02: The Fairy Godmother and the Odd Familiar

02: The Fairy Godmother and the Odd Familiar

INA DABRIA WAS the former fairy godmother for spirits and souls, and the powerful being residing and guarding the Batibot, the one-stop shop for souls and spirits. Ang kwento nina B1 at B2 ay labing-isang taon na raw na hindi bumabalik si Ina Dabria sa Batibot simula nang magpaalam itong may hiling na aasikasuhing mag-isa. The spirit guardians and her familiar were the ones left to run and take care of the Batibot. Pero dahil matagal na itong hindi bumabalik ay iilan na lang ang mga espiritu at kaluluwang pumupunta rito dahil wala na ang diwatang pwede nilang mahilingan. Kaya ngayon ay nagmistula na itong abandonado sa ibabaw ng bundok sa bayan ng Ravello. Anila ay kung hindi raw dahil kay Cosmo, baka sira na raw ito dahil ang familiar daw ang nagbibigay-buhay at patuloy na nagpoprotekta sa lugar habang hinihintay nilang tatlo ang pagbabalik ni Ina Dabria.

B1 and B2 seemed sad while recounting their story. Nauunawaan ko sila kasi masakit naman talagang maiwanan ng taong mahalaga sa iyo sa loob ng mahabang taon. I hugged them both and assured them that even though I am a human, I would do my very best to portray the role of a fairy godmother for spirits and souls and the main guardian of the Batibot. Utang ko kay Ina Dabria hindi lang ang buhay ko kung hindi ay pati na rin ang pagbibigay niya sa akin ng bagong tahanan at pamilya. I know that she has an important reason for leaving such great responsibilities. Hindi naman niya ako hahabilinang alagaan ang tahanan at pamilyang ito kung hindi ito naging mahalaga sa kanya.

Ang dami kong tanong sa dalawang malulusog na bubwit gaya ng kaibahan ng spirits sa souls. They explained that souls are mortal spirits who roam around the earth in a plane different from the living humans. Spirits, on the other hand, refer to non-human entities that existed long before mortals. They have extraordinary powers and abilities. Umiiral sila kasama ng mga tao pero hindi sila nakikita ng mga mortal, maliban na lamang doon sa mga may espesyal na kakayahan. To put it simply, ang mga kaluluwa ay ang spiritual form ng mga mortal na yumao na samantalang ang mga espiritu naman ay mga nilalang na higit pa sa tao at matagal nang umiiral sa iba't ibang mundo. They have to assume a human form if they want to be seen and to socialize with humans. Ang dalawang uri na ito ang dapat kong pagsilbihan. My adorable spiritual guardians told me that I have to train and understand everything about my duties and powers. Dagdag pa nila ay kailangan ko raw si Cosmo upang mailabas ko ang kapangyarihan ni Ina Dabria na ipinasa niya sa akin nang sa ganoon ay magamit ko iyon sa pagsasagawa ng tungkulin ko.

I know that this journey into this whole new different world will not be easy for a human fairy godmother like me, but I have to try and give it my best shot. Wala na rin naman na akong mauuwian pa sa amin kung sakaling hindi ko ito tanggapin. Wala na ang mga magulang ko at ang tanging taong may pakialam sa akin doon. My home was completely taken from me by my stepfamily as well. Kung bumalik man ako, wala na akong lugar at puwang doon. Not to mention na may pagtatangka pa rin sa buhay ko mula sa hindi ko pa rin nakikilalang nilalang. Dito, pwede akong sumubok ulit at mabuhay sa pangalawang pagkakataon. May mga kasama na rin ako at mas ramdam kong ligtas ako rito.

I cried in my sleep when I thought of Nanay Sita sacrificing her life for me. I prayed inwardly to God so that she and my parents would meet there in heaven and rest peacefully.

I OPENED MY eyes and recapped everything that happened yesterday inside my head. Totoo ba talaga lahat ng iyon? Totoo ba iyong mga nakita kong nilalang? Totoo bang fairy godmother na ako?

Fairy godmother...

Ako?

I chuckled heartily.

Nice dream, parang joke.

"Imposible..." sambit ko sabay bangon paupo.

"Good morning po, Lady Olympia!" sabay at magiliw na bati nina B1 at B2 sa akin habang nakaluhod at nakayuko sa may paanan ng sleeping mat ko.

Nanghihinang binagsak kong muli ang sarili ko sa sleeping mat at tinitigan ang kisame. "Totoo nga lahat..."

The spirit bubwits took me to the dining area. Since traditional Japanese ang estilo ng Batibot ay sa sahig kami umupong lahat sa palibot ng mababang lamesa habang kumakain ako ng almusal na ginawa nila. I invited them to join me, yet they refused. Nauna na raw silang kumain sa akin.

I did not know that I was starving until I tasted the food they prepared. Habang lumalamon ay nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. The place really looked abandoned. Sira-sira na rin ang ilang bahagi ng bubungan no'n. It surely needs a great deal of renovation and cleaning.

"Si Cosmo nga pala nasaan?" I asked them. Napansin ko kasing hindi pa bumabalik ang isang iyon simula kahapon.

"Mukhang nasa Yonder na naman po siya," B1 replied.

"Yonder?"

"Opo, Lady Olympia, sa Yonder. Ito po ang lugar sa pagitan ng buhay at kamatayan, mga mortal at espiritu. Most spirits reside there while some souls wander there as well to have a place where they can stay while waiting for the portal to the Afterlife," B2 explained.

"Ang kaharian at lugar naman po ng mga fairy ay tinatawag na Pareia," dagdag pa ni B2. "Pero saka na po tayo pupunta roon kapag ka alam niyo na po kung paano mag-transform sa ethereal form niyo."

"Ano naman iyong ethereal form?"

"Iyong fairy form niyo po kung saan mas malakas kayo at may fairy wings din saka kaya niyong lumiit. Natutupad niyo po lahat-lahat ng wish sa form na iyon habang hawak iyong magic wand niyo. Bibbidi-bobbidi-boo..." sagot naman ni B1 sabay wasiwas ng kamay niya sa ere na para bang may hawak siyang magic wand at ikot din.

Napahalakhak ako at nanggigigil na kinurot siya sa pisngi. Natigil lamang kami sa kulitan nang may marinig kaming bumagsak na kung ano mula sa labas ng Batibot. Dali-dali kaming lumabas na tatlo upang alamin kung ano iyon. Nakakatawang hawak-hawak ko pa silang dalawa sa magkabilaang kamay ko kasi baka mapaano sila. Nakalimutan kong mga spirit guardian pala ang mga ito.

"Lady Olympia, kailangan po nating hanapin at ibalik dito si Master Cosmo. Nasisira na po ang Batibot dahil wala na siya rito at hindi niyo pa magamit ang kapangyarihan ni Ina Dabria!" nag-aalalang wika ni B2 habang nakatingala sa may kaliwa ko at tinuturo naman iyong bumagsak na kolum ng entrance arch.

Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay nila bago ako tumango-tango bilang tugon. "Maghanda kayo. May batang pasaway tayong susunduin."

Scary was an understatement to describe the route we went through just to get to the Yonder Capital. That Yonder freaking forest gave me chills. Sobrang dilim doon na napapalibutan pa ng mga patay na puno at makapal na hamog. Dikit na dikit tuloy ako sa dalawang spirit bubwits ko. Laking pasalamat ko na lang talaga at nasa Kapitolyo na kami ngayon.

"B2, do you know exactly where we can find Cosmo?" tanong ko nang binabaybay na namin ang makulay at maliwanag na daan ng Kapitolyo. Gaya nang sa Batibot ay Japanese style rin ang desenyo ng karamihan sa mga establisyamento rito.

Tumango naman ang batang paniki at kumawala sa pagkakahawak ko upang lumipad gamit ang cute niyang mga pakpak. "Sundan niyo po ako, Lady Olympia. Alam ko po kung saang bahay-aliwan madalas bumisita si Master Cosmo."

Bahay-aliwan?

Ibang klase rin talaga ang Cosmo na 'yon.

Sinundan namin ni B1 si B2 hanggang sa nakarating kami sa bahay-aliwan na tinutukoy nito. Mukhang madalas sunduin ni B2 si Cosmo rito kasi dire-diretso niya kaming dinala sa kwartong pinaglalagian ng lalaki.

"Lady Olympia, ako na po ang makikiusap kay Master Cosmo na bumalik. Dito na lang po muna kayo ni B1," bilin sa amin ni B2.

Tumango naman ako at hinayaan siya. Binuksan niya ang pinto at mabilis na pumagilid naman kami ni B1 upang magtago. Sumilip ako sa siwang ng pinto at pinanood ang nangyayari. Nakahiga si Cosmo sa sahig na may nakalatag na mukhang sleeping mat; iyong kanang siko niya ay nakatuko sa sahig samantalang nakapatong naman ang ulo niya sa palad niya. He was wearing a dark blue yukata. Nakababa pa ang isang balikat no'n kaya medyo kita iyong matipuno niyang dibdib. Napapalibutan siya ng mga babaeng mapuputi na naka-yukata rin na para bang pinagsisilbihan siya. Nakalapit na rin si B2 sa kanya at agad naman itong lumuhod saka yumuko sa tapat niya.

"Master Cosmo, umuwi na po kayo. Kailangan po namin kayo. Nasisira na po ang Batibot dahil umalis kayo."

May inabot ang isang babaeng nandoon na wineglass kay Cosmo. He kissed the woman who handed him the glass before he sipped on his wine. Gagi, oo na, ang gwapo-gwapo na niya pero sobra na ito! Hindi deserve ng mga babaeng spirit na ito ang tulad niya!

"B1," tawag ko kay B1 na nasa may gilid ko nang hindi rin inaalis ang atensyon ko mula sa pagkakasilip.

"Bakit po, Lady Olympia?"

"Bakit nawala iyong ahas niyang buntot? Bakit may puting tenga naman siya ngayon at buntot na parang sa pusa?" pagtutukoy ko sa anyo ni Cosmo ngayon.

Napahagikhik naman saglit ang bubwit bago ako sinagot, "Marahil ay pinalitan po ni Master Cosmo ang kanyang anyo para magkaroon siya ng mga paa at mas marami pang magawa bilang isang Kitsune."

Nagtatakang napabaling na ako sa kanya. "Kitsune?"

"Fox spirit po ang Kitsune."

"E, ano namang tawag doon sa ahas na anyo niya?"

"Akamata po. They are supernatural creatures with a human torso and a snake tail."

"Naguguluhan ako, B1. Anong klaseng nilalang ba talaga siya?" gulong-gulo na tanong ko.

Hindi naman pwedeng Kitsune Akamata ang itawag ko sa kanya. Kompletong pangalan na ng isang Hapon iyon.

"Isa po si Master Cosmo sa mga tinatawag ng mundo namin na odd."

"Odd? Ano iyon?"

"They are ones possessing oddities. Sila po iyong mga kakaiba sa karaniwang spirit creatures at beasts dahil may katangian at abilidad po silang hindi normal pagkasilang nila. Gaya po ni Master Cosmo na may katangian at abilidad ng parehong nilalang nang maisilang siya. Ang kitsune ay isang spirit fox samantalang ang Akamata naman ay isang snake beast. Kaya po madalas tawagin na odd yokai at odd familiar si Master Cosmo ng iba dahil sa katangian at mga kakayahan niya. Kaya nga po ipinagmamalaki namin siya ni B2 kasi isa rin po siya sa mga pinaka-espesyal at pinakamakapangyarihang familiar," B1 explained, seemingly looking proud of Cosmo.

"Hindi na ako babalik doon, B2."

Muli akong sumilip sa siwang ng pinto nang marinig ko ang boses ni Cosmo. Nakisali na rin sa akin si B1 kaya binigyan ko siya ng espasyo para makapanood din siya sa nangyayari sa loob.

"Bakit po, Master Cosmo? Nandiyan na po si Lady Olympia para tulungan tayong ibalik sa dati ang Batibot," mahinahong giit pa ni B2.

"Malaya na ako, B2. Hindi na ako familiar ninuman at mas lalong hindi ako papayag na maging amo ang mahinang nilalang na iyon."

"Pero paano na po ang Batibot? Masisira po iyon nang tuluyan kung hindi kayo babalik," sagot naman ni B2, naiiyak na. "Please po, umuwi na kayo. Please po! Please po! Nagmamakaawa ako..."

"Kung masira man ang Batibot sa pamamahala ngayon ng mortal na iyon, labas na ako roon. Wala na akong pakialam do-"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko nang marinig iyon. Basta na lang akong lumabas sa pinagtataguan ko at nagmartsa palapit kay Cosmo saka siya sinampal. Nawindang silang lahat sa ginawa ko.

"Lady Olympia..." mahinang tawag ni B1 sa akin habang nakakapit sa binti ko at tingala rin sa akin.

"Ang yabang-yabang mo! Ganyan na ba talaga kalaki ang tingin mo sa sarili mo para makapanghamak ka nang ganito sa iba?" galit na sigaw ko sa mayabang na Cosmo. "Ano ngayon kung tao lang ako? Hindi lang ang mga may kapangyarihan ang pwedeng lumaban, at hindi lang ang malalakas ang kayang magligtas! Maliit, mahina, at mortal man, may tapang at paninindigan din kami."

Tumayo si Cosmo at dahan-dahang lumapit sa akin. He towered over me. "Ano bang alam mo, huh?" tanong niya, halatang sinisindak ako.

I stood just below his chest. Kahit na nakatingala ako sa kanya ay pinantayan ko ang ekspresyong ipinapamalas niya. "Kahit ano pang masasakit na mga salita ang sabihin mo sa akin d'yan, wala naman akong pakialam. Ang ayoko lang ay kung paano mo talikuran nang ganoon kadali sina B1 at B2 at ang Batibot na matagal nang naging parte ng buhay mo na para bang ang dali lang na itapon para sa iyo lahat ng mga pinagsamahan niyo!"

Ang atensyon niyang nakatutok sa akin ay inilipat niya sa dalawang spirit guardians na ngayon ay parehong nasa gilid na ng magkabilang binti ko at kanina pa nakatingala sa aming dalawa. Alam at ramdam kong pinipigilan lang nilang umiyak nang tuluyan pero halata iyon sa naluluha nilang mga mata ngayon. I grabbed their hands and held them tightly.

"Umuwi na tayo. Pinapangako ko sa inyo, gagawin ko ang lahat para mapabuti ang Batibot at magampanan ko ang tungkulin ko bilang fairy godmother niyo," nakangiting pangako ko sa kanila.

Tinalikuran na namin si Cosmo at tinungo ang pinto palabas ng silid na iyon. Nang makalabas na kami sa bahay-aliwan na iyon nang tuluyan ay saka pa lamang humagulgol ang dalawang batang hawak ko.

"Master Cosmo!" they wailed in chorus.

Malungkot na pinagmasdan ko naman silang pinupunasan ang mga mata nila gamit iyong manggas ng roba nila. "Ganoon niyo ba talaga kagustong ibalik si Cosmo sa Batibot?"

"Lady Olympia, ganoon lang po talaga magsalita si Master Cosmo pero wala pong papantay sa pag-aalaga at dedikasyon niya para protektahan at panatilihing nakatayo ang Batibot," sagot ni B1 saglit at atungal na namang muli.

Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. Why is this so hard?

"Ano bang pwede kong gawin para mapasunod natin si Cosmo sa gusto ko?"

I noticed B2's face lit up as if his hope was renewed. Kagyat niya ring pinunasan ang luha niya at lumutang sa tapat ko. "Tama, Lady Olympia! Kailangan mo lang siyang gawing familiar para sundin niya po lahat ng mga ipag-uutos niyo. Your words will be his law, and he cannot do anything about it. You just have to seal the contract with him."

Ngumiti ako, natutuwang malaman iyon. "Paano ko ba siya gagawing familiar? How do I seal the contract with him?"

I crouched when B2 gestured for me to do so. Lumapit siya sa akin at ibinulong iyong prosesong kailangan kong sundin upang gawing familiar si Cosmo. Namilog ang mga mata ko kasabay ng panginginit ng magkabilang pisngi ko nang marinig ko kung ano iyon.

No freaking way!

•|• Illinoisdewriter •|•

Your votes and comments are making me smile. 💗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top