewiter •|•

Please know that you're making me happy by voting and sharing your thoughts. God bless!

Fashionista Olly's OOTD: (Last scene)

(Since Olly is a fashion designer, I guess it is just right to add some visual representations of her outfits here.🥰)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top