Chapter 10
Chapter 10
A shrill beep from my tiny alarm clock jolted me awake, shattering my peaceful sleep. With my eyes half-closed and eyebrows knitted together, I force myself to sat up and slammed the off button as hard as I could. I settled back into bed, let out a deep yawn, and stretched my arms. After rubbing my eyes delicately, I blinked multiple times and glanced at the clock I'd just silenced.
6:30 AM
Kaagad akong tumayo nang makita ang oras at muling nag-inat. Kailangan kong bumalik sa university dahil ngayon ang simula ko bilang isang student assistant.
Sa totoo lang, bawal maging isang student assistant ang Architecture students. E, kaso ang mahal ng tuition fee, plus may miscellaneous pa at hindi papahuli ang art materials! Saan naman ako kukuha ng ilang daang libo para makapag-college sa magandang university, hindi ba?
Kaya naman sinubukan kong kumuha ng scholarship. Sa totoo lang, una kong sinubukang mag-apply sa University Academic Scholarship, to my dismay, hindi ko naipasa ang exam nila. Ilang araw ko 'yong iniyak kay Alliah. Bago gr-um-aduate ng Senior High, nagsisimula na rin akong mag-review para sa schorlaship na iyon. I had high hopes na maipapasa ko iyon, lalo na't baka i-consider na alumni ako ng Basic Education ng university at may karangalan. Still, I failed the exam. And given my credentials from high school, pakiramdam ko, mas nakahihiya ang pagbagsak ko. I questioned myself—na baka hindi ko talaga deserve ang mga parangal na iyon. At baka ang ibang tao rin, kinukwestyon nang malamang hindi ko naipasa ang academic scholarship exam.
But Alliah lifted my spirit, as she always does. She believed in me. At kung naniniwala siya sa kakayahan ko, dapat ako rin. Kaya naman sinubukan ko naman ang Scholarship for Student Assistant. Ibinaba ko na talaga ang sarili ko at nagmakaawa sa President ng Student Affairs. Luckily, they accepted me pero wala nga lang monthly allowance.
I also tried to apply sa scholarship ng LGU ng Caershire. And fortunately, I passed. Kahit hindi kasinglaki ng maaring maibigay kumpara sa Everton's University Academic Scholarship, but still, it is a great help.
Mas okay na rin naman na iyon kaysa sa wala.
As I stepped into the bathroom and entered the shower, my toes involuntarily flinched at the sudden chill of the ceramic floor beneath them. Ugh, this was precisely why morning baths weren't my thing!
Mabilis akong naligo dahil lamig na lamig na kaagad ako. Wala kaming heater at sayang ang kuryente kung magpapainit pa sa electric kettle. Dali-dali rin akong nagbihis dahil hindi ko namalayang halos isang oras na pala ako sa loob ng banyo. Ang bagal ko talagang kumilos!
"Ay oh! First day na first day mo sa pagiging SA, late ka? Mahiya ka naman, Renae!" sermon ni Alliah nang makitang nagsusuklay pa lamang ako kahit quarter to eight na.
"Sorry po, 'nay. Babawi po ako sa susunod," pabirong aniko at saka inilagay ang mga kakailanganin ko sa aking bag.
"Susunod, susunod?! Paano kung wala nang susunod, aber?" she hysterically asked.
I gave her a brief glance, then turned away. Wala akong pang-rebut, eh. Pero bigla akong napahinto sa pag-aayos nang may na-realize ako.
"Bakit bihis na bihis ka pala, Alliah?"
"Oh! Buti napansin mo!" Nagpa-cute siya bigla sa harap ko dahilan para mapangiwi ako. Sa aming dalawa, si Alliah ang pala-ayos, naglalagay ng make-up at nagsusuot ng mga trendy na outfit.
Nakasuot siya ng white off shoulder na medyo crop top—medyo lang kasi hindi pa naman kita ang pusod niya. And a flowy floral skirt na lagpas sa tuhod niya. Nakapaa pa lamang siya dahil isa 'yon sa rules namin dito sa unit. Also, it is a Filipino culture na rin kasi.
"Ganda ko, right?" untag niya habang pina-sway-sway ang palda niya.
"Para kang timang, saan lakad mo?" sagot ko sa tanong niya.
Sumimangot ito sa akin, "Diyan lang sa may gym."
I creased my forehead, "Gym? Na ganyan ang suot? Anong gagawin mo ro'n at? Magpapapansin kay Steven?"
Napatalon ako sa gulat nang bigla akong hampasin nito sa aking braso. Nabitawan ko rin ang aking bag at bagyang nagkalat ang laman. Nanlilisik ang aking mga mata nang humarap ako sa kan'ya pero tikom ang aking bibig. Yumuko ako para damputin ang mga lumabas na gamit. Yumuko rin siya para tulungan ako.
"Oops! Sorry, pero gagi! Ayaw ni Steven sa mga papansin daw at tipo niya ang mga dalagang Pilipina manamit! At saka, may tune-up game kasi ang team A at B ng Everton Basket Brawlers! Gusto mo bang sumama? Mga lunch time ata start no'n. Punta ka para naman may kasama akong tumili katulad ng dati tapos si Xa—"
Napahinto ako sa aking ginagawa ay nanigas sa aking pwesto. I don't know why hearing our university's basketball team made me froze for awhile. Dahil ba kay Xander? Dahil ba hindi ko pa rin tanggap? Hindi pa rin ako makausad? Makaahon?
"A-Ay! Hala nakalimutan ko . . . sorry, Renae," pagpapaumanhin ni Alliah at tinakpan ang kan'yang bibig ng mapansing natahimik at hindi ako kumilos.
Umayos na ako ng tayo at ganoon din siya, nakakagat sa pang-ibabang labi. Hindi ko siya masisisi, it was like our daily routine back in senior high. Parang parte na ng araw namin ang pumunta sa gym at manood ng kahit practice game lang nila. Mahirap makalimutan ang nakagawian. It will be a long process.
Sinarado ko ang zipper ng aking bag at isinukbit ito, "H-Hindi okay lang ano ka ba. Uhm . . . susubukan kong makahabol. Alam mo na, baka maraming gagawin sa Dean's office. Sige, una na ako," paalam ko at nagmamadaling lumabas ng aming unit.
"Uy hala! Kahit hindi mo na ako samahan, okay lang. Sorry!" dinig ko pang pahabol na salita ni Alliah bago ko tuluyan isara ang pinto.
Wala sa sarili akong sumakay ng elevator. Mag-isa lang ako sa loob kaya naman mas lalo kong naramdaman ang kalungkutan at sakit. Hanggang ngayon narito pa rin, kailan ko ba tuluyang matatanggap na wala ng kami?
Pinipilit ko namang maging masaya at alisin siya sa isip ko nitong mga nagdaang araw. Akala ko naman nagtagumpay ako. Hindi pa rin pala.
Tumunog ang elevator hudyat na narating ko na ang ground floor. Mabilis akong lumabas nang makita ko sa aking orasan na pasado alas otso na. Late na ako! Mabuti na lamang at walking distance lang ang condo namin sa school kaya tinakbo ko na ito.
Sayang naman ang pag-aayos ko kung maha-haggard din naman pala kaagad ako.
***
Binalot ako ng lamig nang tuluyan akong makapasok sa Dean's office ng College of Architecture. Dito kasi ako na-assign ng Secretary ng Student Affairs.
Aligaga ang mga tao sa loob ng office, mayroon ding student assistant ang narito na pero mula naman sila sa ibang course. Halos lahat sila ay abala sa kanilang ginagawa. Rinig na rinig mo ang mabibilis na tipa ng kamay sa keyboard, tunog ng makina mula sa printer at kita mo ang may katambakang papel sa may front desk.
"Oh, nandyan na pala 'yong isa pang bago!"
Lumapit sa akin ang isang lalaki pero base sa tono ng pagsasalita niya ay isa siyang kapederasyon. Though, matino naman siyang manamit, katulad ng mga tunay na lalaki pero mahahalata mo pa rin sa kilos niya. Gwapo--o maganda--at halata mong marunong mag-ayos sa sarili. Nakasuot siya ng orange na lace which means isa siyang Engineering student.
"Hi, ate!" bati ng isang babae habang may isinusulat sa isang papel. Tantya ko ay five flat ang kan'yang height. Nakasuot siya ng silver, cat-eye, and thin-framed eyeglasses, medyo round ang mukha, may curtain bangs at short brown hair. Maputi rin siya. Sobrang cute niya! Katulad ng nauna ay isa rin siyang Engineering student dahil sa lace na suot niya.
Tatlo lang pala kaming student assistant dito at mukhang ako lang ang bago kasi hindi pa naman na-i-issue ang ID naming mga freshmen.
"Hello," bati ko pabalik at sinubukang ngumiti pero hilaw yata ang kinalabasan. Baka akalain pa nila ayaw ko sa kanila.
"Ako si Patrick, pero mas prefer ko ang Patricia," pakilala ng lalaking lumapit sa akin. Hinawakan ako nito sa braso kaya naman napatingin ako roon.
"Ako naman si Joanna pero Jo na lang," ngiti naman ng babae, lumapit din ito sa akin at tumabi kay Patrick err—I mean Patricia.
"U-Uhm . . . Renae," nahihiya kong pagpapakilala.
Ugh. I mentally pulled my hair. I really sucked at introduction! I can feel that the room was filled by an awkward silence. Ngumiti ulit ako sa kanila. Okay, first time ninyo pa lang namang nagkakilala, sabi ko sa sarili ko. Baka sooner or later nakakapag-blend in na rin ako sa kanila. Right?
Tumikhim ang isang babae, may katandaan na ito at sa tingin ko'y isa sa mga administrative officer.
"Ano pang tinutunganga niyo r'yan? Magsikilos na kayo!"
Napaigtad ako sa kanyang turan. Masungit ang kanyang itsura, tipong mala-madrasta ang datingan. Naka-eyeglasses din ito at ang kanyang kilay ay tila kasing taas ng Mt. Everest ang pakakaguhit. Palihim akong napangiwi. Mukhang magiging muchacha talaga kami rito.
"Sorry po, miss!" pagpapaumanhin ni Pat.
"Oh ayang bago, turuan mo, Joanna. Hindi 'yong puro kayo daldalan," aniya at muling bumalik sa kan'yang ginagawa.
Napakunot ang noo ko, hindi nga kami ganoong nag-usap. Nakita ko naman na palihim ding nag-make face si Pat, tahimik naman itong tinawanan ni Jo. Napangiti ako sa kanilang dalawa.
"Pagpasensiyahan mo na 'yang si miss Mendoza. Matandang dalaga kasi, e! Puro sapot na yata kaya mainit ang ulo!" bulong ni Pat. Natawa si Jo sa sinabi ni Pat pero kaagad na tinakpan ang bibig.
"Buti nakatagal kayo?" I whispered back.
"Wala naman kaming choice."
"Ang iingay ni'yo para kayong mga bubuyog!" muli akong napaigtad nang sumigaw si miss Mendoza. Nakakagulat naman siya!
"Sorry po ulit!" kaming tatlo.
Napabuntong hininga ako, kung may kaya lang kami, e. Ang malas ko naman at dito pa ako in-assign! Makakatagal kaya ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top