Chapter 11
Chapter 11
"Hay kapagod!" lupaypay na saad ni Pat.
Malapit nang pumatak ang oras sa alas dose ng tanghali. Nauna nang mananghalian ang instructors at admins kaya kaming tatlo na lang ang natira dito sa Dean's office para magpahinga muna.
Naupo ako sa tabi ni Pat samantalang nasa tapat naman namin si Jo.
"Pero mas pagod na siya kaya nga iniwan na niya ako," madramang sabi ni Jo dahilan para bigla siyang sabunutan ni Pat. Napadaing sa sakit si Joanna samantalang nabigla naman ako sa bilis ng pangyayari.
Hindi ko akalain na may ganitong side pala si Jo. Mas mukha kasi siyang matino kaysa kay Pat. Not that I'm saying Pat is a bad person!
"Bruha ka! Akala mo naman may jowa, eh NBSB ka nga! Vaklang twoh!" Natawa ako sa kanilang dalawa. It is true na masayang kasama ang mga uhm . . . bakla kahit na minsa'y may kasamang pananakit. They're like vibrance in friendship--making it alive and exciting.
"Masama bang mag-emote? Ikaw Renae? Nagkajowa ka na ba?"
Nakangiting aso na sa akin ang dalawa, kinakabahan naman ako roon. Medyo naninibago pa rin ako sa kanila kahit na may kaingayan at maligalig si Alliah. Iba pa rin naman kasi siya sa kanila.
Parehas silang ahead sa akin ng two years. Hindi ko lang tuloy alam if nakaabot ba sa kanila ang nangyari last July--noong sinagot ko si Xander sa gymnasium. Pero siguro naman ay hindi? Kasi kung oo, I'm sure they'll fish some information with me.
I bit my lip whe I remembered Jo's question. Bakit ang hirap para sa akin na sagutin ang tanong niya? Oo lang naman ang sagot pero hirap na hirap akong banggitin. Para naman akong nasa Who Wants To Be A Millionaire at pang one million na ang question sa hirap!
"Ah, e--"
"Ano ba yan Jo! Syempre may jowa 'yan! Sa ganda ba naman nito?" sabat ni Pat at mahinang kinurot ang pisngi ko.
"Ano kasi . . . oo nagka-boyfriend na ako," aniko habang hinihimas ang pisnging pinisil ni Pat. Ang sakit!
Napasipol si Jo sa sinabi ko, "Nag na bakla! Ibig sabihin wala na! Care to share us why and sino 'yang mukhang mushroom na tinubuan ng mukha ang nakipag-break sa 'yo?"
"Pero okay lang din naman kung ayaw mo i-share, 'day! Tsimosa lang talaga itong si Jo! Pero sinetch ba itey?"
Hilaw akong ngumiti sa kanila. Ayoko pa sanang i-open up ang nangyari lalo na't varsity player siya. Baka kung ano pa ang mangyari. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, pero gusto ko muna ng privacy at mainam nang mag-ingat muna. Isa pa, sumasagi sa isipan ko na paano kung may alam nga sila sa nangyari at gusto lang kumpirmahin sa akin mismo?
I need to save myself from the drama.
"Ay, by the way, bakla! Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na may tune-up ang Team A and B ng Men's Basketball Team ngayon! Ah! Ang dami naman kasing pinagawa sa atin ni madrasta Mendoza!" isterikong biglang sambit ni Joanna.
Napahinga ako nang maluwag doon. Nawala na ang mapang-usisang mga mata nila kanina. Samatalang napalitan na ng gulat ang nanlalaking mga mata Patrick, "Walang hiya ka, sis! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Tara na, bakla at magpapawasak pa ako kay papa Xander, ugh!" malanding saad ni Patrick at kinagat pa ang pang-ibabang labi niya.
"As if naman na papayag si papa Xander mo, e napaka-loyal no'n kay Andrea! Grabe 'yong pictures nila sa IG! Nakakakilig! Lakas maka-relationship goals!"
"Malantod lang kasi 'yang si Andrea kaya niya nabingwit si papa Xander!"
My heart sank when I heard that. It stung because he'd never done that when we were still together. 'Yomg i-post ang mga litrato namin sa social media niya. Palaging nasa camera roll ko lang ang mga kuha sa monthsarry namin at tuwing magkasama kami. He also didn't allow me to post them on my account--mahirap na raw at medyo kilalang basket player siya ng college league at baka madamay raw ako sa magulong mundo niya. Isang beses niya lang yata ako naipagmalaki biglang girlfriend niya, at iyon ay noong sinagot ko siya. Kaso sa story lang at hindi pa kita ang mukha ko.
"Tara na kasi bakla! Ay teka, gusto mong sumama, Renae? Sure na sure akong matutuwa ka roon sa dami ng papables lalo na sa Team B! Gusto mo ibugaw kita kay number 15?" alok ni Joanna at itinaas-baba pa ang kan'yang kilay.
Napanganga ako sa sinabi niya. Bugaw? Hindi ko gusto ang idea ni Jo dahil ayokong magkaroon pa ng kung anomang kineksyon sa mga basket players. Pero gnatungan pa ni Patrick ang sinabi ni Jo, "Oo nga, sis, sumama ka na! Masaya kayang mag-boy hunting! I-cheer na rin natin ang MBT natin!"
"A-Ano ka--"
"Sige na, bakla! Bonding na rin natin itong mga SA, oh! Minsan lang mag-tune up ang Team A at B at noong nakaraang tune-up nila, nagkaroon ng action! Baka mayroon ulit ngayon!"
I didn't know what to say. Hindi ko kayang tanggihan ang alok nila kasi nahihiya ako. Baka magtampo sila, ayaw ko naman no'n. Pero, hindi ko rin gustong pumunta kasi . . . hindi ko pa rin kayang makita si Xander. Sure naman akong naroon din si Andrea para i-cheer siya. Mas lalo lang akong masasaktan at baka maiyak pa ako.
"Tara na?" Napatingala ako sa kanilang dalawa dahil ako na lang ang nakaupo, hawak ni Jo ang kanang kamay ko habang parehas silang nakangiti at umaasang papayag ako sa alok nila.
I sighed in defeat.
***
"Xander Austria's three-point shot was so nice! His hands are on fire!"
Hindi na halos marinig ang sinasabi ng commentator sa lakas ng tilian dito sa loob ng gym. Kaliwa't kanan ang mga banners para sa mga idol o crush nila sa team. Aakalain mong nasa Finals ng isang sikat na liga ang laban sa dami ng nanonood. S'yempre, mas maraming supporters ang mga nasa Team A.
"It is true partner! What an incredible shot from Austria to end the first half!"
Nakaka-miss pala ang manood ng basketball match. Nakaka-miss 'yong may chini-cheer ka. 'Yong may kikindat sa 'yo kapag naka-shoot siya. 'Yong may pupunasan ka ng pawis pagkatapos ng game.
"Ano, bakla? Okay ka lang? Ganyan ka ba kapag nate-tense sa laro? Kanina ka pa tahimik, 'te?" sunod-sunod na tanong ni Jo.
Naka-upo kami sa pinakatuktok na hilera ng bleachers. Halos mapuno na kasi ang gym noong dumating kami, maswerte nga't nakahanap pa ng mauupuan si Patrick. Aakalain mong mga walang pasok ang mga estudyante dahil halos lahat yata ay narito na sa gym.
"A-Ah oo," tipid kong sagot.
"Sure?" paninigurado niya. I nodded curtly.
Nagkibit-balikat naman siya at bumalik na sa pakikipagtsismisan kay Pat.
Napahinga ako nang malalim habang sinusundan ng tingin si Xander na umupo at uminom. Maya-maya pa ay may babaeng lumapit sa kan'ya dahilan para umalingawngaw na naman ang tilian.
"Tangina talaga ng maharot na 'yan!" sigaw ni Patrick pero natabunan lang ito ng matitinis na tilian ng mga kakababaihang kinikilig.
Kitang kita ko kung paano masuyong pinunasan ni Andrea ang pawis sa noo ni Xander habang break pa mula sa first half. Nakatingin lang sa kan'ya si Xander na parang siya lang ang mahalaga sa mundong ito. Then, hinawakan niya ang kamay ni Andrea kaya natigil ito sa pagpupunas. I swallowed the lump in my throat and painfully withdrew my gaze.
That should be my hand he's holding--the eyes that he's staring at.
Matapang ko ulit silang tinapunan ng tingin, pero kaagad ding nagsisi. Mas nadama ko ang pagkabasag ng puso ko nang akmang hahalikan ito ni Xander. Mas lalong lumakas ang hiwayan at tilian sa loob ng gym. Iniwas ko na kaagad ang tingin ko, nagtatagis ang bagang, at pinipigilan ang nakaambang mga luha. Ayaw ko nang makita ulit na hahalikan niya ito, kahit sa noo, pisngi, o labi man ito.
"Sumpain kang haliparot ka!" dinig kong sigaw muli ni Patrick na kinain lang ng ingay ng paligid.
"E-Excuse me, C-CR lang," paalam ko kay Joanna. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at kaagad na umalis.
Dali-dali akong bumaba, nakayuko habang nagsisimula nang magsitulo ang mga luha aking mata. Nahirapan man dahil sa sikip ay nagawa ko pa ring makalabas.
Dapat kasi hindi na lang ako nanood.
Naupo ako sa labas ng gym, sa tagong banda. May bench naman doon. Walang masyadong tao sa labas ng gym dahil halos lahat ay nakipagsiksikan para lang makapasok at makanood. Dinig ko pa rin ngayon ang sigawan mula sa loob. Tumingala ako, umaasang sa pamamagitan nito ay hindi tutulo ang luha ko. Pero tuluyan pa rin itong kumakawala sa aking mga mata.
"Hanggang kailan ba kita makikitang umiiyak?"
Nanigas ako sa aking kinauupuan nang may maupo sa aking tabi. I took a deep breath and tried to compose myself.
"Pumikit ka kasi para hindi mo makita."
My heart fluttered when he chuckled, "Palabiro ka pala, hindi ko alam."
"Hindi naman kasi tayo close para malaman mo," masungit kong sagot muli nang hindi siya nililingon. Abala sa pagpupunas ng mga luhang patuloy na dumadaloy.
Ewan ko ba, dapat makaramdam ako ng awkwardness ngayon dahil sa huling pagkikita namin. Dapat hindi ko siya kinakausap. Dapat umalis na ako nang dumating siya. But I don't know why I chose to stay.
Biglang gumaan ang feeling ko nang dumating siya. I felt . . . comfortable, bagay na pinagtataka ko because the last time I checked, I kind of busted him. Kaya there should be an awkward atmosphere between us!
Dahil sa pag-iisip ko, sandaling namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pero wala pa rin ang awkward feeling, just . . . peacefulness.
"What if . . . we make a deal?" basag niya sa ilang minutong katahimikan.
Napalingon ako sa sinabi niya, kunot ang noo, "Deal?" taka kong tanong.
"Yes. As you can see, imposibleng matalo namin ang Tea--"
"Pero walang imposible if you trust yourself and your teammates."
"I know, but let's be real. They are more skilled than us. Malabong matalo namin sila, pero susubukan pa rin namin. But what if, kapag natalo kami . . . ilalakad kita kay Xander?"
"Wait--what? Anong ilalakad? Are you insane? Hindi ko kayang manira ng relasyon!" napataas ang boses ko dahil sa sinabi niya. Napatayo pa ako sa gulat. Anong klaseng deal ba ito? As if namang babalik ang feelings ni Xander para sa akin, e mas malinaw pa sa crystal na wala na. Ako na lang itong naiwan at hindi makaahon.
Paano ba naman kasi maka-move on nang ganoon kabilis?
"Hindi naman ikaw ang sisira."
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kan'ya. Ano bang pinagsasabi nito?
"Look, hindi ko kayang makita kang umiiyak na lang palagi dahil sa kan'ya, kung siya talaga ang mahal mo at kung siya talaga ang makapagpapasaya sa 'yo . . . then I will do everything para magkabalikan kayo—to make you happy," seryosong saad niya habang matamang nakatitig sa aking mga mata. Ang boses ay unti-unting humihina habang tumatagal.
I blinked twice and averted my gaze. "Ano namang manyayari kapag nanalo kayo?" tanong ko.
Hindi sa interesado ako sa walang kwentang deal niya. Desperado lang ang tatanggap ng alok niya. At hindi pa naman siguro ako ganoon. Kung babalikan man ako ni Xander, gusto ko ay dahil sa mahal niya talaga ako. Hindi sa ganoong paaran. I just asked the other deal, because I am curious.
Hindi siya sumagot kaagad kaya naman napatingin na ako sa kan'ya, hinihintay ang kan'yang sasabihin.
He stared at me as well but with more intensity before he cleared his throat and broke the silence.
"Kapag nanalo kami . . . you will become my girlfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top