Chapter 13
Chapter 13
Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga single couch namin dito sa unit. Magkahalong kaba at kahihiyan ang aking nararamdaman.
I glanced at Alliah, her piercing eyes locked onto Zach. He was sitting quietly, right next to me.
And yes, Zach was indeed here.
The deafening silence enveloped us. Its nerve-racking! Hindi ko maiwasang pagalain sa buong unit namin ang mga mata ko, kahit na kabisado ko na kung ano ang nasa loob nito. I need to divert my attention!
Bakit ba kasi naisipan ni Zach na sunduin ako? And how the hell did he even know where do I live? Ang akward tuloy lalo na sa mga tinging binabato ni Alliah sa amin! Paano ko ba babasagin 'tong katahimikan?
Naputol ang pag-iisip ko nang tumikhim at nagsalita na si Alliah.
"So . . . ano ang kaya mong i-offer sa akin?"
My eyes widened, shocked, as if an extra face sprouted on her left side. Ano bang klaseng pagpapahiya ang gagawin ngayon sa akin ni Alliah? Anong offer? Ano 'yan parang kulto lang?
"Huh?" Ito lamang ang tanging naging reaksyon ni Zach sa naging katanungan ng aning kong kaibigan.
"Huh-tdog? Don't huh me, mister. I'm asking you what can you . . . you know. Offer to me? I'm sorry but I'm not a native English speaker so forgive me and my grahams."
I face-palmed. Please. Don't. Embarass. Me. Alliah. Bulong ko sa sarili ko.
"So, going back. Ano nga ang kaya mong maibigay sa akin? You know . . . Kalabaw? Manok? Kaya mo bang mag-ano . . . 'Yong ano," mukhang nahirapan na si Alliah na sabihin ang nais niyang sabihin kaya tumayo ito at umaktong parang may hinahampas. Napailing ako sa kan'yang ginawa, the heck, Alliah?
" 'Yong magpuputol ng puno?" she added.
Napalabi si Zach, "Illegal logging? You want me to . . . to do illegal logging?" he asked unbelievably.
"Hindi! Pero malapit na ro'n!"
I sighed and slouched my back more on the couch, "Pagsisibak ng kahoy," walang gana kong sambit.
Napapalakpak si Alliah, "Ayun! Natumpak mo, Renae! So ano mister, kaya mo bang magsibak ng kahoy para sa kamay ni Renae?" pumaymewang na ito sa harap ni Zach.
"Do you . . . really want me to do that?" paninigurado naman ng isa.
"Aba, kung ayaw mo, edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit," mataray na usal ni Alliah at saka umirap.
"Hay! Buti pa si Xander nag-alay ng sampung manok sa akin para sa kamay ni Renae," pagpaparinig pa nito bago tumalikod at akmang papasok na sa sariling kwarto.
Ramdam ko ang paggusot ng mukha ko sa pagtataka. Kailan pa nagbigay ng manok sa amin si Xander?
Pero bago pa tuluyang makaalis sa sala si Alliah mabilis na tumayo si Zach at nagsalita dahilan para huminto si Alliah.
"Fine! I'll do it!"
Dahan-dahan namang humarap sa amin si Alliah na may ngiting nakakaloko. For the nth time, napa-face palm na naman ako. I guess she won. Sana lang maramdaman ni Zach na pinagtitripan lang siya nitong kaibigan ko. I sighed.
***
"Nako, 'te! Botong boto ako rito kay Zach kaysa kay Xander! Mas bet ko ito para sa 'yo! Kaya kapag sinaktan mo 'to, sasakalin kita, bes at aangkinin ko si Zach!"
Ilang beses na akong napapairap sa kawalan at sobrang lugmok na ang mukha ko sa kadahilanang kanina pa akong inaalog at hinahampas ni Alliah sa braso. Idagdag mo pa ang walang humpay niyang pagsasalita at pagbabanta na aagawin niya raw sa akin si Zach kapag sinaktan ko ito.
Like duh! Baka si Zach pa ang susunod na dudurog ng puso ko, 'no!
Baka kapag naging kami ni Zach, magsawa rin siya sa akin tapos maghahanap ng mas maganda, matangkad, matalino o kung ano pang mas sa akin! Much better gano'n!
Parang nagiging bitter na ata ako? At talagang kinonsider ko ang possibility na sasagutin ko siya? I suddenly blushed at the thought, pero kaagad na na iniwaksi sa utak ko.
Pero, bakit kasi ang hilig ng mga lalaking mangbabae? Ang hilig nilang manghanap ng iba! Hindi marunong makuntento! Argh! Pwede namang hiwalayan na lang nang maayos ang nauna kung wala na talagang nararamdaman, right? So, I woder, why do they still stick with the first if they've found someone new? What's gained by keeping both women in their life?
Dala ng frustration, hindi ko namalayang napasabunot na pala ako sa buhok ko.
"Ay hala, 'te? Naloloka ka na ba?"
"Hindi! Ang ingay mo kasi!" pagsusungit ko kay Alliah.
"Hmm . . . baka mayro'n ka ngayon? Tawagan ko nga si Zach para bumili ng pampers mo," she grinned at me.
My feet automatically halted. Lumingon ako kay Alliah at sinamaan siya ng tingin, "Haha! Nakatatawa. Sige, subukan mo."
"Ito naman! Hindi mabiro!" ngumuso siya at ibinalik sa kan'yang bulsa ang cellphone.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng locker ko. And guess what? May tulip na naman.
He really don't know when to stop.
Kinuha ko ang tulip para pagmasdan. Pero kaagad ko iyong binalik nang marinig ko ang boses ni Alliah sa aking likod.
"Hoy! Tago mo pa! Akala mo hindi ko nakita? Landi n'yo! Pangiti-ngiti ka pang nalalaman!" bulyaw niya sa akin. Para talaga siyang ewan, kung makasigaw parang walang bukas!
"Anong pangiti-ngiti sinasabi mo r'yan? Naaaning ka na naman," umiling-iling ako at sinara ang locker.
"Sus! In denial si Renae," kantsaw niya at saka ako sinundot sa tagiliran, "Haba ng hair!" dagdag niya pa habang nakangisi.
Napairap na lang ako sa kawalan at dumeretso na ng office, si Alliah naman, as usual dumeretso sa gym. Pumupunta lang naman ng school 'yon para manood sa players--lalo na kay Steven.
I sighed. Ilang araw na lang pala magsisimula na ang first day ng pagiging kolehiyala ko! Medyo nakakakaba. Paniguradong magkaiba ang high school sa college. Kailangan kong pag-igihan ang pag-aaral.
Pagkapasok ko sa loob, himala at wala 'yong dalawa. Saan kaya sila pumunta? Nagkibit balikat na lamang ako. Tiningnan ko ang mga kumupulan ng papel na nakalagay sa desk ko saka ako napabuntong hininga. Bakit parang dumami ito? Marami bang nag-enroll dito?
Kinuha ko ang mga papeles at nakita kong halos puro mga transferred papers ito mula sa registrar. Mga Form 137, 138 at good moral ang mga iyon. Inayos ko ang mga papel according sa section ng mga may-ari pagkatapos ay alphabetically. Ang dami palang section! Nakaka-walong sections na akong natapos, isa na lang ata.
Napahinto ako nang makita ko ang isang papel. Ang angas kasi ng first name.
"Archimedes Quintero Villafuerte," basa ko sa nakasulat. Tinignan ko ang cards niya at ganoon na lang ako namangha sa mga nakasulat na numero doon.
Halos lahat nasa line of 9! At hindi lahat sila baba ng 94! Totoo ba 'to? Napadako ang tingin ko sa Calculus at napanganga ako sa nakita ko. 99?! Bakit hindi pa naging 100? Nahiya pa gano'n?
Dapat Albert pangalan nito, e!
"Mamaw," tanging saad ko. Pero bagay rin sa kan'ya 'yong pangalan niya. Lakas maka-mathematician!
Ibinalik ko ang papel at hinanap kung saang section siya nanlaki ang mata ko nang malamang magiging kaklase ko siya! What the? Mukhang may kakumpetensiya ako sa scholarship nito!
Sana lang hindi siya katulad ni Andrea na sumipsip lang kaya . . . basta ayaw ko nang magsalita. Masama iyon, Renae! Napapilig ako sa aking ulo.
Mukhang dobleng pag-aaral ang kailangan kong gawin!
Naputol ako sa pag-iisip nang may kumatok, "Tuloy po," I said without looking at the door.
Unti-unting bumukas iyon, causing an eerie sound. Doon ako napatingin, bali-balita kasi na may nagmumulto raw dito sa office. Hindi ako naniniwala sa gano'n pero mukhang mayroon nga! Lalo na't mag-isa lang ako ngayon sa office at wala pa namang klase, so kakaunti lang ang tao sa labas. Abo't kaba tuloy ang nararamdaman ko.
Iniluwa nito ang ulo ng isang lalaki at gano'n na lang ang paghawak ko sa aking dibdib ng malamang hindi iyon multo. Nakahinga ako nang maluwag doon!
"H-Hi, natakot ba kita?"
"A-Anong ginagawa mo rito, Zach?"
Napakamot si Zach sa kan'yang batok at namula ng bahagya ang kan'yang mga tainga. O baka namamalik mata lang ako? Pero teka, akala ko ba may practice game ito?
"Ah e, yayayain sana kitang mag-lunch. 'Yon ay kung ayos lang sa 'yo?" nahihiyang alok niya, mas lalong namula ang mga tainga. So totoo nga at hindi ako namamalik-mata!
Napatingin ako sa orasan, hindi ko namalayan na quarter to 12 na pala. Napanguso ako. Masyado yata akong nasiyahan sa pag-aayos ng mga papeles ng mga magiging ka-batch ko.
Napalingon ako kay Zach at napaisip . . . tatanggapin ko ba ang offer niya? Pero kung oo, edi . . . date ito?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top