03: The Fairy Godmother Seals the Deal
03: The Fairy Godmother Seals the Deal
NO, AYOKO, HINDI pwede, tuldokt. I will not go through the process of sealing the contract with Cosmo! Just no way!
"Umuwi na tayo. Kung ayaw niya talagang bumalik sa Batibot, bahala na siya. Karapatan niyang mamili," sabi ko sa mga spirit bubwit ko.
Malungkot na napayuko naman silang dalawa. Naunang mag-angat ng tingin si B2 at umiling sa akin. "Mauna na po kayong umuwi sa Batibot ni B1. Magmamakaawa po muna ako kay Master Cosmo na bumalik doon," paalam niya sa amin bago ito lumipad palayo upang hanapin si Cosmo.
It seemed like B2 was really close with Cosmo. Ayaw niya talagang bitiwan ito. Napabuntong-hininga ako at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Bukod sa kailangan talaga namin si Cosmo ay ayoko ring maging malungkot ang dalawang spirits. Sana nga lang talaga ay mapapayag niya ito na umuwi na sa Batibot, sa amin...
Dinungaw ko si B1 sa gilid ko na hawak-hawak ko pa rin ang kamay. "Mauna na tayong umuwi sa Batibot. Doon na lang natin sila hintayin."
Pagtango niya ay umalog pa ang matambok at mamula-mamula niyang mga pisngi. "Sige po, Lady Olympia."
Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa Batibot ni B1 pero nang nasa may entrada na kami ng Kapitolyo ay napaatras kami sa gulat dahil hinarangan kami ng tatlong malalaking pangit. Kulay green ang dalawa sa mga ito samantalang maputla naman ang isa. They were only wearing their shorts. Medyo makulubot din at ang isa ay may sungay pa sa noo nito.
One of the green creatures sniffed and then smirked menacingly. "Kaya pala kanina pa mabango rito sa may Kapitolyo. May tao palang naligaw," he said and licked his cracked and dry lower lip. Ew!
They moved forward, so I stepped back.
"S-Sino kayo?" I asked.
"Mga gremlin at ogre po sila, Lady Olympia," ani B1 at bumitiw sa akin upang pumunta sa harapan ko. He stretched his longganisa-like arms as if to protect me from the yokai. "Poprotektahan ko po kayo sa abot ng aking makakaya!"
Diyos ko namang bata ito ho oh!
"Tumabi ka, spirit guardian. Gutom na kami!" saad no'ng maputlang yokai.
Bago pa man nila matabig si B1 ay hinila ko na ito palapit sa akin. I instinctively adopted a protective stance for my little spirit guardian. Alam kong dapat siya ang pumuprotekta sa akin kaso ay bata talaga ang tingin ko kay B1 gayundin kay B2, mga batang ubod nang cute at healthy na dapat alagaan. Kaya gustong-gusto ko silang protektahan.
"Wala ka nang kawala ngayon, tao!"
The three yokai stretched their arms to reach me and moved altogether to attack our direction. Nahinto rin sila agad nang may naglakad at dumaan sa mga ulo nila upang tumawid sa kabilang bubungan.
"Master Cosmo!" tuwang-tuwang sambit ni B1 sa pangalan ng gumawa no'n.
I was still owl-eyed as I stared at him. I still could not get off my head how he just walked so casually on the top of the heads of those yokai to get to the other roof. May hawak pa siyang pamaypay na ginamit niya upang takpan ang kanyang bibig habang iyong kaliwang kamay naman niya ay nakalagay sa likod niya nang gawin niya iyon.
"A-Anong ginawa mo? B-Bakit hindi kami makagalaw?" naguguluhan at nahihirapang tanong ng isa sa mga yokai na biglang naestatwa.
Muli kong tiningala mula sa pwesto ko ang bubungan kung saan nakapatong si Cosmo na nakadungaw naman sa amin. He was still covering his mouth with that folding fan. The moonlight illuminated his enigmatic blue eyes. Sinara niya ang pamaypay na hawak niya at inilagay din sa likod niya iyon. Ngayon ay ang parehong mga kamay na niya ang nakatago sa likuran niya.
"Human." Of course, I was the one he was calling. "Let's make a deal. I will willingly offer myself to you as a familiar if you pass the test."
I scowled at him after hearing that. "Anong test naman 'yan?" Mahina pa naman ako sa Math.
"Prove to me that you are worthy of being my lady and mistress by saving your own self from them."
"Ha?" naguguluhang balik ko sa kanya. "Ano? Hindi kita gets—"
"Sa wakas!" sigaw ng mga yokai na bigla na lamang nakagalaw ulit.
Gulat na napatingala ulit ako sa ngayong nakangisi nang si Cosmo. Obviously, siya ang may pakana nito!
"Hindi ko sila kaya!" inis na sigaw ko sa kanya.
Lalo lang lumapad ang pagkurba ng ngisi niya. "I'd like to see you try."
Hinahamon niya talaga ako. Nakakainis, argh! Pwes, hindi rin ako magpapatalo at lalong-lalo na ang magpasindak sa kanya. Ngumisi rin ako kaya napalis iyong kanya. Akala mo ha ikaw lang ang marunong mang-inis.
"Sus, 'yon lang pala, e! B1," saad ko at hinawakan nang mas mahigpit ang kamay ng spirit guardian ko. "Takbo!"
Kumaripas kami ng takbo ni B1 palayo roon. Sa sobrang okupado ng isip ko sa nangyayari at sa susunod kong gagawin ay hindi ko namalayang nasa Yonder Forest na pala kami. Shems, nakalimutan kong kailangan nga pala naming dumaan dito bago kami makabalik sa Batibot.
"B1?" Napabaling ako sa gilid ko nang hindi ko na maramdaman ang kamay na kanina lang ay hawak ko. Nagulat ako kasi huli na nang matanto kong nabitiwan ko pala si B1!
"B1, nasaan ka na?! B1!" nag-aalalang tawag ko sa kanya.
Hindi ko maitatangging nakakapangilabot talaga sa lugar na ito. Bukod sa madilim ay makapal din ang hamog at puro patay iyong mga puno. Hindi talaga imposibleng maligaw at mawala ka rito, pero kailangan kong hanapin ang spirit guardian ko. Baka napaano na siya...
"B1!" pasigaw na tawag ko sa pangalan niya ulit.
"Hija..."
Napatingin ako sa banda kung saan ay parang nahawi iyong makapal na hamog. Sunod ko namang natanaw mula roon ay ang matandang babaeng naglalakad. Nakasuot din siya ng yukata at may karga pang Bukag basket sa likuran niya na puno ng mansanas kaya tila hirap na hirap siyang buhatin iyon. Dagdagan pang may pagkakuba na siya kaya talagang nakakaawang tingnan. I could not bear to look at her state, so I jogged my way towards her to try to help her.
"Lola, magandang gabi po. Mukhang nahihirapan po kayo sa bitbit niyo. Bakit hindi po muna kayo magpahinga rito?" nakangiting alok ko sa matanda sabay turo sa pinakamalapit na puno.
I felt crept out when she looked up at me and smiled. Her blackened and ruined teeth were peeking out. The image of the black-veiled woman suddenly flashed in my memory. Napaatras ako dahil doon.
Bakit... Bakit natatakot ako?
I clenched my right fist and calmed myself down. Pareho lang silang matanda pero hindi siya ito.
"Hija, maaari mo ba akong tulungan dito sa mga paninda kong mansanas? Maaari ka bang bumili kahit isa lang sa mga ito at nang sa ganoon ay makauwi na ako?" nakangiting tanong niya sa akin sabay lahad ng isang pulang mansanas.
Natatakot man ay pinilit kong ngumiti sa kanya at tumango. "Bibilhin po namin iyan mamaya. Hahanapin ko po muna ang spirit guardians ko saglit tapos babalikan po namin kayo. Pwede po bang maghintay muna kayo sa akin dito?" sabi ko sa kanya at alok na muling magpahinga roon sa pinakamalapit na puno.
Hindi nakinig sa akin ang matanda at mas lalong inilapit pa ang hawak niyang mansanas. "Hindi na kailangan, hija. Isang kagat lang sa mansanas na ito at makakauwi na ako sa amin nang masaya at busog," makahulugang aniya.
I held her hands and gently pushed them back to her with the apple she was holding before I shook my head. "Pasensya na po talaga pero hindi po ako kumakain ng mansanas."
Of course, it was a lie. I love apples. They are my favorite fruits, but I cannot accept her offering even though I know I can help her by just taking a bite of it. Isa sa mahigpit na turo sa akin ni nanay noong nabubuhay pa siya ay hindi raw dapat ako tumanggap ng mga pagkaing inaalok ng mga estranghero at lalong-lalo na sa mga lugar na hindi ako pamilyar.
Biglang nanlisik ang mga mata no'ng matanda kaya napaatras akong muli sa kaba. "Ang sabi ko, isang kagat lang!" galit na sigaw bago nag-iba ang kanyang anyo.
Her nose suddenly became unusually long and pointed; her wrinkled skin turned more wrinkled, and her eyebags darkened and had already surrounded her eyes. May mga kakarampot na puting buhok pa sa may 'di-kaaya-ayang tingnan niyang cleft chin. She's a freaking witch!
"Isang kagat lang at magiging akin ka na!" she screamed and floated before lunging towards me.
I shouted in horror, stood up quickly, and made a run for my life. Kumaripas ako ng takbo sa gitna nang mahamog at madilim na Yonder Forest. I do not know what is scarier anymore, this forest or that freaking witch. Nasaan na ba kasi ang mga spirit guardian ko? I need help!
"B1! B2!" sigaw ko sa mga pangalan nila, hoping they could hear and help me. "Tulong!"
"Well, well, this is much more interesting than those of the gremlins and ogre."
Nahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. I looked at where it came from and found Cosmo standing on a big tree branch nearby. Nakatakip na naman nang nakabukas niyang pamaypay ang bibig niya. Hindi ko kailangan ng magic para malamang matamis iyong pagkakangisi niya sa likod no'n. He was obviously making fun of my situation now!
"Binibining maganda, naamoy kong masarap ka," wika ng matandang mangkukulam pagkatapos ay bumungisngis pa nang matinis.
Boses niya pa lang ang naririnig ko ngayon. Hindi ko rin mahagilap ang bulto niyang papalapit dahil sa kapal ng hamog na nakapalibot sa Yonder Forest. Muling kong tiningala si Cosmo. "Tulungan mo 'ko..."
"Hindi mo ako familiar para utusan," nang-aasar na tugon niya.
"Please..."
"Hindi tayo close para mapagbigyan kita," panunukso niya ulit.
I loudly groaned in annoyance and frustration with his shenanigans. It was already too late when I realized that it was a bad move.
"Nand'yan ka lang pala!" Nahanap na ako ng mangkukulam!
She lunged at me, pushed me really hard to a tree nearby, and held me by the neck to choke me. Hinawakan ko rin ang palapulsuhan niya upang subukang alisin iyon at magpumiglas pero sobrang lakas niya na napapaubo na ako sa kakapusan ng hangin.
Bumungisngis nang malakas ang mangkukulam at inamoy ako. "Hmm... napakabango ng espiritus vitae mo. Natitiyak kong mas masarap din ito kapag tinikman."
"T-Tulong... Tulong..."
Sinilip ko ang banda ni Cosmo at nanatili lang itong nanonood sa nangyayari habang ang mga kamay niya ay parehong nakatago na sa likod niya. Wala talaga siyang balak tumulong... Linti gid ah!
Binitiwan ko ang palapulsuhan ng mangkukulam at sa halip ay sinubukang abutin ang loob ng bukag basket niyang nasa likuran niya pa rin. I grabbed an apple and mustered all of my remaining strength to repeatedly hit the freaking witch on the head with it. Sa kasamaang palad ay hindi gumana iyon sa kanya. She burst out into another giggle before she opened her mouth. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang isaksak sa bunganga niya ang mansanas. Her grip on me loosened, so I did not waste any more time and kicked her hard on her stomach, making her stepped back.
"Lady Olympia!" tawag nina B1 at B2 sa akin.
Salamat at nandito na sila.
"B1, ikaw na munang bahala sa mangkukulam," utos ko sa aking spirit guardian na tumango naman at kaagad na kumilos. He moved so fast he almost seemed invisible as he circled the witch, enclosing her in a whirlwind-like dome.
Sunod ko namang binalingan si B2 at tahimik na tinanguan. Namilog ang mga mata niya pero kalaunan ay napangiti na rin siya at tumango. I have to finish it here and now. I stood properly and wiped the soiled shoulder of my shirt before looking up and smirking at Cosmo. Nahuli ko ang pagkunot ng noo niya dala ng pagtataka at inis na rin sa ekspresyong ipinapakita ko sa kanya. I told you, hindi lang ikaw ang marunong mang-inis.
"Mahina ka pa ri—" He could not finish his statement when B2 appeared behind him and pushed him off the tree branch.
Despite being taken by surprise, he managed to land on the ground feet first and without ruining much of his calm demeanor. I did not waste any more time. Inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa, tumingkayad ako at hinila siya sa may kwelo niya at pinayuko upang maabot ko, and then I did it. I crashed my lips into his.
Let this kiss seal the deal, and from now on, you will take my every word.
I withdrew from the kiss when a pair of bright bangles suddenly appeared on Cosmo's wrists. I also suddenly felt something on my ring finger and found a plain silver ring there. A light illuminated the engraved words lady and mistress in there as well. Napansin ko ring may ganoong singsing si Cosmo na may nakalagay naman na familiar. The look of utter surprise on his face was priceless, even until those magic bangles and light on our rings disappeared.
Nang bumalik na ang lahat sa dati ay ang malakas na palakpakan ng dalawang spirit bubwits ang bumasag sa katahimikan. Napasigaw sa inis si Cosmo samantalang hindi ko naman napigilan ang sarili kong ngumiti at humalakhak. Got you! Familiar ko na siya!
Biglang nagbagong-anyo si Cosmo. Instead of his Akamata form, he completely transformed into a big white snake from head to tail and devoured the witch wholly. Mabilis na napakurap ako ng tatlong beses pagkatapos masaksihan iyon.
Did he just... swallow the witch?
Nagpapanik na sumigaw ako nang makabawi at nilapitan siya saka niyakap ang makaliskis niyang katawan sabay sigaw nang paulit-ulit na, "Iluwa mo siya! Iluwa mo siya!"
Masungit na iniwas niya lang ang ahas niyang ulo sa akin, halatang nagmamatigas. Susuko na sana ako nang maalala ko ang sinabi ni B2. My words will be his law, and he cannot do anything about it once he became my familiar.
"Iluwa mo siya, Cosmo," seryosong utos ko sa kanya, at kahit na ayaw niya ay mabilis na kumilos ang katawan niya upang iluwa ang humahagulgol na mangkukulam.
I reminded the witch not to do it again or victimize another. Pumayag naman siya at umalis na, pero iyong sumpong ng familiar kong masungit ay mukhang hindi pa rin nawawala.
•|• Illinoisdewriter •|•
HILIGAYNON DICTIONARY:
• Linti gid ah – in the context above, it was used as "damn it".
Your votes and comments are making me smile, Charmings!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top