Chapter 2
Chapter 2
"Etchosera ka talaga Renae! Lakas n'yong maka-moment ni Xander kahapon!"
Naglalakad kami ni Alliah papunta sa aming locker. Tapos na ang morning classes namin at lunch break na. May kukunin lang ako sa locker para sa afternoon class namin.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay ngumiti lamang ako. Naaalala ko pa rin 'yong nangyari kahapon. I am still wondering if I was hallucinating, it seemed so unreal!
Sino bang mag-aakala na 'yong dating tinitingnan ko nang palihim sa gym, niligawan ako at boyfriend ko na ngayon?!
My senses struggled to grasp the reality. Para kasing mala-nobela!
Naalala ko pa kung paano ko palaging hinahatak si Alliah papunta sa gym para lang masilayan si Xander. Kung paano ako tumili nang napakalakas tuwing chini-cheer siya sa game nila. Kung paano ako pumupuslit nang palihim sa locker area nila para maglagay ng love letters.
All that effort was definitely worth it, e?
Sobra-sobra pa nga kung tutuusin. I sought connection, however small, with him. Kahit hanggang kaibigan lang, pagtyatyagaan ko. Pero grabeng blessing 'yong binigay ni Lord!
"Hoy Renae! Naging kayo lang parang mas lalo ka atang nabaliw? Ang creepy mo ngumiti mag-isa! At baka nakakalimutan mong narito pa ako?" Alliah snapped. I glared at her.
Palibhasa hindi siya crush ng crush niya.
"Sorry na, hindi pa rin kasi ako makapaniwala," pagpapaumanhin ko sa hindi pagpansin sa kan'ya.
I absent-mindedly entered my locker's passcode to open it. And as I reached for my Calculus book, ear-piercing squeals filled the hallway. Parehas naming tinakpan ni Alliah ang aming mga tainga kasi parang mga kinakatay na baboy 'yong mga nagsisitilian.
Well, it's funny how we used to be like them.
"Siguro nandyan na naman 'yong boyfriend mo," she said it with a deliberate emphasis on 'boyfriend'.
Napailing ako. Nakatutuwa na maraming fans si Xander pero medyo nakaiinis din pala kung ganito palagi 'yong maririnig mo. Parang binabasag 'yong eardrums ko! I didn't realize how patience-testing this would be. Ano kayang nararamdaman ni Xander?
Pero maya-maya ay nakaramdam ako ng presensiya mula sa likod ko at nanahimik ang paligid. What a relief when the noise finally subsided, thank goodness!
I turned my back. "Good morning, baby," he smiled widely, revealing his pearly whites. Pwede ng pumasang commercial model ng toothpaste! I looked behind him, naroon 'yong mga kapwa ko highschooler na patay na patay sa kan'ya.
Bumaling ako at ngumiti rin kay Xander, ang pinagkaibahan nga lang ay ang ngiti ko'y parang ngiti ni joker; at binati rin siya ng good morning.
Inaya niya akong mag-breakfast dahil kakatapos lang ng morning training nila at gutom na gutom na raw siya. I also invited Alliah to come with us but she refused kasi date daw namin ito. Muntik ko na nga siyang makalimutan kung hindi pa siya nginuso ni Xander.
And if I know kaya hindi siya sumama because Xander is not with Steven. Pero kung nandito si Steven for sure sasama 'yon kahit walang pera!
Si Steven lang naman ang man of her dreams niya. Ang kaso, Steven is a snob. Super snob! 'Yong tipong wala siyang pakialam sa existence mo. Mas may pakialam pa siya sa bola kaysa sa 'yo. Kawawang Alliah.
Napagpasyahan naming kumain na lang sa canteen malapit sa gymnasium. May practice pa kasi ulit daw sila after ng break. At ako, bilang maunawain na girlfriend, ayaw ko namang mapagod siya. I know that life as a student-athlete was physically and mentally demanding kaya naman as much as possible, ayokong maging pabigat or pabebeng girlfriend sa kan'ya.
"What do you want, baby?"
My heart skipped a beat at his endearing term. I smiled, bowed, and bloomed. Marahan kong nakagat ang aking labi. Nakakakilig kasi na nakakahiya na ewan!
Nakakapanibago kasi 'yong ganitong feeling.
Siya kasi ang first boyfriend ko. And I don't know to react sa mga ginagawa ng mga magboyfriend and girlfriend.
"Hey," he said then lifted my chin, "Don't be shy. Masanay ka na sa kacheesy-han ko," he winked and my cheeks immediately turned bright red. Nakakainis naman itong si Xander! Masyado akong pinapakilig!
"A-Ahm, Adobong Baboy na lang sa 'kin."
"Of course, baby. Wait for me here, I'll be right back." Tumango ako kaya tumayo na siya at pumila.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng canteen. I'd always wanted to come here, and now I have. Off limits kasi ito at mga players lang ang pwedeng pumasok.
Ang dahilan? Kasi sila raw ang nagbibigay ng karangalan sa university at isa ito sa perks bilang isang student-athlete, maliban sa malamansyon nilang dorm.
Maganda ang interior. May mini-chandeliers na gawa sa kahoy ng narra, it also had a mini bar, 'yong chairs and tables mukhang gawa rin sa Narra and it looked like from a fancy restaurant. Napahanga ako sa intricate details nito hindi kasi siya ganoon kalaki pero hindi rin naman ganoon kaliit. Kung titingnan mo nang maigi, makikita mo na nakaukit dito ang mga notable players ng university. It felt more like an upscale restaurant than a school cafeteria.
Wow. Dito siguro napupunta ang tuition namin. I thought to myself with a hint of humor.
I heard the wind chimes, so I knew someone was coming or going. Otomatiko tuloy akong napalingon doon. I easily get distracted kasi.
I noticed a guy, roughly my age, around 6 feet tall with a lean yet athletic build. He was wearing a white shirt na nagpalitaw lalo sa moreno niyang balat. He wore a well-fitted cap with the number '15' embroided on it in bold, paired with a colorful Jordan shoes and comfortable gray sweat shorts. He seemed to be looking for someone special, like a teammate, close friend, or perhaps a girlfriend? Palinga linga kasi siya.
Wait . . .
Ano naman ang pakialam ko? What was it about him that caught my attention, and why I couldn't tear my eyes away?!
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang dumako sa akin ang mga tingin niya. I swear, I'm not overreating but I felt I almost forgot how to breathe when our eyes met!
"Hey, sorry medyo natagalan. Are you alright, babe?"
Agad akong bumitiw sa titigan namin no'ng estranghero at hinarap si Xander.
"O-Oo naman. Tara, let's pray na."
With a trembling heart and anxious mind, I prayed for blessings and I asked God to shield me from that man's presence and divert our paths.
I am not looking to complicate things—especially my relationship.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top