Chapter 6

Chapter 6



"Yellow tulip delivery! With love from your secret admirer! Sana all na lang!"

Umalingawngaw ang boses ni Alliah sa buong unit namin. Malaki ang ngiti nito nang pumasok sa kwarto ko at maingat na winagayway ang bulaklak. I met her gaze briefly, expressionless, before I turned back to my studies.

Wala akong panahon para sa mga asar ni Alliah at sa bulaklak na hawak niya. I really needed to focus right now! Tomorrow's our last day of finals! It only meant that two weeks and few more days from now, graduation na namin.

And it had been almost five painful months simula noong break-up namin ni Xander.

It still hurts, wala akong ibang ginawa noong mga nakalipas na buwan kung hindi ang umiyak at magmukmok sa loob ng aking kwarto. But Alliah kept on banging my door, ordering me to get out and fix my shit together.

Ilang beses niya akong pinagsabihan--kaliwa't kanang sermon at pangaral. As I almost failed my midterms for the second semester dahil sa mga nangyari. Ang tindi ng galit niya that time, that she almost spit some hurful words at me para lang magising ako sa katotoohanan at magpatuloy sa buhay. But I appreciated her words--despite how painful it is--a lot. I really did.

Her presence meant everything to me in those dark days--months. I shudder to think what my life would be without Alliah.

I've come to gradually realize that Xander and I, our story has officially reached its final page. The memories, the laughter, the tears--they're all now a cherished part of my past. I'm in the process of moving on, slowly but surely.

Xander and I may not be part of each other's futures, but our time together--even short-lived--shaped me into the person I am today. For that, I'll always be grateful. Palagi.

Alliah's presence in my life served as a wake-up call, reminding me that my world didn't revolve solely around Xander. Na hindi ko dapat itigil ang mundo ko dahil sa kan'ya. And she made me realize that Xander was just one chapter in my story, that I had the power to author the next one. Ang mga salita niya ang nagpagising sa akin na dapat kong ituon ang atensyon ko sa mga bagay na tunay na mahalaga--my education, personal growth, and aspirations.

Mabuti na lang din naman ay busy ako sa pagre-review nitong mga nakaraang araw dahilan para hindi ko masyadong maisip ang break-up namin ni Xander.

Pero hindi ko maipagkakaila na paminsan-minsan sa gabi ay dinadalawa ako mg kalungkutan--napapaluha na lamang tuwing naaalala ko kung paano ako niloko at dinurog ni Xander.

"Hoy! Hindi mo pa rin ba kukunin itong tulip?" Alliah said.

I shook my head without looking at her.

Bakit ko tatanggapin ang isang bagay kung hindi ko naman kilala kung sino ang nagbigay?

I heard Alliah sighed exaggeratedly, "You're impossible! Tamang tama ang meaning ng bulaklak na ito para sa 'yo . . ." I shrugged my shoulders and then silence enveloped us for a second.

She let out a sighed again, "Nakakaawa naman 'yong admirer mo. Hopeless na hopeless talaga siguro kaya yellow tulip ang ibinigay niya."

I sighed inwardly, turning the page while tuning in to her soft complaints, multitasking with ease.

"Ilang tulips pa kaya ang dapat mong matanggap sa kan'ya para mapansin mo siya?"

I stopped and finally faced her. "Alam mong kagagaling ko pa lang sa madugong break-up ngayon, Alliah. I'm not ready to entertain some guy for now," I said. "I'm not fully healed, I'm still . . . moving on from him," I added, almost whispering the last words.

I flinched in surprise as Alliah wrapped her arms around me.

"Ito naman hindi mabiro. Inaasar lang kita sa admirer mo, e! Minsan lang may magkagusto sa 'yo!" she teased.

I don't know how to react on what she'd said. Para kasing nakaka-offend but I know she was just teasing me. Iyon naman ang madalas gawin ng magkaibigan, hindi ba?

"Ang sakit mo namang magsalita!" I said then slapped her shoulders lightly.

"Biro lang naman ulit! Ilalagay ko na lang ito sa may vase natin. Akalain mo 'yon may silbi rin 'yong admirer mo. Hindi na natin kailangang bumili ng bulaklak pang-decor dito sa boring nating unit kasi may nagbibigay naman sa 'yo daily," she teased again, setting the bright yellow tulip in its new home. May mga laman na rin itong yellow tulips na naunang ibinigay rin ng "admirer" ko, since the week after Xander and I broke up.

Sino naman kaya ang estranghero na nagbibigay ng tulips sa akin? And why yellow?

Marahan kong ipinilig ang ulo ko, dismissing those questions.

Napabuntong hininga ako sa aking isipan at muling hinarap ang aking mga libro sa Basic Calculus at Physics. I should focus on this at hindi sa kung ano anong nonsense na bagay.

***

Last day na ng aming 3-day finals.

I could feel my head thumping. Para itong may sariling pulso. I sighed, at least, after nito ay tapos na ang paghihirap ko. Ang kulang na lang ay ang toga at diploma.

Hindi ko hinahangad na makakuha nang matataas na marka. Ang hangad ko lamang ay maka-graduate nang may natutunan.

Ano ba naman kasing silbi ng medalya mo kung ang mga sagot mo sa exams ay galing naman sa katabi mo? At hindi mo naman talaga naintidihan ang mga itinuro ng mga propesor mo?

Intelligence is multifaceted; grades and medals only tell part of the story.

Iyon ang mantra ko tuwing ramdam kong dehado ako sa exam.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa aking locker. Hindi kami sabay ng dismissal ngayon ni Alliah dahil magkaiba naman kami ng strand na kinukuha.

Siya ay ABM at ako naman ay STEM.

Mas maaga siyang nakauwi dahil dalawang subjects lang ang exam nila ngayon, samantalang apat naman ang sa akin. At ang malala, dalawa roon ay math at ang pinakamalala pa roon ay magkasunod sila ng schedule!

Nang nasa tapat na ako ng locker ko, wala sa sarili ko itong binuksan. Inaalala ko pa kasi kung tama ba ang solusyon ko sa Basic Calculus. Pagkabukas ko, bumungad sa akin ang isang pamilyar na bagay.

A yellow tulip.

Kumunot ang noo ko, paano nabuksan ng admirer ko ang locker ko?

Napalingon-lingon muna ako sa paligid hoping to catch the person who gave this to me. Nang masigurong wala namang tao ay kinuha ko ang bulaklak at napansing may maliit na papel ang nakasabit sa tangkay nito.

"You did it, Nausicaa! Here's a sunny tulip to match your achievement. Ilang araw na lang ga-graduate ka na. I've never been prouder."

My eyes silently scanned the words on the paper. May smiley face pa ito sa dulo ng pangungusap. Then my gaze went down nang mapansin kong may nakasulat pa rito.

"ZDL?" I asked to myself.

Sinong ZDL? Wala naman akong kakilala na mga abbrevation ng pangalan na ZDL--sa pagkakaalala ko. I silently recall any classmates I had last year. Pati na ang mga naging kaklase ni Alliah. Baka may abbrevation sa kanila ng ZDL, to no avail.

I slammed my locker door shut at pumunta sa pinakamalapit na basurahan. Akmang itatapon ko na ito nang may mapagtanto ako.

I used to give some stuff to Xander like this noong hindi pa naging kami. Mga panahong isa pa lamang akong nobody sa paningin niya. At napakasakit makita ang iba ay itinatapon niya lamang sa basurahan without any remorse.

I held the flower tightly and heaved out a sigh. Ayokong gawin ang mga bagay na ginawa sa akin dati ni Xander.

Pinaghirapan niya rin naman ito. Alam ko.

Hindi pa spring sa ibang bansa kaya malimit pa lamang ang mga flower shop na nagbebenta nito. Isa pa, dahil na rin mahirap magpatubo ng ganito rito dala ng klima ng bansa. I should appreciate his effort. Malamang ay humanap pa siya ng flower shop at nagbayad nang mahal.

Muli akong bumalik sa aking locker. Pumilas ako ng sticky note at nagsulat.

"Next time, Mr. ZDL, huwag ka nang magbibigay sa akin ng tulips o kahit anong bulaklak. Hindi mo kailangang gumastos. Though I appreciate your effort. Thank you. Pero sana, last na talaga ito. At paano mo naman nabuksan ang locker ko?"

Nang matapos ay idinikit ko ito sa loob ng locker ko. I'm sure that he will sneak out and put another tulip on my locker. I'll surely buy a passcode padlock para mas secure. I'll also ask the guards on our condominium na huwag nang tumanggap ng tulips.

I knew I wasn't ready for love, not in the way he deserved. My heart was still healing, still finding its way through the darkness. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin. That is why he needs to stop this, kaagad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top